The following scenes where based on the author's own experiences. This story is not meant to be copyrighted.

"Kami ni crush"

Bilang teenager, isa sa mga magandang bagay ang pagkakaroon ng crush. Ginagawa ka nitong inspired na gawin ang mga bagay bagay. Kung magkaklase kayo ni crush, gumagawa ka ng paraan para mapansin ka niya. Pwedeng tuwing recitation, palagi kang nagtataas ng kamay para maisip niya na matalino kang tao, naglilinis ng classroom para maisip niya na masipag kang tao, nagpapakabait sa harap ng mga magulang mo pag may meeting para maisip niyang magalang kang bata, gumagawa ng mga assignment at nagpapasa ng project on time para maisip niyang responsible kang nilalang, kahit na nasa isip mo ay "shit, kailan ba ako mapapansin ng crush ko?". Well tulad ng naikwento ko sa kwentong "Umamin na ako, sa wakas", kinuwento ko kung pano ako umamin sa crush ko, kay alyas Rush. Pero hindi lang yun dun nagtatapos, dahil base nga sa title ng storyang ito, naging kami ng crush ko. Legit tong pangyayaring ito promise.

Katatapos lang ng exam naming noon at magsesecond semester na. Pumunta kaming school para as usual, magkwentuhan at mag gala (wala na kasi kaming ginagawa non). Nung mag gagabi na mga 5:30 na ng hapon, tumambay nalang kami sa computer lab at nag internet as usual. Ako, ang best friend ko, at siya nalang ang magkasama non. Nagtitingin kami non ng mga 'low cost' cosplay sa internet at tinatawanan ang mga ito. Nung may biglang may ginawa yung best friend ko, tinanong ko si alyas Rush (yung crush ko), "bes, nagkagirlfriend o boyfriend ka na ba?", "hmm, oo kung tatawagin mong relasyon yon" sagot niya, "sino siya?" tanong ko sa kanya, "Lawrencio aka Lawlaw" (tawagin natin siya sa alyas na Lawrencio) so ahh, boyfriend pala, "bat kayo nagbreak?" tanong ko sa kanya, "may mga bagay kasi na ayaw ko na ginagawa niya eee, may mga parusa kasi siyang ginagawa pag hindi ako sumusunod sa kanya" (kung hindi ninyo alam ang 'yaoi', hindi niyo magegets ang sinabi niya na yan), "pano pala naging kayo?" tanong ko ulit sa kanya, "tinanong lang niya ako kung pwedeng maging kami tapos yun, pag tinatanong kasi ako kung 'pwedeng maging tayo', hindi kasi ako nakakahindi eee" sagot niya. So ayun na nga at nakahanap ako ng butas at nagpaka hokage, tinanong ko siya, "so pwedeng tayo nalang?", napangiti siya at hindi nakapag salita, tinanong ko ulit siya "tayo nalang?", hindi pa rin siya nagsasalita, nakangiti lang at sa ikatlong tanong ko ng "tayo nalang?", ang sagot niya "oo na" ng nakangiti.

Lesson learned, minsan talaga dapat mong pairalin ang pagka hokage mo para makuha mo ang isang bagay. Sa isang iglap, kami na agad ni crush. Hindi man kayo ganon kaswerte tulad ng nangyari sa akin, (hahaha joke peace tayo), makakahanap din kayo ng crush na kasing engot ng crush ko.