Kabanata II
Wasak na pinto
Isang umaga sa bayan ng Konoha, maagang gumising ang mga may-ari ng mga tindahan pati na rin ang ibang pang ahensya sapagkat bumalik na muli sa normal ang kanilang mga buhay. Natapos ng gawin ang mga nasira sa bayan at naibalik na rin ang sigla at saya sa nasabing bayan. Ngunit hindi pa rin tapos o naguumpisa na ang isang problemang akala ng ating bida ay hinding-hindi mangyayari sa kanya.
BANG!
BANG!
BANG!
"Oo na… andyan na!" sigaw ng naalipungatang si Naruto.
BANG!
BANG!
BANG!
"Sabi nang teka lang eh!" wika nito habang inaalis ang antok sa mga mata.
Nang kanyang buksan ang pinto, agad niya muli itong isinara at sumadal sa pinto; balisa, pinagpapawisan ang malagkit, mabilis ang tibok ng puso at malalim ang paghinga.
"NARUTO, MAGANGDANG UMAGA!"
"NARUTO, DATE TAYO!"
"KYAA… ANG GWAPO MO!"
Ilan ito sa mga sigaw na narinig nito bago niya inabala ang sarili sa pag-iisip ng paraan upang makalabas ng apartment; tumingin sa orasan at napamura dahil napagtanto nyang mahuhuli siya sa pulong sa Hokage, mahalaga pa naman ito dahil ngayong araw bilang pagkilala sa kanyang mga nagawa para sa bayan ay itataas sya sa antas na Jounin at itatalagang ANBU Captain.
Hokage tower
BANG!
Isang malakas na tunog ang umalingaw-ngaw sa opisina ng butihing Hokage.
"NASAAN SI NARUTO!" sigaw ng galit na si Tsunade.
Pawang katahimikan ang namayani sa nasabing lugar, nang walang nagsalita pawawalan na sana ni Tsunade ang isang malutong na salitang ikaiiyak ng mga guardian angels ang biglang…
"MASTER HOKAGE!" sigaw ng isang ANBU na sinabayan ng biglaang pagbukas ng pinto. Nagulantang ang lahat dahil sa itsura nito ay aakalain mong sisiklab nanaman ang isang giyera.
"Anong nagyari at humahangos ka?" tanong ni Tsunade.
"Nanganganib po si Uzumaki Naruto!"
"ANO!" bulalas ng lahat.
"Ang Akatsuki ba?" si Sakura
"Nabuhay si Oro?" si Kiba
"May naningil na bumbay?" si Sai
Nilingon ng lahat si Sai at tinitigan na parang bang sinasabing 'okay ka lang?'
"Naalarma kami dahil sa biglaang paglabas ng maraming bunshin ni Naruto, ng aming tanungin ay…"
Flashback
"Kage bunshin technique times two times two!" at naglabasan ang maraming clone ni Naruto sa bintana na ikinagulat at ikinasiya ng mga loka-loka sa ibaba.
"KYAA! Si Naruto nabulin natin…"
"Tantanan nyo ko!" bulalas ni Naruto habang lumulukso sa bubong.
"Date muna tayo" tawag ng ilang mga kababaihan at mga binabae.
"Nek nek nyo!" sagot ng tarantang binata.
Isang ANBU ang lumapit kay Naruto at nagwikang.
"Naruto anong problema bakit ka tumatakas! Siguro nanilip ka nanaman noh?"
"Ulol hindi ako si tandang mahilig!" sadaling naging maalam ang mukha nito at nagpatuloy sa pagpapaliwanag, pero para mas madali tumuro na lang ito pababa at agad naunawaan ang kanyang dilema.
"Aliwin mo muna sila at sasabihin ko ito kay Master Hokage"
"Salamat at bilisan mo"
End flashback
"Iyon po ang nangyari"
Muli namayani ang katahimikan; nagisip si Tsunade ng malalim at makaraan'y nagutos.
"Tumawag kayo ng mga ANBU at pakalmahin nyo ang mga kababaihan ng Konoha" lumingon kila Kakashi "Isama mo sila Neji at Tenten at dalhin nyo dito si Naruto" wika nito.
"Ah… Master Tsunade" panimula ni Sakura.
"Bakit Sakura?"
"Tingin ko si Shikamaru at Kiba na lang ang dapat isama nyo"
"Anong gusto mong sabihin?"
"Kung si Neji ang isasama nyo mas lalong magwawala ang mga kababaihan baka hindi lang si Naruto ang iligtas natin at kung mangyari yon si Tenten naman ang magwawala dahil…" lumingon kay Tenten na sa kasalukuyan ang nakadikit kay Neji "Mag kasintahan ang dalawa" lingon ang lahat sa magsing-irog, hindi makapaniwalang may relasyon na pala ang dalawa.
"O sige Shikamaru at Kiba sumama kayo kay Kakashi"
"Opo" at naglaho ang tatlo upang iligtas ang newly realized heartthrob.
Hapon na nangkumalma ang mga kababaihan at nailigtas si Naruto sa tiyak na pagkayurak ng kanyang pagkalalaki ngunit hindi pa rin siya makakauwi dahil.
"O HINDI!" sigaw ni Naruto sabay luhod sa sahig animo'y nawala sa balat ng lupa ang lahat ng Ramen.
"Pasensya ka na kailangan atang makitira ka muna kay Kakashi habang inaayos ang nasira sa apartment mo" paliwanag si Tsunade.
"Bakit, ano bang nasira kay Naruto?" tanong ng kapapasok pa lang na si Sai.
"Wasak?... nawasak?... a-ang… ang aking…" panaghoy na kawawang bida.
"Ang ano?" wika ni Sai.
"ANG NAG-IISANG DIPENSA NG AKING PAMAMAHAY!"
"Ang ano nga, sisipain na kita eh!"
"NAWASAK ANG PINTO KOH… HO…HO…!"
Natulala na lang si Sai at pinagmasdan ang nananaghoy na teammate.
