Chapter 4

Haring Enos at Ang Malaking Pagbabago


Makalipas ang dalawang linggo ng mamatay ang ama ng bagong hari na si Enos. Marami na ang pagbabagong nangyari sa Sapiro katulad ng pagpapa-alis ni Enos sa mapapangasawa sana ng namayapang si Haring Adolfo na si Clotilda.

"Huwag ka ng malungkot Clotilda…Pambihira naman ang Enos na iyun, matapos ang pagkakamatay mapapangasawa mo sana na si Haring Adolfo, basta-basta ka na lamang pinaalis ng kastilyo. Ang ipinagtataka ko anak, paano naubos ang dugo ng hari ng mamatay siya, hindi kaya may kinalaman ang Enos na yun?"


Binago niya ang iba sa mga opisyal at higit sa lahat binago niya ang batas ng Sapiro…May kumontra pero hindi nila ito ipinahahalata sa hari. Isang araw,,

"Ilabas lahat ng mga kriminal!" wika ng kapitan

"Malaya na po ba kami?" wika ng isang kriminal at nakita nila si Haring Enos "Maraming Salamat, mahal na Hari!" nagpasalamat sila at yumakap sa hari na nandidiri. Kaya inilabas niya ang kanyang espada at pinatay ang isa sa kanila.

"Mga kawal, patayin na silang lahat" wika ni Enos..ikinagulat ito ng mga kriminal kaya tumakbo sila. Pero may mga naabutan ang mga kawal at pinagpapatay.


"Ang galing mo Enos, pero hinay-hinay lang…"

"Nag-uumpisa pa lamang ako Lik,abangan mo ang susunod kong gagawin.." winika ni Enos at tumawa ng malakas, nakalimutan niya baka siya'y maaaring marinig..Narinig siya…ni Flora pero hindi siya pumasok sa kwarto ng hari.

Flora's P.O.V.

Nag-aalala na ako sa kanya. Naalala ko noon ng mga bata pa kami, naglalaro kami kahit ako'y isang dama lamang. Naalala ko rin ng araw na iyon, ng iniligtas niya ako ng muntik akong mahulog sa bangin..Araw-araw, sobrang saya naming. Pero…simula ng mamatay ang kanyang Inang Reyna, nagbago na siya. Sana magbalik na siya, ang totoong Enos, ang totoong Enos na kilala ko..

End of Flora's P.O.V.