Chapter 4
Flashback
"Gandang hapon po Coach Saito. Ako po si Sakuragi Hanamichi. Pasensya na psa biglaang pagpunta sa inyong opisina. Ang totoo po nyan ay... Uhmm.. Nakakahiya man po pero nais po sanang i withdraw ang aking application form para sa team." Nahihyang sabi ni Sakuragi sa Coach.
"Ha? Bakit?" Wala ka bang balak sumali sa team?"
"Alam ko pong biglaan po ito pero may magandang dahilan ako kaya sana ay maintindihan nyo."
"Sabihin mo Sakuragi-kun, anong dahilan. Iwi withdraw ko kung katanggap-tanggap ang dahilan mo." Bagamat nagulat at dismayado nagawa pa rinyang kumalma.
"Ano...ano... nakalimutan ko na mayron pala akong check-up para sa likod ko... every three months yun. Nakalimutan kong magpa re schedule. Nakasabay kasi sa try-out ang check up at di ko na pwedeng iatras."
"Ganun ba? Kamusta ng pala likod mo...akala ko magaling na...masakit pa ba?"
"Ay hindi na Coach. Ang totoo nyan ay maayos na maayos na ang likod ko. Kaso ang gusto ng doktor ko na magkaroon ng check up every three months lalo na twing bago mag umpisa at matapos ang mga laro ko." Nakangiting paliwanag ni Sakuragi.
Nadako ang kaniyang paningin sa mga troping naka display sa tokador ng opisina. Wala sa sarili, ay marahan siyang tumayo upang malapitang mapagmasdan ang mga trophy at medalya.
Bakas sa mukha niya ang saya, kita sa kislap ng kaniyang mga mata ang pagnanais na maging bahagi ng mga iyon.
Napansin ito ng Coach kaya naman pinagbigyan ang pakiusap ng binata.
"Sakuragi-san, pinapayagan kitang mag skip para sa try-out ngayon."
"Talaga Coach...maraming maraming salamat...nyahahahah..."
"At oo nga pala, nabanggit sakin ng Dean na scholar at working student ka. Kung gayon, ipasa mo saking ang class at work schedule mo para maisaayos natin ang practice hours mo. Welcome to the Team, Sakuragi-san!" Taos pusong bati ng coach sa kanya at inabot ang kanyang kamay upang i congratulate ito.
Zzzzzzzzzzzzz
"Coach Mifune, tapos po ang introduction ng mga freshmen, may suggestion po ba kayo kung paano sila iti train." tawag ni Sagawara sa coach na malalin na nag-iisip.
"Oh, ganun ba, hatiin sila sa dalawang team. Maglalaro ang mga freshmen ngayon. Half court. Gusto kong makita ang kanilang husay. Wakashi-kun. Ikaw ang referee. Ang iba mag practice sa kabilang court. Okey freshmen pagkatapos nyong malaman kung anong team kayo,10 minutes warm up and then game. Maliwanag!
"Yes Coach!"
'Ngayong member na siya ng aming team, sigurado na walang kahirap hirap ang pagiging champion ngayong taon' wika ni Coach sa sarili.
Napansin ng mga regular member ang ngiti ng coach. Sa kanilang mga isip ay di nila alam ang plano at kung ano ang nasa isip ng kanilang Coach. Masasabing mabait ang kanilang Coach, ngunit napakabihira nilang masilayan na ngumiti ito, tulad ngayon.
"Sagawara-san! Wakashi-san. May isa pa pala tayong new team member. Pero sa monday pa siya magsisimula. Center." Pagkasabi nun ay nagpaalam na muna ang Coach sa kanila. Sa pahayag na iyon, di maiwasang magtaka at magkatinginan ng mga member.
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
"Well, you're in good shape Hana-chan. After 3 months balik ka sakin para bigyan kita ng bagong instructions sa bago mong exercise. Maganda na yung may regular check up ka at exercise. Para sa future mo yan."
Si Doctora Nagishima, 53yrs old. Ang specialist ni Sakuragi. Nakagawian na ng butihin doktora na tawagin itong Hana-chan dahil napalapit na siya sa binata at itinuring ito bilang anak.
Naging malapit ang dalawa simula ng makalabas ng rehab si Sakuragi. Siya ang naging specialist niya at regular na nag e eksamin sa kanya. Naging malapit ang doktora sa binata dahil sa kakulitan at pagiging masayahin katunayan ay libre ang check up niya sa binata simula nang malaman nito na ulilang lubos na ito.
Ngunit bilang kondisyon ay magpapatuloy ito sa pag aaral sa kolehiyo. Siya rin ang nagpayo sa binata na tanggapin ang scholarship na inaalok ng unibersidad. Ipinaliwanag niya na magandang oputunidad ito para sakanya at bukod pa roon at di na niya kaylangang magbyahe ng malayo upang magpa check up ng libre sa knya.
Bago matapos ang senior year ni Sakuragi sa high school, ay lumipat ang doktora sa Tokyo matapos pumanaw ang kaniyang asawa at nanirahan ito sa bahay ng kaniyang anak na lalaki at doon nagtrabaho.
Masasabing masuwerte si Sakuragi sapagkat bukod kay Youhei na kaniyang best friend, ay mayroon pa siyang isang mabuting kaibigan na initinuring niyang ina na nanihihingan niya ng ganun na lamang ang pagpapahalaga niya sa doktora.
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
"Welcome back to Japan Ryuichi. Kamusta ang biyahe mo." Pamungad na bati ni Mishiro Shinohara sa kaibigan.
Napansin niya na malaki ang ipinagbago ng kababata. Masasabi niyang mag tila tumangkad pa ito at mas bumatang tignan ito. Sa isang taon nilang di di pagpapakita, maraming pagbabago ang kapansin pansin sa kaibigan.
"Ayos naman Mishiro. Nakakapagod. Kamusta ka?" Si Asami. Magkatabi silang naupo ng likurang kotse. "Walang masyadong nagbago dito sa Japan."
"Ako ang nanibago sayo, Ryuichi. Napansin ko parang bumata kang tignan,hiyang ka sa America, hahha" pabiro ni Mishiro sa kaibigan. Nais niya sanang biruin ito kung mayroon ba itong lovelife, ngunit di na lamang niya binanggit dahil ayaw niyang masira ang mood ng kaibigan.
"So, saan tayo mamayang gabi. Yung bar na paborito mo, inayos ko na para sayo. Well, congrats!"
"Thanks, maaasaahan talaga kita" Ngiting sagot ni Asami sa matalik na kaibigan. Simula nang mangyari ang insedente nung nakaraang taon. Pinili niyang baguhin ang kaniyang buhay, maging malinis ang kanilang negosyo.
"Monday gusto kong pumunta ng Kanagawa, pwede mo ba akong samahan?"
"Sure. Okey ka na ba? I mean, alam mo na. Bilang matalik mong kaibigan, naiintindihan ko nararamdaman mo."
"Wag kang mag alala Mishiro, tanggap ko ganun kadali. Pero may isa pa akong pakay sa lugar na yun, may gusto akong hanapin." Sabay buntong hininga ng binata.
"Ok, pero bago ka pumunta doon gusto kong pag usapan muna natin ang tungkol sa mga plano mo dito sa Japan. Maraming nakabinbin business na dapat nating pagdesisyunan."
"Alam ko yan Mishiro. Di ko nakakalimutan at isa pa kaylangan ko rin puntahan si Uncle sa Kanagawa. Balita ko di pa pumayag ang anak niya hawakan ang isa sa mga negosyo niya."
"Wag kang mag aalala pag nalaman ni Shinichi-kun na nakabalik ka na. Di magdadalawang isip iyon. Alam mo naman kung gaano ka competitive ang taong yun. Nasa college pa kaya di pa niya kayang mag manage."
"Wala pa rin siyang pagbabago. Nakukuha lahat ng gusto ..."
"Which remind me of you. Hahaha." Pagpapatuloy nito sa pahayag ng kaibigan. "Susuduin kita mamayang 10pm sa condo mo...The Lodge tayo. :)"
