Ang De La Salle University ay isang prestihyosong unibersidad na kilalang kilala dahil sa kagalingan at kalidad ng pagtuturo ng mga guro at estudyante. Karamihan ng mga gusali ay puno ng estudyante maliban lang marahil sa Klinika dahil hindi naman maraming tao ang madalas na nagkakasakit araw araw.
Ngayon ay naiiba sa mga araw na iyon. Punong puno ng mga estudyante ang buong klinika at sa bawat araw ay parami pa ng parami ang ipinapasok ditto dahil sa dami ng mga nasusugatan. Pinaka maraming pasyente ay kabilang sa S21 dahil sa dami ng trahedyang nagaganap sa loob ng teatro at hindi maikakaila na ang pinaka huling pagtatanghal ay nag iwan ng malaking impresyon sa mga manonood.
Gayun paman, naging matrabaho pa rin ang mga natitirang staff ng S21 para sa susunod na pagsasadulo ng "The Little Match Girl". Abalang abala ang lahat, lalo na ng ipamigay na ni grimchaos ang mga script para sa mga napiling tauhan.
"Ako ang gaganap na Little Match Girl?" tanong ni Louie sa kaharap.
"Huh? Oo, akala ko ba gusto mong maging bida para sa susunod na play? Ayan, ikaw na ang bida." Sagot ni grimchaos habang binabasa ang bagong isyu ng Claymore na manga.
"Oo nga, ako nga ang bida pero mas gusto ko sanang maging bidang bayani. Alam mo yun parang Prinsipe…"sagot pa uli ni Louie.
"Ganon? Kung yun pala ang gusto mong role edi sige. Ikaw ang gagawin kong prinsipe sa susunod. Makakalaban mo bilang Mangkukulam si Dior sa susunod na play."
Napanganga si Louie. Biglang naalala ang nangyaring trahedya noon nakaraang pagtatanghal kaya naman biglaang nagbago ang isip sa bagong ideya ng direktor, "Ahh… Hinde masaya na ko sa script ko.. ehehehe… Sige magbibihis na ko!!" at mabilis na tumakbo papuntang dressing room.
"Huh…. Akala ko baa yaw niya…."
Little Match Girl
Katulad ng dati, puno nanaman ng mga estudyante ang buong teatro ng La Salle. Mabilis kumalat ang balita tungkol sa mga pangyayaring nagaganap sa loob ng tanghalan ngunit sa halip na mawalan ng mga manonood, mas lalo pang dumarami kada araw.
Nakatayo sa "Narrtor's seat" si Vic. Binabasa ng paulit ulit ang kanyang mga linya habang bumubulong sa sarili. Maya maya pa'y Bumukas na ang mga kurtina na naghudyat sa pag uumpisa ng palabas.
"Huling araw na ng Buwan at magtatapos nanaman ang isang mahabang taon. Isang 12 taong gulang na batang babae ang lumalakad sa malamig na kalye at nagbebenta ng posporo", umpisa ni Vic. "Sa araw na ito, hindi pa siya nakakabenta maski isang kahon ng posporo at nangangamba siyang papaluin nanaman ng kanyang ama pagbalik sa kanilang bahay."
Pumasok sa gitna entablado si Louie, nakasuot ng butas butas na damit pang pulubi habang nakasuot ng mahabng wig at may dala dalang basket na puno ng kahon ng posporo.
Sa kanang bahagi naman pumasok si Mik at Jim at nag usap sa isa't isa.
"Bumili nap o kayo ng posporo…" paawang sabi ni Louie.
"Anu ba yan pulube…" panunuksong sabi ni Mik, halatang kinabisado ang nag iisang linya niya sa script.
"Eeeww… Halika na nga " aya ni Jim at sabay silang umalis sa kabilang gilid papuntang backstage.
Lumakad sa gitna si Louie at sinabi ang kanyang mga linya. "Uhuhu… kawawa naman ako, wala pa akong benta… Siguradong papaluin nanaman ako ni Itay…" Paiyak na sabi ni Louie.
"Ahh… ang lamig…. Magbubukas nga ako ng posporo…"Binuksan niya ang isang kahon at nagsindi ng posporo ngunit ito namatay… "Ahh… ayaw masindihan… at ang lamig lamig… huhu… Sana nandito ka ngayon sa tabi ko lola… Namimis na kita… uhuhu… sana isama mo na ko sa langit.." hagulgol ni Louie.
Marami sa awdyens ang naawa at mistulang napapaiyak sa galling ng arte ng bida.
"Ang galing umarte ni Louie grabe…",punto ni Mik mula sa backstage.
"Haha… ganyan talaga pag isa kang "total performer.." teka, tawagin mo na si Ainsley, malapit na yung parte niya." Tawag ni grimchaos.
Umalis si Mik at dalil daling hinanap ang nasabing aktor. Samantala, Patuloy ang kaganapan sa entablado. Ilang sandali pa ay nagkaroon ng usok na lumabas mula sa gilid ng entablado, usok na nagmula sa pinagsasama samang abo ng Chalk. Matapos, ay makikitang unti unting bumubukas ang isang maliit na kurtina sa gitna.
"Aaahh yan na yung lola niya…", maririnig na sabi mula sa ilang estudyante.
"Lola… lola ikaw ba… AACCKKK….."pasigaw na sabi ni Louie ng Makita kung sino ang taong lumabas sa gitna.
Lahat ng tao ay nagsitayuan, hindi makita ang misteryosong tao na napapalibutan ng makapal na usok. "Anu bay an ang kapal naman ng usok!" sigaw ng ilan sa mga manonood. "Tama na suspense!" sigaw naman ng iba.
"Hmm… naparami yata yung mga abo ng chalk na pinakuha ko…" tugon ni grimchaos, maya maya'y tumakbo si Mik papunta sa direktor, muntikan pang madapa.
"Direk!Teriblengpangyayari,siAins,walangmalay!!" dali daling bigkas ni Mik ngg hindi manlang humihinto.
"….Ano?? Eh sino yung lumalabas sa…. ", naputol ang sinasabi ni grimchaos ng marinig ang sigawan at tilian ng mga manonood.
"Ack…",ang tanging nasabi sa sarili.
Sa harap ng lahat makikita si…. Dior. Suot suot niya ang isang mahabang daster. "Kumusta ka aking apo… hehehe… nandito na ang iyong lolaaa…." Pakantang sabi ni dior habang unti unting lumalapit sa kanyang naturang apo.
"AAAhhhh… hindee.. hinde lola… ayoko po… huwaaagg…", tumakbo si Louie paalis ngunit naapakan niya ang isa sa mga kahon ng posporo kaya siya nadulas.
"Awww… kawawa naman ang apo ko… di bale isasama na kita sa langit! Hehehe..!! "sabay labas ng isang malaking kutsilyo sa likuran ng kanyang daster.
"UUwwwwaaaaaahhh… hinde ayoko pang mamatay!!!", naiiyak na sabi ni Louie, walang halong arte habang nagmamakaawa.
"Pero dib a sabi mo kanina gusto mong sumama sa kin?? Eto isasama na kita! Sa ending naman ng play, mamatay ka talaga di ba??? Eto na yun! Dapat sundin mo yung script.. hehehe….", at sinunggaban ng biglaan si Louie, kasabay nito ay ang pagbagsak ng kurtina at pagsara ng mga ilaw.
Kadiliman ang bumalot sa teatro at ang tanging maririnig ay ang kanta ng Happy Tree Friends… Gayunpaman Nagsipalakpakan pa rin ang mga awdyens. Nasiyahan pa rin sa kinalabasan ng palabas, kahit na ang ilan ay nagtataka sa kalabuan ng wakas.
Pagkatapos….
Lahat ng tauhan mula sa S21 ay matahimik na nakaupo sa loob ng G201. Hinihintay ang pasya ng kanilang pinuno.
"Hmm… anung naaalala mo Ains??" tanong ni grimchaos habang pabalik balik na naglalakad sa harapan ng black board.
Nakaupo sa gitna si ainsley, may benda sa kanyang noo. "Naaalala ko lumapit sakin si Dior habang binabasa ko yung script ko, sabi niya pinapapunta mo daw ako sa backstage. Pupunta na sana ako ng maalala kong nasa backstage na nga pala ako, pag lingon ko naramdaman ko na lang na may tumama sa ulo ko tapos ayun na…" paliwanag niya.
"Hmm… ganon…", patuloy ng direktor.
"Ahm.. Yung awdyens paniwalang paniwalang Ketchup lang ang lahat ng tumatalsik sa palabas natin…", dugtong ni Dessa.
"Talaga… Maganda yan. Mas mabuting yun na lang ang paniwalaan nila."
"Papano na…?"tanong naman ni Mik.
"Wag layo mag alala… Marami pa tayong stock ng ketchup. Kakusapin ko si Dior…. Teka nasaan na yung donut ko?"
"……." Tguon ng buong S21.
