Makita Kang Muli by Sugarfree
Nasa ibang mundo nanaman ang grupo na binubuo nila Mokona, Kurogane, Fai, Sakura at Syaoran. Malapit na silang matapos sa kanilang misyon para hanapin ang mga balahibo ng alaala ni Sakura.
Ang paligid ng mundong kinatatauan nila Sakura ay maganda. Nakatayo sila sa isang burol na puno ng mga bulaklak. Sa kasalukuyan gabi sa mundong nasabi kaya maraming mga alitaptap sa paligid.
Sabi ni Sakura, "Wow! Ang ganda naman dito…"
Ngumiti si Syaoran. May nalalala siya bigla noong makita niya ang mga alitaptap.
"Syaoran," tanong ni Sakura, "saan tayo pupunta?"
Silang dalawa ay nagpunta sa isang lumang hardin sa labas ng kaharian ng Clow. (Ito ung mundo dun sa isang alaala ni Sakura sa palabas… Mga banding Ep. 20+ un.) Dahil sa kadiliman, hindi malaman ni Sakura na napuntahan na niya dati ang hardin.
Umupo sila sa lapag at wika ni Syaoran, "Maghintay tayo sandali…" Naghintay sila.
Bawat sandali ng aking buhay
Pagmamahal mo ang aking taglay
San man mapadpad ng hangin
Hindi magbabago aking pagtingin
Pangako natin sa Maykapal
Na tayo lamang sa habang buhay
Maghintay
"Syaoran…" Sabi ni Sakura, "Sana lagi tayo magkasama. Kaya lang si Kuya…"
"Lagi naman tayong magkasama diba?" Tanong ni Syaoran at tinuro niya ang kanyang ulo. "Lagi tayong magkasama basta lagi mo akong iisipin…"
"Hindi ganun kadali un…"Kinuha ni Sakura ang kamay ni Syaoran. "Dahil nandito ka sa puso ko. Ako ay nalulungkot kapag wala ka sa tabi ko…"
Hinawakan ni Syaoran ang kamay ni Sakura at nilapit ito sa puso niya. "Wag mong kalimutan na ikaw ay nasa loob ng puso ko din. Dahil doon sa nararamdaman natin, lagi tayong magkasama." Hinalikan ni Syaoran sa ulo si Sakura. "Kahit na hindi mo ako nakikita, basta nasa loob ako ng puso mo at ikaw ay nasa loob ng puso ko, lagi tayong magkasama hanggang nabubuhay tayo."
"Ipaglalaban mo ba ako kay Kuya, kung sakasakali?"
"Oo. Pangako yan." Pagkasabi ni Syaoran sa mga katagang yun, lumabas ang mga alitaptap at tila'y sumasayaw sila hanggang lumilipad.
"Ang ganda…" Wika ni Sakura.
"Ito ang surpresa ko para sayo." Sabi ni Syaoran.
Niyakap ni Sakura si Syaoran. "Salamat!"
"Syaoran," Wika ni Kurogane, "Samahan mo ako. Tignan natin kung ligtas itong lugar na ito."
Biglang sinabi ni Syaoran, "Ano...? Ah… Sige." Tumingin siya kay Sakura, "Prinsesa, maiwan ka muna dito kasama ni Fai."
"Sige." Sabi ni Sakura.
Umalis sina Syaoran at Kurogane. Napapaligiran ng tubig ang burol. "Magugustuhan dito ng prinsesa."
Sabi ni Kurogane, "Ipaglaban mo siya. Ipaglaban mo ang mga alaala niyo."
Ipaglalaban ko ang ating pag-ibig
Maghintay ka lamang, Ako'y darating
Pagka't sa isang taong mahal mo ng buong puso
Lahat ay gagawin makita kang muli,
Makita kang muli
"Bakit mo naman nasabi yun?" Tanong ni Syaoran.
"Kasi mahal mo siya. Kung ma natitira pang pagmamahal para sayo sa puso niya, maghihintay siya para buksan mo uli ang puso niya." Sagot ni Kurogane.
"Pero si Yuko…"
"Kalimutan mo nga yung mangkukulam na yun! Gawin mo ang lahat. Hindi ka ba nasasaktan pag naiisip mo na nakalimutan ka niya? Na ikaw na lang ang nakakaalam ng mga alaala niyo?"
Napaisip si Syaoran dahil sa mga sinabi ni Kurogane sapagkat ito ay totoo. Mahal na mahal niya si Sakura kaya gagawin niya ang lahat para sa kanya.
Puso'y nagdurusa nangungulila
Iniisip ka 'pag nag-iisa
Inaalala mga sandali
Nang tayo ay magkapiling
Ikaw ang gabay sa aking tuwina
Ang aking ilaw sa gabing mapanglaw
Tanging ikaw
"Ganun naman pala eh." Sabi ni Kurogane, "Sa pananahimik mo, alam mo na totoo ang sinasabi ko. Ipaglaban mo siya. Ipangako mo yan sakin."
Tinignan ni Syaoran si Kurogane. "Oo."
Ipaglalaban ko ang ating pag-ibig
Maghintay ka lamang, ako'y darating
Pagka't sa isang taong mahal mo ng buong puso
Lahat ay gagawin
Makita kang muli, makita kang muli
Makita kang muli
'Gusto kong makita kitang nakangiti… Ayaw kitang nakikitang malungkot dahil sa kulang-kulang na alaala… Wag kang mag-alala, babawiin ko lahat ng alaala mo… Sakura.' Wika ni Syaoran sa kanyang sarili.
TAPOS!
Author's Notes:
Inipon ko muna lahat ng Tagalog kong kwento para isang update na lang! Hehehe. Sana lang may magbasa…
Thank you sa lahat ng nagbasa!
Standard Disclaimer Apply.
