Normal POV
"Ayoko dyan!"
"Dali na Reiko-senpai." Sabi ni Akaya.
"Sinabing ayaw ko e! Ibang daanan na lang!"
"Eto lang ang may pinakamalapit na daan. Puri~" Sagot ni Niou, nag-nod si Yagyuu at sila Seiichi ay pinipilit pa din siyang tumawid.
"Basta ayoko! Uuwi na lang ako!"
"Reiko." Tawag sa kanya ni Seiichi na ayaw siyang pauwiin.
"Basta ayaw kong tumawid diyan!"
"Hindi ka pa din pala matapang." Napatingin si Reiko sa self-proclaimed tensai, lumpait siya dito at…
"Rei-chan!"
"Reiko-senpai!"
"Tarundoru!" Sinuntok ni Reiko si Marui sa mukha dahil nainis siya sa sinabi nito. Takot lang talaga si Reiko sa hanging bridge, feeling niya kasi mapuputol ito anytime at pwede silang mahulog sa bangin. Isa pang reason ay hindi siya maruonong lumangoy kaya kung mahuhulog sila e, lugi siya.
"Kala mo walang kinakatakutan. Tch." Inhale. Exhale. Pumunta si Reiko sa dulo ng tulay, napatingin sa kanya ang lahat ng regulars, tingin na 'Anong-gagawin-niya?' Samantalang nakahawak naman si Marui sa pisngi niya dahil namumula ito. Inhale. Exhale. Nag-sign of the cross. Inhale. Exhale. Shakes head.Tumawid si Reiko sa tulay. Well, natamaan kasi ang pride niya ng dahil sa sinabi ni Marui. Sumunod sa kanya ang mga regulars at ng makaalis sa tulay.
"Ayoko na!" Napaluhod si Reiko. Sa totoo lang nanginginig siya sa sobrang takot habang tumatawid sa tulay.
"Hahaha. Puri~" Binigyan siya ni Reiko ng death glare.
"Anong tinatawa-tawa mo diyan?"
"Hmmm… Si Marui lang pala ang makakapilit sayo sa pagtawid."
"Shut Up, Seiichi." Tumayo siya pero natumba dahil sa nanghihina pa din ang tuhod niya. Lumapit sa kanya si Marui at umupo sa harap niya.
"Sakay." Nakatingin lang sa kanya si Reiko. Ang kapal ng mukha mo. Hindi ako sasakay sa likod mo.Sabi niya sa sarili niya.
"Ayoko." Tumayo ulit siya pero ganun pa din ang nangyari.
"…." Tumingin sa mga regulars si Reiko.
"Sanada," tumingin sa kanya ito. "Pasan mo ko." Nag-sigh si Marui. Tumingin si Seiichi kay Sanada at nginitian ito.
"Fine." Lower his cap.Pinasan niya si Reiko at dumiretso na sa rest house nila Sanada.
Reikos' POV
Sa wakas! Nakarating din! Grabe. Ayoko talagang pumunta dito. Tch. Dahil ako ang nag-iisang babae, pinili nila na mag-isa lang ako sa kwarto.
"Hah? Ayokong mag-isa sa kwarto."
"Pero nag-iisa ka lang na babae." Sagot ni Yanagi sa akin.
"Kasama ko si Seiichi."
"Pero isa lang kama doon."
"Amp! E di si Bakaya na lang!"
"hah?" Gulat na sagot nila. Si Akaya naman ay napatingin sa akin.
"Ayoko senpai!" Sigaw nito.
"Pleaseeee!"
"Ayaw!" Aggh! Fine! Eh di mag-isa na lang ako.
"Agghh!"
"Ako na lang." Nagtaas ng kamay si Marui.
"Ayaw!"
"Sige." Sagot ni Seiichi.
"Seiichi!"
"Gusto mo ng may kasam diba?" Ngumiti siya. Nakakainis! Bakit ka ganyan sa akin lagi Seii-chan?
"Jeez!" Pumasok ako sa kwarto at ibinagsak ang mga gamit ko.
"O." Hinagis sa akin ni Marui ang isang bar ng chocolate at inayos niya ang mga gamit niya.
"Tch. Ano 'to?"
"Chocolate malamang."
"Fine." Nilapag ko ang chocolate sa kama at lumabas para mag-luto. Actually, 1am na kami nakarating at dahil gutom sila, kailangan ko magluto. Pumunta ako sa kusina at nagluto ng curry.
"Senpai!"
"Bakit?"
"Ano yan? Curry?"
"Oo. Gusto mong tikman?"
"Oo Senpai!" Smiles.
"Here." Binigay ko yung spoon sa kanya na may curry.
"Sugoi! Ang sarap Senpai."
"Thanks. Ah, maglagay ka na ng plates para makakain na."
"Eh? Si Yagyuu-senpai na lang."
"Sige." Pumayag si Yagyuu na pumunta lang sa kusina para uminom ng tubig. Naglagay siya ng plate at nilagyan ko naman sa cup yung curry.
"Tawagin mo na sila."
"Senpais kakain na!" Naunang umupo sa Akaya at gustong-gusto ng kumain.
"Itadakimasu!"
"Kayo ng bahala sa pag-iimis, matutulog na ko."
"Hindi ka ba kakain?" Tanong ni Jackal sa akin.
"Hindi, inaantok na kasi ako e." Pumasok na ko sa kwarto ko. Wait? Saan pala matutulog yung sugarfreak na 'yun? Aggh! Bahala siya basta wag siyang tatabi sa akin.
Normal POV
Nakatulog na si Reiko at ang iba ay inaasikaso naman ang paglilinis ng mga pinagkainan. Pumasok si Marui sa kwarto para matulog, lumapit siya kay Reiko at iniayos ang kumot nito. Binigyan naman siya ni Sanada ng Foam para hindi siya sa sahig matulog.
"Sweet dreams, Reiko."
