Disclaimer: hindi akin 'to
'blah' nagsasalita
'blah' thoughts
Bakit laging nakapikit si Fuji?
Chapter 3: Kaoru Kaidoh, Coach Ryuzaki
Kaoru Kaidoh
Seigaku regular, ala animal rights advocate sa bait sa mga hayop lalo na sa pusa, ka-alaskahan ni Momo, at kilala sa kanyang Boomerang snake technique at trade mark din nya ang lagi nyang pag- fsssssh na kala mo laging may singaw.
Coach Ryuzaki Sumire
Butihing coach ng Seigaku Tennis team, may apong patay na patay kay Ryoma aka Ochibi, maalalahanin pero wag ka daig pa nya sumabog na bulkan kung magalit lalo na kung sumosobra na ang kakulitan ni Kikumaru (hehe..)
Eto na samahan nyo muli ako sa ating pagtatanong kung bakit nga ba nakapikit si Fuji? But let's just hope na hindi rin madamay si Kaidoh sa init ng ulo ni Fuji at sino ba namang hindi kung ikaw ba naman pinag-uusapan ng hindi mo alam kung bakit…
Kaya sit back, relax and enjoy the show or in this case the fanfic
Yatta!
Isang umaga sa tennis court…
LAHAT KAYO 30 LAPS AROUND THE COURT NGAYON NA!
Ayan na nga ba sinasabi ko eh! Umagang-umaga mainit na agad ulo ni Kap, pano naman kasi etong si Momo mang-aasar tapos eto namang si Kaidoh papatulan ala na labo-labo na… eh alam naman nila na high na high pa yang si Captain Tezuka sa mga medication nya pagkagaling ng Germany.
At isa pang problema naki-sawsaw pa tong iba sa gulo kaya ayun marathon nanaman silang lahat
Momo: (habang tumatakbo) kasalan mo to Mamushi!
Kaidoh: anong kasalan ko ikaw tong ke aga-agang nang-aasar, kaya kasalanan mo 'to.
Taka: Tama na nga yan, gusto nyo bang damihan pa ni Captain ang laps nyo?
Kaya habang on going ang marathon ng ating mga bida punta naman tayo sa iba pa nating characters para interbyuhin, magsimula tayo kay Kuni-chan! Ay wag yun mainit ulo, si Kaidoh naman tumatakbo pa… lam ko na si Coach Ryuzaki na lang… asan na nga ba yun matandang hukluban na yon (lingon sa kanan, kaliwa, taas, baba).
Nang biglang…
Coach: Ehem…
Ako: parang may narinig ako!
Coach: Ehem… hem…
Ako: huh? (lingon sa likod) hehe kayo pop ala.
Coach: anung sinasabi mo kanina, sinong matandang hukluban?
Ako: umm… ala po kayo naman, wag na kayong magalit dadami wrinkles nyo nyan hehe…
Coach: that's what I thought, di ba ikaw yun nung isang araw pa nagtatanong kung…
Ako: bakit laging nakapikit si Fuji? Opo ako nga po yon, kaya nga lang kapag nagtatanong ako laging eksaktong dumadating si Fuji kaya yun naririnig nya yung mga sagot ng mga teammates nya which lead to Fuji wreaking havoc… hay!
Coach: kaya ngayon kami naman ang tatanungin mo?
Ako: opo! Di ba kayo nagtataka kung bakit ganun lagi mata ni Fuji? Huh… huh… huh… puppy eyes
Coach:kung sabagay bakit nga ba? Hindi…
Ako: wooohs, ang plastic!
Coach: (glare)
Ako: charing! Sige na coach sagutin nyo na tanong ko pleeeeaaaseeee!
Coach: (sigh) o sya-sya magtigil ka lang, ibang-iba kayong dalawa, kuya mo tahimik at seryoso samantalang ikaw makulit at hyper. Ano na nga ba nakalap mong mga sagot?
Ako: Uyy si coach curious, anyway si Momo napuwing daw , ryoma ininuman lang ako ng Ponta, si Eiji Malabo daw mata, si Inui natural na, Oishi mahilig magpapungay ng mata, si Taka paraan nya raw yun para hindi malaman ang sikreto o balak nya.
Coach: hmm … interesting well eto lang masasabi ko ganun ang mata ni Fuji dahil genetic na yun kung baga namana nya.
Ako: weeeeh! Pano nyo naman po nasabi?
Coach: ala ka bang sentido cumon? Lolo nya ganyan ang mata pati na rin daw yung great3x grandfather nya.
Ako: Eh! Bakit si Yuuta hindi naman ganun ang mga mata, si Yumiko dilat din?
Coach: malamang sya lang ang nakamana at baka kasi first born male child lang.
Ako: (huh?) ano yon DNAngel mala Daisuke Niwa at Dark Mousy!
Coach: Aha! Nanonood ka rin nun ha (sabay kinilig) ang gwapo ni Dark noh! (giggle)
Ako: (sweatdrop) anu ba yan ke tanda na gumagarutay pa oo nga po eh! Anywayz thanks po sa pagbibigay ng idea nyo.
Coach: anytime!
Hay! So that is Ryuzaki Sumire for you ang coach ng Seigaku Tennis Team, not only natin nalaman ang idea nya kung bakit laging nakapikit si Fuji, nalaman pa natin na naga-gwapuhan pa sya kay Dark Mousy.
(biglang sumulpot si Dark)
Dark: (sabay akbay) hay! Hirap talaga maging gwapo kahit kabilang anime kinikilig hay!
Ako: (twitching) kung ako sayo tanggalin mo yang kamay mo sakin!
Dark: Babe naman you know you love me?
Ako: (twitch, twitch) Anung you love me? Gusto mong hindi ka na makalipad mamili ka sa tatlo tatanggalin mo yang kamay mo at bumalik ka sa anime show na pinggalingan mo, mamatay o mamatay. Madali lang choices mo. Is it a deal o no deal
Dark: hehe… (aalisin ang kamay) No Deal (akabay ulit)
Ako: MANYAK KA!
BOOM! PAK! CRASH!
Ehem… so ituloy na natin ang pagtatanong ngayong nawala na ang character na taga kabilang anime pero swerte pa rin sya at hindi sya nakita ni coach pagnagkataon naku lam nyo na mangyayari. Minna-san ang susunod po ay si Kaoru Kaidoh at swerte naman po natin at tapos na sya sa kanyang daily marathon.
(karipas ng takbo kay Kaidoh)
Kaidoh: (kinalabit, lingon) huh? (alang nakita) …
Ako:ganun ba ko kaliit para hindi makita (kalabit ulit)
Kaidoh: (lingon) …
Ako:nuba hindi nya me makita (grrrrr, kalabit ulit)
Kaidoh: (kinikilabutan na) fsssshh… may nagpaparamdam ata sa 'kin
Ako: HOY! GANUN NA BA AKO KALIIT PARA HINDI MO MAKITA!
Kidoh: (yumuko) fsssh… ikaw lang pala akala ko kung sino
Ako: (smirk) kala mo multo noh! Hay Kaidoh hindi ko akalain na matatakutin ka pala. Hehe…
Kaidoh: shuuusss… hindi ah!
Ako: uuuuyy! Defensive matatakutin ka eh wag mo na i-deny…
Kaidoh: hindi nga sabi eh fssssh…
Ako: o sya hindi na kung hindi, o ikaw naman anong palagay mo kung bakit laging nakapikit si Fuji?
Kaidoh: fsssh… umm… bakit nga ba maski ako rin nagtataka umm…
Ako: lam mo para ka ring si Taka-san matagal mag-isip anon a? I haven't got all day.
Kaidoh: oo na geez so impatient fssssh… sa palagay ko eh… mabigat ang mata dahil palaging inaantok o ayan masaya ka na?
Ako: ayus na sagot yan ah! Orig ala akong masabe ala namang kwentang kausap itong taong toh!
Ay nako grabe na bo-bored na ko kaylan kaya matatapos ito… hay ala thrill asan kaya si Fuji kung keylan ko kailangan ng adventure yung as in habulan ang mahule lagot dahil kakain ka ng isang libong tennis balls curtsey of Fuji Syuusuke type of scene, asan na kaya sya kung keylan naman bored na bored na ko.
(Cue the song hinahanap-hanap kita)
Ako: (huh?) saan naman nanggaling yung theme song nay un? Paki off nga kung sino mang in-charge sa sound effects. So on to our next person umm…
Shurah: whahahahaha… bitinin ko muna kayo pero sa mga nagreview sa fanfic ko na bakit laging nakapikit si Fiji? Maraming salamat po at asahan nyo na gagawin ko po ang aking d best.
TENK YU BERIMATS FOR SUFFORTS! Wehehe…
