Chapter 4

Ru: Oy, Mitsui! Maganda pa ba sa tabing dagat?

Mitsui: Oo naman. Ang linis pa rin ng tubig doon. Nagpagawa pa nga si Sendoh ng kiosk doon para daw may matutuluyan pag gusto naming magpicnic doon.

Ru: Gusto kong pumunta doon, Mitsui.. Ipapasyal ko kasi itong si Senru.

Mitsui: Ipapasyal mo si Sendoh?

Ru: Sabi ko, ipapasyal ko si Senru. SENRU! S-E-N-R-U at hindi Sendoh.

Inis na sabi niya sa kaibigan.

Mitsui: Ah. Akala ko kasi Sendoh eh. Hahahah. Sige, pero huwag na muna ngayon kasi may work si Min-kun ko. Kung gusto mo sa Saturday para makasama kami. Baka mamaya ay bigla ka nalang magsuicide doon. Hahaha.

Inis na inirapan niya ito saka kinuha ang bata na naglalaro ng maliit na orange ball.

Ru: Sige. Gusto ko lang kasing pakawalan ang anak ko doon. Susundan ko lang ng mga mata ko habang takbo ng takbo sa paligid.

Biglang dumating si Sakuragi kasama ang asawang si Haruko at ang kaibigan nila na si Ayako.

Sakuragi: Anong pinag uusapan ninyo diyan?

Mitsui: Wala naman. Sabi kasi ni Rukawa ay gusto niyang pumunta sa tabing dagat sa sabado para ipasyal daw itong inaanak natin.

Ayako: Eh di sasama na rin kami para isang barkada tayo. Masaya iyon.

Tumango si Rukawa sa sinabi ni Ayako at saka humarap kay Sakuragi at kinaladkad ito palayo sa mga kaibigan.

Ru: Sakuragi,, nasaan na nga pala yung babaeng sinasabi mo? Hindi ba sabi mo ay sa bahay namin siya titira? Bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakikita?

Sakuragi: Ang alam ko ay doon siya nakatira sa isang bahay ni Sendoh sa may Kainan. Ang mabuti pa, ang tanungin mo tungkol dito ay si Hikoichi. Siya yata ang may alam.

Ang driver nilang si Hikoichi ang agad na hinanap niya pagkauwi niya ng bahay. Wala si Akira dahil pumasok ito sa trabaho.

Ru: Hikoichi, may alam ka bang binebentang bahay doon sa Kainan? Para kasing gusto ko rin mag invest ng bahay doon eh.

Hikoichi: Ano ka ba, Sir Kaede. At bakit ka pa bibili samantalang may bahay na si Sir Akira doon.

Ru: Ha? Talaga?

Hikoichi: Oo. Kaya hindi mo na kailangang bumili ng bahay doon. Makipag ayos ka nalang kasi kay Sir Akira para may house and lot ka na. Tayo tayo nalang kasi ang magkakasama sa bahay tapos hindi pa kayo nag uusap na dalawa. Nakakalungkot kaya yun.

Ru: Mahirap ng mangyari iyon, Hikoichi. Masyado ng komplikado ang lahat.

Napatingin si Hikoichi kay Senru.

Hikoichi: Alam mo Sir Kaede, ang cute ng anak mo. Kamukhang kamukha mo siya.

Ru: Salamat.

Hikoichi: Teka, diba kaibigan mo naman din si Sir Fujima Kenji ng Shoyo? Yung boyfriend niyang si Sir Maki Shinichi, taga Kainan yon. Si Sir Maki at Sir Akira, magkaibigan din sila at alam ko malapit lang yata yung bahay ni Sir Maki sa biniling bahay ni Sir Akira doon sa Kainan. Kung gusto mo ay kausapin mo nalang din ang kaibigan mong si Fujima baka sakaling matulungan ka niya sa paghahanap doon ng bahay.

….

Sen: Sinabi mo ba kay Kaede na may bahay na ako doon?

Tanong niya kay Hikoichi ng dumating ito mula sa trabaho. Inireport kasi nito sa kanya ang naging pag uusap nila ni Rukawa.

Hikoichi: Oo. Pero nagpupumilit pa rin siya. Baka bibili na sila ng bahay doon ng babae niya para magsama sama na silang tatlo.

Sen: bakit doon pa? Parang unti unti niya akong pinapatay?

Hikoichi: Ang sabi niya sa akin ay may kasalanan ka raw sa kanya at ikaw daw ang nagtulak sa kanya kaya siya umalis dito sa bahay ninyo.

Sen: Ang alam ko lang na hindi namin pinagkasunduan ay ang umalis na kami dito sa Ryonan dahil naaapektuhan na siya sa usap usapan na pera lang ang habol niya sa akin kaya niya ako pinakasalan.

Hikoichi: Kung iyon lang ang dahilan ay hindi siguro magiging ganyan kalaki ang galit ni Sir Kaede sayo. Sobrang laki ng nakita kong dahilan sa mga mukha niya kanina habang kausap ko siya eh.

Sen: Wala na akong ibang maisip, Hikoichi.

Hikoichi: I think, may ibang dahilan.

Sen: Ano kaya yon?

Hikoichi: Iyan ang dapat mong alamin. Baka may natuklasan siya tungkol sayo kaya ka siguro iniwanan.

…..

Fujima: Halika sa loob, Rukawa.. Ito ang magiging bahay namin ni Shinichi once na makasal na kami.

Proud na sabi ni Fujima habang ipinapakita sa kanya ang structure ng bahay. Kulay green ito at modern ang disenyo ng bahay. Malalaking tiles ang ginamit dito at monochromatic ang style ng pagpe-paint na ginawa.

Ru: You mean, ganito din ang biniling bahay ni Akira?

Fujima: Oo. Kulay blue nga ang bahay na binili niya. Kakulay ng jersey nila dati noon sa Ryonan. Si Shinichi nga, dapat violet ang bibilhing bahay namin kaya lang nga ayaw ko ng violet. Sabi ko green nalang parang kakulay din ng jersey namin sa Shoyo noon. Swerte ka nga kasi may bahay na rin dito si Akira tapos may bahay pa kayo sa Ryonan at apartment sa Shohoku.

Ru: Huwag mo na ngang mabanggit banggit yan. Naiinis lang ako. Baka mamaya, kaya pala siya bumili ng bahay dito ay dahil baka may balak siyang patirahin sa bahay niya.

Fujima: Actually, sa ngayon ay may ibang taong nakatira sa kanyang bahay diyan. Isang mag ina.

Kunwari ay hindi siya nagpahalata pero parang may kumirot sa dibdib niya pagkarinig ang sinabi ni Fujima.

Ru: Talaga? Sinong mag ina?

Fujima: Hmm.. Honestly Rukawa,, hindi ko din kilala. Wala naman kasing nababanggit si Sendoh samin tungkol dito.

Ru: It's okay. Saan ba ang bahay ni Akira? Pwede bang tingnan ko yon?

Fujima: Oo naman. Tara, sasamahan kita. You have the rights, Rukawa..

Ru: Oh. May karapatan ba talaga ako?

Fujima: Oo naman. Asawa ka niya kaya ganon. Ang alam ko, kumpleto na yon ng gamit. Alam mo naman si Sendoh, very homebody. Katukin natin diyan yung babaeng nakatira.

Pigil ang emosyon ng lumabas silang dalawa ni Fujima at lumipat sa katabing bahay. Agad na nagdoor bell si Fujima at lumabas mula sa pinto ang isang babaeng kulot ang buhok at may nunal sa kaliwang mata. Ito yung babaeng kayakap ni Sendoh sa pagtulog ng gabing iyon kaya siya naglayas.

Bumigat ang pakiramdam niya ng makita ang babae. Bakit nagagawa pa ni Sendoh na itago sa mga kaibigan niya ang kasalanan nito sa kanya gayong naririto at nakatira na sa bahay nito ang babaeng ito?

Melissa: Good afternoon. Sino sila?

Hindi man lang nagulat ang babae ng makita siya. Ibig sabihin ay wala itong alam na may asawa na si Akira.

Fujima: Hi. Ako nga pala si Fujima Kenji. Magiging kapitbahay na ninyo kami ng fiancé kong si Maki Shinichi. Mga kaibigan kami ni Sendoh. Gusto sana naming silipin ang bahay niya.

Melissa: Ah. Sige tuloy kayo. Ako nga pala si Melissa. Sandali lang ha? Nasa itaas kasi si Akira at nagpapahinga.

Fujima: Ha? Andito siya?

Bahagya namang napataas ang kilay ni Rukawa pagkarinig sa pangalan ng asawa niya.

'So? Akira na rin pala ang tawag niya sa asawa ko at hindi Sendoh. Malamang na may malalim na talaga silang ugnayan.'

Melissa: Madalas siyang umuuwi dito pag ganitong oras. Dito na siya nagrerest at naglalunch. Sandali lang ha?

"Mama.." tinig ng isang batang lalaki iyon na tumawg ng kanyang pansin. Karga ito ng isang babae na sa tingin niya ay yaya ng bata at parang humahabol sa ina.

Melissa: Sandali lang baby. Tatawagin ko lang si daddy.

Fujima: Daddy?!

Ngulat pa ito at tumingin kay Rukawa. Hinanapan kaagad niya ng katangian ang bata na pwedeng ihambing kay Akira pero wala siyang nakitang trace na may hawig ito sa asawa niya. Biglang sumama ang pakiramdam niya. So, totoo pala ang tsismis na may ibinabahay na si Akira dito sa Kainan? Parang hindi na niya gustong hintayin pa ang pagbaba ni Sendoh. Pero mabubuko naman siya na nasasaktan siya kung hindi niya ito haharapin.

Fujima: Bakit kaya nandidito si Sendoh?

Ru: Baka naman sila na.

Kunwari any nagbiro siya at ngumiti pa kay Fujima.

Fujima: Ano ka ba,, hindi gagawin ni Akira iyon. Kilala natin siya.

Ilang saglit pa ay bumaba na si Sendoh, kaakbay ang babae. Ni hindi ito nagulat ng makita siya at hindi rin nito inalis ang mga kamay sa pagkakaakbay sa babae.

Melissa: Sige, aakyat na muna kami sa taas.

Hinintay pa ni Sendoh na mawala sina Melissa sa tingin niya bago ito nagsalita.

Sen: Anong satin, Fujima? Buti napasyal ka?

Fujima: Wala naman. Gusto lang sana naming tignan ni Rukawa ang bahay mo. Kasi nagbabalak na rin siyang bumili ng bahay niya dito.

Sen: Talaga? Magiging magkapitbahay pa pala kami. Okay yun.

Sabi nito habang hindi naaalis ang pagkakangiti sa mga mukha.

Fujima: Weird.

Ru: Oo nga. Kung nakatagpo siguro ako ng matinu tinong lalaki ay baka hindi ko na kailanganing bumili pa ng panibagong bahay.

Fujima: Di bale, Rukawa. Ibibili mo naman yata ng bagong bahay ang babae mo.

Ru: Oo naman!

Melissa: Anong usapan iyan?!

Tinig iyon ng babae mula sa hagdan. At hindi pala tuluyang umakyat ang babae. Nakinig pa sa usapan. At parang may karapatan pang bumaba at tumabi sa asawa niya. Nakasimangot ito na tumabi at humawak sa mga braso ni Akira.

Gustong gusto niyang pandilatan ng mga mata ang babae para bigla nalang sana itong mangisay sa isang sulok. Gusto niyang ipamukha sa babaeng ito na siya ang may karapatan kay Sendoh dahil siya ang legal na asawa. Siya ang pinakasalan ni Akira.

Melissa: Anong usapan ito? Hindi yata maganda, Akira?

Sen: Sige na, Melissa. Huwag ka ng makialam dito. Umakyat ka na sa itaas ng wala ka ng naririnig. Susunod nalang ako.

Melissa: Baka inaaway ka nila. Nandidito lang ako.

'Pa-sweet pa sila ha? Parehong do-aho!'

Fujima: Siya pala ang babaeng pinatira mo dito.

Sen: oo nga.

Walang explanation at paglilinaw na sinabi ito kung bakit nandoon ang babaeng iyon. Marahan niyang itiniklop ang mga kamao. Sobrang nagagalit na siya kay Sendoh sa oras na iyon.

Sen: Akala ko ba ay titignan ninyo ang loob ng bahay? Bakit hindi pa kayo tumuloy?

Ru: Huwag na. Baka may matuklasan pa ako pag pumasok ako diyan.

Sen: Iyon na nga ang gusto ko eh. Ang matuklasan mo ang lahat para matapos na ang lahat at magkaroon na tayo ng kanya kanyang tahimik na buhay.

Ru: Hindi naman kita ginugulo ah!

Nasaktan siya sa nakita. Feeling niya ng mga oras na iyon ay sumabog ng lahat ang pagtitimpi niya.

Sen: Sa palagay mo ba ay hindi mo ako nagulo ngayon? Nakita ko na ang panloloko mo sakin, Kaede.

Ru: Look who's talking? Sana ay sinabi mo rin iyan sa sarili mo.

Sen: Kahit na kailan ay hindi kita niloko.

Hindi siya nagsalita pero isang suntok ang pinakawalan niya na agad na dumapo sa mukha ni Sendoh na naging dahilan ng pagkatumba nito.

Ru: Matagal ko ng gustong gawin ito. Kung nagkaroon man ako ng anak, sinisiguro ko sayo na hindi ko sinira ang pangalan mo!

Pagkasabi niyon ay agad siyang lumabas ng bahay at nagtatakbo. Agad na humabol sa kanya ang nabiglang si Fujima.

Fujima: Teka lang, Rukawa. Hindi na ba kayo mag uusap?

Huminto siya at tiningnan ang humahangos na si Fujima.

Ru: Hindi na kailangan at wala na kaming dapat na pag usapan.

Pabalik na siya ngayon ng Shohoku district para doon muna mag stay kina Ayako dahil doon niya inihabilin muna si Senru habang papunta sila ni Fujima kanina sa Kainan district. Habang papunta na siya kina Ayako ay biglang tumulo ang luha niya. Sobrang nasaktan siya sa pambibintang ni Akira sa kanya. Hindi man lang ba ito nag isip at sana man lang ay nagkaroon ito ng doubt na baka anak rin nito si Senru? Ni hindi man lang nito naisip na baka nagpatulong siya sa isa pang kaibigan ni Fujima na si Hanagata para lang magpa MPREG sa tulong ng siyensya?

'You're such a do'aho, Akira! Baka! Baka!'

Ru: Alam mo Ayako, sana nga kinausap ko na siya once and for all. Para makaalis na kami ni Senru at magpakalayu layo na kaming dalawa ng anak ko kay Akira.

Pagkadating sa bahay nina Ayako ay agad siyang nagkwento sa babae ng tungkol sa nangyari kanina sa Kainan at matiyaga itong nakinig sa kanyang kwento.

Ayako: Sa tingin ko, hindi kayo magkakaroon ng paglilinaw sa isa't isa. Nararamdaman ko kasi na parang may itinatago kayong lihim sa inyong mga sarili. Kung ganoon nga, talagang hindi kayo magkakaunawaaan. Bakit kasi hindi kayo magkaroon ng heart to heart talk at ilabas ang lahat ng nasa loob ninyo?

Ru: Useless na yan, Ayako. Kitang kita naming dalawa ni Fujima yung babae niya doon sa bahay niya.

Ayako: Ganoon ba? Dapat nga talaga ay kinausap mo siya para na-clarify mo sa kanya kung sino ba talaga ang babaeng iyon? Malay mo tinutulungan lang niya iyon. Alam mo namang mabait ang asawa mo kaya kahit na sino ay tinutulungan niya.

Ru: Hmp! Basta ang nakita ko ay nakita ko. Meron bang tinutulungan na kung makadikit kay Akira, parang linta? Pero sobrang apektado ako noon ng kumalat ang tsismis na kaya lang daw ako nagpakasal kay Akira ay dahil sa yaman niya. At apektado na naman ako ng tsismis ngayon dahil sa iniisip nilang nagkaanak ako sa ibang babae.

Ayako: Eh bakit ka maaapektuhan eh iyan naman talaga ang totoo? Anak mo ang bata, yun nga lang, hindi mo siya anak sa isang babae.. Anak din ni Akira yan. Anak ninyong dalawa, hello?!

Ru: Oo nga pala. Ano nga ba ang dapat kong ikahiya? Wala na silang pakialam sa buhay ko.

Ayako: Yan ang tama. May karapatan ang bawat isa sa atin na magkaroon ng privacy at hindi natin obligasyon na magpaliwanag at maglinis ng mga kalat natin sa ating kapwa. Kung anuman ang naging pagkukulang natin sa ating mga sarili at sa ibang tao, it's between us and Kami-sama nalang at doon sa taong nagawan natin ng kasalanan. Yung mga nakikialam, huwag na nating pansinin.

Ru: Thanks for the advice, Ayako.

Ayako: No problem, basta ikaw. Teka, kukunin ko muna si Senru. Nandoon siya sa crib sa may kwarto ko.

Agad na umakyat si Ayako sa kanyang kwarto at kinuha ang naglalaro na si Senru sa may crib. Agad niya itong binuhat at bumaba ng hagdan.

Gumaan ang pakiramdam ni Rukawa ng makita niya si Senru na karga ni Ayako. Kaagad na nag-extend ang mga maliliit at chubby nitong mga kamay at pilit na umaabot sa kanya. Kaagad na sumalubong ang bata sa kanya at saka yumakap.

"D-dada. Dad-daddy.."

Inosenteng sabi nito at saka ngumiti ng maluwag. Nakikita niya sa anak ang mga ngiti ng kanyang asawa. Niyakap niya si Senru at agad na hinalikan sa pisngi at sa noo. Sa naging pagsasama nilang dalawa ni Sendoh ay si Senru nalang marahil ang masasabi niyang pinakamagandang nangyari sa kanyang buhay.

Ru: I love you, Senru.

"A-Ayt-tewu, daddy"

Nagulat siya ng biglang sinabi iyon ng anak. Muli niyang tiningnan ang bata at humaplos ang maliliit nitong mga kamay sa kanyang mukha at saka muling ngumiti. Parang naiintindihan ng bata ang nangyayari sa kanya at para bang gusto niitong pagaanin ang kanyang kalooban.

Nagsisisi siya sa masasakit na salitang binitiwan niya kay Rukawa. Hindi niya gustong sabihin iyon pero iyon lang ang paraan para maiparating dito ang kanyang sama ng loob sa pagkakaroon nito ng anak sa isang babae. Napasuntok siya sa dingding at humihingal na naupo sa sofa. Bakit kailangang mangyari ito sa kanilang dalawa ni Rukawa? Mahal nila ang isa't isa….dati. At hanggang ngayon ay wala siyang maisip na dahilan para mauwi sa ganito ang kanilang relasyon. Isa pa, kaytagal niyang niligawan noon si Rukawa. Saksi ang mga kaibigan niyang sina Mitsui kung papaano siya naghirap para lang makuha ang pagtitiwala ni Rukawa dahil marami na rin ang nagsasabi na isa itong walking ice prince ng Kanagawa at ilap sa mga tao. Tumagal ang kanilang relasyon bilang magboyfriend ng for almost 4 years hanggang sa nagdesisyon siyang pakasalan na si Kaede dahil sobrang mahal na mahal niya ito. Agad naman na sinoportahan ng kanyang mga magulang ang kanyang desisyon dahil nakita ng mga ito ang mga pagbabago sa kanya simula ng maging sila ni Rukawa. Kaya sa lahat ng paghihirap niya para lang mapunta sa kanya si Rukawa ay napakasakit na tanggapin na mauuwi lang pala sa hiwalayan ang lahat.

Pumikit siya at isinandal ang ulo sa sofa. Habang nakapikit ay inubos niya ang oras sa pag iisip ng nararapat niyang gawin.

….

7:11am

Ayako: Oy, Rukawa. May bisita ka. Yung mama ng asawa mo.

Ru: Ha? Bakit siya nandito?

Ayako: Gusto ka daw makausap. Nandiyan sa baba. Babain mo na at kausapin. Mapilit kasi.

Ru: Sige. Salamat.

Kinakabahan siya habang pababa ng hagdan at natanawan niya mula sa salas ang mama ni Akira. Ngumiti ang babae pagkakita sa kanya at agad siyang sinalubong ng yakap at halik.

Sen's Mom: Kaede, anak. Gusto sana kitang makausap. Yung tungkol sa inyong dalawa ni Akira.

Ru: A-ano pong pag uusapan natin tungkol sa kanya?

Sen's Mom: Ilang taon na ba ang anak mo, Kaede?

Nagulat siya sa unang tanong ng ginang.

Ru: Magdadalawang taon na po.

Sen's Mom: At magdadalawang taon ka na ring nawala sa Ryonan di ba?

Tumango siya at naikuyom ang mga palad.

Sen's Mom: Sa loob ba ng dalawang taon na iyon ay hindi ba sumagi sa isipan mo na bumalik kay Akira?

Hindi siya kaagad nakasagot pagkatapos ay umiling.

Sen's Mom: Bakit, anak?

Ru: May sarili po akong dahilan, ma.

Sen's Mom: Ano naman ang dahilan na iyon?

Ru: I'm sorry, ma. Pero hindi pa po ako handa na sabihin ang dahilan na iyon maging kay Akira.

Sen's Mom: Mahal mo pa ba ang anak ko?

Hindi siya kaagad nakasagot. Kung sumagot ba siya ng oo ay magkakarron ng solusyon ang problema niya? Walang dahilan para hindi siya magsabi ng totoo. Minabuti niyang maging tapat sa kanyang nararandaman.

Ru: Magsisinungaling po ako kung sasabihin ko sa inyong hindi ko na siya mahal.

Sen's Mom: Kung ganon, bakit naisipan mong makipagrelasyon sa iba at nagkaroon pa kayo ng anak?

Ru: May sarili rin po akong dahilan, ma. At sorry dahil hindi ko po kayang sabihin sa inyo ito ngayon.

Sen's Mom: Bilang mommy ni Akira at ikaw bilang anak ko na rin, gusto kong ayusin ninyong dalawa ang gusot sa pagitan ninyo.

Ru: Bago po iyon, sabihin ninyo muna sa anak ninyo na ayusin muna niya ang gusot na nilikha niya sa pagitan namin.

Sen's Mom: Anak, paano akong makakatulong niyan kung hindi ka magsasalita?

Ru: Sorry, ma. Pero kailangan pong si Akira ang dapat ninyong makausap tungkol sa mga bagay na iyan.

Nalungkot ang mukha ng ginang at parang hindi nasiyahan sa pag uusap nilang dalawa. At siya, medyo kinakabahan na rin siya sa mga pagtatanong nito sa kanya. Hindi kasi siya handa na sagutin ang iba pang mga katanungan nito.

Sen's Mom: May isang tanong nalang ako, Kaede. At sana ay masagot mo naman.

Ru: Sige po.

Sen's Mom: Nasaan ang mommy ng anak mo?

Nagulat si Rukawa at nanlaki ang mga mata. Hindi niya ineexpect na ito ang isusunod na tanong sa kanya ng mommy ni Akira. Isang tanong na hindi niya napaghandaan. Naguluhan siya. Nagpanic. Saglit lang nag isip ng sasabihin. Isang ligtas na kasagutan na magbibigay ng pruweba na hindi siya nagsisinungaling.

Ru: Basta ma, buhay pa po siya. At may koneksyon pa rin po kaming dalawa hanggang ngayon.

Sen's Mom: I see. Wala na akong gusto pang itanong. Sa tingin ko ay hindi ako makakatulong sa inyong dalawa ni Akira. Pero sana, anak. Mag usap naman kayong dalawa at ayusin ninyo ang mga sarili ninyo. Kung maghihiwalay man kayong dalawa, sana ay maging magkaibigan pa rin kayo.

Ru: Okay, ma.

Mabigat sa dibdib na sabi niya.

Sen's Mom: Sige, aalis na ako. Mag iingat ka ha?

Tumango siya at muli siyang niyakap at hinalikan ng ginang bago ito umalis ng bahay ni Ayako. Tinanaw pa niya ito hanggang sa makaalis ang kotse na siyang minamaneho ni Hikoichi.

Muli siyang natulala sa kawalan. Ni sa panaginip ay hindi niya pinangarap na mahiwalay sa asawa. Gusto niyang muling mahawakan si Akira at mahalikan. Gusto niyang makasama ito sa kanilang kama at tatabihan siya sa pagtulog at gusto niyang makita ang mukha nito once na magising siya tuwing umaga.

'Akira, hanggang dito nalang siguro tayong dalawa.'

Sen's Mom: Akira! Sendoh Akiraaaaa!

Agad na dumiretso ang mommy ni Akira sa bahay nito sa Ryonan at agad na pumasok sa loob. Nanggigigil itong umakyat sa itaas at binuksan ang kwarto ni Sendoh. Nakita niya ang anak na mahimbing na natutulog. Sa sobrang inis niya ay hinablot nito ang bed sheet at binalibag na naging dahilan para magpagulong gulong si Akira at malaglag sa kama. Hindi pa nasiyahan ang ginang kaya kinuha nito ang isang magazine sa bed side table at ini-roll at inihampas sa kawawang si Sendoh.

Wakk! Wakk! Wakk!

Sen: Aray, ma. Ano ba nasasaktan ako.

Nagpout siya pagkakita sa ina niya. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lamang itong sumugod sa bahay nila na galit. Groge pa siya dahil kagigising palang niya pero hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang paglaki ng butas ng mga ilong nito at ang pagkakadikit ng mga kilay nito. Muli siyang hinampas ng magazine na hawak nito.

Wakk! Wakk!

Sen's mom: Kung mahal mo talaga si Kaede, *wakk! Wakk!* pursue him! Kung sinasabi mo na ayaw mo siyang mawala, ibig sabihin ay tanggap mo ang nakaraan niya! *wakk! Wakk! Wakk!* Kung ganon, dapat ay gawin mo ang lahat para ma-win back mo siya!

Sen: Aray, ma. Tama na. Tama na. Ang dami mo ng hampas sa akin.

Binitiwan nito ang hawak na magazine at saka naupo sa kama bago siya pinandilatan ng mata.

Sen: Ma, hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

Sen's mom: Ligawan mo ulit ang asawa mo, Akira. Suyuin mo siya uli!

Humihingal na sabi ng ginang habang nanlalaki pa rin ang butas ng ilong nito.

Sen: Paano kung wala na pala akong babalikan? Paano kung pag aari na pala siya ng iba?

Sen's mom: Ano ka ba?! Ikaw ang original na may ari sa kanya! IKAW ANG ASAWA NIYA! Agawin mo siya sa kahit na sino mang poncio pilato ang karelasyon niya ngayon!

Sen: At kung hindi siya magpaagaw?

Sen's mom: Huwag ka ngang panghinaan ng loob, Akira. Alamin mo ang problema para malaman mo kung paano ito masosolusyunan. Paano kung ikaw pala ang tunay na ama ng anak niya? Anak, hindi na bago ang male pregnancy dito sa Japan.

Sen: Sana nga ay tama ang hinala ko.

Sen's mom: Paano kung nagsisinungaling lang pala sayo si Kaede?

Sen: Ma, papaano ba malalaman kung talagang anak mo ang isang bata?

Sen's mom: Simple lang. Pag nakita mo ang bata, magaan ang pakiramdam mo sa kanya. Malapit ang loob mo sa kanya at masaya sa pakiramdam pag tuwing makikita mo siya. Ikaw, nakarga mo na ba ang anak ni Kaede?

Sen: Hindi pa, ma. Ni hindi ko nga rin alam ang pangalan ng anak niya.

Nagulat siya ng bigla siyang pingutin sa tenga ng mommy niya.

Sen: Araaaaay.. Aray! Aray!

Sen's mom: Nakita mo na ang bata noong nandito sina Kaede noon tapos hindi mo man lang tinanong kung anong pangalan ng bata?! Ang tanga tanga mo talaga, Akira! Nakakainis ka talagaaaa!

Muli siyang pinaghahampas nito ng magazine at ng magsawa ay saka ito tumayo sa kanyang kama at binuksan ang pintuan ng kwarto niya.

Sen's mom: Hoy Akira! Ayusin ninyong dalawa ni Kaede yang problema ninyo kung ayaw ninyong pag umpugin ko kayong dalawa.

Pananakot pa nito sa kanya bago tuluyang lumabas ng kwarto at tinawag si Hikoichi para ipagdrive siya papunta sa mall para magpalamig. He sweatdrop.

Nanging palaisipan sa kanya ang sinabi ng nanay niya. Hindi na siya muling nakatulog at buong maghapon siyang nagkulong sa kwarto sa pag iisip ng nararapat niyang gawin. Pero naisip niya na tama ang kanyang ina. Paano nga kung hindi nagsasabi sa kanya ng totoo si Rukawa?

T.B.C

A/n: To all SenRu lovers, sorry guys kung nagiging korni na ang bawat eksena. Ito na yata ang pinakakorni sa lahat ng korni na nagawa kong istorya. Babawi na lang ako sa susunod. Hehehehe.