~~~CHAPTER 4~~~
"Kumusta na ang kalagayan ni Hii-sama?" tanong ni Kakitsubata sa mga nag-aalaga sa MSP.
"Nanghihina parin siya Kakitsubata-chan." Sagot nito sa kanya. Napatingin siya sa maputlang mukha na payapang nakapikit. Matanda na ang MSP, nanatili lang itong bata dahil sa longevity alice ng HSP. Pero sa loob ng katawan nito ay unti-unting itong narurupok at nawawalan ng lakas. Pati ang barrier na iniligay nito sa buong Hanahimeden at paaralan ay humihina narin, at alam niyang sa pagkakataong ito ay alam na ng ESP ang pagtulong ni Hii-sama sa mga batang nagrebelde laban sa ESP. Ano mang oras ay darating ang mga tauhan nito para magsimula ng gulo dito sa buong Hanahimeden, pero kailangan nilang protektahan ang MSP habang wala itong malay. Ngayon sila kailangan ng MSP.
"Matagal-tagal na rin akong nabubuhay sa mundong ito." naalala niyang sinabi ng MSP pagkatapos nitong ipinadala sa misyon ang dalawang dangerous ability member na sina Hayate at ang cute na bata na si Youchii.
Napatingin si Kakitsubata sa maliwanag na buwan sa langit. Sa lahat ng gabing nagdaan, kakaiba ang aura ng gabing ito. Nag-alala siya para sa kinabukasan ng buong paaralan.
"N-Nasaan ang MSP?" nagulat pa siya ng may magsalita sa likuran niya. Nalingunan niya si Principal Yukihira na nakasalampak sa sahig habang sapo-sapo ang dumudugong sugat nito sa tagiliran. Agad niya itong nilapitan at tinulungang makatayo para ibalik sa silid nito.
"Hindi ho kayo dapat na gumagalaw dahil sariwa pa ang sugat ninyo." Sabi niya ng mailagay na niya ito sa higaan nito. "Magdala kayo ng tubig at gamot dito dali!" utos niya sa mga kasama niya.
"Wala nang oras." Sabi nito na nagpumilit na tumayo. "Kailangang mapigilan ang ESP." Nagdedeliryo ba ito? Tanong ni Kakitsubata sa sarili.
"Huwag ho kayong tumayo."
"Nasaan ang MSP?"
"Walang malay ang MSP, at nanghihina na siya ngayon kaya hayaan muna natin siyang makapagpahinga."
"Dalhin niyo ako sa kanya." Ang tigas ng ulo ng taong ito. Wala siyang nagawa kaya dinala niya ito sa silid ng MSP. Agad itong lumapit sa nakaratay na principal at hinawakan ang kamay nito. Biglang nagmulat ng mata ang MSP.
"Hii-sama!" sambit niya. Agad na napatingin ang MSP kay principal Yukihira.
"Yukihira-san." Sabi nito sa mahina at malumanay na tinig. "Ano na naman ang kailangan mo at ginising mo ako sa pananahimik ko?" tanong nito na nakangiti sa HSP.
"Hindi ito ang tamang panahon para sa pananahimik mo Himemiya-san." Sabi ng HSP. Nag-init ang ulo ni Kakitsubata sa kawalan ng respeto nito sa pakikipag-usap nito sa MSP.
"Huwag kang magsalita ng ganyan kay Hii-sama!" sigaw niya rito. Pero hindi siya nito pinansin. Kaya nanggagalaiti siya sa galit.
Ngiti lang ang itinugon ng MSP.
"Nagkakagulo pa ang lahat Himemiya-san, kailangan kanila. Kapag bumigay ka ngayon, ang paaralang maiiwan mo ay magiging masalimuot at madilim."
"Huwag ka sabing magsalita ng ganyan na para bang mawawala na sa amin ang MSP!" galit na sigaw ni Kakitsubata rito. Binigyan siya ng masamang tingin ng HSP kaya natahimik siya.
"Paano ka nakakasiguro na matutulungan ko sila Yukihira-san? Ito ang gulo na pinasok ng pamangkin mo, alam kong kaya niya itong lusutan." Tumingin ito sa kisame bago nagpatuloy. "Isang interisanting bata si Mikan, katulad siya ng kapatid mo, si Izumi-san na puno ng liwanag at pagmamahal sa mga taong nakapaligid sa kanya. Ngunit alam kong katulad rin siya ng ina niyang si Yuka-san, isang matapang na babae. Pero…" Huminto ito sandali at gumuhit sa mukha nito ang lungkot at pagsisisi. Nanibago si Yukihira at Kakitsubata sa ipinakitang emosyon nito. "Sa kasamaang palad, nauna siyang bumigay keysa sa akin. Pambihirang babae, masyado pa siyang bata para bumigay." Nagulat sila pareho sa sinabi ng MSP. "Kawawang Yuka."
"A-ano ang ibig mong sabihin Himemiya-san?" gulat na tanong ni Yukihira.
"Masyado kang mahina pagdating sa pagsagap ng balita Yukihira-san. Kunsabagay, katulad ko ay nanghihina ka na rin." Sabi nito na marahang napahagikgik ngunit ang tawa nito ay unti-unting nawala. "Ikinalulungkot kong wala na si Yuka-san." Parang lumindol sa lugar na iyun pagkarinig ni Yukihira sa sinabi ni Himemiya. Hindi siya makapaniwalang wala na si Yuka.
"Mikan!" bigla niyang naalala si Mikan, ano na kaya ang nangyari sa batang iyun. Ano kaya ang nararamdaman ngayon ni Mikan. Siya nalang ang natitirang kamag-anak nito.
Napangiti ang MSP sa reaksiyon ng HSP.
"Yan ang dahilan kaya hindi ako nagdalawang isip na tumugon sa pagtawag mo sa akin sa kadiliman Yukihira-san." Nakangiting sabi ng MSP. "Hindi ko magawang baliwalain ang sitwasyon ng lahat. Lalong lalo na ang kinagigiliwan mong pamangkin." Huminto ito at tumingin ng tuwid sa HSP. "Ano ang inaasahan mong gagawin ko Yukihira-san? Bilisan mo lang at pagod na ako. Mas masarap ang buhay sa kabila Yukihira-san. "
"Hii-sama." Mahinang sambit ni Kakitsubata. Ano ba ang pinag-sasabi ni Hii-sama? Isa ba itong premonition na ito ay mawawala na sa kanila ng tuluyan?
"Ngayong wala na si Yuka, may ilang bagay ang nagbago. Pero kakailanganin ko ang tulong mo Himemiya-san, sa ibang paraan." Naaaliw ang MSP sa determinasyong nakikita niya sa mga mata ng HSP. Para bang kayang kaya nitong suungin ang masalimuot na bagyo.
~~~TO BE CONTINUED~~
