Accident in Love
Pairings: SenRu
A/N: Thank you guys sa lahat ng nagreview ng fic na ito, pati na rin sa mga silent readers (^_^).
This fic is dedicated to all SenRu lovers especially to Addicted to SD and JP2k14, ang ganda ng When In Osaka mo. You have a wonderful plot and idea. Keep it up.
Chapter 4
"Kapag ikinasal kami ni Kaede, gusto ko, ako ang lalaking pinakagwapo sa araw ng kasal namin. At ikaw ang kukunin kong best man syempre."
"Kasal na agad yang iniisip mo. Ni hindi mo nga alam kung may girlfriend na yon. Ano pa ang laban mo kung sakali."
"Hell no! Wala siyang girlfriend!" galit na react niya.
"O, papaano ka nakasisiguro, aber?" tila nanghahamon na tanong nito.
"Eh kasi, di pwedeng mangyari yon. I have a feeling na he's gay or bisexual. Anything but straight. Hmp!"
"Baka.."
"Grabe.. Namiss ko talaga etong spiky haired ko!" pang iiba niya ng topic.
"Imagine, nakatagal ako ng isang linggo without its spikes! Hahahaha." anya habang wala sa loob na naisuklay niya ang mga kamay sa kanyang nakataas na buhok.
"Oo nga." sang ayon nito. "Saka, mukha ka ng tao ulit. Thank heavens at hindi mo suot yung pekeng gilagid at nakausli mong ngipin saka yung pekeng bulutong mo. Naaalibadbaran ako sa tuwing nakikita kitang nakasuot ng ganon."
Napatawa siya sa sinabi ng kaibigan.
"Really? Kosh? Pangit ba talaga akong tignan sa lagay na yon?"
"Tinatanong pa ba yan, ha? Akira?! Sa tuwing nakasuot ka ng mga kolorete mong iyon sa mukha, sa totoo lang, gusto kitang ilibing ng buhay! Yung mga ganong pagmumukha ay di na pinapatagal dito sa mundong ibabaw."
"Napakasama mo talaga." kunwaring nasasaktan na sabi niya saka siya humalukipkip.
Hindi siya pinansin ni Koshino, sa halip ay kinuha nito ang inorder niyang drinks at saka uminom. Maya maya pa ay biglang nanlaki ang mga mata nito na animoy nakakita ng multo kasabay niyon ay ang biglang pamumutla ng mukha nito na parang suka.
"Ah...ah.." biglang nauutal na sabi ni Koshino. Tila naumid ang dila nito at di makapagsalita ng maayos.
"Oi, bakit? Napano ka?"
"Ah...Ah...um..k-kase..ah.."
"Seriously, napano ka ba? Inaatake ka pa sa puso? Do you have a heart disease, Hiroaki?"
"Ah..ah...eh..." nauumid pa rin ang dila nito pero may itinuturo ito sa kanyang likuran.
Agad siyang napatayo at tumingin sa kanyang likuran at nagulat siya at biglang nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakita. Si Rukawa, papalapit sa table nila.
'Patay! Mukhang narinig niya ang pinag uusapan namin ni Koshino. Patay akong bata ako. Sira na mga plano ko.'
But Rukawa shrugged his shoulders and gave him a shy smile. Sendoh found himself stupefied after he saw him smile.
Ngayon lang niya napagtanto na mas maganda pala ito sa malapitan. Although na magkasama sila sa bahay, pero ilag ito sa kanya, malamang ay natatakot sa itsura niya.
'He has blue eyes, just like mine. I think, we are really really really really compatible.'
"I-I'm sorry to disturbed you.." Rukawa bowed his head and suddenly he felt his cheeks burning.. "I-I thought you were.."
Sendoh plastered his wonderful smile and cut Rukawa's sentence.
"Aki?"
Rukawa just nodded his head.
'Indeed. You are really beautiful, my Kaede.'
"D-do you k-know him?" nauutal utal na pagtatanong ni Rukawa. Tila naalibadbaran ito sa katititig ni Sendoh. Parang matutunaw na siya ng mga sandaling yon.
"Yup. He's my cousin." Sendoh smiled again and he saw Rukawa blushing. "Ikaw siguro yung palagi niyang kinukwento sakin na ipapakilala raw niya sakin?"
Mabilis siyang nakahanap ng palusot matapos na malaman niyang di pala siya nakilala ni Rukawa.
"At totoo nga ang sinabi ng pinsan ko, maganda ka." dugtong pa niya.
"I'm not beautiful." sabay iwas ng tingin dahil nararamdaman na naman niya ang pag init ng kanyang mga pisngi.
'Now, it's Sendoh Akira's turn! Bwehehehe'
Nagdiwang ang kalooban niya. Sa nakikita niya kasi ay natutulala ito sa kanya na parang nahihiya. At natutuwa siya sa ipinapakitang reaksiyon nito lalo na pag nakikita niya ang pamumula ng mga pisngi ng lalaking matagal na niyang inaasam asam.
"Um.. Nasan nga pala yung...pinsan mo?" tanong nito sa kanya.
"Oh? Si Aki? Dapat kasama namin siya ni Hiroaki ngayon, kaso nakatulog sa bahay eh. Ginigising ko, kaya lang di magising." napakamot siya sa batok niya at pagkuway ngumiti ulit.
Parang nahihiyang tumango naman si Rukawa. Di maipagkakaila na kanina pa ito namumula. Kitang kita niya iyon kanina pa dahil kanina pa niya ito pinagmamasdan.
"Oh, by the way, I'm Sendoh Akira. You can call me Akira." he smiled then he stretch his hand.
'Really.. He doesn't get tired of smiling?' sabay tingin sa mga mata nito at napansin niya na magkaparehas pala sila ng kulay ng mata. Blue.
"Rukawa Kaede." at iniabot niya ang mga palad ni Sendoh upang makipagkamay.
Naramdaman niya ang marahang pagpisil ni Sendoh sa mga palad niya kung kaya di na naman niya maiwasan ang hindi mamula. Ikaw ba naman, kung may makipagshake hands sayong ubod ng gwapo at macho na katulad ni Sendoh ay di ka mamumula? Baka mamatay ka pa sa kilig.
Napansin niyang naghang ang mga kamay nila sa ere at waring walang balak si Sendoh na bitawan ang kanyang mga kamay.
"Ahem! Ubo-ubo.. Ubo- ubo.." kunwang nauubo si Koshino at nawala ang mga ngiti ni Akira. Tumingin ito sa kaibigan at saka pinandilatan ng mata bago muling ibinalik ang kanyang mga tingin sa mga mata ni Rukawa.
'Damn you, Koshino Hiroaki. Panira ka ng eksena.'
"Uhm.. Akira.. Y-Yung k-kamay ko." nahihiyang wika niya dahil naaasiwa siya sa kanina pang pagtitig nito sa kanya.
"Ha? Oh, sorry..I didn't mean to." habang nakangiti bago niya binitawan ang mga kamay nito.
"It's okay.. Alam mo, parang nagkita na tayo. Parang namumukhaan kita." biglang sabi ni Rukawa.
'Patay! Mukhang namukhaan niya ako na ako yung lalaking muntikan ng makabangga sa kanya at muntik ko ng hamunin ng away.'
"Ha?!" natatarantang tanong niya.
"Oo." at nagsimulang kumunot ang noo nito at waring nag iisip na parang may inaalala.
Halos hindi na humihinga si Sendoh sa kanyang kinatatayuan habang tinitignan si Rukawa na nag iisip.
"...Pero di ko na maalala kung saan tayo nagkita. Never mind." at umiling.
Sa sinabi ni Rukawa ay doon lang siya nakahinga ng maluwag.
'Hay, buti nalang at meron siyang amnesia hehehehe.'
"Uh.. I gotta go. My friends are waiting for me." akmang tatalikod na siya pero maagap siyang pinigilan ni Sendoh sa kanyang kaliwang siko.
"Wait. Uhm, pwede bang makuha yung phone number mo para pwede kitang matawagan at kung pwede sana kitang yayaing lumabas..Err.. If you don't mind." tila nahihiyang sabi pa nito.
Tumango si Rukawa at ibinigay niya ang calling card kay Sendoh.
"Thanks! And nice meeting you again, beautiful."
Rukawa felt his cheeks turning red again so he bowed his head then he left.
…...
"Oi Kaede, sino yon? Ang gwapo non ah!" untag sa kanya ni Mitsui habang papasok na sila ng kotse ni Rukawa. He can now see the smirked on his scarred-face.
"Siya na ba yung sinasabi mong pangit na katulong nyo? Aba, mapacheck up ka na nga mga mata mo, daig mo pa si Boy Labo ah, nyahahahaha!" nang aasar na wika naman ni Sakuragi.
Di pinansin ni Rukawa ang pang aalaska sa kanya ng may pulang buhok.
"Akala ko nga, yon ang bago naming katulong eh. Hindi pala."
"Eh sino pala yun? Matangkad siya ha? Baka player rin ng basketball?" tanong ni Kogure.
"Sendoh Akira daw pangalan niya, siya yung sinasabing pinsan ng katulong namin at mukha nga. Di ko naman kasi naalalang tanungin."
"What?! You mean, siya yong gwapong pinsan ng katulong ninyo?!" tanong ni Sakuragi habang tinatapik ang kanyang balikat.
"Kasasabi ko lang di ba? Maglinis ka nga ng tenga mo, Hanamichi!"
"Hmm...Akalain mong may pinsan palang artistahin yang katulong mong panget ha?"
"Whooaa whooaa! Congratulations Rukawa Kaede! May love life ka na!" nagsisigaw na sabi ni Miyagi sa backseat.
"Tumahimik nga kayo." nasabi niya habang nagmamaneho. Pero nag iisip siya ng malalim. Paulit ulit na bumabalik sa isipan niya ang palaging nakangiting mukha ni Akira at ang boses nitong mapang akit.
"Sendoh Akira..." bulong niya at uminit na naman ang kanyang mga pisngi.
…...
"Hoy, Koshino Hiroaki, suntukin mo nga ako, bilis... Yung malakas para malaman ko kung nananaginip ba ako o hindi. Dali na!"
Pinagbigyan siya ng kaibigan.
Binigyan siya nito ng isang straight upper cut sa mukha at muntikan na siyang mapasubsob sa kama.
"Aray! Bakit mo ko sinuntok?!" sita niya dito habang hinihimas himas ang mukhang nasaktan.
"Sira ulo ka pala eh. Sabi mo suntukin kita."
"Hmp! Anyway, totoo nga! Di nga ako nananaginip!" anya habang nagtatalon sa tuwa sa kanyang water bed.
"At alam mo ba, sinabi ko sa kanya noon na may ipapakilala ako sa kanya na pinsan kong ubod ng gwapo? I think, nagka second step na ako."
"O anong balak mo niyan? Pano kung mainlove sayo ng tuluyan yon? Paano mo pagsasabayin sina Akira at Aki?"
"Simple lang, pag hinanap niya si Aki, sasabihin kong umuwi na siya ng Tokyo."
"At maaatim mo bang lokohin yang Rukawa mo? Aba, di na tama yan, Akira."
Natigilan siya sa pagtalon at nag isip. May point ang hunghang na kaibigan niya.
"Hiroaki, hwag na muna nating problemahin yan. Saka na lang pag andyan na ako sa sitwasyon na kailangan ko ng mamroblema. For the meantime ay i-enjoy ko muna ang moments naming dalawa."
"Honesty is the best policy pa rin, Akira. Sana ay di ka magsisi sa ginagawa mong yan."
"Wala naman akong balak na lokohin siya eh. Talagang kelangan ko lang gawin to para mapalapit sa kanya. Mahal ko siya, Hiroaki." sabi ni Sendoh at kinuha niya ang phone niya para tawagan si Rukawa.
…...
"Ano?! Di ka papasok ng 2 linggo? Bakit?" sunod sunod na tanong ni Koshino sa kanya.
"Sabihin mo nalang na nagkasakit ako ng matindi. Please.. Gusto kong yayaing lumabas si Kaede nitong buong week na to para naman makilala niya ko ng maige. 'Ge na, Hiroaki, please?"
"At iiwanan mo akong magtrabaho na mag isa mansyon na yon? Ganon ba?"
"Oo. Sige naman na kasi.."
"Hay ewan ko sayo. Napakasutil mo talaga Akira!"
"So.. Pumapayag ka na?"
"May magagawa pa ba ako?"
"Yes! You are the best talaga!"
Napapailing nalang na sinundan niya ang nagtatalon na si Akira palabas ng bahay at sumakay ng kotse niya. Susunduin kasi nito si Rukawa sa Shohoku high at kakain daw sila sa labas.
…...
"Hey, beautiful." bati niya pagkakita niya kay Rukawa sa may gate.
"I'm not a girl."
"But you are indeed beautiful."
"Tss.."
"Nga pala, Kaede, di muna makakapasok sa inyo si Aki ng dalawang linggo siguro."
"Ha? Bakit daw?"
"Maysakit. Nilalagnat eh."
"So, kumusta naman na siya? Anong sabi ng doktor?"
"Di pa nga bumababa ang lagnat niya mula pa kagabi. Hwag kanag mag alala. Di pa naman matitigok ang pinsan kong yon. Sabi lang ng doktor ay kelangan na niya munang magpahinga."
"Ah, ganun ba? Sige, sasabihin ko nalang kina mommy na di muna siya makakapasok. Maiintindihan naman na nila yon."
"So, saan mo gustong pumunta?"
"Ewan ko. Ikaw nga ang nagyaya di ba?"
"Ops! Sorry, oo nga pala. Buti nalang at di ka nagdala ng kotse mo. Chance na siguro to para masundo kita at mai-date, eh?" sabay lingon nya sa binata.
"Hn." at nag iwas siya ng tingin. Feeling niya kasi ay pulang pula na naman ang kanyang mukha.
'Baka Akira.. Ano ba tong nangyayari sa akin?'
"Hey, you're blushing."
"Saan ba kasi tayo pupunta?" biglang tanong niya.
"Trying to change the subject, baby?" at nagwink pa ito sa kanya.
'Grrr.. Do'aho. Baka Akira.. Baka. Baka. Baka! And what he'd just call me? Baby?' Jeez!'
Andami daming naglalaro sa isip niya ng mga sandaling iyon. Biglang hindi siya mapakali sa tuwing nakikita o nagkakalapit sila ng lalaking nakataas ang buhok. Parang may something siyang nararamdaman na hindi naman niya maipaliwanag.
Di na namalayan ni Rukawa na nakapark na pala ang sasakyan ni Sendoh sa may isang amusement park. Napatingin siya sa binata.
"Ano pang hininintay mo diyan?" tanong nito sa kanya.
"Ano bang ginagawa natin dito?" balik tanong niya.
"Mag eenjoy. Masyado ka kasing seryoso eh. Once in a life man lang, bumalik tayo sa pagkabata. So, tara na?"
At wala na siyang nagawa ng biglang hawakan ni Sendoh ang kanyang mga kamay at hilahin siya papasok sa park.
…...
"Tara doon tayo sa roller coaster vanish.. Daliiiii." wika ni Sendoh habang tinuturo nito ang isang rides.
Agad silang pumila doon at umupo sa may bakanteng upuan. Marahang hinawakan ni Sendoh ang kamay ni Rukawa habang umaandar na ang rides. Napapitlag si Rukawa ng maramdamang para siyang kinuryente ng mga sandaling yon.
Ilang saglit pa ay naghihiyaw na si Sendoh na parang bata habang umaandar ng mabilis ang nasakyan nilang roller coaster.
"Whooooaa! I'm the king of the wooooorld!" humihiyaw na sabi nito habang nakataas pa ang dalawang kamay.
"So, talagang ginagaya mo pa si Jack sa Titanic?"
"Heh, kung ako si Jack, eh di ikaw naman si Rose. Para love team tayo di ba?"
"Do'aho!"
"Kunwari ka pa diyan, kinikilig ka naman eh. Aminin mo na."
Umismid lang si Rukawa pero deep inside ay talagang kinikilig na siya.
Marami pa silang sinakyan na rides. Halos mahilo hilo na rin sila at sumakit na ang kanilang mga paa dahil sa kalalakad nila kanina pa.
"Last na, Kaede.. Tara doon naman tayo." yaya ni Sendoh habang tinuturo nito ang isang photo booth.
"Ano namang gagawin natin diyan?"
"Eh di magpapapicture tayong dalawa."
"Ayoko.. Ikaw nalang hihintayin nalang kita dito sa labas."
"Hwag ka ng maarte. Tara na." sabi nito at hinila na siya sa loob.
Maliit lang ang space ng photo booth at hinila na ni Sendoh ang kurtina na pantabing para hindi sila makita sa labas. Agad na nagpipindot ang binata para pumili ng magandang background.
"O hayan, 3 shots lang ito. Dapat maganda ang kuha natin. Ang gagawin mo lang ay tumingin ka dito sa may lens tapos ngingiti ka tapo-."
Agad na pinindot ni Rukawa ang button.
Agad na nag appear ang picture nilang dalawa. Isang nakasimangot na Rukawa at isang Sendoh na medyo nakanguso dahil sa word na "tapo-"
"Hey! Bakit mo pinindot? Nagsasalita-"
Pinindot na naman ni Rukawa ang button. Talagang trip lang niyang asarin ang hedgehog na ito. Nag appear na na naman ang kuha nilang dalawa.
"Ayan.. Nakanguso ako kanina tapos ngayon naman nakanganga." nanghahaba ang ngusong sabi ni Sendoh.
Nagkibit balikat lang ang isa pagkatapos non ay marahan niyang nilapitan si Rukawa. Napaatras naman ito habang papalapit si Sendoh sa kanya. Sa kaaatras niya ay may nabangga siya.
"What the.."
Pagtingin niya ay wala na siyang maatrasan dahil nakadikit na ang mga likod niya sa dingding. Nagulat siya ng bigla siyang i-corner ni Sendoh saka inilapit nito ang sariling mukha sa mukha niya. Walang sabi sabing hinalikan niya ang nahihintakutang si Rukawa sa noo.
Click!
Napangiti ng malapad si Sendoh saka lumayo ng bahagya kay Rukawa upang kuhanin ang mga pictures nila na naiprint na at inilagay niya ito sa wallet niya.
Sa sobrang pagkabigla ay hindi na ito nakakilos sa mismong kinatatayuan at nakita niyang pulang pula ang mga pisngi nito kahit na pilit nitong tinatakpan ng mahahabang bangs ang mukha.
"Thank you, Kaede for this wonderful souvenir." at hinila na niya ito papaunta sa nakaparada niyang sasakyan para umuwi.
…...
"You mean, galing ka ng US?" tanong ni Sendoh habang dinidribble nito ang bola.
May isang linggo na rin silang nagkikita ni Sendoh. Kung saan saan sila pumupunta para lumabas, kung minsan ay siya na ang sumusundo kay Rukawa sa school kung kaya naman hindi na ito nagdadala ng sariling kotse at kung minsan naman ay naglalaro sila ng basketball, parang ngayon.
Nakadipa naman ang mga kamay ni Rukawa para bantayan ang gagawing pag atake ni Sendoh at handang i-block ang mas matangkad na lalaki para di nito mai-shoot ang bola sa ring.
"Oo. Doon ako nag aral ng elementary at pagkatapos ko ng grade 6 ay bumalik din ako dito sa Kanagawa at nag aral ako sa Tamigaoka. Kaya lang lumipat din ako sa Shohoku kasi yun yung mas malapit sa bahay."
"So, on vacation ka lang pala dito, ganon?"
Thud!
Thud!
Thud!
"Depende rin. Kapag may magandang nangyari sa akin dito ay baka di na ako bumalik ng US."
"At ano naman ang magandang pangyayari ang makakapagpigil sayo para di ka na bumalik ng Amerika?"
Thud!
Thud!
"Di ko alam. Siguro kapag...na-inlove ako." nahihiyang sabi niya.
"So, dapat pala mapaibig kita."
"H-Ha?" nag-stammer ang dilang react niya.
Hindi na kinakaya ni Sendoh ang pangyayari. Natutuwa siya pag nakikita niya ang lalaking gusto niya. Kung pwede nga lang ay umamin na siya na si Aki at Akira ay iisang tao lang.
"You're blushing. Nabigla ka ba sa sinabi ko?"
"...Oo."
"Sorry ha? But do you believe in love a first sight?"
Thud!
Thud!
"Yeah. I believe." anya sabay tango.
"Ganoon kasi ang pakiramdam ko ng una kitang makita, Akira" Rukawa whispered to himself.
"Parang ganoon kasi ang pakiramdam ko ng una kitang makita." sabi ni Sendoh.
"Ha?"
'Parang yon lang din ang sinabi ko ah.'
"Kapag nashoot ko itong bola, then, I'll have you." sabi pa nito na bumasag sa pagmumuni muni niya at nag simula ng umatake ang mas matangkad na lalaki, idrinibol nya uli ang bola sa pagitan ng kanyang mga hita at gumawa ng fake.
Tumakbo si Rukawa at pagkuway tumalon para habulin ang bola. Pero dahil sa mas malaki ang pangangatawan at sa tangkad ni Sendoh ay hindi ito nakaya ni Rukawa ng idakdak nito ang bola sa ring. Dahil sa lakas ng impak ay napaupo sya sa semento. Agad niyang nakita ang bola na walang mintis na pumasok sa ring at tumatalbog talbog na papunta sa direksyon niya.
"I won." sabi ni Sendoh na hindi niya namalayang nasa harapan na niya at yumukod ito sa kanya.
"You're cheating." nakairap na sabi niya.
"Nope. I'm not."
Hinawakan siya nito sa ilalim ng baba at marahang itinaas. Nagulat si Rukawa ng biglang idinampi ni Sendoh ang labi nito sa kanyang mga labi. Sa sobrang gulat niya ay di niya alam kung magreresponse ba siya sa halik o tutunganga nalang.
'Kami-sama... he kissed me. Akira kissed me.'
Sendoh broke the kiss and he smiled when he saw Rukawa with widened eyes. He hold Rukawa's hands and he whispered..
"I love you Rukawa Kaede. I love you since the first time I laid my eyes on you. Could you please give me a chance?"
Titig na titig si Sendoh sa mga mata ni Rukawa. Tila ba pinapakita niya dito na sincere siya sa pagsasabi niya ng tunay niyang nararamdaman para sa binata.
"I love you, Kaede." ulit niya.
To his surprised, Rukawa nodded and he smiled to Akira.
"I love you too, Akira."
Heh! There's no turning back after all, he also love this guy.
Muling ngumiti si Sendoh at dahan dahan na naman niyang nilapit ang mukha nito sa mukha niya at binigyan siya ng isang matagal at matamis na halik sa labi. Sa pangalawang pagkakataon ay di na siya nag isip at tumugon na siya sa halik ni Sendoh.
Their very first romantic kiss.
…...
"Anoooo?! Kayo na ni Kaedeee?!" di makapaniwalang tanong ni Koshino habang nakahiga sa kama. Katatapos lang kasi ng trabaho niya at nasa servants quarter na siya para magpahinga.
"Shhh.. Hinaan mo nga lang yang boses mo at baka may makarinig pa diyan sayo." saway niya sa kaibigan. "At oo, di ka nagkamali ng dinig, kami na nga!" parang batang dugtong pa nito.
"Ha? Paano? Ilang araw palang kayong nagkikita ah? Ambilis naman ata?"
"May dalawang linggo na rin naman na kaming nagkikita, ano. Simple lang, pareho kaming na love at first sight at patatagalin pa ba namin ang nararamdaman namin kung pareho naman kami ng nararamdaman sa isa't isa?"
"May point ka."
"Grabe Hiroaki! Ang saya saya ko talaga. Sa susunod pag nag day off ka, pwede na tayong lumabas nina Jin tapos double date tayo."
"Talaga lang ha?"
"Oo. Hay sa wakas! Nagbunga din ang pinaghirapan ko."
"Pinaghirapan ni Sendoh Akira, oo. Pero ang pinaghirapan ni Dohsen Aki, ay ano? Baka nakakalimutan mo, iisang tao lang sila. Pano mo sila pagsasabayin niyan?"
Natutop niya ang bibig. Oo nga pala, nakalimutan na niya ang tungkol doon. Masyado kasi siyang naexcite sa pangyayari.
"Bahala na."
…...
Nakangiti si Rukawa ng bumalik siya sa mansyon na iyon kasama si Koshino. Nakalipas na ang dalawang linggo 'buhat noong siya ay magkasakit.'
"Good evening, Aki." bati pa nito sa kanya.
Di niya ito nginitian at di rin siya gumanti ng bati dito. Siniko siya ni Koshino sa tagiliran.
"Oi, good evening daw sayo."
Hinarap niya si Rukawa.
"O, bakit bigla kang bumait sakin ngayon? Dahil ba ito sa pinsan kong si Akira?" prangkang wika niya dito habang nakabusangot.
"Err.. Sorry, Aki. Alam ko naging rude ako sayo nitong mga past few weeks pero nagsisisi na ako, promise. And alam mo na na magkakilala na kami?"
"Oo. Sinabi niya sa akin noong tumawag siya sa phone."
"Uhm.. Sorry talaga Aki."
"At sinabi ng pinsan ko na kayo na daw? Ang gwapo ng pinsan ko, no?"
Napapahiyang tumango naman si Rukawa at mapapansin mo ang pamumula ng mga pisngi nito.
"Akala ko ba, di ka interesado sa kanya?"
"Sorry Aki. Nasabi ko lang sayo yon kasi nasa isip ko, kamukha mo rin siya eh."
"So, kapag pala kamukha ko din yung pinsan ko, walang karapatang pakitaan ng maganda, ganon ba?" di ngumingiting sabi niya.
"Sorry talaga." nahihiyang sabi nito.
"Okay! Dahil mabait naman ako, di ako tututol sa relasyon ninyo ng pinsan ko." wika niya at saka umismid.
Nagulat siya ng bigla siyang hawakan ni Rukawa sa magkabilang kamay.
"Thank you, Aki.. and I really love your cousin." pagkasabi non ay bigla na siyang umalis. Naiwang nakatulala si Sendoh sa papalayong binata.
…...
"Kaede, pwede ba, one of these days, pag usapan naman natin si Aki."
"Huh? Si Aki? Bakit? Anong koneksyon ni Aki sa relasyon natin?"
"Malaki. Si Aki ay isang malaking bahagi ng buhay ko. Di ko siya pwedeng iwanan nalang sa isang tabi."
"Ano bang gusto mong gawin ko kay Aki?"
"Just treat him honestly. Kung ayaw mo sa kanya, ipakita mo. Hwag yong napipilitan ka lang. Di niya magugustuhan yon. Just be honest to him."
"I know, naging masama ang pakikitungo ko sa kanya and I'm really really sorry."
Ngumiti si Akira sa kanya habang naglalakad sila sa isang tabing dagat at magakahawak ang kanilang mga kamay.
"Don't worry about him. Kung gusto mo ay di ko na siya pagtatrabahuhin sa bahay para wag ka ng mag alala sa kanya."
Umiling siya.
"Just love him for what he is."
"Love him? Di kita maintindihan."
"Kung mahal mo ako ay mamahalin mo rin siya."
"Brotherly love, oo. Why not?" at ngumiti siya kay Sendoh.
"Di mo ba siya kayang mahalin ng parang katulad ng sa sakin?"
"Ano ka ba? Pwede ba yon? I'll be honest with you, Akira.. malaki ang pakakaiba nyo ni Aki sa isa't isa. Saka hwag na natin siyang pag usapan. Let's talk about us."
Tumango siya. Nalungkot. It means, di pa rin lubusang tanggap ni Kaede si Aki. Paano kung matuklasan nito ang totoo? Malamang na kamumuhian siya nito ng dahil kay Aki.
…...
"O Akira, anong nangyari? Bakit malungkot ka? Nag away ba kayo ni Kaede?"
Umiling siya.
"Eh ano pala?"
"Nalulungkot kasi ako for Aki."
"At bakit? Peke lang naman si Aki. Gusto mo pa atang gawing permanenteng character si Aki sa buhay mo."
"Basta. Gusto ko, mahalin din niya si Aki."
"Naku.. Na-virus na nga ata talaga ang ulo mo. Anong klaseng trip na naman ba ang iniisip mo ha? Hindi ba, ang purpose mo lang naman ay mapalapit kay Kaede? Nagtagumpay ka na. Boyfriend mo na siya ngayon. Ano pa bang hinahanap mo? Naghahanap ka na naman ng mahirap hanapin." napapailing na sabi ni Koshino.
"Hiroaki, tulungan mo naman ako. Nahihirapan ako sa nararamdaman ko. Masyado akong naging attached sa character ni Aki at naaawa ako sa kanya dahil alam kong kaya lang ako pinapakitunguhan ng maganda ni Kaede ay dahil kay Akira, sa tunay kong pagkatao."
"Alam mo, madali lang ang paliwanag diyan. Maski naman sinong babae o lalaki ay hindi mapapaibig kay Aki eh at natural lang na bumait siya dahil sayo. At saka di naman minamaltrato ni Kaede si Aki kahit na kailan ah."
"Kung sabagay."
"Kaya ipirmi mo na yang utak mo. Ngayong nagtagumpay ka na ay paghandaan mo na kung papaano mo ipagtatapat sa kanya ang lahat. Hindi ka pwedeng mamuhay sa kasinungalingan. Magpakatotoo ka na, bestfriend."
Natigilan siya. Ang totoo kasi ay wala pa siyang planong ipagtapat kay Rukawa ang lahat. Natatakot kasi siya na ang katotohanan ang maglalayo sa kanilang dalawa.
…...
'Agh! Boring!'
Nagpaikot ikot si Rukawa sa kanyang king sized bed. Kanina pa siya sa loob ng kwarto niya. Wala siyang balak na umalis ng bahay kahit pa na kanina pa siya kinukulit nina Sakuragi na sumama daw siya na magkipag hang out sa kanila. Simula daw nung dumating si Sendoh Akira sa buhay niya ay bihira na daw siyang makasama ng mga ito.
Alam niyang nagtatampo ang mga kaibigan niya sa kanya kaso tinatamad talaga siyang gumala ngayon.
Muli siyang nagpagulong gulong sa kanyang kama at tiningnan ang kayang cellphone.
'Grr.. Damn you, Akira. Bakit di ka man lang tumatawag or nagtetext sakin? Alam mo bang miss na miss na kita?'
Sabay bato niya ng cp sa may unan na katabi ng bed side table kung saan ay may picture silang dalawa ni Akira. Eto yong kuha nila doon sa may photo booth noong minsang nag amusement park silang dalawa.
Maiigi niyang tinitigan ang larawan at wala sa loob na hinawakan niya ang picture at hinimas himas sa may parteng mukha ni Akira.
Hanggang ngayon ay di pa rin siya makapaniwala na na-love at first sight siya sa taong yon at ganon rin ito sa kanya. Hmm.. Parang kelan lang sila nagkakilala pero heto sila ngayon, magboyfriend na.
Ang pinagtataka lang niya ay kung bakit ayaw nitong sabihin sa kanya kung saan ito nakatira at kung saan ito nag aaral. Ayaw din nitong magpasundo sa tuwing magkikita sila.
Usapan pa naman nilang dalawa ni Sendoh ay palagi silang magtetext or magtatawagan, pero eto siya ngayon sa kwarto, naiinip at naghihintay ng tawag.
Ibinaba niya ang picture frame sa bed side table at muling kinuha ang cellphone.
Idinial niya ang number ng kanyang boyfriend at agad naman itong nag ring. Pero nakailang dial na siya, hindi naman sinasagot ni Sendoh ang phone.
Sa sobrang inis niya ay agad siyang tumayo sa hinihigaan at pumunta sa kusina. Nakaramdam kasi siya ng uhaw at upang hanapin si Aki. Plano niya kasing magpasama kay Aki sa bahay nina Akira tutal ay magdeday off na naman sila nina Hiroaki mamaya.
Kanina pa niya hinahanap si Aki kaso di niya ito makita kaya dumiretso siya ng sevants quarter. Habang papunta siya doon ay pinapa ring pa rin niya ang cellphone ni Sendoh.
Nakatapat ang cellphone sa tenga niya ng buksan niya ang servants quarter pero walang tao roon. Talagang isasara na niya ang pinto ng may marinig siyang tumutunog na cellphone.
Na-curious siya sa sa narinig. Napataas ang kilay niya. At talagang may cellphone pa pala ang mga katulong nila sa bahay. Aba'y mga sosyal. Kasabay ng paghinto ng pagri-ring ng cellphone na tinatawagan niya ay bigla ring huminto sa pag ring ang cellphone na nasa may servants quarter.
Awtomatikong nai-dial uli niya ang mobile number ni Akira at muling nagring ang cellphone sa loob ng kwarto. Kaya lang ay di niya matukoy kung nasaan.
May napansin siya. Ewan lang niya kung nagkataon lang pero bakit pag huminto sa pagriring ang cellphone niya ay humihinto rin ang ringtone na naririnig niya kanina.
Sinubukan uli niyang i-dial ang number ni Sendoh at nakarinig ulit siya ng tunog sa kwarto.
At last, nakita rin niya ang cellphone na hinahanap. Nasa sahig iyon sa ilalim ng kama. Kasalukuyan pa rin itong nag riring at nanlaki ang mga mata niya ng makita ang kanyang pangalan na nakarehistro sa may screen.
T.B.C
A/N: Isang chapter nalang ang susunod tapos, end na. Mamimiss ninyo ba sina Sendoh Akira at Rukawa Kaede? O si Dohsen Aki? Hihihi!
