Chapter 4
Meeting de Vongola onna
9:00 pm
Vongola recreation room
Habang abala ang mga Vongola men nasa isang kwarto naman ang mga kababaihan; bago nito isang text ang natanggap mula sa asawa ng decimo na si Sawada Kyoko, eto ang nakasaad.
Girls let's meet at the recreation room after nyo patulugin ang mga kids, I have a problem and I need advice.
Problem: Husband
Dahil mga nakakarelate nag text back ng Ok ang Vongola women at eto na nga ang umpisa ng Meeting de Vongola onna.
"Nakakainis…!" sabi ni Kyoko "Na aalala ko noong naglilihi ako kay Tsubasa, ang daming dahilan… simpleng pabor lang hindi pa magawa minsan lang naman ako humiling"
"Sinabi mo pa, maraming palusot kahit kitang-kita naman ang ebidensya" dagdag ni Haru.
Napakunot ang noo ni Risa "tapos kunwari walang alam pa inosente effect di naman bagay".
"Halata naman eh… kung sino yung may kasalanan sya pa itong maingay, grr…" sabat ni Hana matapos ibagsak ng malakas ang kanyang kamao sa lamesa.
"Ang hinihintay ko lang naman eh yung sincere na sorry mula kay Lambo pero hanggang ngayon wala pa, mantaking mong sya pala yung kumuha ng cake na hindi naman para sa kanya, kung approve ni Master yung ginawa ko gagawan ko sana sya kaso nagbago ang isip ko" reklamo ni I-pin.
Nagbuntong hininga "Sana lang naman kung may kalokohang silang gagawin wag sa harap ng mga bata at baka gawin nila ito paglaki" paliwanag ni Chrome.
"Subukan lang nila… maghahalo ang balat sa tinalupan at sana normal na ulit yung pagsasalita ni Kyo at hindi na nya tinatawag na Herbivore si yaya, nakakahiya dun kay yaya"
"So… ano ba? Maybo-boycot ba tayo sa mga gawaing bahay gaya ng dati o we will give them a second chance" tanong ni Kyoko.
"I'm willing to give them a chance na pagusapan ng mahinahon ang mga bagay-bagay if I receive an apology galing sa kanila" ani ni Hana na sinang-ayunan ng iba pang mga kababaihan.
Tatapusin na sana nila ang meeting for another topic nang bigla silang makarecieve ng text mula sa respective husbands.
Go to the balcony at 10:30 pm I have something to say.
Tsuna/ Hayato/ Takeshi/ Ryohei/ Lambo/ Mukuro/ Kyoya
Nagulat sila ng sabay-sabay na tumunog ang phones nila at tumingin sa orasan it read 10:30 pm at dali-dali silang pumunta sa balcony, nang sila'y dumating isang sorpresa ang kanilang nadatnan.
