Author's Note: Itong storyang ito ay naganap after 3 years mula nung timeskip. Ibig sabihin, kung ano yung age nila ngayon sa manga ay +3 na. Gets? Kung Gets nyo na (at kahit kung hindi nyo pa gets) sisimulan ko na yung storya.
Atsaka nga pala, I don't own Naruto ok?
Side-notes: Dito po sa fic na ito, ang mga pairings ay NaruHina, ShikaIno, NejiTen, at SasuSaku. Opo, Si Sasuke ay nakapaghiganti na kay Itachi at ngayon ay isa na siyang mamamayan ulit ng Konoha. Tsaka sorry kung matagal na hindi nakapag-update…..test ksi tsaka mrming project. Yun lang po. Enjoy!!!!
Italics Iniisip
Gaya po ng ipinangako ko ay meron po tayong slight na love scenes nina SasuSaku.
Chapter 4: Pag-ibig Na Muling Bumalik
Tapos na ang hapunan kaya oras na para maglakbay ulit. "Sa ilang sandali na lang at aalis na tayo." Wika ni Neji.
Makalipas ang limang minuto, lahat ay nakahanda na at ready ng umalis. Alas siyete na kaya medyo dumidilim na ang langit. Ngunit kahit madilim na ay tuloy pa rin sa paglalakbay. Mga tatlong oras na ang lumipas at nagsalita na si Shikamaru, "Hoy Neji, tatlong oras na tayong naglalakbay, ipagpa-bukas na lang natin. Malamang alas-dyis na at kelangan din natin ng sapat na tulog para maging handa sa kung anuman ang mangyayari bukas."
"Sya sige, pero kada-dalawang oras ay may mananatiling gising para magbantay. Tutal ay Jounin naman ako at may Byakugan din ako, ako muna ang unang magbabantay." Sabi ni Neji.
"Sasamahan na rin kita para mas safe." Ang suggestion ni Sakura.
"Bahala ka. O ilabas niyo na yung mga sleeping bag nyo at magsitulog na kayo." Utos ng Jounin na Hyuuga.
Nag-agree na lang sina Naruto, Sasuke and the others at sila ay nagsitulog na.
--------------------------------------------------------------
Mahigit isa't kalahating oras nang naka-surveillance si Neji at siya'y pagod na.
"Sakura, magpapahinga lang ako ng sandali. Napagod na ako sa kakagamit ng Byakugan." Sabi ni Neji na tila ba'y antok na antok na. Sino ba naman ang hindi mapapagod kapag gumamit ka ng Byakugan ng humigit kumulang dalawang oras?
"Sige, ako na lang bahala dito." Sabi ni Sakura na concerned.
Ngunit bago natulog si Neji ay ginising niya muna si Sasuke. "Sasuke, palitan mo muna ako. Samahan mo na lang si Sakura sa pagbabantay." Wika ng namimikit mata na si Neji.
"Eh, natutulog pa ako eh." Naiinis na reply ni Sasuke.
"Ah ganun ha? Uchiha Sasuke, bilang leader ng squad na ito, inuutusan kitang bumangon at tulungan si Sakura sa pagbabantay." Utos ni Neji.
"Kasi naman eh." Naiiritang sinabi ni Sasuke. "Sige na, sasamahan ko na."
"Mabuti naman, inaantok na ako eh." Sabi ng talagang inaantok ng Hyuuga.
Umalis na si Sasuke sa kanyang sleeping bag at dumiretso sa may bonfire kung nasan si Sakura.
Nakita ni Sakura na papalapit si Sasuke kaya, "Sasuke-kun, matulog ka na lang, kaya ko naman toh eh."
"Ok lang, mahihirapan naman na akong matulog kasi ang lakas ng hilik ni Naruto eh." Sabi ni Sasuke.
Natawa na lang si Sakura sa sinabi ni Sasuke. Pumikit na lang siya at itinango ang kanyang ulo. Habang si Sasuke naman ay umupo sa tabi ni Sakura at napatingin din siya sa kanya. Agad na napansin si Sasuke and magandang mukha ni Sakura kasi nagrereflect yung ilaw nung apoy at nang buwan kaya nakikita niya ng malinaw ang mukha ni Sakura.
'Talagang nagbago na si Sakura. Lalo siyang gumanda kesa nung dati.' Nagulat na lang si Sasuke sa kaniyang inisip. 'Ano ba tong iniisip ko, siguro matagal ko lang siyang hindi nakita kaya ganun na lang ako mag-isip. Oo tama, yun siguro.' Yun ang pilit na nilalagay ni Sasuke sa kanyang isipan.
Dumilat din sa wakas si Sakura at nakita niya si Sasuke na nakatitig sa kanya. Agad namula ang kanyang pisngi at sinabi niya na lang kay Sasuke ang mga salitang madalas na sinasabi ng mga babae sa mga lalaki. "May dumi ba ako sa mukha?"
"Ha? Eh, ano, wala naman." Sagot ng kinakabahang binata.
"Eh ba't ka nakatitig sa mukha ko?" Tanong ulit ni Sakura.
"Ah, wala lang din." Sagot ng mas kinakabahan na Sasuke. 'Shit, ano ba tong pinagsasasabi ko?' Tanong ni Sasuke sa sarili.
"Ah ok. Inaantok na ako, tulog na muna ako ha." Paalam ni Sakura kay Sasuke.
"O sige." Sagot ng Uchiha.
Kukuhanin na sana ni Sakura ang kanyang sleeping niya ng mapansin niyang hindi niya ito dala. Tapos wala din namang extra sleeping bag yung kanyang kasamahan. 'Pano na toh?' tanong ni Sakura sa sarili. 'Hindi naman ako pwedeng matulog diyan na damuhan dahil nag-iisa lang ang damit ko at ayaw ko tong madumihan.'
Bumalik na lang si Sakura sa may bonfire at naupo. Laking gulat ni Sasuke kaya nag-tanong siya, "Ba't di ka pa matulog?"
"Nakalimutan ko kasing dalhin yung sleeping bag ko eh." Sagot ni Sakura na na-eembarrass na.
"Ah ganun ba?" Tanong ni Sasuke sabay lapit kay Sakura. "Sumandal ka na lang sa balikat ko, at wag kang mag-alala, hindi naman ako bastos eh. Tsaka hindi na naman ako inaantok kaya ok lang."
Dahil sa offer na iyon ni Sasuke ay kinilig si Sakura at nag-blush. "Sigurado kang ok lang sa iyo? Kung hindi naman ok lang sa akin, hindi naman kita pinipilit eh."
"Ok lang talaga, wala ka namang ibang hihigaan eh." Insist ni Sasuke.
"Ok, sabi mo eh." sabi ni Sakura sabay sandal kay Sasuke.
Nung naramdaman na ni Sasuke na tulog na si Sakura ay dahan dahan niyang isinandal si Sakura sa may puno. Hinubad ni Sasuke ang kanyang jacket para maibalot niya si Sakura nang hindi siya lamigin. Pagtapos ay hinayaan na lang ulit ni Sasuke na matugol si Sakura na nakasandal sa kaniya.
-----------------------------------------------------------------------------------------
Umaga na at ang unang nagising ay si Sakura. 'Bakit parang hindi ako nilalamig?' Tanong ni Sakura sa kanyang sarili. Dumilat siya at nakita niyang nakabalot sa kanya ang isang jacket na may tatak ng Uchiha. Dahil sa nakita niya, agad bumangon si Sakura.
"Gising ka na pala." Sabi ng isang lalaking pogi na may black na buhok.
"Hindi ka ba natulog?" Tanong ni Sakura.
"Hindi, kailangan ko kasi kayong bantayan eh. Lalo ka na, mukhang napakasarap nga ng tulog mo eh." Sabi ni Sasuke habang nakangiti.
"T-talaga, binantayan mo ako buong magdamag?" Tanong nang kunoichi na namumula.
"Oo naman." Sagot ni Sasuke. "Tara kain na tayo. Tayo pa lang naman yung gising eh." Yaya ni Sasuke.
"Marunong ka bang magluto?" Tanong ulit ni Sakura.
"Siyempre, ako lang nag-luluto para sa sarili ko nung na kay Orochimaru pa ako eh. Kaya lang hindi ganun kasarap yung luto ko eh." Nahihiyang sinabi ni Sasuke.
"Haha, ok lang yun. Kesa naman sa wala." Natatawang sinabi ni Sakura na kanya.
"Normal lang na breakfast toh ha. Rice dumpling lang at eggs." Wika ni Sasuke.
"Ok."
Habang kumakain silang dalawa, nagising na si Neji,Naruto, at Ino. Kaya sila nagising kasi mayroon silang naaamoy na pagkain kaya dali-dali silang nag-ayos at pinuntahan nila ang lugar kung saan nanggagaling yung amoy. Nakita nila na kumakain na sina Sakura at Sasuke.
"Uyy, ang aga-aga nag-dadate na kayo." Sabi ni Naruto na tila bang nang-iinis.
Nagulat sina Sasuke at Sakura at sila'y nag-blush. "Hindi noh, kumakain lang kami ng breakfast kasi hindi pa kayo gising kanina." Sabi ng Uchihang namumula.
"Oo nga, ang dumi talaga ng utak mo Naruto." Sabi ng medic-nin.
"Palusot pa eh kitang-kita na." Pilit na inis ni Naruto.
"Ang kulit mo talaga." Naiinis na sinabi ni Sasuke habang nakatingin kay Naruto na para bang mangkakatay ng tao.
"Ok, cool ka lang." Natatakot na sinabi ni Naruto.
"Hoy Tenten, Shikamaru, at Hinata, gising na at kumain na tayo." Pasigaw na sinabi ni Neji.
"Gumising na rin po kayo Mr. Tagakuchi. Kakain na po tayo." Malambing na sinabi ni Ino.
Ngayong silang lahat ay gising na, sabay-sabay na silang kumain at naghanda para nanaman sa isang araw ng paglalakbay.
To Be Continued...
--------------------------------------------------------------------------------------------------
Sori kung walang ShikaIno ngayon ha. Sa next chapter na lang iyon ok? Enge na lang ng reviews.
