Sigh. Ang epal talaga magtanong ng Trickster na 'yun. Tch. Pero bakit affected pa din ako? Kaya nga ako lumipat dito para kalimutan 'yon eh. Amp~
Isang oras na din akong nasa labas at iniisip iyon. Ang nakaraan na gusto ko ng kalimutan. Scratch that. Ang nakaraan na gustong-gusto ko ng kalimutan.
"Oh." Inabot sa akin ng Sugar Freak ang isang bar ng chocolate at umupo sa tabi ko.
"Cheer up, girl." Sinuntok niya ng mahina ang braso ko. Nakikita ko sa kanya si… Nevermind.
"Shut up."
"Affected masyado?"
"Hindi ah."
"Sinungaling. Bakit a ba biglang nag-walk out? May naalala ka noh?"
"Tigilan mo nga ko." Binuksan ko ang chocolate bar at kinain.
"Siguro yung Ex mo?" napatigil ako sa pagkain at tumingin sa kanya.
"Pwede ba, tigilan mo pagtatanong mo?"
"So, totoo nga." Tumingin siya sa langit.
"Fine. Pano mo naman nalaman?"
"Genius ako e." Nag-peace sign siya.
"Ikaw na." Mahinang sagot ko.
"Ano bang nangyari?"
"Chismoso mo no?"
"Curious lang."
"Ewan ko sayo."
"Ano nga?"
"Wala nga."
"Wala ng wala, affected naman."
"Bakit ba kasi namimilit ka?"
"Curious nga eh."
"Bahala ka dyan."
"Niloko ka niya no?"
"Shut up!" Binatukan ko siya. Bat ba napakapakielamero niya?
"Masakit 'yon ah!"
"Ang kulit mo kasi!"
"Lq nanaman ba kayo?" Tumingin kami sa likod at nakita namin si Niou na nakaupo sa likuran namin.
"Pakialam mo?" Sabay na sigaw namin ni Marui.
"So, LQ nga? Puri~" Nag-smirk siya. Natahimik ako sa sinabi nito.
"Hindi nga sabi eh!" Napatingin ako kay marui at… nagbu-blush siya.
"Talaga lang? Eh, bakit namumula ka sugar freak?"
"H-hindi ah!" para silang mga bata. Napatingin sila sa akin ng marinig nila akong tumawa.
"Anong nakakatawa?" Tanong ng Trickster.
"Para kayong mga bata." Nginitian ko sila.
"Si Bakaya lang ang bata sa amin. Nga pala, magsuswimming daw tayo sabi ni Buchou kaya magready na kayo." Tumayo siya at iniwan kaming dalawa ni Marui. Napansin ko na nakatitig siya sa akin.
"Bakit?"
"Wala," Inalis nito ang tingin niya sa akin. "Mag-aayos na ko ng gamit."
"Ah, thank you pala." Ngumiti ako sa kanya. "Friends?" Tumingin muna siya sa akin, siguro mga 5-10 seconds bago pa siya sumagot. Akala ko ba genius 'to? Ganun ba ka tagal mag sink in sa utak niya yung sinabi ko?
"Hai." Pinalobo niya ang bubble gum niya at umalis.
"Wow!" Ang ganda nung dagat! As in, super ganda! Kaso… Di naman ako marunong lumangoy. T^T
"Magpalit ka na ng swimsuit mo. Puri~" Nakatayo siya sa likuran ko.
"Swimsuit your face, pervert." Tiningnan ko siya ng masama. Tapos tingin kila Yanagi na nagtatayo ng Umbrella. Lumapit ako sa kanila ng matapos nilang itayo ito, naglatag ako ng sapin at umupo.
"Ne, Reiko-senpai? Ganyan lang suot mo?" Tumingin siya sa akin from head to toe. Naka-shorts kasi ako at t-shirt.
"Bakit may problema ba?"
"Ang boring mo Senpai. Tch." Umalis agad si Akaya at nagpunta sa dagat.
"Pakialam ba niya? Tch."
Buti pa sila, nagsuswimming. T^T Gusto ko din! Kaso… Di talaga ako marunong lumangoy! Aghh! Habang nakatingin ako sa kanila nagsusulat ako sa sand.
"Zai?" Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Marui. Agad kong binura yung nakasulat, ngayon ko lang narealize na Zai pala ang nakalagay.
"Che!" Yumuko ako at isinandal ang nuo ko sa mga tuhod ko.
"Familiar ang name niya.. Hmmm..."
"Manahimik ka nga." Tumayo ako at iniwan siya.
Normal POV
Umalis si Reiko at nagpunta sa dagat, samantalang si Marui ay nakatingin kung saan sinulat ni Reiko ang pangalang 'Zai'.
"Zai?" Bulong nito sa sarili niya. Tiningnan niya si Reiko habang papalayo ito sa kanya.
"Seiichi!"
"Reiko."
"Gusto kong pumunta sa dagat."
"Sige. Pero wag kang pupunta sa malalim."
"Hai. Thanks!" Lumusong ito sa dagat pero hanggang sa abot lang niya.
"Ne, senpai! Langoy tayo."
"H-hah? I-ikaw na lang Bakaya."
"Bakit naman? Ang KJ mo talaga."
"H-hindi ah. Baka maka-istorbo kasi ako kapag nagkita kayo ng mga ka-uri mong Seaweed."
"Eh? Ang sama mo senpai!"
"Haha. Hindi ah. Sige na, lumangoy ka na."
"Amp." Umalis siya with pouts pa. Maya-maya lang ay may bumuhat sa akin.
"Niouuuuuuuuuuuu!"
"Puri~!" nag-smirk siya.
"Baba mo ko!" Pumipiglas si Reiko sa pagkakarga sa kanya ni Niou.
"Magsuswiming tayo." Walang pumipigil kay Niou dahil wala doon sila Seiichi.
"Ayoko! Baba mo ko!" Hindi napapansin ni Reiko na halos malalim na ang napupuntahan nila ni Niou.
"Ok." Binaba siya ni Niou at iniwan siya agad.
"Waaaaaaahhhh!" And yes, nalulunod siya. Nakalimutan nito na mas matangkad si Niou sa kanya kaya hindi niya maabot ang lapag nito.
"Eh?" Napatingin si Niou doon.
"T-tulong!"
"M-marui…" Mahinang sabi nito ng makita niya ang Sugar freak na lumalangoy papunta sa kanya. "T-tulong!"
