Chapter 7.

Roommate.

Tick tock, tick tock.

-

"Sakura,ano ba, kanina ka pa diyan ah.", naiinip na nga si Ino sa kakahintay sa kaibigan niyang kanina pa nasa loob ng restroom.

-

Agad agad namang lumabas ang isang dalagang may kulay rosas na buhok. Nakasuot ng itim na t-shirt na may nakasulat na 'WALA AKONG BOYFRIEND, PAKI MO?' at jeans.

-

"Ganda ng t-shirt mo ah.", nakangiting bati ng blonde. "Bilisan mo na, baka nandun na sina Temari."

-

"Hmp, sige na, tara.", at sumakay na ang dalawa sa mamahaling kotse ni Sakura.

-

"Oh, nag-usap na ba kayo ni Gaara?", mausisang tanong ni Ino nang mapansin niyang napakatahimik.

-

"Wag mo na nga siyang babanggitin.", sabi ni Sakura na halos walang kaemo-emosyon at bumalik uli ang nakakabinging silence.

-

FLASHBACK.

-

"Gaara, siya ba yung sinasabi mo?", hindi parin nawawala ang smirk sa mga labi ni Uchiha Sasuke habang papalapit sa grupo.

-

"Hn.", kapansin-pansin naman ang lamig sa tono ni Gaara, ang masaya niyang mga expresyon kanina, tila napalitan na ng inis, marahil dahil sa nasabi ni Sasuke, pero ano naman kayang masama dun?

-

"Alam mo, parang may hawig siya kay Matsuri...", naging seryoso din naman ang tono ni Sasuke habang pinagmamasdan si Sakura.

-

"S-sino si Matsuri, Gaara?", nalilitong tanong ng dalaga. Syempre, bilang kaibigan, gusto niyang malaman ang tungkol sa Matsuri na yan. Medyo naiilang narin siya sa tingin ni Sasuke kaya sa lapag na lang niya ibinaling ang atensyon niya.

-

"Uchiha, manahimik ka na.", lalo pa yatang lumamig ang boses ni Gaara, pero hindi man lang nasindak ang binatang kaharap niya.

-

"Sige na.. sige na.. tama na..", at nanahimik na si Sasuke, pero hindi pa rin naaalis ang tingin ni Sasuke kay Sakura.

-

"Hn. Laro na!", sigaw ni Gaara at nagsimula na ang laro.. habang si Sakura naman naguguluhan pa rin.. Sino kaya yung Matsuri na yun at hindi magawang sabihin ni Gaara?

-

Maya maya ay dumating na ang tita ni Sakura, tinawag na siya para sunduin.. naisipan naman ni Gaara na ihatid ang dalaga, total, tapos naman na ang laro. Nawala na rin ang tensyon sa grupo.

-

Paglabas nila, hindi maiwasang magtanong ni Sakura.

-

"Sino ba kasi yung Matsuri na yun?"

-

Nanatiling tahimik si Gaara, kaya naisip niyang ulitin ang tanong.

-

"Gaara.. sino ba ka-", pinutol ng binata ang sasabihin sana ng Cherry Blossom.

-

"Wala."

-

"Sabihin mo na, akala ko ba bestfriends tayo?"

-

"Hindi mo naman kailangang malaman kung sino yun eh.."

-

"Girlfriend mo?"

-

"Pakialam mo?"

-

Nanigas ang buong katawan ni Sakura.

-

"Sorry kung wala sa lugar yung tanong ko..", bulong ng dalaga.. tinignan niya ang mga mata ni Gaara. Puno pa rin ng galit. Ano ba kasing mali sa ginawa niya? Nagtatanong lang naman siya ah..

-

"Wala talaga sa lugar! Sinabi ko na ngang hindi mo na kailangang malaman, tanong ka pa ng tanong.. Yan ang hirap sa'yo eh, masyado kang pakialamera!", sigaw uli ng redhead.

-

Yumuko si Sakura.. baka sakaling hindi mapansin ang pag-iyak niya.

-

Sa wakas, natauhan narin si Gaara, na-realize na niyang nasigawan niya ang bestfriend niya, tinawag pa niyang pakialamera..

-

"A-ah.. S-Sakura.. Hindi naman ganun ang ibig kong sabihin eh.. Ang sinasabi ko lang…", pinutol siya agad ni Sakura.

-

"Hindi mo naman ako kailangang sigawan eh. Pwede mo namang sabihin ng maayos. Sige na, uuwi na ko.", tumalikod si Sakura at sumakay na.

-

END.

-

When I see your smile.. Tears run down my face..

-

"Wow, ganda ng ring tone ah. ", nakangiting sabi ni Ino. "Sino yan?".

-

Tinignan ni Sakura ang pangalan. 'GAARA'. Agad niyang pinindot ang 'reject'.

-

"Wala, hindi importante.", at ibinalik ni Sakura ang cellphone sa handbag niya.

-

"Oo nga pala, ano bang gagawin natin sa bahay ng mama mo?", tanong ng blonde.

-

"Sa Monday na pala ako lilipat sa dorm ko. Tulungan mo kong mag-empake.", sabi ni Sakura at ngintian ang blonde sa tabi niya.

-

"DORM?!", gulat naman na sigaw ni Ino.

-

"Ah. Hindi ko nga pala nasabi sa'yo, mag-do-dorm daw ako sa Konoha U. pero okay lang naman, magaganda naman daw yung mga kwarto dun eh.."

-

"So ibig sabihin niyan.."

-

"Mabibisita pa naman kita kapag sabado.. oo nga pala.. may room mate daw ako.. sana lang hindi maarte.. lalo namang wag si Gaara.."

-

"Galit ka talaga sa kanya no?"

-
"Wala naman akong karapatang magalit eh.. kung sa ganun ang tingin niya sa kin, eh wala akong magagawa... Oh nandito na pala tayo eh.", at bumaba ang dalawa sa tapat ng isang napakalaking bahay.

-

"Alam mo, naiinis na ko sa sobrang dami ng bahay niyo ah.", natatawang sabi ng blonde.

-

"Ako nga rin eh.. pwede naman kasing isa nalang.. dali na, tara na..", pumasok ang dalawa at nagsimula nang mag-empake ng gamit ni Sakura.

Sa Uchiha Mansion naman

-

"Ayaw pa rin niyang sagutin mga tawag ko…", naiiritang sabi ni Gaara habang paulit-ulit na iniikot ang sala ng bahay.

-

"Baka nga ayaw ka talagang kausapin.", malamig na sagot naman ni Sasuke na sarap-na-sarap sa kinakain niyang ispageti.

-

"Arrgghh!!! Wala yatang signal tong bahay mo eh!!!", mas nadagdagan ng inis ang tono ni Gaara, at patuloy ang pag-ikot-ikot sa napakalaking kwarto, habang nakatitig sa cellphone niya.

-

"Wag mong sisihin ang bahay ko.. malakas ang signal dito.. ang sisihin mo, sarili mo.. sigawan ba kasi.."

-

"Hindi ko naman sinasadya eh.. nadala lang ako ng asar.. Ikaw nga may kasalanan nito eh.. bakit kasi kailangang i-bring-up mo pa si Matsuri..", sa wakas, natigil na rin ang paglakad-lakad ni Gaara. Naupo siya sa sofa, katabi si Sasuke.

-

"Malay ko bang hindi niya alam na nagka-girlfriend ka sa America.. bakit ba kasi ayaw mong sabihin?"

-

"Si Sakura kasi yung uri ng taong.. uhm,.. makulit.. kapag sinabi ko sa kanya na iniwan ako ng girlfriend ko noon.. uusisain pa niya yan.., gagawa at gagawa yan ng paraan para magkabalikan kami..o ihahanap ako nyan ng bago.."

-

"Eh ano namang masama dun?"

-

"Ayoko nang pag-usapan yung nangyari noon.. tsaka ayokong magkabalikan kami nung babaeng yun.. lalo namang ayokong makipag-blind date sa kung sino sino.."

-

"Ah. Kasi siya talaga ang gusto mo.. eh ba't hindi mo nalang kasi sabihin? Torpe mo."

-

"Eh sa ayoko pa eh.. ano ba naman.. tsaka wag ka ngang umastang 'love expert' dyan.. "

-

"Hn. Bahala ka.", tumayo si Sasuke at pumunta sa kusina para ilagay ang pinagkainan niya.

Sa mansion naman ng mga Haruno..

-

"Ang dami mong damit!!", sigaw ni Temari habang isa-isang ibinabato ang mga laman ng cabinet ni Sakura.

-

"Madami? Naku, wala pa nga yan sa kalahati ng cabinet ni Ino!", sagot naman ni Sakura habang inilalagay sa box ang mga libro niya.

-

"Ako nanaman nakita niyo! Uyyy!! Ang cute!!", dinampot ni Ino ang isang pink na blouse. "Diba ito yung suot mo nung nanood tayo ng laro?"

-

"….", hindi na nagsalita si Sakura. Yun kasi yung huling araw na nag-usap sila ni Gaara.. hindi nagtagal, naka-figure out narin nina Ino at Temari kung bakit nanahimik si Sakura.

-

"TAPON NA NATIN!!", at hinablot ni Temari ang blouse mula kay Ino.

-

"Huy wag!!", sigaw naman ni Sakura at tiniklop ng maayos ang damit.

-

"May ibang value to.. Ito kasi yung suot ko nung nakabangga ko si Sasuke..", bulong ni Sakura, slightly blushing.

-

"NAKABANGGA MO SI SASUKE?!", sabay na sigaw ng dalawa.

-

"Oo.. bago pa nung nanood tayo sa court.. "

-

"AYIEE!! May gusto ka sa kanya no?!", tili ni Ino.

-

"W-wala ah..", bulong uli ni Sakura.

-

"Eh bakit gusto mong itago yan?!", pangangatwiran ni Temari.

-

"E-ewan ko… basta nung unang beses na nakita ko siya… bumilis agad yung tibok ng puso ko.. mahirap i-explain.."

-

"Ahh.. yan ang tinatawag na love at first sight."

-

"Sira."

Pagkaraan ng ilang araw, Lunes na, araw na ng paglipat ni Sakura.

-

Dumating siya doon sakay ng kanyang mamahaling itim na kotse, ibinaba niya ang mga bag niya at pumunta sa front door. DING DONG.

-

Walang sagot. SIguro wala pa yung room mate niya.. Pinihit niya ang door knob at pumasok nalang.

-

"Okay naman pala-AAAAAHHHH!!!", napatili si Sakura nang makita niyang may nagme-make out session sa sofa.

-

Panandaliang tumigil ang dalawa. "Mamaya nalang, Sasuke-kun.", bulong nung babae, at umalis na.. habang si 'Sasuke-kun', naiwang nakaupo sa sofa, may blank expression sa kanyang mukha.

-

"A-ah, ikaw ba ang roommate ko?", kinakabahang tanong niya, hindi pa yata nakakarecover sa nakita niya kanina.

-

"Hn.", yun lang ang narinig niya sa binatang room mate nga nya.. tumayo siya at dumiretso sa isang kwarto, yun yata ang CR.

-

'Anong klase naman?!', isip ng Cherry Blossom at isa-isa nang pinasok ang mga gamit niya.. Umupo siya sandali sa sofa, hinihintay na lumabas si Sasuke.. akala naman niya, magmamagandang loob ang binata para i-tour siya.. pero pagkatapos ng ilang minuto, nainip na siya at naisipang mamasyal nalang mag-isa.

-

Ibang klaseng dorm din to ah, may second floor! Umakyat si Sakura.. curiousity nga naman. May dalawang pinto..

-

Sakura POV

-

Ayaw parin bumalik sa dati yung tibok ng puso ko.. grabe… nakaka-trauma rin pala ang makakita ng ganun..

-

Oo, ang room mate kong magaling ay walang iba kundi si Uchiha Sasuke. Akala ko pa naman, marangal na nilalang siya.. Binabawi ko na.. imposible nang magkagusto ako sa kanya. Hayy naku.. mga lalaki nga naman..

-

Kaharap ko ngayon ang dalawang pinto.. ang isa dito, siguro kwarto ko, at ang isa naman, kay Sasuke. Para akong nasa gameshow.. pwedeng mabuksan ko ang kwarto ko.. pwedeng mabuksan ko ang kwarto ni Sasuke.. pero, who knows kung anong impyerno ang nandun..

-

Ini, mini, mini, mo.. eto!

-

Hindi ko pa nahahawakan ang doorknob.. ginulat na ko ng isang kakaibang bagay.. parang may iba akong kasama..may multo..

-

"Kwarto ko yan.", bulong ng isang napakalamig na boses.. tumalikod ako para i-testing kung gumagana ang third eye ko.. pero, hindi pala paranormal being yun. Ayun, si Sasuke, naka-shorts lang, medyo basa pa ang buhok niya.. walang pang itaas, at may tuwalyang nakabitin sa leeg niya.

-

"Oo nga.. sabi ko nga..", OMG.. ang gwapo niyaaaa!!! Ehem.. tama na..Tandaan mo Sakura.. pokpok.. este.. playboy yan.. Agad akong pumunta sa harap ng kabilang pinto at pumasok.

-

Maganda naman pala, okay na, makaka-survive na ko dito.

-

Pagkatapos kong mag-unpack, bumaba ako para ilagay ang chocolates na baon ko sa ref… nang tumambad nanaman sa kin ang isa nanamang karumaldumal na bagay.

-

Eto nanaman tayo.. make-out session sa sofa. Pero ano to? Ibang girl naman?!

-

Hindi na ko tumili gaya ng kanina.. baka makaabala pa ko eh.. dumiretso nalang ako sa kusina at hinanap ang ref. Isinaksak ko ang mga chocolates at umakyat uli.. Bilib din ako dito kay Sasuke eh.. pano niya natitiis na ipagpatuloy yung ginagawa niya, knowing na may ibang tao.. hay.. uulitin ko.. mga lalaki nga naman…

-

Isang linggo pa bago magsimula ang klase.. kaya siguro, dapat lang na mag-enjoy muna.

-

Maya-maya, narinig kong umalis na yung girl at sumara naman ang pinto ng kwarto ni Sasuke, kaya bumaba na ko.. siguro naman wala nang nangyayaring kababalaghan ngayon..

-

Umupo ako sa sofa at binuksan ang tv. At eto ako ngayon, nanonood ng MTV.

-

"Hinaan mo yung tv. Ang ingay!!", reklamo naman ng isang tao sa taas. Ayoko namang makipag-away.. kaya ayun, hininaan ko.. tingin ko magiging magulo ang buhay ko dito. Hayy.. kasalanan to ng Konoha U. eh.. bakit pa kasi kailangan ng dorm,eh puro mayayaman nag-aaral dito..

-

Gumabi na.. nagugutom na ko.. pumunta ako sa kusina at nagpainit ng tubig.. puro instant noodles lang ang kaya kong lutuin.. pasensya na..

-

Umupo uli ako sa sofa, nanonood ng tv, habang kumakain ng noodles. Ang lungkot naman.. hindi man lang makausap yung room mate ko.. siguro naman, kahit pokpok.. este.. chickboy yun, dapat akong makipag-close sa kanya.. after all, magkakasama kami buong taon..

-

Bumaba din siya sa wakas! Nakasuot ng black sando at shorts, pumunta sa kusina at naghalughog sa ref. Eto na, ang chance para magsimula ng conversation.. ano kaya magandang topic.. dapat something na makaka-relate siya.. ang alam ko lang naman mahilig siya sa basketball.. eh wala akong gaanong alam dun.. ah.. alam ko na..

-

"Uhmm.. ang dami mong babae ah.", wow, ang pangit naman ng dating…

-

"Hn.", at tinuloy niya ang paghahalughog sa ref.. wala nga yatang kwentang kausap to.. pero.. hindi ako agad susuko! Ako si Haruno Sakura! GO!

-

"Girlfriend mo ba lahat yun?", wow, pangit pa rin eh.. grabe.. siguro pagdating sa mga ganitong bagay, wala akong talent..

-

"Oo."

-

At least may improvement na.. uhmm ano pa ba.. "Alam nila na pinagsasabay mo sila?", hay.. para akong nanay na kinukunsensya yung anak niya dahil 2 timer siya.

-

"Ewan ko."

-

Ano, ewan niya?! At wala siyang pakialam?! Pokpok, este playboy nga to. Uhm.. wala na kong maisip itanong.. argghh.. Sakura.. sabi nila matalino ka.. mag-isip ka…

-

"Sinasagot mo ba mga text ni Gaara?", 7 words!! Gumamit siya ng 7 words!! At naunahan niya ko.. T-teka.. bakit naman napasok si Gaara..

-

"Hindi.. wala ako sa mood na kausapin siya..", Lord, please, sana wag na naming pag-usapan si Gaara…

-

"Eh kilala mo na si Matsuri?", Lord naman eh, sabi ko nga,wag nang pag-usapan si Gaara.. si Matsuri naman ngayon..

-

"Hindi pa nga eh. Ayoko na ring alamin.. hindi naman yata importante yun.."

-

Nanahimik sandali si Sasuke at sa wakas, tumigil na rin siya sa paghahalughog ng ref. Sinara niya to at pumunta sa sala, umupo sa kabilang sofa, habang kumakain ng Hershey's chocolate bar na may almonds.. teka. "Hoy! CHOCOLATE KO YAN!!!"

-

"Kumain ka naman na ng noodles ah.", bakit kaya ganito to.. walang ka-emo-emosyon ang boses..

-

"Basta, CHOCOLATE KO PA RIN YAN!!"

-

End Sakura's POV

-

"Ayoko nga. Akin na to.", sabi ni Sasuke, in monotone parin.

-

Hindi nagtagal, napikon na rin si Sakura at dinakma si Sasuke na parang asong gutom na gutom, agad niyang hinablot ang chocolate bar na may ilang kagat.

-

Tumayo si Sakura at pinutol ang kawawang chocolate. Binigay niya ang part na may kagat kay Sasuke.

-

"Oh, kainin mo.", sabi niya, medyo may halong asar pa rin ang tono.

-

"Hn.", kinuha ni Sasuke ang chocolate at kinain.

-

"Mabait ka naman pala eh.", nakangiting sabi ni Sakura at bumalik na sa inuupuan niya kanina.

-

"Hn.", tumayo si Sasuke. Papalabas na sana siya ng pinto nang tawagin siya ni Sakura.

-

"Sasuke, san ka pupunta?", tanong niya.. Gulat naman si Uchiha nang malaman niyang alam ni Sakura ang pangalan niya…

-

"Hn. Sa dorm nila Gaara, sama ka?", sagot naman niya at humarap kay Sakura with a smirk.

-

"H-hindi, sige na. basta bumalik ka bago mag 11.. sasaraduhan kita..", at bumalik si Sakura sa panonood.

-

Hindi nagtagal, 10:30 na, hindi pa rin bumabalik si Sasuke, si Sakura naman, busy sa pagsusulat sa diary niya.

-

Dear Diary,

Ngayon ang unang araw ko sa bago kong dorm.. at ang room mate ko, si Uchiha Sasuke.. akala ko pa naman, marangal na tao to.. playboy pala… Sa isang araw, dalawang beses ko siyang nakitang nakikipag make out session sa magkaibang babae.. ibang klase.. at ang lakas pa ng loob niyang kainin yung chocolate ko.. hay naku. Ilang araw na nga pala kaming hindi nag-uusap ni Gaara.. hanggang kalian kaya tatagal to.. hay.. basta dapat siya ang makipagbati.. ano siya , siniswerte.? Sige, yun muna para sa araw na to, hihintayin ko pang umuwi si Sasuke..

Love, Sakura.

-

Isinara ni Sakura ang kanyang diary na may 3 padlock. Yan ang protection. Bumaba siya at hinintay ang pagbalik ng room mate niya.. takot kasi siyang matulog nang mag-isa.

-

10:45. Wala pa rin.. antok na antok na si Sakura.. nahiga na siya sa sofa, at unti-unting… nakatulog..

-

10:57. Bumukas ang pinto ng kanyang kyut na kyut na dorm. Sa wakas, dumating na rin si Sasuke. Uupo sana siya para manood ng tv nang makita niyang taken na ang sofa.

-

Sasuke's POV

-

Hmp. Talagang hinintay niya ko ah.. Ang cute pala niya pag tulog siya.. Ano kayang gagawin ko dito? Kapag binuhat ko, baka magising.. kung ano pang isipin niyan.. ayoko ngang lumabas uli yung pagka-amazona nito..

-

Kung iiwan ko naman siya dito.. baka pagalitan ako bukas..siguradong ma-iingay to.. Gisingin ko nalang…

-

Pinitik ko ang noo niya, agad namang nagising ang sleeping beauty.

-

"LATE KA NA!!!", sigaw niya.. Kung alam ko lang na sisigaw din siya pag ginising ko.. eh di sana iniwan ko nalang..

-

"Hn. 10:59 palang.", at umakyat na ako agad.

-

"MADAYA KA!!", hay.. parang bata.. hindi ko pa rin ma-gets ko bakit nagustuhan siya ni Gaara.

A/n: Well.. eto na, Chapter 7.. :D R/R.