Sa bahay ng ASEAN
Chapter 7
ASEAN – Grocery shopping prt. 1
Hay… ang saya! Sweldo at tamang-tama lang at kailangan na nilang mag grocery shopping ng mga supplies para sa bahay at personal use. Since iisa lang naman ang tinitirahan nila share sila sa mga gastusin, kaya eto silang magkakapatid at nasa hypermarket.
"Uy! Push cart makasakay nga" sabik na sabi ni Yong Soo.
"Ano ka ba? Hindi ka na bata para gawin pa iyan" saway ni Kiku.
"Ilabas nyo na yung listahan para matapos tayo agad" sabi ni Yao.
Inilabas ni Pili ang listahan "mabuti pa kumuha tayo ng tag-iisang cart at paghatian natin itong listahan para mas mabilis" binalaan si Yong Soo "hindi… hindi ka pwedeng sumakay kung iyan ang iniisip mo." Sumimangot si Yong pero pumayag na rin.
Pinagpartehan na nila ang listahan, si Yong Soo ang mamimili ng bathroom essentials (yes, pati sanitary napkins kasama), si Hong sa cleaning supplies, si Yao ang sa meat section, si Kiku sa fruits ang veggies, si Pili sa sauces at condiments, si Mei sa gardening supplies.
"Magkita tayo sa aisle 3 tapos sabay-sabay nating bayaran, maliwanag?" utos at tanong ni Yao.
"Roger that!" at sila'y nagpunta sa kani-kaniyang destinasyon.
Yong Soo
"Tingnan natin, hm… andito sa listahan ang tissue, air freshener, facial wash, body soap, toothpaste, shampoo, conditioner at" nanlaki ang mga mata "s-sanita…ta…tary n-na…napkins? Bakit ako pa?" nang makuha ang mga naunang items, eto na and dilemma, mamula-mula ang mukha ng marating nya ang lugar na hindi na nya gusto pang balikan "sanitary napkins, anong klase?" tumingin sa shelf.
"Thin" may thick ba?
"With side leak protection" leakage, paano?
"With wings" lumilipad sila? Ang galing!
"Odor neutralizer" what's there to neutralize?
"Cottony cover" don't tell me may plastic version sila?
Dahil sa pinagtitinginan na sya ng mga nasa paligid nya at hindi na nya kaya ang awkwardness "kahit ano na nga lang" sabi nito at humablot ng limang packs at kumaripas ng alis.
"Hindi na ako babalik dun!"
Hong
"Hay sa wakas natapos din!" tiningnan muli niya ang listahan at ng masiguro na kumpleto na "Anong sabi ni kuya? Aisle 3 ok sige" paalis na sana sya ng…
"Excuse me?" sabi ng isang binata.
"Yes, may kailangan ka?" tanong ni Hong.
"Pwedeng makipagkilala?" at niabot ang kamay.
"Um…" hindi nya alam ang gagawin, minsan nang nangyari sa kanya ito.
"Sige na ako nga pala si [name], may boyfriend ka na ba? Ilang taon ka na? Pwede ko bang hingin ang number mo para textmate tayo? Then ayain kitang mag date." Sunod-sunod na tanong nito.
"Ay aba! Pick-upin daw ba ako?" sa isip nito. "Sorry Pare pero I don't swing the other way" paliwanag ni Hong, aalis na sana sya ng hawakan sya ng makulit na lalaki sa braso.
"Miss naman… wag ka ng pakipot!" ii-score sana ng isang kiss pero sinampolan sya ni Hong ng isang malupit na Kung fu move curtsey of Kuya Yao's lessons.
As expected bulagta ang kawawang manyak.
"Pare pumili ka ng pipick-upin mo ha, siguraduhin mong babae. maka-alis na nga" at dali-daling pumunta sa meeting place.
