Part Seven
Pagpasok nila, nasa sala na mismo sina Duke Takeshi at and iba pang kamag-anak ni Kai.
" Hi! Mabuti naman narito na kayo… hello Naru... ", agad na bati ni Skuld tita ni Kai. Nabigla naman si Belldandy nang makita si Naru kaya agad nyang naibulaslas, " So, ikaw pala si Naru Roumiji, right? ".
"Opo ", nakayukong sagot ni Naru na halata na sya ay nahihiyang makiharap sa buong kamag-anak ni Kai.
" Ayos na ba ang sugat sa ulo mo?... Kumain na ba kayo? ", alalang tanong ni Urd sa mga bata.
" Don't worry, Ma! Naru is alright… magpapahanda na lang kami kay G. Noguhu ng breakfast... ", tugon ni Kai sa ina.
" Okay, go ahead you two... ", pahintulot ni Urd sa dalawa.
" Thanks Ma! See you later... ", paalam ni Kai sabay lumingon kay Naru. " Let's go... ", anyaya ni Kai sa kaibigan na pumasok na sa may kusina.
" Yes... ", sambit ni Naru at agad na sumunod kay Kai sa lugar.
Di umiimik nun si Duke Takeshi at nang makaalis nang tuluyan ang mga bata saka na ulit sila nag-usap-usap tungkol kay Naru.
" What do you think about that boy? ", kaagad na tanong ni Duke Takeshi.
" Papa,kamukha nya si Nataku… di ba? ", sambit ni Belldandy.
" Para sa akin di ba patay ang apo ko na yun... di naman natin nakita ang kanyang katawan di ba? At saka naniniwala ako sa pakiramdam ni Kai kay Naru... ", paliwanag ng duke sa lahat.
" Ako rin, ang damdamin ng isang kambal sa kanyang kapatid ay di kailanman nagkakamali dahil sa dugong parehong dumadaloy sa bawat isa... ", dagdag pa ni Skuld.
Tumahimik nang bahagya ang lahat sa lugar na yun samantala sa may kusina naman kina Naru at Kai.
" G. Noguhu, come here please... ", tawag ni Kai sa tagasilbi ng kanyang pagkain.
" Good morning, Master Kai! Ano po ba ang gusto nyong kainin ngayon? ", tanong ni Noguhu sa young master.
" Yun katulad pa rin kahapon… ", sagot ni Kai.
" Sige po, kayo Master Naru… anong gusto nyo? ", nakangiting tanong nito kay Naru na tila nag-iisip pa kung ano ang kakainin.
" Uhm, siguro... hotcake na lang at isang cup of tea. ", naiilang na sagot ni Naru.
" Okay, pakiantay lang po ang mag pagkain nyo mga young master. ", sambit ni Noguhu at agad na iniwan ang dalawa.
Maya-maya ay dumating na ang mag agahan ng dalawa. Tahimik at walang imikan ang dalawa habang kumakain subalit bahagyang di masyadong ginagalaw ni Naru ang kanyang pagkain dahil sa may iniisip sya.
" Bukod sa nakapunta na ako dito... ewan ko ba... para talagang pamilyar na ko sa lugar na ito... hay, ang ganda at ang laki talaga ng lugar nina Kai... ", sambit ni Naru sa isip habang tinititigan at pinaiikot ang kapirasong hotcake sa tinidor. Napansin naman sya ni Kai kaya walang kaabog-abog na tumayo ito.
" Malayo yata ang iniisip nito... maloko nga... ", sambit ni Kai sa sarili at dahan-dahan na pumunta sa kinaroroonan ni Naru.
" Magiging masaya kaya ako dito... ", dagdag pa ni Naru at talagang nabigla sya nang kinain ni Kai ang kapirasong hotcake sa hawak-hawak nyang tinidor. " K-Kai?! ", agad nyang nasambit dahil sa gulat.
" Masarap naman ah?… may problema ba sa hotcake ni G. Noguhu? ", nakangising tanong ni Kai sa kanya.
" W-wala naman... ", sagot nya na nandoon pa rin ang halatang impresyon na pagkabigla.
Matapos nilang mag-agahan, niyaya ni Kai si Naru sa kanyang silid.
" What can you say about my room? ", tanong ni Kai para sa opinyon ni Naru.
" Ah, it's cool… good and looks comfortable… ", sagot ni Naru habang nililigid ang mga mata sa naturang lugar.
" Salamat sa papuri... take a sit… ", anyaya ni Kai.
" Salamat... ", sagot ni Naru sabay iniupo ang sarili sa malambot na sofa. " Talaga bang kailangan ganito kalaki ang mga kwarto dito? ", wala sa loob na naitanong ni Naru.
" Para kay lolo, ang silid ay parang bahay na rin ng umuokupa kaya kailangan malaki at kumpleto ang nandito… ", paliwanag ni Kai.
" oh, I see... sya nga pala… anong gagawin mo ngayon? ", tanong ulit ni Naru.
" Uhmm... walang pumapasok sa isip ko... gusto mo ba maglibot ngayon o bukas na lang? ", sagot ni Kai.
" Bukas na lang… gusto kong magpahinga... ", ani ni Naru sa kanya.
" Okay, you can... iiwan muna kita... ", paalam ni Kai sa kanya.
Hindi na sumagot si Naru dahil kaagad na rin naman umalis si Kai. Ilang sandali, nakatulog na si Naru sa sofa. Sa labas , tumungo naman si Kai sa computer room upang alamin kung ano na ang balita sa Shell Shark gang. Tahimik syang nagcocomputer nang biglang may naalala syang bagay sa kanyang silid.
" Nalimutan ko si Dronza at ang diskette, makuha nga… ", sambit ni Kai sa sarili sabay tumayo at lumisan sa lugar na yun. " Saan kaya natulog si Naru... ", naalala nya ang kaibigan na di nya nasabihan na pwede naman gamitin ang higaan nya sa pagpapahinga.
Pagpasok sa silid , nadatnan nya si Naru na natutulog sa may sofa. Napailing na lamang si Kai at natatawa.
" Si Naru talaga... Dapat di ka dito natutulog… sasakit ang likod mo... ", bulong ni Kai habang inalalayan si Naru papunta sa higaan nya. Hindi na nya inabala pa na gisingin ang kaibigan.
" Talagang pagod sya... " , nakangiting sambit ni Kai sa sarili habang pinagmamasdan ang natutulog na kaibigan.
Kinuha na nya si Dronza at ang diskette sa may kabinet at agad na umalis. Sa isang araw na yun, walang ginawa si Naru kundi ang magpahinga. Kinabukasan naglibot ang dalawa sa mansyon sa ikalawang palapag. Talagang pinakilala ni Kai si Naru sa lahat ng mga tauhan sa mansyon. Hindi lang yun, pinakita rin ni Kai ang ilang mga mahahalagang kwarto upang sa ganun ay di na maligaw si Naru at kahit papaano di na ito matakot mag-isa maggala sa loob ng mansyon. Ilang araw din nila ginagawa yon at kasabay nun ang unti-unting paggaling ng mga sugat ni Naru. Kasabay din ang ilang piraso ng mga nawawalang memorya ang unti-unting bumabalik kay Naru subalit di nya ito lubos na maintindihan at di nya rin ito nababanggit kahit kanino maging kay Kai. Habang nagdaraan ang mga araw ay unti-unti na rin nakakasanayan ni Naru ang tumira sa mansyon at lalo namang naging malapit si Naru kay Kai na para talagang nagtuturingan na ang dalawa bilang magkapatid. Binahagi rin ni Kai ang ilang alam nya sa beyblade kay Naru.
