Chapter 6: First Morning

Nararamdaman ni Clark na napasobra yata sya ng tulog. Dati, alas kuwatro pa lang ng madaling-araw ay gising na sya. Madalas pa sa kalagitnaan ng gabi ay nagigising sya dahil sa mga naririnig na humihingi ng tulong sa iba't ibang panig ng mundo. Nakakapagtaka naman na wala pa syang naririnig na kahit anupaman at ang gaan-gaan ng pakiramdam nya sa kasalukuyan. Hinawakan nya ang unan sa may ulunan nya, tirik na ang araw pero gusto pa nyang nagpahinga. 'Yeah, give Superman a break,' sa isip ni Clark. Ipipikit nya sanang muli ang mga inaantok pang mata, nang mapagtanto nya na nakaangat sya sa kama ilang pulgada mula sa ibabaw nito. Parang may tao sa ibabaw ng kama, babae yata. Nag-inat ang nabanggit na nilalang. Pagkakita ni Clark sa pamilyar na mga mata, pakamulat nito ay pareho silang nabigla. Nahulog si Clark mula sa itaas… Bumagsak sya sa ibabaw ng babae, na malakas na napatili. Ilang sandali pa at nakahupa na silang dalawa sa kabiglaanan.

"Ouch, Smallville you're so heavy!"

"Ahm… Lois don't move. Nasaktan ba kita?"

"I'm not so sure."

Para masigurado nya na walang nabaling buto kay Lois, ginamitan nya ng x-ray vision. Nakahinga si Clark ng maluwag ng masigurado na maayos naman ang kabiyak.

"Are you okay?"

"I said I'm not so sure. Parang nakakahalata na ako ha."

Napangiti si Clark at mabilis na tumayo. Bago pa nakabawi si Lois, ninakawan nya ng halik sa labi saka sya mabilis na pumasok sa banyo gamit ang superspeed.

"SMALLVILLE!!!"

Nang masigurado ni Lois na nasa loob na ng banyo ang asawa, hinawakan nya ang mga labi at bahagyang napangiti sa ginawa ni Clark.

o0o-o0o-o0o-o0o

I've been loving you

For such a long, long time

Expecting nothing in return

Just for you to have a little faith in me.

Mandy Moore (Have a Little Faith in Me)

o0o-o0o-o0o-o0o

Ayan po, Chapters 1 to 6 ng Ala-Ala. One-third po ito ng Tagalog translation ko ng So Close and Yet so Far. Hindi ko na po naiprioritize i-upload ang English Version nito na ginawa ko last year. Two-thirds po nito ay parang may Armageddon. Ang last part po ay about A Love Triangle. Doon nyo po maiko-connect ang pangyayari sa Prologue. Hiniram ko lang po ang mga kanta na nai-post ko rito. Sana po magustuhan nyo. Til next chapters.