Ang nakaraan
Nilingon ni Naruto si Hinata at hinawakan sa kamay, matapos nito ay determinadong hinarap si Hiashi.
"Opo, pananagutan ko po ang inyong anak" yumuko ito sa harap ng patriarch at nagsabing "Nais ko pong hinging ang kamay ng inyong anak, hindi dahil sa may nangyari sa amin, dahil po sa mahal ko sya."
"Ganun di po ako ama, gusto ko pong makasama si Naruto dahil mahal ko sya" sabay yuko.
"HINDI AKO PAPAYAG!" gulantang na hinarap ang nagsalita.
Kabanata VI
Kuya, huwag po!
"HINDI AKO PAPAYAG!" gulantang na hinarap ang nagsalita.
"Kuya Neji!"
"Bakit naman kuya?"
"Ulol! Huwag mo kong tawaging kuya, bayani ka nga ng Konoha pero kaya mo bang patunayan na karapat-dapat ka sa pinsan ko?"
"A-ama paki-usap pigilan nyo sila" pagmamaka-awa ni Hinata.
"Nakikiusap din po ako Hiashi-sama" ganun din si Tenten.
"Paumanhin ngunit ako man ay gustong malaman kung handa ba si Naruto harapin at patunayan ang kanyang sarili"
"Salamat po Tiyo" pagyukong sambit ni Neji sabay harap kay Naruto "Labas!"
'Ano ako aso?' isip nya at lumabas na rin.
Natatakot si Hinata sa maaring mangyari; oo nga, minsan na ngang natalo ni Naruto si Neji ngunit hindi ibig sabihin mangyayari ulit ito. Sa hardin sila ay nagtitigan
Nagtitigan
Nagtitigan
Nagtitigan ng Nagtitigan
Nagtitigan ng Nagtitigan ng Nagtitigan
Nagtitigan ng Nagtitigan ng Nagtitigan ng Nagtitigan
Walang kumukurap, lahat kabado, nagmamatyag sa maaaring mangyari sa dalawa.
Bawat Segundo ay mahalaga
Bawat minuto ay mahalaga
Bawat galaw ay siyang magdidikta kung ikaw ay mamalasin o papalarin.
Nang biglang…
"Bato bato pik!" sigaw ng dalawa.
"Whooho talo ka!" sigaw ni Naruto habang winawagay-way ang kamay na hugis gunting at patakbong umakap sa kanyang sinta. Habang si Neji naman ay itinakip sa mukha ang kamay na hugis papel.
"Nge!" sigaw ng mga nakakita.
"Neji" sambit ni Tenten habang akap nito ang braso ng kasintahan.
"Alam ko naman na aalagaan nya si Hinata" sabay halik sa noo ni Tenten.
Gaya ng sabi, ito ay isang dilemang hindi ko akalaing mangyayari sa akin, ngunit nagpapasalamat na rin ako nang dahil dito at sa mga sumunod pang pangyayari natagpuaan ko ang aking kaligayahan. Kaya ako si Uzumaki Naruto na kilala bilang Rokudaime Hokage ng bayan ng Konoha ay maligaya at kuntento sa buhay.
