Chapter 7: Kiss?

"Kyyaaaaah!" Nabato ko ng unan si Marui.

"Ano bang problema mo?!"

"Anong nakita mo?!" Sigaw ko sa kanya. Pano pag gising ko, iba na yung suot kong damit. Sino nag palit sa akin?! Eh, lahat ng kasama ko lalaki. _

"Nakita?" Pagtataka niya sa sinabi ko.

"Wag ka ng magkunwari! Manyak!"

"A-ano?! Anong manyak pinag-sasasabi mo?!"

"Bakit iba na ang suot kong damit?!"

"So, ayun ang inirereklamo mo dyan? Para sabihin ko sayo, si Kia ang nagpalit ng damit mo!" Si Kia?!

"At pano naman napunta dito si Kia? Aber?!" Habang nag-aaway kami ni Marui ay biglang pumasok sa kwarto namin sila Seichii.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Seichii, at si Kia… Andito nga talaga.

"Buchou, pinagpipilitan niya na ako ang nagpalit ng damit sa kanya."

"Eh? Bakit ate, gusto mo ba na si Marui-senpai ang magpalit sayo?" Tanong sa akin ni Kia. Ano siya baliw? Sinong babae ang magkakagusto na ang lalaki ang magpalit sa kanila ng damit lalo na't walang kamalay-malay ito?!

"Baliw ka ba Kia?"

"Baka nga tama ang sinabi ng batang 'to." Sabi naman ni Bakaya.

"Aghh! Ewan ko sa inyo!" Humiga ulit ako at nagtakip ng kumot. Narinig ko na lang na nag-sigh silang lahat at sinara nila ang pinto.

Haaay. Buti na lang si Kia talaga ang nagpalit ng damit sa akin. Dahil kung malaman ko lang na isa sa mga lalaking 'yon ang nagpalit sa akin, gugustuhin ko ng mamatay. Bakit nga pala andito si Kia at pano siya nakarating dito? Ewan. Bakit ko ba masyadong iniisip 'yon? Dapat ang iniisip ko ngayon ay kung paano ako makakaganti doon sa sea urchin na 'yon. Mga ilang oras din akong nag-stay sa kwarto at ng maramdaman ko na ang gutom, doon ko na naisipang bumaba ng kwarto. Pumunta ako ng kusina at kumuha ng pagkain.

"Ate."

"Bakit?" Tanong ko kay Kia.

"Ang ganda ng damit mo ah."

"Bakit?" Napatingin ako sa suot ko, malaking t-shirt at halos mukhang dress na sa haba tapos suot ko yung short ko.

"Kanino 'tong t-shirt?"

"Kay Marui-senpai."

"Hah?! Bakit ito pinasuot mo sa akin? May damit naman ako ah." Tanong ko sa kanya.

"Eh, hindi ko Makita yung damit mo kaya hiniraman na alng kita kay Senpai."

"Kai naman."

"Bagay naman sayo eh. Haha! Alam mo ba ate.." May binulong siya sa akin at iniwan niya ko sa kusina.

"Kia!" Wala siyang ginawa kundi tumawa, yung tawang pang-asar? Naku. Humanda ka sa aking bata ka. Humarap ulit ako sa ref at naghanap ng pagkain.

Bigla akong napaisip sa kung ano pang nangyari nung nalunod ako. Basta ang naalala ko na lang ay papalapit sa akin si Marui nun. Tapos yung binulong sa akin ni Kia… Blush. Aggh! Wag mong isipin yun Reiko, hindi totoo yun pinagtitripan ka lang ni Kia.

Napahinto ako sa paghahanap ng pagkain ng biglang may kumuha ng tubig sa ref, napaharap ako sa kanya. At sobrang lapit namin sa isa't-isa, napatitig na lang ako sa kanya. Sumagi ulit sa isip ko yung binulong ni Kia tapos nagblush ako.

"E-excuse me." Tinulak ko siya tapos kumuha na lang ako ng kahit anong pagkain sa ref at umalis.

Aggh! Kasalanan 'to ni Kia kung bakit ako nagkakaganito eh. "Si Marui-senpai ang nag-CPR sayo nung nalunod ka." Reiko, wag mong paniwalaan 'yon, hindi yan totoo. Umupo ako sa may sala at nakita ko na papalit yung trickster.

"Oy, kamusta ka na?"

"Kasalanan mo kaya 'to!" Lumapit siya sa akin tapos may binulong.

"Masarap ba ang kiss ni Marui?" Nag-blush ako.

"Niou!"

"HAHAHAHAHA!" Lumabas 'to ng bahay.

Hindi kaya totoo 'yun? Aggh! Baka magkasabwat lang silang dalawa ni Kia? Wag kang maniniwala, wag!

Gabi na at todo iwas pa din ako kay Marui, hindi naman siguro niya napapansin. Kasalanan talaga 'to ng dalawang yun eh.

"Kakain na." Tawag ko sa kanila. Umupo na sila at sa tabi ko umupo si Marui. Aggh! Bakit sa tabi ko pa siya umupo? =_= Natapos na silang kumain pero ako, wala pa sa kalahati yung nakakain ko.

"Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Seichii.

"H-hah? Bakit mo naman natanong?"

"Hindi pa nangangalahati yung pagkain mo."

"Ah.. Pasensya na, wala kasi akong gana eh. Sige, sa kwarto na lang ako." Iniwan ko sila at dumiretso ako sa kwarto.

"Si Marui-senpai ang nag-CPR sayo nung nalunod ka." - Kia

"Masarap ba ang kiss ni Marui?" – Niou

Kasalanan nilang dalawa kung bakit ako nagkakaganito. Tss.

Pumasok si Marui sa room namin at dahil nga umiiwas ako sa kanya, kinuha ko yung phone ko at nag-soundtrip. Napatingin na lang siya sa akin.

"Reiko." Kahit na nairrinig ko siya ay hindi ko pa din siya pinansin. Nag-sigh na lang siya at humiga sa foam.

Marui's POV

Hindi ako pinapansin ni Reiko mula nung nangyari sa kusina. Ewan ko kung anong dahilan, pero feeling ko dahil yun ng iCPR ko siya. Malamang sinabi na yon sa kanya ni Niou o ni Kia. Sinuot niya yung earphones niya at ako, napasigh na lang at humiga sa higaan ko. Sana pala hindi ko na lang ginawa 'yon para hindi niya ako iniiwasan.