Chapter 8: I Love you

Normal POV

Matutulog na sana si Marui dahil sa sobra na 'tong inaantok kaso, nagising siya ng marinig niya ang tunog ng cellphone ni Reiko. Bumangon siya para sabihan ito na patayin yung sound pero nakita niya na tulog na ito. Nilapitan niya si Reiko, kinuha niya yung cellphone nito at earphones. Kaya pala bigla itong nag-loudspeaker ay dahil natanggal yung pagkakakabit ng earphones nito. Ini-off ni Marui yung music player ng cellphone ni Reiko at inilapag sa lamesa. Kinumutan ni Marui ng maayos si Reiko at tinitigan ito habang natutulog.

"…" Hinawakan niya ang mukha nito at dahan-dahang inilapit ang mukha niya sa mukha ni Reiko ng biglang…

"Zai… zen…" Napahinto si Marui at nagulat ito sa narinig niya.

"Zaizen?"

"Zai…" Inilayo na ni Marui ang mukha nito ng bigla siyang hilahin ni Reiko. Napahiga ito at akap-akap siya ng babae.

"O-oi…" Pilit na tinatanggal nito ang pagkaka-akap sa kanya ni Reiko pero lalo lang siyang humihigpit. Napa-sigh na lang ito at tiningnan si Reiko.

"Zaizen pala ah…" Hinawi nito ang buhok na nakaharang sa mukha niya.


Reiko's POV

"Kyaaaaa!" Napa-upo ako ng Makita ko si Marui na nakahiga sa tabi ko.

"Bakit ba ang ingay mo?" Nagising ito at humikab pero nakahiga pa din siya sa kama ko.

"Anong ginagawa mo dito sa kama ko?!"

"Ako?" Umupo siya sabay turo sa sarili niya.

"Hindi ako! Kama mo 'to eh!"

"Ah… Inayos ko kasi yung kumot mo kagabi, tapos bigla mo kong hinila at inakap." Hinila? Inakap? Ko?! O_O

"Sinungaling!" Sabay bato ko sa kanya ng unan, na out of balance ito kaya nahulog siya sa kama.

"Aray…" Kinamot niya yung ulo niya at ako…

"…." Napatingin lang sa akin si Marui. "HAHAHAHA!"

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" Ang cute niya. XD Para siyang bata. Haha.

"HAHA. W-wala." Nginitian ko siya at inilapit ko ang kamay ko sa kanya. Humawak siya sa kamay ko at tumayo.

"Salamat." Binitawan niya yung kamay ko. "Yung tungkol dun sa kiss nung nalunod ka… CPR 'yon, hindi kiss. Ok? " Napatitig ako sa kanya. CPR? As in, Cardiopulmonary resuscitation? Hmmmm… Oo nga pala, nalunod kasi ako nun. =_="""

"Ok. Thank you nga pala sa pagligtas sa akin nun." Smiles.

"…" Nag-nod lang siya, tapos tumalikod at lumabas ng kwarto. Pero, nakita ko siyang nag-blush… Tama ba nakita ko? O/O At bakit pakiramdam ko namu-mula din ako? _ Waaaah!

Iniayos ko muna yung higaan bago ako lumabas ng kwarto,tapos dumiretso na ako ng kusina. Kinuha ko yung strawberry cake sa ref, nilapag ko ito sa lamesa at umupo sa upuan. Tahimik yung buong bahay… Bakit kaya?

"Wala silang lahat…" Sabi sa akin ng red-haired habang papasok ng bahay.

"kaya pala." Sagot ko naman habang kumakain ng cake.

"O-oiiii!" Sigaw niya sa akin habang naka-tingin sa cake na kinakain ko.

"Bakit?"

"Bakit mo kinain yang cake ko?!"

"Eh? Iyo ba 'to? Wala namang nakalagay na pangalan eh!" kinuha niya sa akin yung cake.

"Akin 'to! May pangalan man o wala!"

"Ang kapal mo! Akin na nga yan, nagugutom na ko!" Kinuha ko ulit sa kanya yung cake tapos kinain.

"Wo-" Napahinto siya ng Makita niyang ubos ko na yung cake niya.

"Bleeh!" Umupo ako sa sofa tapos kinuha yung cellphone ko sa bulsa. Wala ng nagawa si Marui kaya umupo na lang din siya at naglaro ng PSP.

"Asan kaya sila?" Sigh.

"Malay ko."

"Kausap ka?"

"bakit? Sino pa ba ang iba mong kakausapin? Eh, tayong dalawa lang naman ang nandito. Maliban na lang kung may nakikita kang hindi ko nakikita." Nag-smirk siya.

"e-ehh! Wag ka ngang ganyan! " _ Wag siyang manakot!

"Haha. Bahala ka nga dyan." Lumabas siya at iniwan ako sa bahay.

"Woi! Sugar freak!" _ Nakakainis. At dahil sa matatakutin ako, sumunod ako sa kanya sa labas.

"Anong ginagawa mo dyan?" Naka-upo siya malapit sa mga malalaking bato tapos may kinakalikot.

"Ahh… Ito oh." Hinarap niya sa akin yung maliit na ahas.

"Kyaaaaaaaaaaaaaa!" Napa-upo ako sa sobrang takot. Ayoko ng ahas! Kahit maliit pa yan! _

"HAHA! Takot ka dito?" Hindi ba halata?! Lokohan ba 'to?! _

"I-ilayo mo yaaaaaaan!"

"Ayoko. Eto oh." Mas lalo pa niya itong nilapit.

"Ilayo mo sabiiiiiii!"

"HAHA! Hawakan mo muna." Wag kang ganyan! T^^^^^T

"Marui!"

"Ito na yung snake mo oh…"

"MARUI TAMA NA!" Napa-hinto siya ng masigawan ko.

"…. Hahahahaha!" Nilayo na niya yung ahas.

"Anong tinatawa mo dyan?!"

"Wala. Para ka kasing bata eh. Haha. Umiiyak ka na oh." Pinunasan ko yung luha ko tapos sinipa siya sa tyan. "Araaaaaay!"

"Nakakainis ka!" _ Binitawan na niya yung ahas tapos naghugas ng kamay. Pagbalik niya sa akin.

"May papakita ko sayo." Tumingin ako sa kanya.

"A-ano 'yun."

"Eto oh~ Ahas." Tumakbo ako sa loob ng bahay tapos nag-tago sa likod ng sofa.

"HAHAHAHA!" Halos namumula na si Marui dahil sa kakatawa.

"Bakit ka pa tumatawa?!"

"Binibiro lang naman kita eh. Haha. Hindi ko na hawak yung ahas."

"si-sigurado ka?" Sobs.

"Oo." Inilapit niya yung kamay niya sa akin, hinawakan ko yung kamay niya tapos tumayo at umupo ulit sa sofa.

Marui's POV

Haha! Wala akong ibang ginawa kundi ang asarin siya buong araw. Wala kasi akong magawa eh, wala din naman sila Buchou. Nakita ko na nag-yawn si Reiko.

"Nagugutom at inaantok na ko."

"Pano, iyak ka ng iyak." Pinalobo ko yung paborito kong green apple bubblegum. Pop.

"Kung makapang-asar ka kasi eh."

"Iyakin ka lang."

"Hindi nga sabi eh!"

"Haha. Oo na." Pumunta ko sa kusina at kumuha ng cake para sa aming dalawa. Pagkalapag ko ng cake sa mesa ay kinuha na agad ito ni Reiko tapos kinain. Smiles. Kinain ko na din yung isang cake. Tapos nun, nilagay ko ang pinagkainan namin sa kusina. Pagbalik ko, nakita ko siyang tulog na sa sofa. Binuhat ko siya at inihiga sa kama.

Ang cute niya kahit na ang haggard na niya. Smiles. Kinumutan ko siya tapos inilapit ang mukha ko sa kanya…

"I Love you." Tapos hinalikan ko siya.