HOLA! HAHAHA!

Pasensya na po sa dalawang linggong hiatus. Ako'y busy po sa eskwelahan at binabagabag ng mga bagay-bagay. Ang hirap magsulat ng nakakatuwa kapag may bumabagabag sa isip e. *nagda-drama ako kaya maawa kayo* hahaha! Pero totoo po iyan. Hihihihi.

Madaming problema. Bukod sa pasko na at wala parin akong lablayp, eh pinoproblema ko ang isa kong subject na sadyang hindi ko alam kung bobo ba ako o talagang mahirap lang. Nakaka-saltik! Iniisip ko kung gagamaitin ba naming yun sa totoong buhay.

Ako: Ale, pabili nga po ng porn na dvd. Magkano po?

Ale: alin jan?

Ako: eto pong Adventures of Misty and Ash, with Pikachu.

Ale: kunin mo derivative ng sec x plus tan x tapos divide mo sa sinx cos x. After niyan I-add mo sa pera ni Pacman tapos minus mo sa pera ni Napoles.

Ako: Ale, eh itong Flame of Rebecca hentai niyo? Magkano?

Ale: change mo na lang yung given. Parang yung ginagawa ng prof niyo. Pinapalitan yung mga variables sa quizzes, same equation sa ineksampol niya nung nagdidiscuss siya, pero hindi mo parin makuha-kuha ang sagot.

Ako: Aray.

Tangina this diba? Ang hirap ng buhay! Sino ba kasi nag-imbento ng math?! At sino din nag-imbento ng pag-ibig?!

Hahahahahaha!

Salamat sa inyong mga reviews nitong nakaraan chapters!

At may isang review, napangiti ako. Galing kay PirateAnonymous.

-Halika dito at umupo ka sa harap ko. Oo, chismis lang na may lablayp ako, dahil sa chismis lang kami may something. =)) Age ko? Hahahaha! Secret, walang clue. Sige na nga, konting clue. Nasa elementary ako nang pinalabas ang One Piece sa GMA. Elementary ako noong uso ang Doraemon. At batang-bata pa ako noong nasa RPN pa ang Dragon Ball Z. Isa lang naman ako sa mga batang umuuwi noon ng maaga galing school para makapanood ng OP at ibang anime sa GMA sa hapon. Hahahaha! At kung destiny naman ang pag-uusapan, game ako jan. bulong ko sayo number ko… *sghhasdjhdfgsdjfhjsdfksajfjsdh*

fujoshijas

Admin! Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa suporta niyong mga Admin dito sa Fanfic na ito, syempre salamat sa mga LIKERS! :D

Ang haba haba ng review niyo! Natuwa ako! XD mas mahaba pa sa mga updates ko dito per chapter! Hahaha At kung may ihahaba pa ba ang twagan nila? Meron pa po. Love meter at Landi meter po yun kumbaga. Sukat ng pagmamahal at landi, so habang tumatagal ang relasyon, hahaba yun. Hahahaha!

Salamat po sa Review! Sa Uulitin!

Sa lahat po ng nagreview, salamat! Inspired ako magsulat dahil sa inyo e! Kapag sinasabi niyo 'dami kong tawa, mga 1M, mga 12321, mga 10B ." Ang galing niyo magbilaaaang! :3

Admin Shiraaaaa! Hello! Admin Zoro! Hello! Other admins, Hellooo! Hahahaha

Likers.. hellooooo!

I love you, Readers! *group hug mith Malisyaaaa!*


Boracay Arc- Ika-Limang Kembot

Warehouse, yohooo?!

Strawhats: Vice Ganda?!

Vice: Hindi! Hindi! Hindi ako si Vice! Ako si Pelita Corales! Kaloka kayo, kelangan talaga ulit-ulitin?! OO! Ako si Vice Ganda!

Luffy: Ano kailangan mo? Bakit ka nandito? Kalaban ka ba?

Vice: (ngumiti.) Alam mo, kamukha mo tatay mo.

Nami: Teka, wag mong sabihing…

Sanji: Revolutionary ka?!

Vice: Magaling, magaling! Isa rin ako sa mga Okama!

Sanji: (kinilabutan, naalala ang madilim na nakaraan kasama ang mga Okama.)

Vice: Wag ka mag-alala, Sanji. Hindi ako mahilig sa kusinero. Basketball player ang gusto ko.

Vice: Buweno, matagal ko na kayo minamanmanan. Pinapa-check kayo sa akin ng tatay ni Luffy. Mula nang dumating kayo dito sa Bora, binabalak ko na talaga magpakilala.

Brook: yohohohoh! Masaya to.

Vice: kilala ko na kayo. (tumingin kay Nami.) Isa ka sa mga pinakamatalinong navigator na nakita ko. Kaugali mo rin si Napoles, Nami.

Nami: Napoles?

Vice: Oo, wagas ang pagmamahal sa pera!

(tumingin kay Ussop) At ikaw ang sharpshooter di ba? Imbentor ka rin tama?

Ussop: Oo. At ako ang dakilang mandirigma ng karagatan.

Vice: At ikaw at si Sabo ay iisa?

Ussop: Hindi!

Vice: Akala ko sasabihin mong Oo, sinungaling ka kasi. (tawa)

(Tumingin kay Sanji.) Hi pogi.

Sanji: (kinilabutan)

Vice: (Tumingin kay Zoro) Nako naman ang sarap! Roronoa Zoro.. ang santoryu user... And a full time lover of a certain archaeologist.. Tama?

Zoro: tch.

Vice: Ang swerte naman ni Robin sayo.

Zoro: Oi! Si Robin!

Nami: Ay oo nga!

Vice: Ano nangyari?

Franky: Kinidnap si Robin! Hanapin na natin!

Vice: O sge, tutulong akoo! Sasama ako! Pero bago tayo gumoraaa.. Picture picture muna!

Nagposing silang lahat.

Ipinost ni Vice sa kanyang instagram ang mga larawan. Naglagay siya ng caption:

Party!Party! with Strawhat Pirates!

#revolutionary #pakyuMarines #Strawhats

Vice: Teka, alam niyo ba kung san tayo lalarga?

Nami: Yun ang problema. Wala kaming clue.

Sanji: Malaking problema ito.

Vice: Ano ba kayo. Sa Pinoy movies, sa bodega na malaki o kaya sa malalaking warehouse madalas dinadala ang mga kinikidnap. Tapos, madaming goons doon! Maghanap tayo ng mga warehouse!

Brook: Yohohoh! Tama ka nga!

Franky: Pero bago ang lahat, maghanap tayo ng mga grupo ng kalalakihan. Mga naka-leather jacket at naka-shades, maong na kupas at mga nakayosi. Di ba ganun naman hitsura ng mga kontrabida?

Chopper: Tama!

Nami: Okay, may clue na tayo. Warehouse at mga goons! At oo nga pala, kasama ni Robin kanina si Ash, Misty at Brock.

Luffy: Sila Ash?! *liwanag at kislap mata*

Nami: Oo, close kayo?

Luffy: Hindi, mas intresado ako kay Pikachu!

*Nami sinuntok si Luffy* Nami: Seryoso ang pagkawala ni Robin kaya magseryoso tayong lahat!

Vice: Okay, maghiwa-hiwalay tayo! Kapag nakahanap kayo ng warehouse, mag-tweet kayo kaagad!

Strawhats: Yoooosssshhhh!

Vice: Saglit lang, Zoro. Ikaw ang leading man. Yung leading lady mo ang nakidnap eh, kaya dapat ikaw makahanap! Di ba direk?

Direktor: Oo, tama tama! O siya. Ituloy na ang shooting!

bAsAn: Direk, saglit. Paki tawag nga si Nami. Mejo magulo ang hair at make-up niya.

Direktor: Cut! Nami, tawag ka ni bAsAn.

Agad-agad lumapit ang mga make-up artist at stylist kay Nami at inayusan.

Direktor: Okay, Continue! Lights, Cameraaah, Actiooon!

Dali-daling naghiwa-hiwalay ang mga Strawhats para hanapin si Robin. Syempre kasama si Vice Ganda at si Charizard. Kung bakit meron si Charizard, yan ang hindi ko alam. Baka nagsawa kay Ash.

May tatlong grupo na binuo para hanapin si Robin.

Group A (The mariposa group) : Vice, Brook, Franky, and Charizard (hindi parin umaalis si Charizard.)

Group B (Ilang-ilang flower group) : Nami, Ussop, Zoro

Group C ( wala na ako maipangalan group ) : Luffy, Sanji, Chopper


Vice, Brook, Franky group.

Sila ay tumatakbo sa dalampasigan at naghahanap ng mga clues. Napatigil sila nang may marinig silang mga boses ng bata.

"A clue! A clue!"

Vice: Naririnig niyo ba yung naririnig ko?

Brook: Oo nga! Meron akong naririnig. Mga boses ng bata.

Franky: A clue! A clue! Daw.. Blue's clues?!

A clue! Behind You!

Biglang nagpakita ang isang asul na aso na ang pangalan ay Blue.

Vice: Yung totoo. One Piece pa ba to?!

Franky: Hindi ko alam, eh andito ka nga eh, kasama namin!

Brook: yohohoho! Andaming crossover! May saltik lang talaga ang may akda!

Vice: O siya, asan na ang clue?

Franky: Eto oh, naglagay ng clue si Blue.

Pinulot ni Frank yang isang shades. May marka ng paw ng aso, 's pawprints!

Vice: Kung ganon, tama ang hinala natin. Goons na may shades. At kung bakit naglalaro tayo ng Blue's Clues ng wala sa oras ay hindi ko na alam!

Franky: Taena, ansakit sa ulo. Dba warehouse ang hinahanap natin?

Brook: eh bakit sa dalampasigan tayo tumatakbo? Malamang walang warehouse dito na pwedeng pagtaguan ng kinidnap. Yohohohohoh!

Vice: Tatapusin ba natin itong Blue's Clues o ano?

Brook: Bahala na!

Vice: We just figured out Blue's clues!
We just figured out Blue's clues!
We just figured out Blue's clues!
We just figured out Blue's clues...
Because we're really smart!

Brook: Yohohohohohoh!


Group B (Ilang-ilang flower group) Nami, Ussop, Zoro

Nami: Zoro, wrong turn! Dito! Ano ba yan, sumusunod ka na nga sa amin, nawawala ka parin?

Zoro: Manahimik ka bruha.

Ussop: Oi, may bata! Magtanong tayo, baka alam niya ang pasikut-sikot dito? Oi bata!

Bata: HOLA!

Nami: Parang kilala ko tong batang 'to.

Zoro: Oo nga, pamilyar.

Bata: HOLA! Kelangan niyo ng mapa?! Say backpack!

Nami: Ay tangena! Si Dora pala to!

DORA: Say back pack! Back pack!

Ussop: Gabi na DORA! Andito ka parin sa labas? Hindi ka ba hinahanap ng nanay at tatay mo? Lakwatsera ka talagang negra ka.

DORA: Amigos! Nasa akin ang mapa. Alam ko ang hanap niyo, warehouse di ba? Say Map! Say Map!

Zoro: Niloloko ba tayo ng batang 'to, isasantoryu ko na to?! *bubunutin na ang mga espada.*

Nami: *sinapak si Zoro* Manahimik ka! Baka nasa kanya ang sagot ng mga hinahanap natin!

Dora: Say Map!

Ussop/Nami/ Zoro: MAAAPPPP!

BIGLANG nagpakita si Map! At kumantaaaa!

If there's a place you got to go
I'm the one you need to know
I'm the Map
I'm the Map
I'm the Map
If there's a place you got to get
I can get you there I bet
I'm the Map (banggitin 12 times)

Im the MAAAPPPP!

Dora: how do we get to the warehouse?

Map: Ilog, Bridge, Warehouse! Repeat after me! Ilog, bridge, Warehouse!

Dora: Its our turn guys!

Dora/Nami/ Zoro/Ussop: Ilog! Bridge! Warehouse!

Zoro: Ano bang ginagawa natin kasama ng batang yaaaan!

Ussop: hayaan mo na. Mukhang legit naman tong mapa niya!

Nami: kelangan natin magtiwala, dahil ito lang ang alas natin sa ngayon!

Zoro: Nami-miss ko na si Robin, at nag-aalala na ako ng sobra! Wala na tayong panahon makipag adventure kay Doraaa!

Biglang may tumugtog sa background na musica. Ang travel song ni Dora!

Come on, vámonos.
Everybody let's go.
Come on, let's get to it.
I know that we can do it.

Where are we going?
WAREHOUSE!
Where are we going?
WAREHOUSE!
Where are we going?
WAREHOUSE!
Where are we going?
WAREHOUSE!

Hahahahahahaha.
Hahahahahahaha.
WAREHOUSE!

Dora: Mag-iingat tayo, hindi pa nagpapakita si swiper!

Zoro: Gagawin nating dinner sis wiper. Tatadtarin ko yun kapag ginulo pa tayo!

Nami: Sge, sge!


Group C (wala na ako maipangalan group) : Luffy, Sanji, Chopper

Sila ay tumatakbo kung saan. Trenta minutos na at dalawampu't tatlong Segundo na ang nakakaraan pero wala parin sila nakikitang warehouse.

Luffy: Sanji, May nakita ka na bang warehouse?

Sanji: Wala pa. Shit. Kelangan na natin makakita ng warehouse!

Chopper: Sana walang nangyari na masama kay Robin.

Biglang may nagsulputang mga kung ano man. Sila ay nakasuot ng iba't-ibang kulay na suit na animo, overall suit, pero fitted. May mga mascara sila pero helmet ang itsura, at kung pano sila humihinga sa loob non ay hindi ko alam. Sila ay nag-posing sa harap nila Luffy na labis na ikinagulat ng grupo ng strawhats.

Sanji: Sino kayo?!

Luffy: Wow colorful!

"AKO SI POWER RANGER Black!" ang sabi ng isa.

"AKO SI PINK!"

"Ako SI RED-ORANGE!"

"AKO SI TURQUOISE"

SANJI: SPELL TURQUOISE!

POWER RANGER TURQUOISE: leche. BLUE nalang! Ako si Power Ranger BLUE!

Chopper: Bakit mukha silang mga cheering squad kung makapag-posing?!

Luffy: Wow, ang astig ng suit niyo? May extra kayo? Gusto ko rin magsuot niyan!

Sanji: Ang baduy kaya! Nasa Bora ka tapos ganyan suot mo?!

Chopper: Pero ang cool!

Power Ranger Black: Akala naming kalaban kayo. May hinahanap kami.

Luffy: Sino?

Power Ranger Black: Si Shaider.

Sanji: Yung pulis pankalawakan?

Black: Oo, may gig dapat kami ngayon.

Chopper: Barkada kayo nila Shaider?

Black: Oo!

Sanji: Wala kami panahon para hanapin si Shaider, pasensya na. Malamang na-trap na naman sa TIME SPACE WARP.

Black: tanga tanga din yun e. Sge! Paalam!

Biglang tumugtog and GO! GO! PWER RANGERS!


SAAN KAYA HAHANTONG ANG PAGHAHANAP KAY ROBIN? ABANGAN…..

REVIEWS! REVIEWS! REVIEWS POOO! SALAMAT! XD