Normal POV
Humiga si Kamiru sa kama niya at inakap ang unan, naaalala pa din niya ang ginawa ni Niou sa kanya.
Flashback:
"Damn you Niou! Baka!" Nasampal niya ito. Tumungo si Kamiru at gustong-gusto nitong umiyak, pero, ayaw niyang umiyak sa harapan ni Niou dahil alam nitong aasarin lang siya.
"HAHAHA!" Tumayo ito ng maayos. "Bakit? Mas gusto mo ba ang kiss ni Takashima?"
"Anong…. Anong dahilan? Bakit mo ginawa 'yon?"
"Naiinis ka? Gusto ko lang naman na ako ang first kiss ng bestfriend ko." Nag-smirk ito at tumingin ulit kay Kamiru. "Kaso mukhang impossible yun, dahil naunahan na ata ako ng bago mong bes-"
"Bakit ba pilit mong sinsasali si Takashima?"
"Dahil gu-"
"Hindi ko siya gusto! Hindi ko alam kung manhid ka o wala ka lang talagang paki-alam sa nararamdaman ko. Bakit hindi mo marealize na ikaw ang gusto ko? Na hindi lang bestfriend ang turing ko sayo!" Nagulat si Niou sa narinig niya. Na siya ang gusto nito at hindi si Takashima. Na higit pa sa bestfriend ang nararamdaman sa kanya nito.
-End of flashback -
Habang pauwi si Niou, napadaan siya sa arcade shop kung saan madalas silang nakatambay ni Kamiru. Nakita niya ang bagong stufftoy sa crane machine, naglaglag siya ng token at kinuha iyon. Nang nakuha niya, iniisip naman nito kung paano niya ibibigay sa bestfriend niya ang stufftoy.
The next day, school festival. Busy ang mga estudyante sa pag-aasikaso sa kani-kanilang booth. Dumating din ang iba't-ibang school na inimbitahan nila.
"Sugiyama-san, Yuki-san!"
"Bakit?" magkasabay nilang tanong.
"Pwede bang pakihanap si Niou at Marui?"
"Bakit?" Tanong ni Kamiru.
"Magbebreak na kasi ang iba nating classmates eh, kailangan nilang pumalit."
"Sige. Hahanapin namin." Hinila ni Reiko si kamiru palabas ng room.
"Bakit ka pumayag? Ayokong hanapin si Niou."
"Eh di ikaw ang maghanap kay Marui at ako ang maghahanap kay Niou. Gusto ko lang maka-iwas sa gawain doon." Ngumiti si Reiko sa kanya.
"Tamad ka talaga." Nag-sigh si Kamiru.
"Minsan lang, inaantok pa kasi ako eh. Mabuti pa maghiwalay tayo para mas mabilis ang paghahanap."
"Fine."
Naghiwalay sila sa paghahanap, malapit sa school gate naghanap si Reiko at sa tennis court naman naghanap si Kamiru.
"Miru-senpai!" Napalingon ito ng marinig nito ang boses ng Junior Ace.
"Akaya?" Kasama ni Akaya ang buong Team pati ang Seigaku at Hyotei.
"Miru-chan!" sabay akap sa kanya ng dalawang girl bestfriend niya from Hyotei. Si Emi at Megumi.
"Megumi-chan, Emi-chan." Ngumiti ito. Nakilala sila ni Kamiru dahil sa internet, hanggang sa nagkita sila sa laban ng Seigaku at Rikkai nung Kanto Regional Tournament. (Nah, I'm not sure kung nanuod ang hyotei sa laban ng Rikkai at seigaku. Nakalimutan ko na kasi eh. =.=).
"Kamiru, nasaan si Reiko?" Tanong ni Seichii.
"Hindi ko alam eh, naghiwalay kasi kami para hanapin sila Marui." Hindi mapakali si Kamiru ng dahil kay Niou.
"Seichii!" Napalingon ito ng marinig ang boses ni Reiko. Nakita niya na kasama nito ang mga taga shitenhouji.
"Hinahanap kayo nila Shiraishi." Nag-iba ang mood ni Reiko. Ibang-iba ang ikinikilos niya.
"Koshimae!" Lumapit agad ang red hair ng Shitenhouji na si Kintaro kay Echizen.
"Mukha kang babae sa suot mo, Reiko." Bati sa kanya ng Sugarfreak.
"Tigilan mo ko. Nga pala, hinahanap na kayo sa room." Umalis agad ito.
"Anong nangyari sa kanya?" Pagtataka ni Marui.
"Neh, Emi-chan, Megumi-chan, pumunta kayo sa room namin. Masarap ang cakes at coffee doon." Ngumiti siya sa kanila. "ok lang naman siguro sa mga boyfriend niyo diba?" Tumingin ito kila Yuushi at Gakuto.
"Ba-bakit ganyan ka makatingin hah? Sugiyama-san?" Tumawa lang si Kamiru ng dahil sa reaction ni Gakuto. Hinila niya ang dalawa niyang best friends. "Hihiramin ko muna silang dalawa. Ja~"Pumunta si Kamiru sa room nila kasama si Megumi at Emi. Sumunod na din sila Marui at Niou dito.
"ANO? GINASAJFJASGFJAGFHA!" Biglang tinakpan ni Megumi ang bibig ni Emi dahil sa sobrang lakas ng boses nito.
"Gusto mo bang mapatay si Kamiru ng mga fangirls ni Niou?" Paalala ni Megumi sa kanya.
"g-gomen." Nag-sigh si Kamiru.
"Hindi ko alam pero… Ayoko siyang makita. Ayoko din siyang kausapin, ang gusto ko ay lumayo sa kanya."
"Eh di lumayo ka."
"Hindi naman ganun kadali 'yon, Emi." Sagot ni Megumi sa kanya.
"Pero… Pag andyan siya, hindi ko maiwasang tingnan siya."
"Eh di wag mong tingnan." Bulong sa kanya ni Niou na kanina pa pala nasa likuran nila.
"N-Niou?" Napatingin silang tatlo sa likuran.
"'Yun pala ang dahilan kung bakit hindi kayo nagpapansinan."
"Shut up sugar freak!" Pumasok si Kamiru sa room at pumwesto sa kitchen.
"Nakakainis!"
"Kamiru." Napatingin siya kay Niou.
"Anong ginagawa mo dito?" Inasikaso nito ang mga orders.
"Hinahanap ka nila Emi." Tumingin siya kay Niou.
"Ok."
"Ganyan ka ba pagnagcoconfess? Umiiwas sa taong gusto mo? Puri~" Nag-smirk ito.
"Wala ka ng paki-alam kung anong gusto kong gawin."
"Eh di, ganito na lang tayo lagi? Ikaw umiiwas at ako, lalapit ng lalapit sayo. Piyo~"
"Pwede ba Niou? Tigilan mo ko?" Iniwan nito si Niou sa kitchen at pinuntahan sila Emi.
"Binadtrip ka nanaman ni Niou noh?"
"Pwede ba? Wag niyo ng banggitin ang pangalan niya."
"Bakit kasi hindi marealize ni Niou na gusto ka din niya?"
"Re-reiko-chan?" Nagulat sila ng biglang sumulpot si Reiko sa likod ni Kamiru.
"Impossibleng magka-gusto sa akin 'yon."
"Alam mong malakas ang pakiramdam ko sa mga ganyang bagay. At alam kong may gusto sayo si Niou."
"Wag mo kong idamay kung badtrip ka dahil andyan si Zaizen." Nang banggitin ni Kamiru ang pangalan ni Zaizen, biglang nagbago ang mood nito. Lumabas siya ng room at iniwan sila Emi.
"Bad Kamiru."
"Don't tell me, hindi pa din nakakamove-on si Reiko?"
"Ewan?"
"Neh, nabanggit mo kanina na gustong makipagkita sayo ni Takashima after mong tumugtog ng Piano sa last day ng festival. Pupuntahan mo ba?"
"Hindi ko alam."
"Bakit?"
"Aghhh! Ayoko munang isipin 'yon."
"Bahala ka. Pero tama yung sinabi ni Reiko."
"Na may gusto sa kanya si Niou?" Tanong ni Emi kay Megumi. Nag-nod ito.
"Impossible 'yon. Pwede ba tigilan niyo na ang kapipilit na amy gusto sa akin si Niou?"
Iniwan ni Kamiru ang mga bestfriends niya at bumalik sa kitchen sakto naman na wala na si Niou doon. Mas gusto niyang nasa Kitchen muna para mapag-isa. Pero patuloy pa din ang pag-iisip nito sa sinabi ni Reiko na possibleng gusto din siya ni Niou. Pero ayaw niyang maniwala dahil ayaw niyang umasa at masaktan.
Note: Waaaaaaaaaaaaaahhhhhhhh! Sorry sa last part! =,= hindi ko kasi alam kung pano siya tatapusin. Pft. Minamadali kasi ako ng friend ko eh. xP And, hindi ka talaga sure kung nanuod ang hyotei sa laban ng Rikkai at Seigaku nung kanto regional. =.= Nakalimutan ko na kasi. Sorry kung Ooc yung characters. And kung mejo may love story ni Reiko dyan. XDDDD
