Chapter 8: Honeymooners Part 1

Pangatlong araw mula ng kasal. Alas singko y medya ng umaga.

"Smallville, bilisan mo naman! Gaano ka pa ba katagal dyan? Puputok na ang pantog ko." Nakatayo si Lois sa labas ng banyo.

"Sandali lang. I need to shave."

"Ano ba? Mamaya mo na gawin iyan." Iritableng tugon ng babae.

Lumabas si Clark mula sa banyo na nakatapi lang ng tuwalya. Tumutulo pa ang tubig sa buong katawan ng lalaki. Hindi alam ni Lois kung sa mukha sya titingin o sa maskuladong katawan ng kabiyak. Iniwas nya ang tingin sa lalaki, sabay sabi, "Make yourself a little decent."

"Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakita mo ako ng hubad,. Natatandaan ko, limang minuto siguro mo akong tinitigan dati bago mo ako binigyan ng kumot." Sabay nagpakawala ng nakakalokong ngiti. Lumitaw ang mga mapuputi nyang ngipin.

"Aksidente lang 'yon. Malay ko ba na wala kang saplot matapos mong tamaan ng kidlat." Pagtatanggol ng babae sa sarili.

"Kita mo na, matagal ka ng may crush sa akin. Simula pa lang ng una tayong magkita."

"So?!? Ano ang gusto mong palabasin Farmboy?" Tinitigan nya ang bughaw na mata ng lalaki. Nagkibit-balikat lang ito at akto na lalapitan pa sya.

"Whatever!" Sabay pasok sa banyo at kinabig ni Lois ng malakas ang pinto. Naririnig pa nya ang malakas na pagtawa ni Clark na lalo nyang ikinainis.

o0o-o0o-o0o-o0o

"Saan mo gustong magpunta ngayon? Hindi naman tayo iistorbohin ni Perry dahil nakaleave tayo ng isang linggo." Inabot nya ang salamin sa mata na nakalagay sa drawer.

Kasalukuyang nagpopony tail ng buhok si Lois. Nakasuot na sya ang tight fitting jeans at hanging blouse. Samantalang si Clark ay naka-plaid shirt at maong na pantalon.

"Kahapon nasa malamig tayong lugar. Ngayon, parang gusto ko sa mainit na lugar naman."

Nagsalubong ang kilay ni Clark sa narinig. Sinuot ni Lois ang sunglass na hawak sabay pisil sa pisngi ni Clark. "Beach tayo. Tara na!"

"Ano? Hindi pa tayo nakakapagempake ng mga damit."

"Smallville, nagawa ko na po." Ngumiti sya ng sapak hanggang sa tainga at hinatak na palabas ang kaibigan. Napailing na lamang si Clark at sumunod sa babae.

Boracay, Philippines.

Namamasyal na ang mag-asawa. Maraming tao ngayon dahil panahon ng bakasyon sa Pilipinas. Nauunang maglakad si Lois na aliw na aliw sa pagkuha ng mga larawan ng kapaligiran at ng mga batang naglalaro. Nagkaroon muli ng pagkakataon na mapagmasdan ni Clark ang kaibigan na ilang hakbang ang layo mula sa kanya. Naka-two-piece blue swimsuit ang babae at kitang-kita ang hubog ng maganda nitong katawan at mahahabang mga binti. Ilang kalalakihan na rin ang naroroon, lokal man o banyagang tulad nila ang napapatingin sa babae. Balewala lang ng naman kay Lois iyon dahil abala sya na pinagmamasdan sa digital camera ang mga kuha nyang larawan. Saka pa lang nya napansin na hindi na nakaagapay sa kanya si Clark. Lumingon sya at nakita nya na nagulat pa ito saka lumapit sa kanya.

"Smallville, ang ganda ng lugar na ito. This is one of the best beaches. Thanks dito mo ako dinala. Wait, dyan ka lang. Kukuhanan kita."

Natawa ng mahina si Clark pero sinunod din nya si Lois. Pagkatapos ay lumapit ito sa kanya at umakbay. Itinaas nito ang camera at kinuhanan nito silang dalawa. Ngumiti silang pareho. Clark wished na sana palagi silang ganito ni Lois hanggang sa tumanda sila. Pero narealize nya na one of these days, kapag naayos na ang lahat, maghihiwalay din sila. Lalo na kapag nakakita na ito ng tamang lalaki na mamahalin nito habambuhay. May pinong kurot sa dibdib ang naramdaman ng lalaki. Napatingin siya sa asawa na napalis ang ngiti ng makita ang kalungkutan nya.

"Four-eyed farmboy, something's wrong? Ang lungkot mo sa picture na ito." Inabot nya kay Lois ang camera at binago ang usapan.

"Nothing Lo. Gusto mo ba ng maiinom?"

Tinitigan sya ni Lois. His heart melts everytime he sees those hazel green eyes of hers. Then she spoke, "Pineapple juice, I guess." She smiled. Pagkatapos ay bumulong sa kanya, "no superpowers for the meantime".

"Sure." Lumakad si Clark palayo sa normal na bilis.

Tiningnan ni Lois ang lugar kung saan nakatitig si Clark kanina. May-edad ng mag-asawa ang magkahawak-kamay na nakaupo sa may buhanginan at masayang nagkukuwentuhan. 'Ganito rin kaya kami pagdating ng panahon?' sa isip nya.

Umupo sya sa buhanginan sa tapat kung saan sya nakatayo kanina. Pinanood nya ang mga tao na lumalangoy sa may di kalayuan. Napansin nya ang isang batang babae na nadulas sa may tulay at nahulog sa dagat. Binitiwan nya ang camera at tumakbo sa dagat. Lumangoy sya papunta sa bata at pinilit na hanapin kung saan ito nahulog. Lumubog-lumitaw sya hanggang sa makuha na nya ito na halos hindi na humihinga. Binuhat nya ang bata papunta sa dalampasigan. Nakakuha na sila ng pansin ng mga tao roon. Sumunod na rin sa kanila ang mga lifeguard.

Nagulat pa si Clark na nagkakagulo ang mga tao pagkalabas nya ng restaurant. Ginamit nya ang superhearing at napagtanto nya na wala naman grabe na nangyari. Hindi na kailangan ng tulong ni Superman. Situation's under control. Tinungo nya ang lugar kung saan naroroon ang asawa. Dinampot nya ang camera na gamit nito kanina.

"Lois."

Nakita nya ang kabiyak sa gitna ng mga nagkakagulong tao sa pamamagitan ng x-ray vision nya. Pinipilit nito na i-survive ang batang wala pa ring malay.

"Excuse me. Excuse me." Sabi ni Clark sa mga tao habang isinisiksik ang katawan para madamayan si Lois. Binigyan ni Lois ng mouth-to-mouth resuscitation ang bata.

"Lois."

Naramdaman ng babae ang presence ng kabiyak. Tumayo si Lois.

"Clark, she's not breathing."

"She is Lo."

Maluha-luha si Lois ng magising ang bata at naisuka nito ang tubig-dagat na nainom. Inalalayan ng mga lifeguard ang bata at dadalhin na sa klinika.

"Ma'am, Sir… Anak nyo po ba sya?"

Nagkatinginan silang dalawa at sabay na umiling. Nagpaliwanag si Lois. Tumango ang mga lifeguard.

"Ma'am, hahanapin po namin ang mga magulang niya. Sasama po ba kayo?"

"Hindi na siguro." Tinitigan nya ang bata at nagpasalamat sa kanya. Tumango si Lois saka hinaplos ang buhok nito.

Nang makalayo na ang mga tao at naiwan na lang silang dalawa. Bumulong si Clark sa kanya.

"You're my superwoman." Kumindat ang lalaki saka hinawakan ang ilong ni Lois. Gumanti ng ngiti ang babae at sinuntok nya ng mahina sa balikat ang kaibigan.

"Smallville, I know that worried look. May humihingi ng tulong." She gently tap his face. "Go, be careful." Tumango si Clark at mabilis na lumayo.

(scene break)

Alas-kuwatro ng hapon. Nakapagpalit na sya ng floral dress, nakalugay ang mahaba nyang buhok at naglalakad sya sa may dalampasigan. Tumingin sya sa relo, wala pa rin ang kanyang esposo. Kanina habang namimili sya ng ilang native na kwintas at bracelet, nakita nya sa TV na nasa Indonesia si Superman at tumutulong sa mga taong nasalanta ng bagyo. Dumampot sya ng ilang shells na nasa buhanginan.

"Hello po."

Nilingon nya ang pinanggagalingan ng boses. "Hi, kumusta ka na?"

Ngumiti ang limang taon na batang babae, "Okay na po ako. Salamat po sa pagliligtas nyo sa akin. Syanga po pala, pinapabigay po ng Tito ko ito. I'm Sandy."

"Thanks for the flowers, I'm Lois." Ngumiti sya ng matamis sa bata. Ang gaan ng loob nya rito.

"I'll be back Ms. Lois." Tumakbo palayo sa kanya ang bata. Nakita nya na may hinatak ito na isang matangkad na lalaki. Halos nasa treinta na siguro ang edad nito at tan ang kulay. Malamang na may halong banyaga at native ang lalaki.

Humihingal pa si Sandy ng makarating sa kanya. "Ms. Lois meet my Tito Marlon."

Tumango sya at inilahad ang kanang kamay. Inabot nito ang kamay nya at hinalikan ang likod ng mga palad nya. "Salamat sa pagligtas mo sa pamangkin ko. Nasa staff meeting ako kanina. Hindi ko inaasahan na maliligo pala sya sa dagat.

"It's okay. Nadulas sya. Aksidente naman 'yon." Tumingin sya sa itim na itim na mata ng lalaki at ng gumanti ng ngiti sa kanya, lumitaw ang malalalim na biloy sa magkabila nitong pisngi.

"May I ask if you're not busy tonight…? I want to show you my gratitude. A dinner, Ms. Lois?"

"I wanted to… Especially if that's with Sandy, but I have a company tonight."

"How about tomorrow?"

"She's occupied." Lois stared at Clark. Hindi nya kaagad napansin na nasa tabi na pala nya ang asawa. Seryoso ang mukha.

"Clark this is Marlon, Sandy's uncle and Marlon, this is Clark my h…"

"Her husband." Nagkamayan ang dalawang lalaki pero medyo napahigpit ang pagkakahawak ni Clark sa kamay ni Marlon. Siniko ni Lois si Clark sa tagiliran. Saka alanganin na ngumiti sa kaharap.

"Sorry." Hingi ng paumanhin ni Clark sa lalaki.

"Glad to meet you Sir." Ganti ni Marlon habang hawak ang nasaktan na kamay.

"Ms. Lois, kasinggwapo rin pala ng Tito ko ang asawa mo. Bagay po kayo." Nangiti si Clark sa sinabi ng bata. "Tito tara na, huwag kang mag-alala makakakita ka rin ng tulad ni Ms. Lois." Ginulo ni Marlon ang buhok ng pamangkin. "Pasensya na kayo kay Sandy may pagkapilya kasi ito kung minsan. Maraming salamat talaga sa pagkakaligtas nyo sa kanya." Saka tumunog ang cellphone ni Marlon. "Excuse us. Let's go Sandy."

"Thanks Ms. Lois and Mr. Clark. Bye."

"Bye Sandy."

Nang makalayo na ang magtiyo. Hinarap ni Lois si Clark.

"Clark. What are you doing? He's just showing his gratitude."

"He's interested on you and I don't like him." Walang kagatol-gatol na pahayag ni Clark. Saka lumakad paalis.

"What? Wait, you're jealous, aren't you?"

Humarap muli si Clark, his facial expression is unreadable. "I'm not. I'm just protecting you from him."

Naningkit ang mga mata ni Lois, magsasalita pa sana sya ng mapansin na may tinatago si Clark mula sa likuran nito.

"Ano 'yan?"

"Alin? Wala ito."

"Come on, ano nga 'yan? Let me see."

"Nothing. Look, you already had a bouquet of roses."

"You and your insecurities. Let me see that."

He looked around. Nang masigurado nya na walang nakakakita sa kanila, he supersped away. He left Lois with a confused look.

"Clark Kent!"

Nagbubusa ang loob ni Lois sa inis ng iwanan sya ni Clark na mag-isa kanina.

"Nakakainis." Pumasok sya sa loob ng kwarto ng mapansin ang lilies nakalagay sa vase. Kumunot ang noo nya at nakita ang note sa tabi nito. "Lo, have dinner with me at Lenny's Restaurant, 7pm (signed) Smallville." She smiled, as she smelled the lilies, her favorite flowers.

o0o-o0o-o0o-o0o

I dedicate this chapter to myself (LOL). December 8 is my birthday!!! I will give you a glimpse on the next two chapters. Hope you will like it…

Chapter 9: Honeymooners Part 2

…Clark placed his left hand on Lois' waist and his right hand on her chin to lift it up. When his lips touched hers, she almost lost her balance that's why unintentionally, she placed her hands on Clark's nape. When she parted her lips and allowed him to further explore the sweetness of their kiss, they forgot all the people around the restaurant. They got drowned and nobody's want to pull-out until they needed some air thus they gave some space and stared at each other. Clark got lost on their emotions until they heard the people clapping.

Chapter 10: Honeymooners Part 3

You're in my arms
And all the world is calm
The music playing on for only two
So close together
And when I'm with you
So close to feeling alive

A life goes by
Romantic dreams will stop
So I bid mine goodbye and never knew
So close was waiting, waiting here with you
And now forever I know
All that I wanted to hold you
So close

…Can I have this dance? Lois looked at him. His face is full of emotions that she can't described. She reached for his hand and placed the other on his broad shoulder. They never said anything, they just stared at each other listening to the music and beat of their hearts.

So close to reaching that famous happy end
Almost believing this was not pretend
And now you're beside me and look how far we've come
So far we are so close

How could I face the faceless days
If I should lose you now?
We're so close
To reaching that famous happy end
And almost believing this was not pretend
Let's go on dreaming for we know we are
So close
So close
And still so far

The song title is So Close by Jon McLaughlin, OST of Enchanted. Up to chapter 10, more than half na po ng buong story. We'll also witness the tragedy of their love, starting chapter 11. 

 Happy Birthday to my beloved cousins Carlo (December 13) and Marilyn (December 20) and to my Tita Angel (December 31).  To Ivy Joy Batac, thanks Sis for reading my stories. Although konti lang tayo na CLOIS Fans here in the Philippines, promise tatapusin ko pa rin itong Tagalog story ko. I'm just hoping one of these days, madagdagan pa ang nagbabasa nito. God bless. 