Ang Una at Huling Mananakit ng Puso Ko...
Chapter 10
Madaming nangyari ng bakasyon na iyon. Si Emett, long hair na daw. Si Victoria at Jacob ay masayang nagsama. Si Alice naman busy sa kanyang minamahal at si Jasper may syota na. Tanging si Bella ang walang kwenta ang bakasyon dahil pinadala sya sa probinsya. Ubod ng bait ang kanyang mga pinsan ngunit sobrang sama ng kanyang tiyahin. Lahat na lang ng kilos nya ay mali at ang laging tama ay ang kanyang pinsan. Dahil sa pulit-ulit na ganun na pangyayari ay napagdesisyunan na nyang umuwi na lamang ng mag-isa sa kanilang bahay. Ligtas na nakarating si Bella.
Isang buwan na lang at birthday na nya. Inaasahan nya talagang babatin sya ni Edward ngunit napakaimposible noon sa taong sobrang manhid at walang pakielam. Mabilis na lumipas ang panahon at isang linggo na lang ay birthday na nya.
Lunes, namili ng gamit para sa 3rd year.
Martes, gumala kasama ng mga kaibigan nya.
Miyerkules, sa bahay lang, nakikinig ng radyo. Unang tinugtog ang 'Bakit Nga Ba Mahal Kita', naalala na naman nya si Edward na sinusubukan na nyang kalimutan. Naalala nya ang mga nalilink kay Edward na labis syang nasaktan. Napaluha na lamang sya ng hindi sinasadya. Sumunod na kinanta ay 'Muli'. Labis na nakapukaw sa kanya ang lyrics na 'Ba't di pagbigyang muli ang ating pagmamahalan...' dahil sobrang mahal na nya si edward kahit hindi sya mahal nito. Pinatay na nya ang radyo at lumabas ng bahay. May dumaang tricycle na nagpapatugtog ng radyo. Ang kanta ay 'Ba't di mo pagbigyan', naalala nya na mas gusto ni Edward na magkaibigan lang sila. Napasabay sya sa pagkanta habang nagsesenti.
Bella: 'Bakit ba hindi pwedeng maging tayo. Ang nais mo ay kaibigan lang ako, dinamdaman ko nang lubos ang mga sinabi mo. Wala na ba akong pag-asa dyan sa puso mo. Pag nakikita ka, ako'y walang magawa, lagi kang umiiwas sa tuwing lalapitan kita...Ba't di mo pagbigyan ang pag-ibig ko tapat naman ang puso ko sayo, nakikiusap sa konting pagkakataon mahalin mo...'
Natapos ang araw ng puno ng kalungkutan. Natulog na lang syang umaasa na may isang bukas na mamahalin din sya ni Edward.
Huwebes, isang araw na lang at kaarawan na ni Bella. Nanuod sya ng laban ng volleyball. Swerte naman at nag-champion sila. Kinahapunan nakatext nya ang ate ni Jacob. Napakaganda nun at napakabait pa! Kahit hindi na nya mahal si jacob ay parang bumabalik dahil sa mga sinabi ng ate at dahil hindi na sya pinapansin ni Edward. Hinihintay na lamang nyang magumaga.
8 pm pa lang ay nagtext na si Emett. 1 am si Alice at nagsunod-sunod na ang mga greetings ngunit tanghali na wala pa din test si Edward puro patama na ang ginagawa nya pero wala pa rin. Dedma. Gusto na nyang pasahan ng load ngunit baka lalo lang mairita sa kanya si Edward. Malungkot ang birthday ni Bella. Walng handa, walang gifts at higit sa lahat walang text galing kay Edward. Naisipan nilang magpipinsan na magcomputer. Si Bella ang nagbayad ng computer rent tsaka transportation. Dumaan muna sila sa burger stand. Nilibre nya ang mga pinsan nya. Pag-uwi, pumunta sya sa simbahan at nagtirik ng kandila. Pag-uwi nya nakasalubong nya ang pinsan nyang si Andy. Sabay na silang umuwi. May nakita si Andy na garden. Pumitas sya ng 14 na roses. Kumakanta sya ng 'Happy Birthday' habang naglalakad. Kahit papaano ay nakalimutan nya si Edward. Gabi na, wala pa ring text. Gusto na nyang umiyak ngunit ayaw nyang sumuko. Napawi ang lungkot nya ng dumating ang parents nyang may dalang cake. Ishinare nya iyon sa mga kamag-anak nya. Kada segundo ay cellphone pa rin ang tinitignan nya. Magtwetwelve na, wala pa ring text. Hindi na nya napigilang umiyak. Inilabas nya lahat ng lungkot nya dahil tulog na lahat ang tao. Bago sya sumuko ay nag gm muna sya.
.G.M.
.it ol ends hir.
.agen, xlmt sa lht ng bumati, sa mga nakaalala, thank you tlga!
.sa taong ndi man lang nagtxt, gxto q lng sbhin, slmat sa pagpapaasa mo, sa pagpapasakit sakin. Ayoko nang umasa, wg kng magalala, wala ng Bellang hahabol habol sayo, mangungulit sayo at higit sa lht magmamahal sayo ng lubusan. :(
.Tnx 4 ruining my birthday! It's da best gift.
.Asa pa kong magttxt ka. g'nyt xenyu. I'd rather sleeo wid hatred than wake up seeing u hate me.
.B.E.L.L.A.
Iyak pa rin ng iyak si Bella.
Malapit na ang pasukan. Nag-enroll na si Bella kinabukasan. Ang masaklap pa dun, kaklase nya ang taong nanakit at nagpaasa sa kanya.
End Of Chapter
End of Story
Tapos na ang story ko! Wahahaha! Maghihiganti kaya si Bella? O mapapaibig ulit sya ni Edward at masasaktan muli? Mabago kaya ang mga nasambit nyang salita? Watch out for part 2! :) Pareview po...Salamat!
