ANG PUSONG DI' NAG-IISIP
[Meiko P.O.V]
"Mabuti pang dalhin mo na lang ako sa faculty room nyo, may aasikasuhin akong mga records."
"Masusunond mahal na prinsesa."
Hayy naku, dened-ma ko na lang siya. Pagdating namin dito sa faculty ay pinaiwan ko na lang siya sa labas at pinabalik sa klase niya, ginawa ko na lahat ang mga dapat gawin dito, kinunsulta ang adviser ni Miku para sa mga papers niya sa pag transfer ng ibang school at binayaran ang mga dapat bayaran x3 Nomon ohh, paubos na pera ko. After a few minutes natapos na rin ako dito at lumabas na ng faculty, paglabas ko inaabangan pala ako ng isang asungot.
"Meiko, free ka ba ngayon? Mag coffee naman tayo paminsan-minsan" yaya niya sa akin
"Bakit? Mayaman ka na ba ngayon?"
"Hindi pa, pero ang alam ko. Yayaman man ako o hindi..." at pinalibot niya ang mga kamay niya sa bewang ko "Mapapasaakin ka pa rin, kahit anong mangyari." tapos titig na titig siya sa aking mga mata O/O
UGGH! Tinulak ko siya sa sobrang inis ko.
"NEVER!" at iniwan ko na siya, can't you believe it? 5 years ang agwat namin, at parang ate niya lang ako, aasa pa ba siyang mai-inlove ako sa kanya? NEVER! Kahit mayaman na siya, hinding-hindi ko siya papatulan at hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya. I Promise!
*time escape*
"Oh! Ayan na." at inilapag ko sa mesa ang isang brown envelope
"Maraming salamat ate Meiko." palambing na boses ni Miku sa akin, nag a-ate lang yan pag may nagawa kang mabuti sa kanya.
"Nakahanap ka na ng trabaho?"
"Ah! Oo sa isang flower shop, medyo mura lang yung sweldo pero makakaya naman sa pag aaral ko."
"Eh di' mabuti, bukas sasamahan kita sa bagong paaralan mo." at kinuha ko yung face powder ko at lipstick para mag retouch.
"Sige, ikaw muna ulit dito sa bahay. May date pa ako." at umalis na naman ako ng bahay. This will going to be a long long night.
[LEN P.O.V]
Nandito na ako ngayon sa St. Martin(nakalimutan ko kung ano yung ginawa kong name sa school nila ni miku), suot ko na ang uniform nila at ngayon ipapakilala na ako sa buong klase, nasa section 4-a. Anong section kaya si Miku?
"Okay class, sa kalagitnaan ng semester may nag transfer at sa exam wala siyang sablay kay eto' na siya." at tumingin si teacher sa akin, grbe parang isasabak niya ako sa isang boxing kung ipapakilala ako sa buong klase.
"H-Hi! Ako pala si Len Kagamine."
"Okay Kagamine maghanap ka na ng mauupuan." at inikot ko ang paningin ko sa buong class room para makahanap ng mauupuan at may nakita akong babae, teka? Saan ko nga ba siya nakita? Hmnn...
"Excuse me Mr. Kagamine dun ka na lang umupo." sabay turo ni teacher dun sa may 4th row pang apat na upuan. . . Teka, dun yun sa tabi ng babae ah? At dun rin ako nakatingin sa kanya kaya umupo na lang ako dun sa tinuro ng teacher.
*time escape*
"Hi" bati ko dun sa babae na katabi ko, inayos na niya ang mga gamit niya lunch break na kasi pero di' man lang siya tumingin sa akin. Ano ba to'ng babaeng to'?
"Nga pala pinapaabot pala to' ni Riliane sayo." at binigay ko sa kanya yung physics dictionary, nang malaman kasi ni Rin na papasok na ako dito ay pinapaabot niya to' sa kanya, nabanggit ko kasi kay Rin na may naniningil sa akin ng physics dictionary na pinagkamalan na ako daw si Rin.
"Nahanap mo na pala si Riliane."
"Oo at nang malaman niya na dito na ako mag aaral pinapaabot niya to' sayo."
"Maraming salamat" at tumayo na siya
"Teka lang, ano bang pangalan mo?"
"Gumi." yun lang ang sinabi niya at umalis, hindi naman yata siya nag mamadali diba?
Hayy naku, mahanap na nga lang si Miku para ma-surpresa ko siya. Hmnpp... Paano kung absent na naman siya? No way, be positive Len I know pumasok siya ngayon. Kaya lumabas na ako ng classroom at nag simulang tumingin-tingin sa palibot, nagbabasakali pero wala eh kaya dumirichu na lang ako sa cafeteria.
"Hoy! Len dito!" sigaw ni Kaito mula dun sa isang table kaya lumapit nalang ako sa kanya.
"Kumusta ang first day?"
"Okay lang, by the way nasaan yung room ni Miku?"
"Si Miku?" at nagbago ang expression ng mukha niya "Alam mo kasi, nag drop out na siya. Tinatanong ko naman si Luka ang sabi niya lumayas na raw."
WHAAT?! Naisipan ko nga na dito na lang mag aral para makasama si Miku tapos malalaman ko lang na nag drop out na lang siya? Sana dun na lang ako nagpa enroll sa pinapasukan ni Rin 3 napaupo na lang ako dito sa table.
"Wala ng ibang sinabi si Luka kundi lumayas, ang hirap tanungin ng babaeng yun." dagdag niya pa
"Pinuntahan mo ba siya sa bahay nila?"
"Gusto ko ngang puntahan siya sakanila kaso hindi ko naman alam kung saan, kung aalamin ko naman kay Luka hindi niya naman sasabihin."
"Tawagan ko kaya siya?" at kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone at dinayal agad ang number niya.
"Hindi siya ma-contact." pero nag ring naman
"Nag ring, dinayal ko number niya." pero nawala agad, parang kinansel kaya dinayal ko ulit.
"Oh ano na?" tanong niya, pero unattended na.
"Nawala na, nag ring naman siya kanina pero binaba agad kaya dinayal ko agad pero unattended na." x3 nomon ohh
"Naniniwala ako sa salitang try and try." pabiro niya, binibiro pa ako 3
"Hahaha" tumawa na lang ako ng sapilitan
[RIN P.O.V]
Ilang minuto na lang papasok na si teacher sa room at magsisimula na ang exam. Kaya ipasok mo lahat sa utak mo ang mga lessons Rin.
*time escape*
Sana tama ang mga sagot ko, nagsilapitan na naman yung mga kaibigan kong babae, nakikipagkwentuhan, nakipag harutan.
"May thirty-minutes pa bago sa next exam, dun muna tayo sa canteen." payaya ni Miki kaya sumang-ayon kami, tumayo na kami sa mga kinauupuan namin at lumabas ng classroom, pag labas namin may sumalubong na naman sa amin para makipag kwentuhan kaya di' na kami natuloy sa canteen.
Habang nakikipagkwentuhan sa kanila parang may nakatingin yata sa amin, eh natural nandito kami sa hallway kaya pagtitinginan talaga kami ng mga dumadaan na estudyante.
"Napapansin niyo ba yang lalake sa kabilang section? Kanina pa yan nakatingin dito." Pahinang wika ni Aoki na kami lang nakakarinig.
"Nasaan?" tanong naman ni Tianyi.
"Ayun oh." sabay turo niya gamit ang nguso kaya lumingon kami.
"Wala naman eh." pareklamo ni Miki.
"Yun nga, dun sa bintana." paliwanag ni Aoki.
"Kilala niyo ba yan?" tanong ko naman.
"Ewan, di' namin yan kilala." wika naman ni Momo.
"Baka naman isa sa atin ang crush niya dito." pabiro naman ni Tianyi, kaya nag react ang lahat
"Heh, sino naman? Alam niyo naman na ako lang ang maganda dito." pagmayabang ni Miki.
"May narinig ba kayo?" patawa ni Momo, kaya nagsitawanan na rin kami. Once again sumilip ako dun sa lalake na nakatingin dito sa amin.
"Heh, sino naman? Alam niyo naman na ako lang ang maganda dito." pagmayabang ni Miki.
"May narinig ba kayo?" patawa ni Momo, kaya nagsitawanan na rin kami. Once again sumilip ako dun sa lalake na nakatingin dito sa amin.
"Yuck, kulang na lang tutulo na ang laway niya sa kakatitig dito sa atin." wika ni Tianyi.
"Hoy to'l! Anong tiningin-tingin mo dito?" sigaw ni Aoki dala angas kaya lumingon kaming lahat sa lalaki, parang kilala ko ata to'.
"Hindi kaya?" sigaw niya.
"Sus, kanina ka pa nakatingin dito." sagot ni Aoki, aalis na sa siya ng mamukhaan ko siya.
"Teka lang, diba ikaw si Mikou." tanong ko bigla kaya napatigil siya na ikinagulat ng lahat.
"Huh?" reaction nilang lahat at napatahimik except dun sa lalaki. Napakamot siya ng ulo.
"Oo, ako nga." at umiwas siya ng tingin.
"Nakita ko yung mga drawing mo sa armchair mo, ikaw ba ang gumuhit ng lahat ng yun?" pasaya kong tanong.
"Wait Rin, kilala mo siya?" tanong ni Miki.
"Na-kwento kasi siya ni Ia sa akin, classmate niya." paliwanag ko.
"Ahhh." sabay nilang reaction except Mikou.
"Nandyan na pala si Sir, pasok na tayo." payaya ni Tianyi kaya pumasok na sila sa loob.
"Sige Mikou." at pumasok na rin ako.
*time escape*
Pauwi na ako sa bahay na tinitirahan ko, day off ko kasi ngayon at bukas last day na ng 3rd periodical exam at 3 more subjects to go pa.
Palubog na ang araw, kaya tumigil muna ako sa paglalakad at umupo dito sa isang bench. May matandang babae ang tumabi sa akin, naka baston siya. Tinignan ko siya at masasabi mong maganda talaga ang lola na'to nung kabataan pa niya, tumingin siya sa akin at ngumite kaya ngumite rin ako sa kanya.
"Alam mo hija dalawa lang naman ang rason sa mga problema."
"Huh? Eh, ano naman po yun?" payuko kong tanong.
"Una, kumikilos tayo pero hindi nag iisip. Pangalawa, nag iisip nga pero hindi naman magawa."
Sumikipt yata ang chest ko nang sinabi niya yun, kumikilos nga pero hindi naman nag-iisip. Parang ako lang yata to' ah? Na-realize ko na sa simula pa lang hindi na ako nag-iisip. Oo nga hindi talaga ako nag-iisip, basta sugod lang ako ng sugod pero hindi naman nag-iisip.
