NAMIMORI TALES: at iba pang kuwentong chuvachuchu
(BAGO ANG LAHAT: Sampung chapters lang ang nagawa kong i-encode mula sa akong handy-dandy notebook. Mula rito'y handa na akong tumanggap ng requests and suggestions, kaya bahala na kayo. Anyway, DAMN! Sampung chapters na pala! Akalain mong aabot ako dito! Anyway, enjoy!)
Page Ten: ANG PAGTATAPAT NI TSUNA KAY KYOKO FOR THE 3RD TIME
Inscribet: August 22, 2010
Matapos ang panibagong kabiguang nalasap ni Tsuna kanina sa tangkang pagtatapat niya kay Kyoko, salamat kay Hayato, isang panibagong pagkakataon ang dumating at nangakong hinding-hindi na niya ito sasayangin. Nangyari iyon breaktime, nang yayain niya ito sa rooftop para sa isang napakahalagang anunsyo.
"Kyoko," hindi mawawala ang kaba sa takot kasi na baka mabulilyaso na naman ang kanyang planong pagtatapat—huwag nawa. Kapwa nakatayo sa may rooftop, naghihintayan ng pagkakataon. "T-tanda mo ba...kanina..." pinaalala pa niya ang pag-uusap nila sa corridor bago mag-bell para sa morning period.
"May sasabihin ka dapat sa akin, no?" hula ni Idol. "Ano ba 'yun?"
Pakiramdam niya'y umurong ang kanyang dila—pero Hoy! Gising! Opportunity won't wait for you, punggok! Wala nang oras para umatras! This is your chance! "P-pasensya ka na kung naputol ang pag-uusap natin kanina...pero kase..." tumapang bigla ang kanyang mukha. "Agh! Hinde! Kyoko, makinig ka!"
Napaurong tuloy ang dilag dahil tila mananakal ng wala sa oras ang kausap nito.
"Wag kang matakot!" paniguro ni Tsuna. "Sorry...kumukuha lang ako ng lakas ng loob... Pero ang totoo...ako... Ako'y... Kyoko...ako'y—"
"Ang ingay mo."
Biglang lumamig ang paligid nang marinig niya ang pamilyar na tinig na iyon. At nang nakita nila sa may bubungan ang sumuway sa kanila, ikinanigas iyon ng lampa. Ganoon na lang ang sampal ng kaluluwa niya sa kanya dahil ngayon pa lang niya naalala na lunchtime ngayon at kapag lunchtime ay kung tutuusin reserved na ang rooftop para sa isang nakakatakot na halimaw—este, tao...
At nakilala naman ni Kyoko kung sino ang unexpected na 'kasama' nila. "Ikaw 'yung lider ng Disciplinary Committee, di ba?'
Ilang kagat din ang napala ni Tsuna kay Kyoya bago sila tumakas sa rooftop. At muli, ang kanyang tangkang pagtatapat ay nauwi ulit sa bwakanang kabiguan.
