Part Ten

Balik naman kina Naru, agad na tinanong nito ang pangalan ng dalaga na kasayaw nya.

" Uhm, miss maari ko bang malaman kung ano ang pangalan mo ? ", tanong ni Naru na sa pagkakataon na yun ay kalmante na sya.

" Ako si Yazumi Tenjou…di ba ikaw si Naru Roumiji? ", nakangiting paglilinaw ni Yazumi.

" Oo, di ko alam na kilala mo na pala ako, Ms. Yazumi ", sagot ni Naru.

" Kanina di kita namukhaan pero habang pinagmamasdan kita kanina alam ko na nakita na kita sa telebisyon noon… at di nga ako nagkamali ikaw ang anak ng mga sikat na scientist na Roumiji… ", masayang pagkwekwento ni Yazumi.

" Talaga? Hindi ako makapaniwala… Salamat pala sa pagpaunlak mo sa paanyaya ko... ", sagot ni Naru na di maiwasan di ngumiti sa kasayaw.

" Wala yun.. .karangalan ko ang makasayaw ang isang kilalang tao ", saot naman ni Yazumi habang naglalaro sa isip ang ideya na " Gwapo nga pala talga si Naru sa personal".

Sa kabilang dako naman kina Kai at sa kasayaw nya, parehong nag-uusap sa ilang bagay ang dalawa.

" Salamat dahil naisayaw kita ngayong gabi... Ms. Miara ", tugon ni Kai habang umiiling na sumagot si Miara

" Okay lang, lalo na sa isang tulad mo na Hamazaki... isa itong karangalan para sa akin.."

" Ganon ba? Karangalan ko din ang makasayaw ang isang magandang babae tulad mo ngayong gabi ", nakangiting amin ni Kai sa kaharap.

" Ikaw talaga... ", namumulang nasabi ni Miara.

" Ganito talaga ako, pagpasensyahan mo na... ", sagot ni Kai.

Masaya si Kai sa kanyang naging kaarawan. Dumating ang Blade Breakers, nakasalamuha na ni Naru sa mga babae at sa huli nakilala pa nya si Miara. Mabilis lumipas ang oras at dumating ang sandali na isa-isa ng nagpapaalam ang mga bisita ni Kai kabilang na ang Blade Breakers.

" Kai, Naru, salamat sa lahat!! Talagang nag-enjoy kami sa kaarawan mo... ", ani ni Takao.

" Happy birthday Kai… sana maulit muli ito... ", tugon naman ni Ray.

" Paalam na sa inyong dalawa… maraming salamat ulit... ", paalam ni Max.

" Magkita na lang tayo ulit sa susunod na beybalde tournament... Kai... hanggang sa muli ", paalala at paalam ni Kenny.

" Oo, asahan nyo ako! Salamat sa pagdalo at sa regalo team... Ingat kayo ", masayang nasabi ni Kai.

Tumango lamang ang Blade Breakers at saka umalis sa naturang lugar. Ilang sandali pa,sumunod na rin nagpaalam ang mga dalagang nakasayaw ng dalawa.

" Aalis na rin ba kayo? ", tanong ni Kai.

" Oo, pasensya na... hindi kasi kami maaring magpagabi... goodbye to both of you ", paalam ni Miara.

" Goodbye... ah, Miara wala ba dyan… alam mo na... ", nakangising tugon ni Kai habang tinuturo ang pisngi.

" Ikaw talaga, ang pilyo... ", nangingiting sambit ni Miara subalit pinagbigyan na rin ang hiling ni Kai kaya hinalikan nya ito sa pisngi.

" Salamat sa lahat... Happy birthday ulit sa'yo Kai ", pahabol pa ni Miara. Ganun din kay Naru, subalit kusa na rin naman sya binigayan ni Yazumi ng good night kiss sa pisngi at tulad ni Miara nagpaalam na rin sya at nagpasalamat.

" Maraming salamat din sa'yo Ms. Yazumi. Sana magkita pa tayo ulit... Ingat kayo sa pag-uwi... ", ani ni Naru at sabay na ang dalawang dalaga sa paglisan sa lugar na yun.

Matapos nun ay nagdesisyon ang dalawa na pumasok na sa mansyon subalit ilang saglit lang din ay lumabas si Naru sapagkat paalam nya kay Kai ay may nalimutan sya sa hardin na kailangan nyang kunin. Lumipas na ang isang oras subalit di pa rin nakakabalik si Naru sa loob. Sa pagkakataon na yun wala na mga bisita sa labas at ang lahat ng pamilya Hamazaki ay nasa loob na ng mansyon. Hindi pa nila napansin yun nang di pa nagtanong si Belldandy kay Kai.

" Oh, nasaan na pala si Naru, Kai? ", nagtatakang tanong ni Belldandy dahil ang alam nya laging kasama ni Kai si Naru mula pa kanina.

" Po? ", gulat na nasabi lamang ni Kai subalit pati rin sya ay nagtataka dahil mula pa kanina ay di pa bumabalik ang kaibigan.

" Wala pa ba sya? Baka nasa kwarto na si Naru at nagpapahinga ", kalmanteng tugon ni Aya na nagbabakasakaling natutulog na ang bata. Subalit napag-alaman ng lahat na wala sa kwarto ni sa loob ng mansyon si Naru kaya lalong di mapakali si Kai.

" Kai, nagpaalam ba sya sa'yo? ", tanong ni Skuld sa pamangkin.

" Kanina nagpaalam sya sa akin na lalabas muna sya sandali dahil may nakalimutan daw syang kunin sa labas... pero nakakapagtaka na aabutin sya ng ganito katagal ", nag-aalalang sagot ni Kai.

" Kinakabahan ako... kung may kukunin man sya sa labas hindi dapat ganito katagal… Noguhu, Yaturo pakitingnan at pakitanong sa lahat ng mga katulong kung nakita nila si Naru sa labas ", utos ni Urd na agad naman sumunod ang dalawa.

" Hindi na rin makakagala si Naru dahil malalim na ang gabi at alam naman natin na mahina ang katawan nya sa lamig ", paliwanag naman ni Aya.

Ilang sandali pa bumalik na ang dalawang katiwala at nag-ulat kay Urd.

" Master, wala po si young Master Naru sa labas o kahit sa loob ng mansyon... ", tugon ni Noguhu.

" Master, tanging ito lamang po ang nakita ng ating mag tauhan sa labas ", sabay bigay ni Yaturo sa kamay ni Urd ang isang pendant at jacket.

" Kay Naru yan... ", tanging gulat na naibulalas ni Kai habang mahigpit na hinawak ang regalo na bigay sa kanya ni Naru.

" Isa lang ibig sabihin nito… may nakapasok sa teretoryo natin na nagpanggap na bisita at ayoko man isipin mukhang dinukot nila si Naru ", kutob na nasabi ni Aya sa lahat.

Hindi na tumugon si Kai dahil hindi sya makapaniwala na ilalayo pa sa kanya ang malapit na kaibigan sa mismo pa nyang kaarawan.

" Naru, sino ang dumukot sa'yo.. kung alam ko lang na ganito hindi na sana kita pinayagan lumabas mag-isa... ", naiinis na nasambit ni Kai sa isip.