Chapter 10.

Confusion.


5:28 pm. Anong oras na? Ang sabi niya alas kwatro lang nandito na siya.. san kaya nagsuot yung babaeng yun?

-

Katatapos ko lang ng thesis ko.. This week na kasi ang pasahan, kaya ilang araw nang puro yun ang inaatupag ko.. habang si Sakura, naggagala.. palibhasa kasi nakapagpasa na siya.. Ibang klase.

-

Nagsimulang manginig ang mesa.. nagva-vibrate pala ang cellphone ko. May tumatawag.. number lang... sino kaya to..

-

"Hello?", tanong ko..

-

"TEME!!! KUMUSTA NA!!!", ah.. alam ko na kung sino to..

-

"Naruto, wag ka ngang sumigaw."

-

"Ah-eh.. may... sasabihin sana ako sa'yo eh...", ano naman kaya problema nitong si Naruto..

-

"Ano yun?"

-

"Buksan mo yung pinto niyo.."

-

"Buksan yung pinto?"

-

"BASTA BUKSAN MO NALANG!!", hindi kaya mabasag yung speakers ng cellphone ko nito.. Tumayo ako at binuksan ang pinto gaya ng sabi niya..


No POV

-

Nanlaki ang mga mata ni Sasuke nang makita niya ang mga kabarkada niya sa harap ng pinto nila.

-

Si Naruto, nakangiti na parang wala nang bukas, si Neji naman, ayun, nakasandal sa pader kasama si Shikamaru.. si Kiba pinagtitripan yung doorbell..

-

'wala pa ring pagbabago', isip ni Sasuke.

-

"Oh, anong ginagawa niyo dito?!", sigaw ni Sasuke. Nagtawanan ang apat niyang bisita.

-

"Binibisita ka syempre!! Hindi mo ba kami papapasukin?!", sagot naman ni Naruto at pilit na isiniksik ang sarili niya sa pagitan ni Sasuke at ng pinto.

-

"Hn. Sige na.. pasok..", nagsipasukan na ang tropa sa dorm.

-

"Aba... maganda naman pala tong bahay niyo tol!", sabi ni Kiba habang ine-explore ang bawat sulok ng lugar.

-

"Hn.. umupo ka nalang Kiba.. baka madagdagan pa yung mga utang mong vase kay Sasuke..", pabirong sabi ni Neji at hinila si Kiba sa sofa. Si Kiba naman.. wala nang nagawa..

-

"Pasalamat ka wala si Akamaru ngayon.. kundi, pinakagat na kita..", bulong niya..

-

"Ano namang nakain niyo at naisipan niyong dumalaw?", tanong ni Sasuke habang sinasara ang pinto.

-

"Wala naman.. narinig kasi namin yung latest... at nandito kami para i-celebrate yun!!", sigaw ni Naruto.

-

"At ano naman yun?", nagtatakang tanong ni Sasuke, giving Naruto a confused look.

-

"Ano pa ba.. eh di ise-celebrate natin yung unang beses na nabasted ka!!!"

-

"Ha?! Ako ba inaasar niyo?!", sasapakin na sana ni Sasuke si Naruto ng hilahin siya ni Shikamaru.

-

"Sus, maniwala naman kaming nasaktan ka nung iniwan ka.. haaaaayyyyyyyy... relax lang.. relax...", sabi ni Shikamaru sabay hikab ng pagkahaba-haba.


1 hour later.. Sakura's POV

-

Natapos ko na yung research paper, yung visual presentation, lahat na natapos ko na.. kaso.. natatakot na kong umuwi.. siguradong pagagalitan ako ni Sasuke.. ang sabi ko kasi didiretso ako pauwi pagkatapos ng klase.. hindi lang talaga ako makatiis.. gusto ko na kasing tapusin lahat bago mag-weekend..

-

Siguro naman maiintindihan ni Sasuke yun.. Pagod na ko.. oras na nga yata para umuwi..

-

Tumayo ako at ibinalik isa-isa yung mga librong ginamit ko.. hmm.. saan ko nga ba nakuha tong isang to..

-

Alam ko dito lang yan sa gilid eh... "Uhmm.. miss, dito yan.", sabi ng isang pamilyar boses mula sa likod, kinuha niya ang libro at inilagay sa kabilang shelf.. sino naman kaya to..

-

Lumingon ako. "Gaara?" Ngumiti siya.. ano naman kayang ngini-ngiti-ngiti nitong mokong na to.. hindi ba niya alam... nagtatampo pa ko.. mag-sorry siya!

-

"Sorry nga pala.", aba, mind-reader.

-

"W-wala yun... okay na.. kalimutan mo na ang lahat.. ", sabi ko with a smile. Sa wakas, nagkabati na rin kami. I can't believe na natiis niya ko for 2 months, 3 days, 5 hours and 23 minutes.

-

"Pwede ba kitang makausap? Uhmm.. alone?", hm.. may feeling na ko kung san pupunta tong usapan namin eh.. Nung huli niya kasi akong niyaya mag-usap na kami lang.. nagpaalam siya na aalis siya papuntang America.. Wag naman sana..

-

Tumango ako.. Sinundan ko siya palabas ng library.

-

"Sakura.. may ipagtatapat kasi ako sa'yo eh..", naku.. di kaya.. bakla siya?! HINDE!!

-

"A-ano yun?", teka, bakit ba kinakabahan ako? Sakura.. umayos ka... inhale.. exhale..

-

"Kasi..", yumuko si Gaara... ayan na.. mukhang nahihiya siyang sabihin... baka nga.. baklushi siya.. Gaara, wag!

-

Nanatili nalang akong tahimik.. give him time to think..

-

Oh, ano to? Hinawakan niya yung kamay ko.. tapos.. nilagay niya sa dibdib niya..

-

"I'm in love with you.", ah.. hindi naman pala siya bakla... in love lang pala siya sa kin... ok...

-

HA?! ANO?! IN LOVE SIYA SA KIN?!

-

Ano nang sasabihin ko ngayon?! Buong buhay ko hinintay ko yung moment na to.. na sasabihin niya yung mga salitang yan.. pero.. bakit ganito?

-

Hindi kumakabog ang puso ko kagaya ng inaasahan ko.. ganito ba talaga...

-

Kasi alam kong mahal ko rin si Gaara.. at kapag nangyari yung ganitong situation.. dapat kakabog ng kakabog yung puso ko diba? diba?!

-

BAKIT HINDI KUMAKABOG?!?!

-

"G-gaara..", bulong ko.. I still don't know what to say.. bakit ba ngayon pa ko naging unsure sa nararamdaman ko...

-

"Sakura.. pag-isipan mo muna.", nakangiting sabi niya. "Ano, hatid na kita?", hm.. sa tingin ko.. i need time to be alone muna..

-

"Hindi na.. sige Gaara, mauna na ko.. ingat!", at naglakad na ko papalayo.

-

"Ingat din Sakura!", sigaw naman niya.

-

Naglakad ako papunta sa dorm namin.. anong oras na ba? Naku naman.. 7 na.. papatayin na ko ni Sasuke nito eh..

-

Malayo pa lang, natatanaw ko na yung dorm namin.. himala, ginanahan si Sasuke na buksan ang lahat ng ilaw sa loob.. ang liwanag oh..

-

Pagpihit ko ng doorknob.. nagulat ako sa nakita ko..

-

May mga taong nag-iinuman sa living room namin.. Naku.. Sasuke.. patay ka sa kin.

-

"Oh, Sakura, anong oras na?!", tanong sa kin ni Sasuke na nakaupo sa sofa at may hawak ng bote ng beer. Sa tono niya, hindi pa naman siguro siya lasing..

-

"7 na po. Sorry, tinapos ko pa yung ibang paperworks ko.. uhmm.. nandito sila?", tanong ko, at tinuro ang mga tao sa sala namin..

-

"Hmm... Binibisita daw nila ko.", sagot ni Sasuke. Buti pa siya may bisita.. si Ino naman.. wala kang maasahan.. Hayy..

-

"Ah. Buti ka pa may bisita.", pabiro kong sabi... ma-o-op lang ako dito.. dun nalang ako sa taas.. diba nga.. i need to be alone.. para makapagisip ako..

-

"Oh, akyat na ko.. Sasuke, ikaw magligpit niyan ah!", sigaw ko, at umakyat na papunta sa kwarto ko.


No POV- Sa kwentuhan ng magbabarkada.

-

"Sasuke.. ako nga tapatin mo.. ano bang pumasok sa utak mo at naging stick to one ka? I mean, almost 2 months!", sigaw ni Kiba.

-

"Hmm.. siguro tinamaan ka, diba Teme?!", dagdag pa ni Naruto.

-

"Ako? Mai-inlove?! Ano yan joke?! Sa totoo nga, sawang-sawa na ko sa kanya..", tumawa si Sasuke.

-

"Eh kung ganun naman pala, bakit hindi pa ikaw ang nakipagbreak?! Since when ka ba nagkaroon ng pakialam sa nararamdaman nung babae?", tanong naman ni Neji na halos maubos na ang beer niya.. himala lang na hindi pa siya lasing.. kahit konti.. wala.. ang tibay.

-

"Ayokong makipag-break kasi gusto kong magtagal pa yung relasyon namin..", sagot ni Sasuke while running his hand through his hair.

-

"Ah.. hm.. alam mo.. wala akong maintindihan..", napakamot ng ulo si Naruto..


Sasuke's POV

-

"Hn. gusto ko kasing i-prove na nagbago na ko.", sana naman hindi ko na kailangang ipaliwanag pa kay Naruto lahat..

-

"Ah. Kaya naman pala, naaasar siya..", naintindihan na ni Shikamaru..

-

"Kasi hindi man lang tumagal ng 3 months yung relasyon nila..", pati rin si Neji, nakakasunod na..

-

"At everybody knows na kailangang magkatagal ng 3 months with only 1 girlfriend ang isang playboy, para matawag na 'loyal'!!", tumpak yan Kiba. tumpak.

-

"Ah. Ganun ba?!", tch.. minsan nagtataka na ko kung pano ko napapagtyagaan tong si Naruto..

-

"Eh kanino mo naman gustong patunayan yun?!", tanong ni Kiba..

-

Tinuro ko ang kisame..

-

"Sasuke, kailan ka pa naging religious!?!?!", gulat na sigaw ni Naruto.. ano ba.. ang ingay.. hindi na rin siguro ako sanay..

-

"Tanga, hinde, si Sakura!", sabi ko at binatukan siya..

-

"Hmm.. talagang kaclose mo na yun ah.. ano.. type mo?!", ito talagang si Neji.. kapag nagtanong.. malaman..

-

Ano nga ba.. kahit kailan kasi hindi ko pa tinignan si Sakura bilang babae.. bilang nanay, little sister, ate, best friend, nurse, teacher, lahat na.. maliban lang bilang babaeng liligawan mo, hahalikan, pakakasalan..

-

Hmm.. maganda si Sakura.. mabait, matalino, masipag, masarap kasama... lahat na ng gusto ko nasa kanya na.. pero.. hindi ko maintindihan.. bestfriend ko siya.. nothing more..

-

Sasuke, ano ba?!

-

"Hn. Ewan ko..", bulong ko.. masyado na nga yatang marami nainom ko..


Well, well, pangit ba? R/R. :D