Discalimer: I do not own gs or gsd. There
Special thanks to, who else? My fanfiction friends who are always there to support me: Kkornelia, rynne marge and also to my silent readers love you all.
. . . . . . . . . . . . . .
"Sa tingin mo tama itong ginagawa natin?" ang tanong ni Athrun sa kaibigan. Lahat ng tao ay abalang abala, sa pag hahanda para bukas. Anong meron? Bukas lang naman gaganapin ang kaarawan ng mahal na prinsepe ng Plants.
"Bakit Athrun may mali ba?" ang tanong ni Nicole.
"Sa tingin ko kasi hindi tama na magkaroon ng pagdiriwang,ganitong nahaharap tayo sa isang matinding krisis." Ang sabi ni Athrun habang tinitingnan ang mga tauhan ng punong palasyo mula sa taas nang hagdan.
Ang dating simpleng lugar ngayon ay napapalamutian ng iba't –ibang ilaw, ang dating kulay pulang kurtina ay napalitan ng kulay ginto na tela na may mga mamahaling batong nakadikit dito.
Ang dating puting sahig na gawa sa marmol ay nalagyan ng kulay pulang tapis para sa sahig. Naihanda na rin ang mesa na natatakpan ng kulay asul na tela na may gintong linya.
Ang hardin ay mas lalong pinaganda at pinalinis. Wala namang masyadong binago sa palasyo. Nananatiling kulay puti pa rin ang pader ng palasyo. Ayon na rin sa kahilingan ng mahal na prinsepe di na nila kailangang lagyan ng palamuti ang buong palasyo, mas simple mas maganda.
"Athrun, matagal nang naihanda ang lahat nang mga ito, isipin mo na lang na kailangan din nang pahinga ng mga tao mula sa kanilang trabaho, o di naman kaya isipin mo na lang na kailangan din ng mga tao nang pansamantalang kasiyahan. Alam naman natin na pag katapos nito ay di ka na titigil sa pag tratrabaho." Ang sabi ni Nicole habang nakatingin sa kaibigan na tila may tinititigan mula sa baba ng hagdan. Sinundan ni Nicole ang tingin ng binata at napansin niya ang tanging babae na nasa baba ng hagdan. Nakasuot ng damit na may mahabang manggas at kulay asul na mahabang palda.
"May balita na ba galing kay Shinn?" ang tanong ni Athrun.
"Sa ngayon wala pa, marahil kahit siya ay nahihirapan din sa mga nangyayari, pero alam ko pupunta siya bukas." Ang sabi ni Nicole.
"Ah ganon ba?" ang sabi ni Athrun na nakatingin pa rin sa dalaga.
"Sabi ni Lady Flay, Cagalli daw pangalan niya tama ba?" ang tanong ni Nicole.
Napatingin sa kanya si Athrun at napangiti.
"Oo Cagalli nga ang pangalan niya. Nasaan na nga pala si Flay?" ang tanong ni Athrun.
"Oo bakit Yzak? Takot ka? Alam ko Yzak maganda ako di mo na kailagang ilihim pa!" ang sabi ni Flay na umaakyat sa hagdan at sa likod naman niya ay si Yzak.
Napangisi na lang si Yzak sa sinabi ng dalaga.
"Kahit ano yang sabihin mo, di pa rin ako papayag." Ang sabi ni Yzak na kinatutuwang asarin si Flay.
"Di mo ako matitiis! Maniwala ka! Alam ko naman na hanggang ngayon ay may gusto ka pa rin sa akin!" ang pangiting sabi ni Flay.
"Kinikilabutan ako sa sinasabi mo. Para sa isang babaeng kagaya mo, masyado kang bilib sa sarili mo." Ang sabi ni Yzak na napatigil sa harap ng mahal na prinsepe.
"Anong meron Flay?" ang tanong ni Athrun kay Flay na katatapos lang humalik sa pisngi niya.
"Paano naman kasi itong si lolo ayaw pumayag na samahan ako sa pangangabayo, takot ata!" ang sabi ni Flay na patuloy pa din ang pang aasar kay Yzak.
"Athrun kausapin mo nga yang pinsan mo! Masyadong bilib sa sarili niya, mauna na ako, marami pa ako ng gagawin!" ang sabi ni Yzak sabay alis.
"HOY! Tanda! Di pa ako tapos sa iyo!" ang sabi ni Flay na agad na sumunod sa umaalis na si Yzak.
"Tingnan mo yon, di man lang uminit ang ulo ni Yzak, parang masaya pa siya sa nangyayari." Ang sasi ni Nicole.
"Alam mo naman silang dalawa." Ang sabi ni Athrun
"Sa tingin mo ba tapos na si Yzak sa nangyari?" ang tanong ni Nicole.
Agad naman siyang binigyan ng isang malisyosong tingin ng prinsepe
. . . . . . . . . . . . . . . .
(flashback/balik tanaw)
"Athrun, nanjan yung pinsan mo!" ang sabi ng sampung taong gulang na si Nicole.
"Oh bakit?" ang tanong ni Athrun.
"Sa tingin mo. . ano. .ano. . " ang nahihiyang sabi ni Nicole.
"Kaya mo yan!" ang sabi ni Athrun.
Nasa hardin ang sapung taong gulang na si Athrun at Nicole habang tinitingnan ang walong taong gulang na si Flay. Matagal nang humanga si Nicole sa pinsan ng prisepe. Madalas kasi niya itong nakakalaro, at madalas din silang mag kasama, di nag laon ay humanga siya sa angking kagandahan ni Flay.
"Athrun, kinakabahan ako!" ang sabi ni Nicole.
"Nicole alam ko ng kaya mo yan. Sige na bilisan mo baka mamaya hanapin na ako ni ama." Ang sabi ni Athrun habang tinutulak niya ang kanyang kaibigan mula sa kanilang pinag tataguan.
"Athrun paano kung di din niya ako gusto?" ang tanong ni Nicole.
"Ang mahalaga sinubukan mo." Ang sabi ni Athrun.
Nang puntong lalapit na si Nicole kay Flay ay agad na lumapit si Yzak na di mo alam kung san nang galing.
"Allster!" ang tawag ni Yzak kay Flay.
"Bakit lolo?" ang tanong ni Flay.
"Gusto kita! Kahit ang sungit-sungit mo!" ang sabi ni Yzak, matapos iyon ay kumaripas ito ng takbo papalayo kay Flay.
Agad namang napatingin si Flay sa papalapit na si Nicole.
"Ano daw yung sinabi ni Yzak?" ang tanong ng walang kamuwang muwang na bata.
. . . . . . . . . . . . . . .
"Di ko alam Nicole masyado pa tayong mga bata noon." Ang sabi ni Athrun na napangiti na lang sa biglang pag ka alala ng nakaraan.
"Hay!" ang pa buntong hiningang sabi ni Nicole.
"Eh ikaw Nicole? Gusto mo pa rin ba ang pinsan ko?" ang tanong ni Athrun
"Ah. . a . .ako?" ang tanong ni Nicole habang nakaturo sa sarili.
"uhmm" ang sabi ni Athrun.
"Di ko alam. . . pero mas lalo ata siyang gumaganda sa pag lipas ng panahon." Ang sabi ng ngayon ay namumulang si Nicole.
"Mmmmmm, malakas pa rin ang tama mo." Ang sabi ni Athrun na ngayon ay naglalakad pababa ng hagdan.
"Anong ibig sabihin mo doon?" ang tanong ni Nicole habang hinahabol ang kaibigan.
. . . . . . . . . . . .
"Mahal na Prinsepe" ang sabi ni Mwu ang namamahala sa seguridad ng palasyo.
"Anong balita?" ang tanong ni Athrun habang tinitingnan ang mapa ng loob at labas ng punong palasyo.
"Sa ngayon, masasabi ko namang ayos lang ang lahat, nag lagay na ako ng maraming sundalo sa labas at sa loob ng palasyo." Ang sabi ni Mwu.
"May mga nangyari bang pag atake sa ilang bahagi ng kaharian?" ang tanong ni Athrun.
"Bukod sa ilang tipikal na krimen, wala namang mga pag atakeng nangyayari mula sa mga rebelde." Ang sabi ni Mwu.
"Magaling." Ang sabi ni Athrun.
. . . . . . . . . . .
Pagod na pumasok si Cagalli sa loob ng kwato nila ni Milly.
"Cagalli? Matutulog ka na ba? Pwede ba kitang makausap ng sandali?" ang sabi ni Milly na kapapasok lang sa loob ng silid.
Agad na umupo si Cagalli sa gilid ng kanyang kama.
"Tungkol saan yan Milly?" ang tanong ni Cagalli. Laking gulat na lang niya ng biglang lumuhod sa harap niya si Milly at nag simulang umiyak.
"Patawad Cagalli, alam mo naman na ayaw kong gamitin mo yung mahika mo. Dahil sa akin nabawasan ang araw mo sa mundong ito. Patawad talaga Cagalli, kung nag ingat lang ako ng mabuti, di sana ako malalason." Ang sabi ni Milly na patuloy pa din ang pag iyak.
Niyakap ni Cagalli ang kaibigan.
"Milly, kahit pa buwan ang ibawas sa buhay ko, handa akong mag sakripisyo, para lang sa mga taong minamahal ko." Ang sabi ni Cagalli.
"Patawad talaga Cagalli." Ang sabi ni Milly.
"Shhh, wala kang dapat ihingi ng tawad Milly, dahil alam ko kung nag kapalit tayo ng sitwasyon gagawin mo din yung ginawa ko." Ang sabi ni Cagalli kay Milly.
. . . . . . . . . . .
"Alam mo kung ako sayo itutulog ko na lang yan." Ang sabi ni Flay na kapapasok pa lang sa pinto ng opisina ni Athrun.
"Bakit gising ka pa Flay?" ang tanong ni Athrun na tinititigan ang larawan ni Mia.
Umupo si Flay katabing upuan ni Athrun.
"Dati pinangarap kong maging guro. Kasi gusto kong tulungan ang mga batang abutin ang mga pangarap nila. Para pag dumating ang araw na matagumpay na sila sa buhay at pag may nag tanong sa akin kung anong kinabubuhay ko, sasabihin ko sa kanila, 'tinuruan ko ng alpabeto ang isang magaling na manunulat, tinuruan ko ng tama at mali ang isang abogado, tinuruan kong magbilang ang isang negosyante, tinuruan ko ng makinig ang isang musikero,tinuruan kong magpahalaga nang buhay ang isang doktor at tinuruan ko ang mga bata na mangarap' ". Ang sabi ni Flay.
Napatingin naman sa kanya si Athrun.
"Ikaw Athrun anong gusto mong maging kung di ka naging prinsepe ng Plants?" ang tanong ni Flay habang kinukuha ang larawan sa kamay ng pinsan niya.
"Sa totoo lang Flay, di ko alam. Ang alam ko lang kailangan ako ng isang bansa." Ang sabi ni Athrun.
"Di ba dapat ngayon palang inaalam mo na agad ang gusto mo? Magiging hari ka na ng isang bansa Athrun. Dapat alam mo kung anong gusto mo." Ang sabi ni Flay.
"Alam ko." Ang sabi ni Athrun.
"Ikaw na din ang nagsabi nag sisimula ka na sa bagong kabanata ng buhay mo. Dapat sa puntong ito, alam mo na ang gusto mo." Ang sabi ni Flay.
"Flay. . .di madali ang ginagawa ko." Ang sabi ni Athrun.
"Wala namang nagsabi na madali ang ginagawa mo . simulan mo sa maliliit na bagay Athrun, nakikita mo ba ang larawan na ito? Dapat ngayon palang tinatago mo na ito, dahil ang taong nakapinta dito ay nanjan sa puso mo. Napasaya ka na niya Athrun, panahon na para sumaya ka na sa piling ng iba. Magugulat ka, sa isang kurap mo lang pwedeng mawala ang lahat sayo." Ang sabi ni Flay habang nilalagay niya ang larawan sa loob ng isang kahadeyero.
"Magandang gabi Athrun, matutulog na ako." Ang sabi ni Flay bago ito umalis.
. . . . . . . . . . .
Magandang umaga ang sumalubong sa kaharian ng Plants. Lahat ng tao sa buong kaharian ay nag didiwang , dahil mamayang gabi ay mag kakaroon na sila ng bagong hari. Nag handa naman ang mga tao sa bayan ng isang simpleng salo-salo. Lahat ay nag hain ng kani-kanilang putahe sa mesa na nilatag sa gitna ng daan. Ito ang araw na dapat silang mag saya.
"Cagalli, maari ka na munang mag pahinga, marami ka nang nagawa kahapon. Wala naman tayong masyadong gagawin dahil ang mga tauhan sa punong palasyo ang nakatalaga sa lahat ng gawain.
"Ganon po ba." Ang sabi ni Cagalli.
"Pero kung gusto mo maaari ka pa ding pumunta sa Punong palasyo para makihalobilo. Halos lahat ng tao dito sa palasyo ay pupunta doon." Ang sabi ni Murrue.
"Sige po pag iisipan ko" ang sabi ni Cagalli.
Matapos umalis ni Murrue ay naisipan ni Cagalli na mag basa-basa muna sa may gubat. Kinuha niya ang libro sa medisina na nabili niya sa bayan at nag baon siya ng ilang pag kain.
Nag lakad-lakad si Cagalli hanggang sa marating niya ang isang puno, puno kung saan siya iniwan ni Athrun at sinagip ni Shinn.
Si Shinn. .. makikita niya kaya ngayon si Shinn? malalaman na ba niya ang sagot sa kanyang mga tanong?
Maya-maya pa ay nag simula nang magbasa si Cagalli, at sa kalagitnaan ng pagbabasa niya ay bigla na lang siyang nakatulog.
Lingid sa kaalaman ni Cagalli ay nasa harapan lang niya si Shinn, nakatingin sa kanya.
Lumapit ang binata at dahan-dahang hinawakan ang pisngi ng dalaga.
"Ang tagal kitang hinintay Cagalli." Ang sabi ni Shinn sa isip niya
Nanlaki naman ang mata niya nang makita niya ang librong hawak-hawak ni Cagalli.
. . . . . . . .
Minulat ni Cagalli ang kanyang mga mata at agad na tumambad sa kanya ang kulay puting dingding, bumagon siya at napansin niya agad na nasa isang malambot na kama na siya. Nilibot niya ang kanyang paningin, wala naman masyadong dekorasyon ang kwarto tanging mga pangunahin gamit lang ang nandoon.
Pilit niya inaalala kung anong nangyari sa kanya. Ang huling natatandaan niya ay nagbabasa siya ng libro sa ilalim ng puno. Di niya alam kung paano siya napunta sa silid na ito. Laking gulat na lang niya ng may biglang kumatok sa pinto.
Nag dalawang isip pa siya bago sumagot, pero wala na siyang nagawa,
"Tuloy." Ang sabi ni Cagalli.
"Binibining Cagalli, Pinapatawag po kayo ni Master Asuka sa silid tanggapan." Ang sabi ni Alfred.
"Paumanhin, pero sino ka? Nasaan ako at sino si Master Asuka?" ang tanong ni Cagalli sa mas nakakatandang lalaki.
"Ako nga po pala si Alfred. Siguro mas makakabuti kung si Master Asuka na lang ang tanungin niyo." Ang sabi ni Alfred.
Makalipas lang ang ilang segundo ay sumunod na si Cagalli kay Alfred. Napansin niya na bawat sulok ng malaking bahay na ito ay kulay puti at kulay pula naman ang mga kagamitan. Namangha naman siya sa sahig na dinadaanan niya, dahil may mga batong nakaukit dito.
Maging ang hagdan na kanyang binababaan ay kulay puti. Di niya alam kung bakit ang ganitong kasimple bahay ay napaka eleganteng tingnan.
"Master Asuka nandito na po si Binibining Cagalli." Ang sabi ni Alfred sa lalaking nakatalikod sa kanila. Nakasilip ang lalaki sa isang napakalaking bintana, kung saan makikita mo ang hardin na punong-puno ng pulang rosas. Napapalamutian naman ang silid ng maraming babasagin na gamit, at pag tumingin ka sa bandang itaas ay gugulantang ang isang napaka laking aranya na may kakaibang disenyo.
"Salamat Alfred, maaari mo na kaming iwan." Ang sabi ni Master Asuka habang humaharap kay Cagalli. Mabilis namang umalis si Alfred
"Shinn?" ang sabi ni Cagalli.
"Maupo ka Cagalli." Ang sabi ni Shinn habang inaalok ang kulay pulang upuan.
"Anong ginagawa ko dito? Anong lugar ito?" ang tanong ni Cagalli.
"Dinala kita sa pamamahay ko, nakita kasi kitang natutulog sa ilalim ng puno, bandang ala sais ng gabi, sinubukan ko ng gisingin ka pero ayaw mo pa ring idilat ang mga mata mo, di ko naman alam saan ka nakatira. Di naman kita pwedeng hintayin na magising dahil may pupuntahan pa ako. Kaya naisipan ko na lang na dalhin ka sa aking tahanan." Ang sabi ni Shinn. Nabanggit na din ni Shinn napansin nga ni Cagalli na naka suot nang pormal na damit ang kaibigan. Bagay na bagay sa kanya ang kulay pula niyang damit na napaptungan ng kulay itim na amerkana.
"Pwede na ba akong umuwi?" ang tanong ni Cagalli.
"Sa tingin ko'y kailangan mong mag palipas ng gabi dito." Ang sabi ni Shinn.
"Pero hindi, pwede! May pupuntahan pa ako!" ang sabi ni Cagalli.
"Pihado mag aalala sa akin si Milly! Kailangan ko nang umalis!" ang sabi ni Cagalli sa sarili
"Di maaari Cagalli, gabi na, delikado ang daan." Ang sabi ni Shinn.
"Pero di mo naiintindihan, kailangan kong pumunta sa punong palasyo, ngayon na kokoronahan ang mahal na prinsepe." Ang sabi ni Cagalli.
"Doon ba ang punta mo? Tamang-tama doon din ang punta ko, imbitado ka pala" ang sabi ni Shinn.
"Pupunta ba ako doon kung di ako imbitado?" ang sabi ni Cagalli.
"Sasama ka ba o hindi?" ang tanong ni Shinn.
"Sasama!" ang sabi ni Cagalli.
"Sa isang kondisyon" ang sabi ni Shinn.
"Kondisyon? Ano yon?" ang tanong ni Cagalli.
"Isasama kita kung pupunta ka doon bilang, katambal ko." Ang sabi ni Shinn.
"Teka! Wala namang sinabi na kailangan na may katambal ka, pag pupunta doon ah!" ang sabi ni Cagalli.
"Alam ko, ayaw ko lang kasing maiwan mag isa doon sa gitna ng maraming tao" ang sabi ni Shinn.
"Ayaw ko nga!" ang sabi ni Cagalli.
"Bakit Cagalli? May masama ba kung pupunta ka doon bilang katambal ko?" ang tanong ni Shinn.
"Baka kasi may ibang isipin ang mga tao doon, at isa pa baka makita tayo ng mga kaibigan ko na pumunta sa pag diriwang." Ang sabi ni Cagalli at sa isang kisap mata ay naalala niya ang nangyari sa kanila nung nakaraang linggo.
"Edi maganda! Makikilala ko ang iba mo pang kaibigan at ano namang iisipin nilang masama? Eh dadalo lang naman tayo doon bilang mag katambal. Yon lang at wala nang iba." Ang sabi ni Shinn.
"Si..sige" ang sabi ni Cagalli.
"Hay! Minsan ang hirap mo ding kausap." Ang sabi ni Shinn habang napapakamot ng kanyang ulo.
"Tara na!" ang sabi ni Cagalli na handa nang umalis.
"Teka! Teka! Anong tara na? di ka pa bihis!" ang sabi ni Shinn na mas lalong napakamot sa ulo.
"Eh ano naman? Maayos pa naman ang damit ko ah!" ang sabi ni Cagalli.
"Biglang katambal nang isang panginoong may lupa dapat mag ayos ka." Ang sabi ni Shinn na nag sisimula ng mainis.
"PANGINOONG MAY LUPA KA?" ang pasigaw na sabi ni Cagalli.
"Oo,Cagalli! Wag ka nang madaming tanong" ang sabi ni Shinn sabay tawag kay Alfred
"Alfred, ipatawag mo nga si Binibining Jaqueline, bukas pa ata ang kanyang tindahan ng ganitong oras, paki sabi na kailangan ko ng damit at taga ayos para kay Cagalli." Ang sabi ni Shinn. Si Jaqueline lang naman ang pinaka sikat na mananahi sa lupaing nasasakupan ni Shinn, siyang ang tumatahi ng damit ng binata mula sa pormal na damit nito hanggang sa kanyang pantulog.
. . . . . . . . .
"Ayan iha, napakaganda ng iyong mahabang buhok, maitanong ko lang, kasintahan ka ba ni Master Asuka?" ang tanong ng babaeng nasa edad tatlumpo pataas. Payat ito at may kulay itim na buhok, magaling itong manamit at maglakad.
"AY! NAKU PO! Hindi po! Mag kaibigan lang po kami." Ang sabi ni Cagalli na ngayon ay nasa kulay pulang damit na kumakapit sa katawan niya na parang pangalawang balat, napapalamutian ito ng kulay itim at gintong dyamante, wala ding manggas ang damit kaya makikita mo ang makinis at maputing balikat ng dalaga. Malawak at mahaba ang palda nito na tinatakpan ang paa ng dalaga, katerno nito ay kulay itim na gwantes na umaabot sa siko ni Cagalli ternohan mo pa ito na kulay gintong hikaw na may kulay pulang dyamante sa gitna.
Kinulot at tinirintas ni Jaqueline ang Buhok ni Cagalli at nilagay ang dulo nito sa kanang balikat ng dalaga (A/N: remeber katniss everdeen's hair in hunger games? Yeah that's it)
"Sayang naman, bagay na bagay pa naman kayo." Ang sabi ni Jaqueline.
Agad namang namula si Cagalli.
"Mabuti pa ay bumaba na tayo, naghihintay si Master Asuka." Ang sabi ni Jaqueline habang inaalalayan si Cagali sa kanyang pag tayo.
. . . . . . . . . .
"Master Asuka nanjan na po ang karwaheng gagamitin niyo." Ang sabi ni Alfred kay Shinn.
"Salamat Alfred." Ang sabi ni Shinn na biglang napalingon sa taas ng hagdan.
Nakakita ka na ba? Nang isang babaeng nangingibabaw sa paningin mo? Yung babaeng pag nakasama mo eh halos lahat nang kalalakihan ay mapapanganga. Ganon ngayon ang tingin niya kay Cagalli, wag nga lang niyang ibubuka ang bibig niya.
"EHEM!" ang sabi ni Cagalli sa harap ni Shinn.
"kita mo na? sino ba namang babae ang mag lilinis ng lalamunan sa harap nang isang lalake?" ang sabi ni Shinn sa sarili
"Ahmmm, Mabuti na lang at magaling si Binibining Jaqueline, dahil kung hindi, di ka gaganda ng ganyan." Ang ang sabi ni Shinn.
"Namumuri ka ba o nang iinsulto?" ang tanong ni Cagalli.
"Maraming salamat binibining Jaqueline, mauna na kami sa inyo. Kunin niyo na lang kay Alfred ang bayad sa serbisyo na binigay mo." Ang sabi ni Shinn.
"Naku, wala iyon Master Asuka, para sa magandang dalagang kasama mo, libre na lang ang serbisyo at yung damit. Yung alahas na lang ang bayaran niyo." Ang sabi ni Jaqueline.
"Sige. Maraming salamat uli." Ang sabi ni Shinn
"Maraming salamat binibining Jaqueline." Ang sabi ni Cagalli na ngayon ay hinahatak na ni Shinn papunta sa loob ng karwahe.
"Sa uulitin Cagalli" ang sabi ni binibining Jaqueline.
. . . . . . . . .
Makailang beses na sumisilip si Shinn sa kanyang katabi. Sigurado siya na kaiinggitan siya nang mga taong nasa pagdiriwang.
Alam niyang papalapit na sila sa punong palasyo kaya hinawakan niya ang kamay ni Cagalli at kanya itong hinalikan. Agad naman napatingin sa kanya si Cagalli.
"Shinn?" ang tanong nang naguguluhang si Cagalli.
"Hmmm?" ang sabi ni Shinn na hawak-hawak pa din ang kamay ng dalaga.
"Anong ginagawa mo?" ang tanong ni Cagalli.
Napatingin si Shinn sa dalagang nasa tabi niya, tinitigan niya ito nang may malulungkot na mata. Alam niya na baka ito na ang huli nilang pagkikita. Ngayong nasa kanya na ang libro. Kailangan na niyang layuan si Cagalli, bago pa ito madawit sa gulong napasukan niya.
"Cagalli, pwede bang. . . ." naputol ang sasabihin niya.
"Master Asuka nandito na po tayo." Ang sabi ng kutsero
Ngumiti na lang si Shinn kay Cagalli at muli ay hinalikan niya ang kamay ng dalaga bago niya ito inalalayan sa pag baba.
"Mukhang nahuli na tayo para sa koronasyon." Ang sabi ni Shinn habang tinitingnan ang mga tao sa paligid.
Nakita ni Cagalli si Athrun. Nandoon nakaupo sa upuan na para lang sa hari. Naka suot ito ng kulay asul na damit at napapatungan ito ng kulay itim na amerkana na may naka burdang simbolo ng Plants ternohan mo pa ito ng kulay puting pantalon. Napasin din niya si Lady Allster na nakatayo sa bandang kanan ni Athrun. Napakaganda nito sa kanyang suot na kulay berdeng damit na umaabot sa sahig may makapal na laso itong naka kapit sa kanyang bewang at napapalamutian ang kanyang buhok ng mga kumikinang na perlas.
Sa gitna ng silid ay nag sisimula nang mag sayawan ang mga tao.
Nag simulang tanungin ni Cagalli tama bang makita siya ng ganito? Ano na lang ang iisipin nila Milly? Nila Athrun? Ni Lady Flay?
Di na siya mapakali. Sana di na lang siya tumuloy dito.
"Lord Shinn Asuka at ang kanyang kasama" ang sabi ng lalaking nasa tabi nilang dalawa,
At parang sa isang iglap. Tumigil ang sayawan, lahat nang nasa silid na iyon ay napatingin sa kanilang dalawa. Maging si Athrun ay napatayo mula sa kanyang kinauupuan.
Nilagay ni Shinn ang kamay ni Cagalli sa gilid nang kanyang siko at nag simula na itong bumaba sa hagdan patungo sa silid
"Sino yung babae?"
"Ang ganda naman ng damit niya"
"Bagay sila ni Lord Asuka"
"Kasintahan ba yan ni Lord Asuka?"
"Grabe! Nagingibawbaw siya sa lahat"
"Sana makasayaw ko siya mamaya"
Ang daming boses na nag bubulungan habang naglalakad sila papunta sa upuan ng hari para mag bigay galang. Sino ba namang di mangingibabaw sa pinagsamang kulay pula, itim at gintong damit?
At doon sa harapan ng bagong hari ng Plants, nakatayo si Cagalli hindi makagalaw o maka imik. Nandoon lang siya, natitig sa mata ni Athrun, matang bigla na lang nag dilim ang kulay.
"Paumanhin sa aming huling pag dating, mahal na hari, maligayang kaarawan po sa inyo." Ang sabi ni Shinn sabay yuko, yumuko din si Cagalli kay Athrun.
"Maraming salamat sa iyong pag bati Lord Asuka, ikinagagalak ko na nakarating ka pa rin sa aking kaarawan." Ang sabi ni Athrun habang minamatahan si Cagalli.
"Ah, nakalimutan ko pong sabihin, ito nga pala si Cagalli." Ang pakilala ni Shinn.
"Cagalli, ikinagagalak kong makita ang isang magandang binibini sa aking kaarawan." Ang sabi ni Athrun na naglakad sa harap ni Cagalli upang halikan ang kamay nito. Medyo tumagal ang halik ni Athrun sa kamay ni Cagalli
Biglang kinilabutan si Cagalli sa tingin na binibigay sa kanya ni Athrun. Agad siyang napatingin kay Flay na tumingin din sa kanya na parang nag tatanong kung anong nangyayari.
"Marahil ay pagod kayo galing sa inyong biyahe, mag pahinga muna kayo nang sandali" ang sabi ni Athrun na nananatili pa ring nakatingin kay Cagalli.
"Maraming salamat po" ang sabi ni Shinn. Agad niyang hinawakan sa bewang si Cagalli at inalalayan itong umupo.
. . . . . . . . .
Lumapit si Flay kay Athrun at nilagay ang kanyang kamay sa balikat ng pinsan.
"Anong sabi ko sayo Athrun?" ang tanong ni Flay.
"Di ko alam kung anong nangyayari Flay." Ang sabi ni Athrun.
"Bakit di mo Siya tanungin?" ang sabi ni Flay.
Di mapigilan ni Athrun na mapakunot ang noo. Bakit kasama ni Shinn si Cagalli? Kelan pa sila nag kakilala? May kinalaman din ba si Cagalli sa mga lihim na gawain ni Shinn?
Gulong-gulo si Athrun sa mga nangyayari. Binukas at sara niya ang kanyang kamao. Biglang bumubigat ang dibdib ni Athrun. Sa unang pag kakataon aamin na siya. Aamin na siya nag seselos siya.
Selos? Saan? May karapatan ba siyang makaramdam ng selos?
Walang magawa si Athrun kundi titigan ang kanyang mga bisita na masayang nagsasayawan.
"Ang haba ata ng baba mo?" ang tanong ni Yzak.
"Yzak wag mo akong simulan ngayon." Ang sabi ni Athrun
"Tsk. . Tsk. .. naging hari ka lang uminit na agad ang ulo mo?" ang sabi ni Yzak.
"Flay, may sinasabi ni Yzak" ang sabi ni Athrun na agad na tinawag ang pinsan.
"Bakit lolo? Nag papaalam ka ba sa pinsan ko para maisayaw ako?" ang tanong ni Flay na unti-unting lumalapit kay Yzak.
"Hay, kahit tanungin ko pa si Athrun kung papayag siya na isayaw kita, walang pa ding mangyayari, alam naman natin na wala kang ka alam-alam sa pag sasayaw." Ang sabi ni Yzak habang umiiling.
"ANONG SINABI MO?" ang sabi ni Flay na bigla na lang nainis sa sinabi ni Yzak.
"Bakit tama naman ako ah!" ang pangising sabi ni Yzak.
"Makikita mo kung sino ang di marunong sumayaw!" ang sabi ni Flay na bigla na lang kinaladkad si Yzak para sumayaw.
Agad namang napangiti si Yzak biruin mo yon, walang kahirap hirap niyang nakasayaw si Flay.
. . . . . . .
Tulala si Cagalli mula sa kanyang inuupuan. Kinakabahan siya. Ang daming tumatakbo sa isipan niya. Bakit ganon na lang siya tingnan ni Athrun? May nagawa ba siyang mali?
"Cagalli?" ang pag aalalang tanong ni Shinn.
Tumingin si Cagalli kay Shinn.
"Bakit?" ang tanong ni Cagalli.
"Ayos ka lang ba?" ang tanong ni Shinn. Agad namang napatango si Cagalli.
"Ayos lang ako Shinn." ang sabi ni Cagalli.
"Gusto mo bang sumayaw?" ang tanong ni Shinn habang inaalok ang kamay sa dalaga.
Tinitigan niya muna ang kamay na inaalok ni Shinn.
"Bakit hindi." Ang sabi ni Cagalli.
Inalalayan ni Shinn si Cagalli sa pag lalakad papunta sa gitna ng sayawan. Nilagay niya ang kanyang kamay sa bewang ni Cagalli at nilagay naman ni Cagalli ang kamay niya sa balikat ni Shinn at sabay silang sumunod sa saliw ng musika.
"Cagalli?" ang sabi ni Shinn habang tinitingnan si Cagalli sa mata.
"hmmm?" ang tanong ni Cagalli.
"Nasabi ko na ba sa iyo na napakaganda mo ngayon? Maging ang mahal na hari ay di matanggal ang kanyang mata sa iyo" ang sabi ni Shinn.
"Shinn, pwedeng mag tanong?" ang sabi ni Cagalli.
"Ano yon?" ang sabi ni Shinn.
"Bakit mo ako niyakap nung huling beses tayong nagkita?" ang tanong ni Cagalli.
"Cagalli, di pa ba malinaw sayo ang lahat?" ang tanong ni Shinn.
"Di kita naiintindihan." Ang sabi ni Cagalli.
"Sabihin mo muna, 'oo' " ang sabi ni Shinn.
"Shinn di ako nakikipag biruan sayo." Ang sabi ni Cagalli.
"Ako din" ang sabi ni Shinn.
"Sagutin mo na lang ang tanong ko." Ang sabi ni Cagalli na umiikli na ang pasensya.
"Sasagutin ko pag nagsabi ka na ng. . oo" ang sabi ni Shinn na malagkit pa sa kalamay kung makatingin.
"Para saan?" ang tanong ni Cagalli.
"Basta." Ang sabi ni Shinn.
"Shinn ano ba?" ang sabi ni Cagalli.
"Pagkatiwalaan mo na lang ako Cagalli." Ang sabi ni Shinn
"Sige, oo" ang sabi ni Cagalli.
"Kung ganon pumapayag ka na." ang sabi ni Shinn.
"Saan? Shinn sagutin mo na ang tanong ko. Malapit na akong mainis" ang sabi ni Cagalli
Huminga nang malalim si Shinn at tinitigan ng husto si Cagalli, ito na lang ang pag kakataon na meron siya para masabi niya ang nararamdaman niya.
"Cagalli, gusto kita, gustong-gusto kita, higit pa sa pagiging kaibigan." Ang sabi ni Shinn na mas lalong humgpit ang hawak kay Cagalli, takot na baka layuan siya ng dalaga.
"ah..h..a." di na lang naka pag salita si Cagalli. Tama ba ang narinig niya? May gusto sa kanya si Shinn? higit pa sa kaibigan? Paano nangyari yon?
Lingid sa kaalaman nila ay pinapanood sila ng isang tao na dapat na nagdiriwang sa gabing ito.
Naramdaman ni Cagalli ang mahigpit na pag kakayakap sa kanya ni Shinn.
"Cagalli, sana ay mapagbigyan mo ako sa isa kong hiling." Ang sabi ni Shinn
"Ano yon?" ang tanong ni Cagalli.
"Kanina ko pang gustong itanong ito sa iyo." Ang sabi ni Shinn.
"Ano yon?" ang tanong ni Cagalli.
Hinahanda na ni Cagalli sa kung ano man ang pwedeng marinig niya kay Shinn. Huminga siya ng malalim, malalim na malalim.
"Pwede bang maging akin ka kahit ngayong gabi lang?" ang tanong ni Shinn.
"Shinn. . " ang sabi ni Cagalli.
"Ayos lang Cagalli kung di mo kayang ibalik ang nararamdaman ko para sayo, pero sana pag bigyan mo ako sa hiling ko. Kahit ngayon lang" Ang sabi ni Shinn
Unti-unti ay naramdaman ni Shinn na niyayakap na ni Cagalli ang leeg niya.
"Sige, alang-alang sa pinagsamahan natin, pero ngaying gabi lang." ang sabi ni Cagalli. Ngayon ay malinaw na. Malinaw na malinaw na sa kanya ang lahat. Ngayon lang may nag ka gusto kay Cagalli, ganito pala ang pakiramdam nang may mag tapat sa iyo.
Nanatiling ganon sila Shinn at Cagalli.
Kahit pala sa huling pag kakataon na makakasama niya si Cagalli di niya akalain na sasaya siya ng ganito.
. . . . . . . . .
"Athrun ayos ka lang ba?" ang tanong ni Nicole.
"Hindi Nicole, hindi" malungkot na sabi ni Athrun na di na kayang tumingin sa direksyon nila Cagalli.
Nagulat na lang siya nang biglang nag lakad si Nicole papunta sa kinatatayuan nila Cagalli para tapikin si Shinn
. . . . .
Nasira ang magandang gabi ni Shinn nang may biglang tumapik sa kanyang balikat.
"Lord Asuka, maari ba kitang makausap?" ang tanong nang nakangiting si Nicole.
"Sige." Ang sabi ni Shinn na nag aalinglangan na iwanan si Cagali.
"Sige na Shinn, baka importante yan." Ang sabi ni Cagalli na agad na nginitian ni Nicole.
"Sigurado ka?" ang tanong ni Shinn.
"Oo doon lang muna ako sa hardin." Ang sabi ni Cagalli na yumuko sa dalawang lalaki at dumiretso patungo sa hardin.
Tumungin si Nicole kay Athrun senyales na dapat nitong sundan si Cagalli sa hardin habang kinakausap niya si Shinn.
.. . . . . . . . . .
Tahimik na tumayo si Cagalli sa hardin habang nilalanghap ang sariwang hangin.
"Napaka ganda mo ngayon Cagalli." Ang sabi ni Athrun na papalapit sa kanya. Masyadong nalilibang ang mga bisita sa loob nang palasyo kaya silang dalawa lang ang nasa hardin.
"Salamat" ang sabi ni Cagalli.
"Bakit kasama mo si Shinn?" ang tanong n Athrun na ngayon ay nasa harap na nang dalaga.
"Mahabang kwento." Ang sabi ni Cagalli.
"Paikliin mo." Ang sabi ni Athrun.
"Ikwekwento ko na lang sayo sa palasyo." Ang sabi ni Cagalli
"Gaano na kayong katagal na mag kakilala ni Shinn?" ang tanong ni Athrun.
"Medjo matagal na din." Ang sagot ni Cagalli.
"Magkaibigan ba kayo?" ang tanong ni Athrun
"Oo" ang sabi ni Cagalli.
"Sa tingin ko kanina, parang di lang kaibigan ang namamagitan sa inyo." Ang sabi ni Athrun. Kumunot ang noo ni Cagalli sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Athrun.
"Anong pinag sasasabi mo Athrun?" ang sabi ni Cagalli. Hinawakan siya ni Athrun sa kanyang mga braso. Nanginginig, nanlalamig ang mga kamay at bawat segundo ay humihigpit ang kapit sa braso ng dalaga.
"Athrun? Nasasaktan ako" ang sabi ni Cagalli.
Agad namang natawa si Athrun.
"Nasasaktan ka Cagalli?" ang sabi ni Athrun.
"Athrun ano ba?" ang sabi ni Cagalli
"Nasasaktan ka Cagalli?" ang sabi ulit ni Athrun sa mas malakas na boses.
"Athrun ano bang nangyayari sayo?" ang tanong ni Cagalli, na nasasaktan na sa pag kakahawak sa kanya ni Athrun
"Ang sakit-sakit Cagalli, ang sakit-sakit pala!" ang sabi ni Athrun na nakayuko, nanginginig pa din sa galit.
"Ang alin? Saan?" ang tanong ni Cagalli. Kinuha ni Athrun ang kamay ni Cagalli at nilagay niya ito sa kanyang dibdib.
"Dito Cagalli, dito! Ang sakit DITO." Ang sabi ni Athrun na patuloy na hinahampas ang kamay ng dalaga sa kanyang dibidib.
"Ang sakit panoorin Cagalli, na nasa piling ka nang iba, ang sakit isipin, na kaya kang hawakan nang iba, ang sakit isipin na may kasama kang iba, ang sakit isipin na may kahati ako." ang sabi ni Athrun sa galit na galit na tono ng boses.
"Ath—" ang sabi ni Cagalli.
"Oo, Cagalli gusto ko akin ka lang, akin lang walang iba! Ako lang! Ako lang ang may karapatan sayo, alam kong nagiging madamot ako at wala ako sa tamang lugar para sabihin ito. Pero Cagalli, ngayon ko lang nalaman ang gusto ko, alam ko na ang gusto ko, kilala ko na ang gusto ko, ikaw yon Cagalli walang iba. Ikaw lang" ang sabi ni Athrun na bigla na lang niyakap si Cagalli.
"Athrun ano ba?" ang sabi ni Cagalli na nagpupumiglas.
"Cagalli wag." Ang mahinahong sabi ni Athrun, ngayon ay naramdaman ni Cagalli na may mainit na luha na gumagapang sa likod niya.
"Bitiwan mo ako, Athrun ano ba?" ang sabi ni Cagalli.
"Wag, Cagalli, Wag" ang sabi ni Athrun
"Bakit ba?" ang sabi ni Cagalli.
.
.
.
.
.
.
"Para mo akong pinapatay." Ang sabi ni Athrun
.
.
.
.
.
.
At doon ay natigilan si Cagalli. .
.
.
.
.
"Pinapatay mo ako Cagalli"
Parang sirang plaka na nag paulit-ulit na lumabas sa bibig ni Athrun ang linyang iyon.
.
.
.
.
.
Kelan pa naging magulo ang mundo?
. . . . . . . . . . .
"Sa pag pupumiglas mo parang sinabi mo na rin na wag ako ng huminga, sa sobrang sakit para mo akong pinapatay"
. . . . . . . . . .
Hahahaha napahaba pala ang chapter na ito
O well, asucaga fic pa rin ito ha! Give me some love okay? ^.~
