Part Eleven
Samantala sa kalagayan ni Naru sa kamay ng mga hindi kilalang mga lalake sa loob ng sasakyan, wala syang kamalay-malay na inilalayo na sya sa teretoryo ng mga Hamazaki.
" Madali lang pala ang pinapagawa sa atin ni Boss ", ani ng isang lalake na hawak ang walang malay na si Naru.
" Tama ka, tyempuhan lang natin at ayon ganun lang kadali… mabuti na lang hindi sya nanlaban kaya naiwasan natin na sya ay masaktan ", nangingiting turan ng isa habang nagmamaneho ng sasakyan.
" Kailangan makalayo na tayo maigi dito kaya bilisan mo dyan... ", inip na sabi ng lalake na may hawak kay Naru sa kasamahang nagmamaneho.
" Oo na, alam kong inaantay na ni Boss ang pagdating ng batang yan ", natatawang turan nito.
Dahil sa mabilis na pagpapatakbo ng sasakyan, nakarating agad sa liblib na lugar ang mga lalake yun at agad na pumasok sa isang lumang laboratoryo buhat-buhat si Naru paloob. At mula sa isang madilim na sulok, nagsalita ang isang di masyadong katandaang lalake.
" Sya na ba yan? ", paglilinaw nito sa dalawa .
" Opo, sya ang bata na nasa larawan na binigay nyo sa amin, Boss... Hindi kami maaring magkamali... ", sagot ng isa.
" Kung ganun, magaling ang ginawa ninyo… pakidala ang batang yan sa silid na nilaan ko sa kanya... ang isa sa inyo kunin nyo na itong pabuya ko... ", utos nito sa dalawa na agad naman syang sinunod. Matapos magawa ang pinag-uutos ay agad na umalis ang dalawang lalake." Sa wakas, napasaakin din ang batang yun… alam kong malaki ang magiging bahagi nya sa plano… minarapat ko pang patayin ang mga magulang nya makuha ko lang sya", nangingiting sambit nito sa isip habang tumutungo sa silid na pinagdalhan kay Naru.
Mula sa may bintana pinagmasdan nito ang walang malay na bata at nagdesisyon pumasok sa loob ng silid. Umupo sya sa tabi nito at matiim na pinagmasdan si Naru.
" Hindi nga sila nagkamali sa pagkuha sa'yo, Naru... Nagpapasalamat ako dahil hindi ako nagsisisi na tulungan ang mga magulang mo na buhayin ka... ni hindi ko rin akalain na darating ang panahon na magagamit kita sa plano ko... ", tanging nasabi ni Chiaki, ang Boss na tinatawag ng dalawang lalake, habang dahan-dahan hinihimas ng kanang kamay ang buhok ni Naru. " Alam kong tututol ang mag-asawang Roumiji na gawin kitang kasangkapan sa paghihiganti ko sa tunay mong ama… Nataku Hamazaki... Pagbabayaran ng magaling mong ama ang pagpaslang nya sa kapatid ko at ikaw ang magpapalasap ng sakit na yun sa kanya… Humanda ka Aya ", ngitngit na nasabi ni Chiaki sa isip na agad rin naman tumayo at umalis sa silid.
Kinaumagahan, nagising si Naru na masakit ang ulo at nanghihina ng todo sa di nya malaman dahilan. Kinabigla rin nya na mamulat sa kakaibang kwarto na alam nya ay di pa nya nakikita sa may mansyon.
" Nasaan na ba ako? ", nanghihinang tanong ni Naru sa sarili at ilang sandali ay naalala nya ang nangyari kagabi. " Oo nga pala... naalala ko na nagpaalam ako kay Kai na may kukunin sa labas subalit pabalik na ako nun nang may dalawang lalake ang lumapit sa akin… tapos… ano na ba ang nangyari nun? ", naguguluhan pag-aalala ni Naru sa isip subalit kinabigla nya ang pagbukas ng pinto at pagbungad sa kanya ng hindi katandaang lalake.
" Gising ka na pala, magandang umaga sa iyo, Naru! ", bati ni Chiaki sa kanya.
" Sino po kayo? N-Nasaan po ako? Si Kai? Asan na yun kaibigan ko? ", natatakot na tuloy-tuloy na tanong ni Naru kay Chiaki.
" Wala ang taong hinahanap mo dito na nagngangalang Kai… dahil ikaw ay nasa laboratoryo ko… ako si Chiaki Sakibara… ", pagpapakilala ni Chiaki sa bata.
" Ano pong kailangan nyo sa akin? Bakit po ako nandito? ", naguguluhan tanong muli ni Naru. Ngumiti lang ng bahagya si Chiaki habang papalapit sa kinaroroonan nya.
" Isa kang half-human at half-machine… isang matagumpay na experimento namin ng mga magulang mo na sina Kenji at Natsumi… sayang naman kung di mapapakinabangan ang isang katulad mo... ", paliwanag ni Chiaki.
" Kilala mo sina Mama at Papa? Anong matagumpay na experimento? Oo, alam kong di ako pangkaraniwang bata pero ano ba ang alam mo? ", lalong naguguluhan si Naru sa kanyang narinig.
" Tulad ng sabi ko… kasamahan ako ng mga magulang mo… hmm, subalit alam kung di sila papayag sa magiging plano ko kaya kailangan ko muna silang ipaligpit na dalawa... ", nangingiting sagot ni Chiaki. Nang marinig yun ni Naru, di nya mapigilan hindi magalit sa lalake.
" Kung ganun, ikaw ang ulo ng lahat ng mga krimen na nangyari sa akin pamilya... napakasama mo!! Bakit mo nagawa kina Mama at Papa yun!! Halimaw ka!! ", sigaw ni Naru na hindi nya napigilan ang sarili na di umiyak at akma na nya sanang aatakehin ang salarin subalit agad sya pinigilan nito sa pamamagitan ng paghawak sa parehong braso nya.
" Tumigil ka! Ito ang pakatandaan mo bata, dapat mo silang kamuhian sapagkat sila ang naging dahilan kung bakit napahiwalay ka sa iyong totoong magulang... naiintindihan mo ba? Kaya kung ako sa'yo hindi na ako mag-aalinlangan pa na maging kasangkapan ko... dahil parehas lang tayo nasaktan dahil sa makamundong kagustuhan ng ibang tao ", galit na nasabi ni Chiaki sa bata habang mahigpit na hinahawakan pa rin ang braso ni Naru.
Sa pagkakataon yun halong pagkagulat at pagkalito ang nadarama ni Naru. Hindi nya tuloy mapigilan alamin ang katotohanan mula sa kaharap nya.
" Anong... ibig mong sabihin na totoong magulang? Sino ka ba talaga? Anong nalalaman mo? Sabihin mo sa akin lahat!! Matagal na kong nanaginip na mga bagay-bagay na kahit ang sarili ko hindi ko maintindihan... parang awa mo na ginoo, sabihin mo lahat ng mga alam mo ", nagmamaka-awang sambit ni Naru na tila interesado na syang alamin ang buong katotohanan at nalimutan na nya ang nakaraan naging emosyon nya para sa kaharap.
" Panahon na para malaman mo na hindi ka talagang tunay na anak nina Kenji... Alam mo ba isa kang Hamazaki subalit kahit isa sa kanila hindi ka nila matanggap-tanggap sapagkat di ninanais ng tunay mong magulang na maging cyborg ka para mabuhay... Sakitin ka, Nataku… subalit sa pinaiiral ng mga tunay mong magulang isa lang ang ibig nila sabihin… ang mamatay ka na… kaya nga inilayo ka namin nina Kenji at Natsumi dahil kahit naging matagumpay ang naging operasyon mo... hindi ka pa rin matatanggap ng mga Hamazaki... hindi mo mararamdaman na may pamilyang nagmamahal sa'yo kahit pa hiniling mo na maging cyborg ka para sa kanila... ", pag-amin ni Chiaki sa kanya.
Halatang nagulat nang husto si Naru sa narinig... isa pala syang Hamazaki at ngayon naiintindihan na nya kung bakit ang mga lugar sa mansyon ay pamilyar na sa kanya at kung bakit panay banggit ang pamilyang Hamazaki na kamukha nya ang pumanaw nilang pamangkin na kakambal ni Kai.
" Isa akong... Hamazaki… pero bakit wala akong matandaan? ", wala sa sarili at naluluhang nasabi ni Naru habang nakatingin kay Chiaki.
" Wag kang mag-alala bata… aalisin ko sa sistema mo ang naghaharang sa mga nakaraang memorya mo... Magtiwala ka lang sa akin... Nataku... ", nakangiting sagot ni Chiaki sa kanya habang unti-unti nya ulit inihihiga sa kama ang wala sa sariling si Naru. " Matulog ka na ulit... at ipaubaya mo na ang lahat sa akin...", bulong nito sa bata habang unti-unting pinipikit na ng huli ang kanyang mga mata.
" Malalaman mo na ang lahat ng mga masasakit na alaala na matagal na sa'yong pinagkait nina Kenji at Natsumi... lalo na sa mga Hamazaki... hindi na ako mahihirapan pasunurin ka sa mga gusto ko... Nataku Hamazaki ", bulong ni Chiaki sa sarili dahil alam nya na sa oras na malaman ng bata ang lahat poot at paghihiganti ang mararamdaman nito at di na sya makapaghihintay na mangyari ang inaasam-asam na tagpo sa buhay ni Aya.
Agad nyang binuhat si Naru patungo sa kanyang laboratoryo at inutusan ang ilang tauhan na gawin ang mga nais nya sa bata. Hindi na sya nag-aksaya pa ng panahon. Samantala sa mansyon ng mga Hamazaki, nalaman ni Duke Takeshi ang pagkawala ni Naru kaya sa may sala nagtipon-tipon ang lahat subalit hindi kasama si Kai sapagkat kinulong nya ang sarili sa silid nito.
" Ano?! Kagabi pa nawawala si Naru? ", gulat na gulat na tugon ni Duke Takeshi.
" Opo, sabi ni Kai lumabas lang si Naru upang may kunin na gamit subalit kahit mga tauhan natin ay di na sya mahanap at makita ", paliwanag ni Belldandy.
" Nasaan si Kai? ", tanong kaagad ni Duke Takeshi.
" Nasa kwarto nya po nagkukulong sa sarili dahil sa nangyari… kanina pa sya di lumalabas… marahil sinisisi nya ang sarili dahil hinayaan lang nya mag-isang lumabas si Naru ", sagot naman ni Urd.
" Marahil nga… Tiyak na di uuwi si Naru sa kanila dahil alam nya na nanganganib ang buhay nya doon... ", tanging nasabi ng duke subalit kaagad na nagbigay ng saloobin si Urd.
" Hindi nga talaga sya umuwi sapagkat tanging jacket at itong pendant lamang ang nakita nina Yaturo sa labas na alam naman nating di magagawa ni Naru ang maggala na walang suot na jacket. ", turan ni Skuld.
" Kung ganun isa lang ang naiisip ko… may dumukot sa kanya at sinamantala nila na may okasyon sa ating nasasakupan ", ideyang naisip ni Duke Takeshi na sinang-ayunan naman ni Aya.
" Yan din po ang naiisip ko ama… marahil pinaniwala nila tayo na sa tatlong buwan na yun ay di na nila pagtatangkaan pa si Naru subalit nagkamali tayo... ", sagot ni Aya.
" Pero ang pinagtataka ko lang… ano ba talaga ang kailangan nila sa batang yun at tila pinagiinitan sya? ", naguguluhang tanong ni Urd. Napatahimik ng bahagya si Duke Takeshi at maging sina Aya, Skuld at Belldandy.
" Aya, tawagin ang ilang tauhan at utusan na magkaroon ng malawakan paghahanap kay Naru... ", tanging nasabi ni Duke Takeshi.
" Skuld, sumunod ka sa akin ", utos naman niya kay Skuld na sya rin naman sunod nya sa umalis ng duke.
Sa silid naman ni Kai, malungkot na nakahiga pa rin sya sa kanyang kama at laging inaalala ang presensya ng kaibigan sa oras na yun hanggang sa naalala nya na di pa pala nya nabubuksan ang regalo na binigay sa kanya ni Naru.
" Ano kaya ang laman nito ? ", tanging naitanong ni Kai sa sarili habang binubuksan ang naturang bagay.
Napangiti na lamang sya nang malaman nya na isa pala itong kapares na kwintas sa nakita nya kagabi na binigay ni Yaturo sa kanyang ina kasama ang jacket.
" Kung ganun, tama si Papa kagabi… marahil nga… may dumukot sa kanya… Naru, sana ayos ka lang ", malungkot na naibulong ni Kai sa sarili.
Napag-alaman nya nang lumabas sya sa kanyang silid na nagkaroon ng malawakan paghahanap kay Naru, na hindi lang pala sya ang nag-aalala kundi halos buong pamilya ng Hamazaki. Mabilis na lumipas ang mga araw subalit dumating na sa puntong nawawalan na halos ng pag-asa ang lahat sapagkat matagal na silang naghahanap subalit ni anino o bakas ni Naru ay hindi nila nakikita.
