Disclaimer: i do not own gs and gsd

Thanks to my friends: Kkornelia, rynne marge and to my silent readers

Oh gosh! Ginamit ko yung traslator sa fanfiction habang binabasa ko ang story ko! GOSH! It's hilarious ... waaa! Mamamatay na ako sa tawa. Hay! I'm bad.

. . . . . . . . . . . . . . . . .

"Milly, ano bang ginagawa natin dito?" ang tanong ni Dearka habang sinisundan ang kasintahan na bigla na lang tumakbo sa hardin.

Kani-kani lang ang saya-saya nilang sumasayaw. Tapos ngayon heto sila, nag tatago sa isang puno.

Si Milly na nga ang pinaka magandang babae sa paningin niya, bagay na bagay sa kanya ang damit na suot niya ngayon, kulay asul na damit na kumakapit sa katawan niya mula dibdib hanggang bewang, at ang palda naman niya ay umaabot sa sahig, walang kung anong palamuti si Milly sa katawan na tamang-tama lang sa kanyang panlasa.

"Dearka wag kang maingay." ang sabi ni Milly habang nilalagay ang kanyang daliri sa bibig ng kanyang kasintahan.

Lihim na nakatago sila Milly at Dearka sa likod nang isang puno na malapit sa kinatatayuan nila Cagalli at Athrun.

"Ang saya nito tagu-taguan!" ang sabi ni Dearka.

"Shhhh pag di ka tumahimik jan, hahalikan kita!" ang sabi ni Milly.

"AHH—aray..." bago pa makasigaw si Dearka ay hinampas na siya ni Milly sa ulo.

"Gigisahin kita ng buhay!" ang sabi ni Milly na nanlilisik na ang mata.

Maya-maya pa ay narinig nila na nag taas ng boses ang mahal na hari.

Nanlaki ang mata nang mag kasintahan sa kanilang narinig.

"Grabe! Grabe talaga!" ang sabi ni Milly.

"Bakit Milly" ang tanong ni Dearka.

"Kawawa naman ang kaibigan ko." Ang sabi ni Milly na agad na nalungkot.

"Kawawa? Tingnan mo nga yung nangyayari nagtatapat sa kanya ang mahal na hari." Ang sabi ni Dearka na nag iingat sa pag sasalita.

"Kawawa ang kaibigan ko sa akin, mamaya! Marami siyang ipapaliwanag! Unang-una sino yung kasama niya kanina at pangalawa bakit nag tatapat sa kanya ngayon ang mahal na hari!"Ang sabi ni Milly na naiinis na sa kasintahan.

"Shhhh Milly wag kang maingay! Pag di ka tumigil hahalikan kita!" ang pabirong sabi ni Dearka.

"Sasapakin na kita!" ang sabi ni Milly.

"Mabuti pa Milly iwanan na muna natin sila dito." Ang sabi ni Dearka.

"Sige." Ang sabi ni Milly.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . .

"Kumusta ka na Yzak?" ang tanong ni Flay sa kasayaw.

"Binanggit mo ulit ang pangalan ko." Ang sabi ni Yzak.

"Ayaw mo ba? " ang tanong ni Flay.

"Hindi, gusto ko ,gustong-gusto, ikaw? Kumusta ka na?" ang tanong ni Yzak.

"Wag mo nang tanungin." Ang sabi ni Flay.

"Bakit naman?" ang tanong ni Yzak.

"Kasi ayaw kong mag kwento, nakakapagod mag salita, ikaw napansin ko bawat lumilipas na araw ay pumuputi nang pumuputi ang buhok mo." Ang sabi ni Flay habang pinaglalaruan ang buhok ni Yzak.

"Ang galing mo din noh? Ang biglang sabi ni Yzak.

"Alam ko Yzak magaling ako sa maraming bagay, pero di ko alam kung alin doon ang tinutukoy mo." Ang sabi ni Flay na patuloy pa rin na sinasabayan si Yzak sa pagsasayaw.

"Ang galing mo ding sumira nang isang magandang sandali. Ayos na sana eh, gumana nanaman yang pang aasar mo." Ang sabi ni Yzak na bigla na lang napakunot nang noo.

Nasa kalagitnaan na sila nang kanilang pag sasayaw nang bilang lumapit si Nicole sa dalawa at tila may kasama itong magandang binibini.

Agad na napalunok nang laway si Yzak. Talaga naman! Lagot ako.

"Yzak maaari ko bang makasayaw si Lady Flay?" ang tanong ni Nicole habang pinapasa ang kanyang naunang katambal kay Yzak

Naramdaman ni Yzak ang mahigpit na kapit sa kamay niya ng kanyang bagong kasayaw.

"Kumusta Yzak?" ang pangising sabi ng babaeng may kulay kayumangging buhok at nakasuot nang magandang kulay gintong damit na pumapares sa kanyang magagandang mata.

Agad na pinagpawisan ni Yzak, ninenerbiyos at kinakabahan.

"Shiho!" ang sabi ni Yzak na di mapakali.

"Shiho mo, mukha mo! Ang kapal naman nang mukha mo na iwanan ako sa isang sulok, tapos makikita kita dito may kasayaw nang iba?" ang sabi ni Shiho.

. . . . . . . . . . .

"Sino yon Nicole?" ang tanong ni Flay.

"Gusto mo bang malaman?" ang tanong ni Nicole habang nakatingin sa kausap.

Ang saya niya, nakasayaw na niya ang babaeng tanging nagustuhan niya. Kakaiba ang pakiramdam na mahawakan at matitigan na niya sa wakas ang dalaga

"Nicole, mag tatanong ba ako kung di ko gustong malaman?" ang sabi ni Flay

"Bakit gusto mong malaman?" ang tanong ni Nicole.

"WAG na nga Nicole, iinit nanaman ang ulo ko!" ang sabi ni Flay.

Napangiti na lang si Nicole sa sinabi ni Flay, ang tanging hiling naman niya ay makasayaw ang dalaga nang wala itong ibang iniisip.

"Flay, tingnan mo ang mga mata ko" ang sabi ni Nicole sa dalaga.

"Bakit?" ang tanong ni Flay.

"Anong nakikita mo?" ang tanong ni Nicole.

"Muta! Ayan oh!" ang pabirong sabi ni Flay.

"Flay naman!" ang sabi nang namumulang si Nicole.

"Bakit? Anong ginawa ko?" ang tanong ni Flay.

"Ang galing mong sumira nang magandang sandali." Ang sabi ni Nicole

Napangiti naman si Flay.

"Alam ko, Nicole, alam ko"ang sabi ni Flay.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . .

"Cagalli?" ang tanong ni Shinn na nagulat sa kanyang nakita.

Agad na inalis ni Athrun ang yakap niya sa dalaga at tumingin ito sa kabilang dako at doon lihim na nag punas nang kanyang luha.

"Shinn." ang sabi ni Cagalli na napatingin na lang kay Shinn.

Lumapit si Shinn sa dalaga at agad na hinawakan ang bewang nito. Agad niyang minatahan ang mahal na hari.

"Mahal na hari ayos lang po ba kayo?" ang tanong ni Shinn kahit na hindi niya nagustuhan ang nakita niya. Hindi talaga.

Tinaas na lang ni Athrun ang kanang kamay niya para ipaalam na ayos lang siya bago siya umalis.

"Cagalli anong nangyari?" ang tanong ni Shinn.

Walang ibang nagawa si Cagalli kundi ang mapa tingin sa lupa.

"Sige na, wag mo nang isipin ang tanong ko. Ayos ka lang ba?" Ang sabi ni Shinn habang niyayakap si Cagalli.

Bigla namang humagulgol nang iyak si Cagalli sa dibdib ng binata.

"May problema ba? Sinaktan ka ba nang mahal na hari? May sinabi ba siya sayong hindi maganda? Ano Cagalli? Sabihin mo." Ang sabi ni Shinn na unti-unti nang nag pupuyos sa galit.

"Wala Shinn, may gumugulo lang sa isip ko." Ang sabi ni Cagalli.

"Shhhhh, nandito lang ako." Ang sabi ni Shinn

Kaya ba niyang iwan si Cagalli? Ngayong kapit na kapit na sa kanya ang dalaga?

"Di mo ako iiwan Shinn?" ang tanong ni Cagalli.

Parang tinamaan nang kidlat si Shinn sa tanong ni Cagalli, parang may pumalo sa dibdib niya at parang nakalimutan na niyang huminga.

"Shinn?" ang tanong ni Cagalli.

Ngumiti na lang si Shinn kay Cagalli at hinalikan niya ito sa pisngi.

"Di ba sabi ko sa iyo akin ka lang ngayong gabi?" ang sabi ni Shinn kay Cagalli.

Nalagot na talaga.

. . . . . . . . . . . . . . . . .

Tahimik ang buong palasyo, lahat ay pagod galing sa pag diriwang kagabi, maaamoy mo ang aroma nang kape, marahil ay pang labing limang salang na ni Milly nang kape sa lalagyan.

Sariwa pa din sa isip niya ang nangyari kagabi, nakita niyang hinatid ni Lord Asuka si Cagalli sa karwahe, hinalikan niya ito sa noo bago ito umalis para sumakay sa sariling karwahe.

Nakita din niya na parang nawalan ng gana ang mahal na hari kaya maaga itong umuwi sa palasyo.

Di na siya nagkaroon nang pag kakataong makausap ang kaibigan, dahil tulog na ito nang dumating siya sa palasyo

"Magandang umaga" ang bati sa kanya ni Dearka habang hinahalikan siya sa pisngi.

"Magandang umaga din sa iyo Dearka." Ang bati ni Milly.

"May nangyari ba kagabi? Nakapag-usap ba kayo?" ang tanong ni Dearka

Napailing na lang si Milly sa tanong ni Dearka.

. . . . . . . . . . . . . . . . .

"Athrun. Di ka ba pupunta sa punong palasyo ngayon?" ang tanong ni Flay habang pumapasok sa loob nang opisina si Athrun. Hinanap niya ang pinsan sa bawat sulok nang silid, at doon sa balkonahe niya nakita si Athrun.

Nakaupo, at nag pipinta.

"Athrun? Nag pipinta ka na ulit?" ang tanong ni Flay na umupo sa tabi ni Athrun.

Tumango lang si Athrun sa tanong ni Flay.

Pinipinta ni Athrun ang mukha nang isang bata, bata na may malulungkot na berdeng mata, at nakaturo ang daliri nito sa kawalan. Di pa masyadong malinaw ang larawan, dahil di pa ito tapos.

"Anong nangyari kagabi?" ang tanong ni Flay.

Patuloy lang na nagpinta si Athrun

"Athrun?" ang tanong ulit ni Flay.

Walang imik si Athrun.

"Athrun, kausapin mo ako." Ang sabi ni Flay.

Tiningnan siya ni Athrun.

"Alam mong makikinig ako." Ang sabi ni Flay.

Bumalik ulit si Athrun sa pag pipinta.

"ATHRUN ZALA! SABIHIN MO NA SA AKIN KUNG ANONG NANGYARI KAGABI DAHIL KUNDI GAGAMITIN KO ANG KAPANGYARIHAN KO PARA MALAMAN YON." Ang sabi ni Flay, alam niyang mag sasalita ang pinsan niya pag sinabi niya na gagamitin niya ang kapangyarihan niya. Alam niya na di papayag si Athrun na mabawasan ang araw niya sa mundong ito, pero handa siyang ibigay ang isang araw nang buhay malaman lang kung ano ang bumabagabag sa pinsan niya.

"Flay. . . hay! Sabi ko na nga ba mangyayari ito, sabi ko na nga ba masasaktan lang ako." Ang sabi ni Athrun

Hinawakan ni Flay ang sentido niya. Minsan talaga mas mahirap pang kausap ang matatalinong tao sa mga medjo walang alam.

"Athun nasaktan ka. Kasi sa kagagawan mo! Dapat nung unang beses mo pa lang na nalaman na gusto mo si Cagalli, dapat pinag tapat mo na! di ba sabi ko sayo? Ilang beses ba kitang pina alalahanan? Tingnan mo naunahan ka pa ni Master Asuka. Ewan ko ba sayo Athrun" ang sabi ni Flay.

"Ano sa tingin mo ang dapat kong gawin?" ang tanong ni Athrun.

"Tumalon ka jan sa balkonahe! Baka sakaling gumana yang utak mo!" ang sabi ni Flay.

Agad namang napa yuko si Athrun.

"Tutubuan ako nang tagyawat sayo Athrun! Subukan mo kasing kausapin si Cagalli! Mag usap kayo! Yung lang ang matinong paraan na pwede mong gawin!" ang sabi ni Flay.

. . . . . . . . . . . .

"Di ko na alam ang gagawin ko, bakit ba sa akin pa nangyari ito? Di ko alam kung magagwa ko pang humarap kay Athrun, maging kay Shinn na rin. Di ko na talaga alam." Ang sabi ni Cagalli sa sarili na hanggang ngayon ay nakahiga pa rin sa kama at tila walang balak bumangon.

. . . . . . . . . . . .

Dalawang linggo na ang nakalilipas simula nang gabi nang koronasyon. Di pa rin nag kikibuan at nag uusap sila Cagalli at Athrun, wala namang ibang magawa si Flay kundi sampalin ang sarili. Grabe ka Athrun!

Umikot ang araw nila Athrun at Cagalli sa simpleng tango o ngiti.

Madalas ding mag hintay si Cagalli sa pag babalik ni Shinn sa gubat. Pero hanggang ngayon ay di pa din nag papakita ang binata. Nag sisimula nang mag alala si Cagalli kung anong nangyari kay Shinn,kung bakit di na ito nag papakita sa kanya.

Alam niya na kahit paano ay may naiwang parte nang puso niya kay Shinn at di lang niya maamin.

. . . . . . . . . . . . . . . .

"Mahal na Hari!" ang sabi ni Yzak na pawis na pawis na pumasok sa loob nang opisina ni Athrun sa punong palasyo.

"Yzak ano yon?" alam niyang pag biglang pumasok si Yzak nang di kumakatok ay may hindi magandang nangyayari.

"May nakita po kaming lalaki sa ilog banda sa timog, na nag tatapon nang kulay berdeng likido, tinangka namin hulihin ang lalaki pero nakatakas ito. Sinuri din namin ang tubig at napag alaman namin na kontaminado na ito nang lason." Ang sabi ni Yzak.

"Ilog sa timog? Di ba doon nang gagaling ang malaking bahagi nang tubig na iniinom nang mga tao sa bayan?" tanong ni Athrun

Agad na tumango si Yzak.

"Madali kayo, paligiran niyo ang ilog at siguraduhin niyong walang makakainom nang tubig galing doon, halughugin niyo din ang buong bayan at kunin niyo ang mga tubig na nang galing sa ilog na iyon. Bantayan niyo din lahat nang sapa,lawa,ilog, balon at lahat nang katawang tubug na meron tayo. Subukan niyo ding hanapin ang lalaking nag tapon nang likido." Ang sabi ni Athrun.

"Dalhin niyo din sa klinika ang mga taong naka inom ng tubig galing sa ilog sa timog nitong mga nakaraang araw, panatilihin niyo sila doon." Ang sabi ni Athrun.

"Yon lang po ba mahal na hari?" ang sabi ni Yzak.

"Meron pa, ipatawag niyo si Lord Asuka. Kailangan ko siyang makausap sa lalong madaling panahon." Ang sabi ni Athrun na mas lalong nagalit sa pag kakabanggit nang pangalan ni Shinn.

"Masusunod din" ang sabi ni Yzak sabay alis sa opisina ni Athrun

"Anong ginagawa mo Shinn?" ang sabi ni Athrun sa sarili.

. . . . . . . . . . . . .

"Milly, patawad kung nag lihim ako sayo." Ang sabi ni Cagalli na katatapos lang mag kwento tungkol sa mga nangyari sa kanya nitong mga nakaraang linggo.

"Di ako makapaniwala sa mga narinig ko Cagalli! Di ko alam kung anong sasabihin ko." Ang sabi ni Milly na naguluhan din sa sitwasyon nang kaibigan

"Patawad talaga Milly, plano ko naman talagang sabihin agad sayo nang maaga, kaya lang, nakita mo na yung nangyari nung gabi nang koronasyon." Ang sabi ni Cagalli.

"Ano ngayon ang balak mo?" ang tanong ni Milly.

"Pinag iisipan ko pa, aaminin ko naiilang ako ngayong lumapit kay Master Zala, tapos di ko pa nakikita si Shinn nag aalala na ako." Ang sabi ni Cagalli sa kaibigan.

"Cagalli, di ko din kasi alam ang sasabihin ko sayo, pero gusto ko lang malaman mo na susuportahan kita sa kahit ano mang mangyari sayo." Ang sabi ni Milly.

"Maraming salamat Milly." Ang sabi ni Cagalli.

Kaya mahal na mahal ni Cagalli si Milly, kasi si Milly ang tipo nang taong di ka huhusgahan, handang makinig sa problema mo, di agad siya mag sasalita hanggang di pa niya alam ang sasabihin niya, sinasaalang alang muna ni Milly ang nararamdaman niya bago ito mag bigay nang payo.

Buti na lang nanjan pa si Milly sa tabi niya.

"Cagalli mauna na muna ako, maghahanda pa ako nang hapunan, baka padating na si Master Zala.

"Sige." Ang sabi ni Cagalli, nanatili muna si Cagalli sa kanyang silid. Nag iisip

At nag-iisip

At nag-iisip

At nag-iisip

.

.

.

.

"AHHHHHHHHHHHHHH! Di ko na kaya!" ang sigaw ni Cagalli, hanggang sa nakaisip siya nang isang magandang paraan.

"Para na din siguro di kami mahirapan tama, lang itong gagawin ko." Ang sabi ni Cagalli habang nag hahanda na para gamitin ang mahika niya.

Anong gagawin ni Cagalli? Simple lang gagamtin niya ang mahika niya para gumawa nang inumin na makapagpapakalimot kay Athrun nang nararamdaman niya.

"Alam ko merong ganong gamot na naka sulat sa libro ko sa medisina." Ang sabi ni Cagalli habang hinahanap niya ang kanyang libro.

Agad niyang sinampal ang sarili. Nawawala ang libro. Siguro ay nalaglag niya sa gubat o baka naman nakuha ni Shinn.

"Sige na nga titingnan ko na lang sa libro nang mahika" ang sabi ni Cagalli sa sarili

Binuklat niya ang libro nang mahika at sa kabutihang palad ay nakita niya ang hinahanap niya.

Malaki ang pinag kaiba nang libro nang medisina sa libro nang mahika

Ang libro nang medisina ay ang pinagsama samang paraan kung paano gagawa nang gamot

At ang libro naman nang mahika ay koleksyon nang mga gamot, sumpa, at magic spells (A/N: gosh! Di ko alam yung talagalog nun!)

Sinundan ni Cagalli ang bawat proseso sa libro, kailangan makumpleto lahat nang kailangan bago niya banggitin ang mga salitang kukumpleto sa kanyang ginagawa.

Mag lagay nang alay, kahit anong mahalagang pag aari nang humihiling.

"Pwede na siguro ang buhok ko" ang sabi ni Cagalli sa sarili

Pikit matang ginupit ni Cagalli ang kanyang buhok. Ang dati niyang mahabang buhok ay umaabot na lang ngayon sa ibabaw nang kanyang mga balikat.

"Lagot ako kay Milly nito mamaya."

Bigkasin ang mga salitang ito para makumpleto ang sumpa, banggitin ang mga linyang ito.

Sa aking sumpa ika'y makakalimot

Nararamdaman ay di na maaabot

Ika'y magigising sa mula sa isang bangungot

Ang aking hiling sa iyo'y babalot

Matapos iyon ay pinalabas ni Cagalli ang kanyang apoy at nilagay niya ito sa inuming kanina ay kulay puti, ngayon ay kulay pula na.

"Para ito sa ikakatahimik nang lahat" ang sabi ni Cagalli sa sarili

. . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Sinundo na ni Cagalli si Athrun mula sa kwarto nito, kakauwi pa lang ni Athrun mula sa punong palasyo.

Tahimik na nag lakad ang dalawa papunta sa hapag kainan kung saan nag hihintay na si Flay. Pinag papawisan na si Cagalli, di niya alam kung tama pa ba ang gagawin niya. Kinakabahan siya na baka di maging matagumpay ang plano niya

"Athrun magandang gabi" ang bati ni Flay na tumayo sa kanyang upuan para halikan ang pinsan sa pisngi.

"Magandang gabi din Flay." Ang sabi ni Athrun

"Magandang gabi,Cagalli. Mas bagay sa iyo ngayon ang bagong gupit mong buhok." Ang bati ni Flay kay Cagalli .

Tumango na lang si Cagalli at hinawakan ang dulo nang kanyang buhok.

"Maupo ka na Cagalli, sabayan mo kaming kumain" ang sabi ni Athrun. Nitong mga nakaraan araw ay madalas nang sumasabay si Cagalli sa pag kain, ayon na din iyon sa utos ni Athrun. Tahimik silang kumain at walang nag kibuan.

Maya-maya pa ay tumayo na si Athrun, senyales na tapos na siyang kumain. Alam na ni Cagalli ang susunod niyang gagawin, hahatidan niya si Athrun nang kape sa kanyang opisina. Ganito lagi ang eksena nila tuwing matatapos silang kumain nang hapunan

Unang matatapos si Athrun, susunod si Flay at huli si Cagalli. Lilinisin ni Cagalli ang kanilang pinag kainan, mag titimpla siya nang kape at dadalhin niya ito sa kanyang amo.

. . . . . . . .

Nanginginig ang kamay ni Cagalli habang nag titimpla nang kape ni Athrun, panay ang lingon niya sa kanan at sa kaliwa bago niya nilagay ang likidong ginawa niya para ihalo sa inumin ni Athrun.

Wala nang atrasan ito.

"Cagalli ayos ka lang ba? Nangangatal ata ang kamay mo at namumutla ka." Ang sabi ni Murrue.

"Opo binibining Murrue, ayos lang ako" ang sabi ni Cagalli.

"Gusto mo ba ako na lang ang maghatid niyan sa opisina ni Master Zala?" ang tanong ni Murrue

"Hindi po binibining Murrue ako na po ang bahala dito." Ang sabi ni Cagalli.

"Cagalli, bagay sa iyo ang gupit mo, mas lalo kang gumanda" ang sabi ni Murrue nang may ngiti.

"Maraming salamat po." Ang sabi ni Cagalli sabay alis.

. . . . . . . . . . . .

Nilatag ni Cagalli ang kape ni Athrun sa mesa nito.

"May kailangan pa po ba kayo?" ang tanong ni Cagalli.

"Oo, maupo ka,Cagalli." Ang sabi ni Athrun. Inintay ni Athrun na makaupo ang dalaga bago ito muling nag salita.

"Cagalli, gusto ko sanang humingi nang paumanhin sa nang yari noong gabi nang aking kaaraawan, alam kong hindi tama yung inasal ko, alam ko wala ako sa lugar para sabihin ang mga salitang iyon, pero gusto ko lang malaman mo na totoo lahat nang sinabi ko Cagalli, bawat letra, bawat salita, gusto ko sanang maging magkaibigan tayo ulit, Cagalli. Pwede pa ba yon?" ang tanong ni Athrun habang nakatitig sa mata ni Cagalli.

"Wag mo nang isipin iyon Athrun, alam ko namang lilipas din iyon, sa totoo lang, mag kaibigan lang kami ni Shinn, yon lang at wala nang iba, at isa pa di ko naman tinatapon ang pag kakaibigan natin, Athrun, siguro nailang lang ako ng konti, at kinailangan ko lang nang oras para mag isip." Ang sabi ni Cagalli.

Parang nabuhayan ng loob si Athrun sa sinabi ni Cagalli. Mag kaibigan lang sila ni Shinn.

"Cagalli, kung pahihintulutan mo ako, kung pwede sana'y hayaan mo akong, patunayan na totoo ang mga sinabi ko, gusto talaga kita Cagalli, gustong-gusto." Ang sabi ni Athrun na punong-puno nang sinseridad ang bawat salita.

"Pag iisipan ko Athrun" ang sabi ni Cagalli na bigla na lang napayuko. Alam niya na pag katapos nang gabing iyon ay malilimutan na ni Athrun ang nararamdaman niya kay Cagalli. Ayaw na niyang pahirapan pa si Athrun kaya niya itong ginagawa.

"Gusto ko sana bago ka umalis sa susunod na buwan para sa pag aaral mo ay mag ka ayos na tayo." Ang sabi ni Athrun.

"Athrun, maniwala ka, magiging maayos lang din ang lahat, kalimutan mo na iyon" ang sabi ni Cagalli

Nanlaki ang mata ni Athrun nang makita niyang may biglang tumulong dugo sa ilong ni Cagalli at parang nahihirapang humunga ang dalaga.

"Cagalli, ang ilong mo, ayos ka lang ba?" ang tanong ni Athrun na agad na pinunasan ang ilong ni Cagalli gamit ang kanyang panyo.

"Oo, Athrun kailangan ko lang siguro nang pahinga." Ang sabi ni Cagalli na parang nanghihina.

Nasobrahan ata siya sa pag gamit nang mahika.

"Gusto mo bang ihatid kita sa iyong silid?" ang tanong ni Athrun.

"Wag na Athrun, baka may ibang isipin ang mga tauhan dito sa palasyo, kaya ko na ang sarili ko." Ang sabi ni Cagalli

Agad na tinawag ni Athrun si Dearka para alalayan si Cagalli sa pag punta nito sa silid nang dalaga. Pero bago umalis si Cagalli ay nagawa pa niya itong bulungan.

"Cagalli, pag isipan mo ang mga sinabi ko kanina." Ang sabi ni Athrun.

Napaupo naman si Athrun at napahigop nang kape. Kung pwede nga lang siyang makalimot.

. . . . . . . . . . . . . .

Kumaripas naman nang takbo si Milly papunta sa kwarto nang kaibigan. Wala na siyang pake alam kung naiwan niya ang kanyang gawain, kailangan siya ni Cagalli ngayon. Dali-dali niyang binuksan ang kanilang silid at doon ay nakita niya ang natutulog na kaibigan.

"Cagalli, nag alala ako." Ang sabi ni Milly habang umuupo sa gilid ng kama ni Cagalli.

Nakita niya ang libro nang mahika sa gilid nang lamesa malapit sa kama ni Cagalli

"Nag ensayo ka nanamn siguro nang pag gamit nang mahika" ang patuloy na sabi ni Milly sa natutulog na kaibigan.

Binuklat ni Milly ang libro at tiningnan ang bawat pahina

"Aba! Punit pala ito." Ang sabi ni Milly na tinitingnan ang punit na pahina nang libro na ang tanging naiwan lang ay ang salitang 'pampakalimot sa nararamdaman' sa bandang taas at wala na yung nilalaman, natakpan tuloy nito yung pamagat nung susunod na pahina. Tiningnan niya ang kabilang pahina at binasa niya ito.

Gayuma

-mag handa nang katas nang pulang rosas

-ihalo ito sa isang maligamgam na tubig

- Mag lagay nang alay, kahit anong mahalagang pag aari nang humihiling.

-Isipin ang mukha nang taong paggagamitan nang sumpa

- Bigkasin ang mga salitang ito para makumpleto ang sumpa, banggitin ang mga linyang ito.

Sa aking sumpa ika'y makakalimot

Nararamdaman ay di na maaabot

Ika'y magigising sa mula sa isang bangungot

Ang aking hiling sa iyo'y babalot

-ipainom ito sa taong pag gagamitan nang sumpa, mag hintay nang bukang liwayway,bago tumalab ang sumpa.

"Ahhh ganon pala yon." Ang sabi ni Milly sa sarili. Na walang ka muwang muwang sa kanyang binabasa.

Sinara ni Milly ang libro at nilagay ito sa mesa. Hinawakan niya ang kamay nang kaibigan sabay sabi nang

"Babalik ako,Cagalli tatapusin ko lang ang gawain ko." Ang sabi ni Milly sabay alis sa kwarto.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Biglang natigilan si Milly sa kanyang pag lalakad nang bigla siyang naisip.

"TEKA! Bakit? Bakit? GINUPIT NI CAGALLI ANG BUHOK NIYA?"

. . . . . . . . . . . . .

"Pag nakalimot ba ako, mawawala na din ba ang sakit na nararamdaman ko?"

. . . . . . . . . . . . . . ..

Okay, hanggang jan na lang muna! Wahahahahahaha ipapaliwanag ko ang lahat sa mga susunod na chappie! Si kira di ko muna nilagay sa chapy na ito, di ko pa alam kung kelan yung tamang oras nang pag labas niya. Si lacus? Hmmmmm malayo pa pala yung explanation niya kung bakit ko siyang ginawang bata. Sino si Shiho sa buhay ni Yzak? We'll see^^. May pasok na bukas di ko alam kungkelan ako mag uupdate. Pero siguro sa free time ko, mag sisimula na akong mag type sa cellphone ko para i uupload ko na lang. malaking tulong talaga ang word processor sa cellphone ^^

Give me some love

Ps(post script/pahabol sulat): doon sa fanfiction friends ko: sobrang thank you talaga!di ako aabot sa ganito kung di dahil sa inyo at sa reviews niyo at sa support at sa pag tyatyaga mag basa nang wierdo kong story. Sobrang laking tulong nang nagawa niyo sa akin, love you guys!

. . . . . . . . . . . . . . . . . .

(A/N: let me explain, kaya nabili ni Cagalli yung libro tungkol sa mahika sa bayan, kasi ayon sa mga taong nandito sa Plants, ay kathang isip lang ang laman ng libro, dahil wala pang nakakapagpatunay na totoo yung laman nung libro, ang di nila alam kailangan pa nang apoy nang kahilingan para mag karoon nang bisa ang lahat nang laman nang libro, limitado lang ang alam ni Cagalli sa pag gawa nang mga inumin kaya kailangan pa niya yung gabay nung libro para magamit niya nang maayos yung kapangyarihan niya, okies?)