Chapter 11: Date Part 2
"Baka kasi matalo ako at iba na yung maka-date mo sa susunod." Ipinatong niya sa balikat ko yung coat niya at pinalobo ulit ang bubble gum niya.
"E—ewan ko sayo." Blush. Bakit ganito? Hindi pwede 'to… hindi pwede… hindi pwedeng mainlove ako sa kanya! _
"Haha. Bakit namumula ka na dyan?"
"Shut up!" Tumalikod ako sa kanya. "Bumaba na nga lang tayo." Nauna na akong umalis sa rooftop at sumunod din naman siya.
"Anong balak nating gawin ngayon?" Tanong nito habang pinapalobo ang bubblegum niya.
"Bago mo isipin yan, kukunin ko muna yung gamit ko. Gusto ko ng magpalit." Tumingin siya sa akin.
"Bagay naman sayo yang damit mo ah?"
"Manahimik ka nga." Ang sakit kaya sa paa ng suot kong high heels at naiirita na ko sa suot kong dress. Pumasok ako sa room namin at kinuha ang damit ko.
"Hintayin mo na lang ako dito. Magpapalit lang ako sa CR."
"Hai." Umupo siya malapit sa may bintana at pinalobo ulit ang bubblegum niya. Pumunta na ko sa CR at nagbihis.
"Ano ba yan? Bakit kasi sumali pa si Marui-kun sa contest?"
"Oo nga, tapos ka-date pa niya yung pinsan ni Yukimura-kun."
"Hindi kaya may gusto sa kanya si Marui-kun?" Napahinto ako sa pagbibihis ng marinig ko yung usapan nila. May gusto si Marui sa akin? O_O Impossible 'yon! Itinuloy ko ang pagbibihis at sila, tuloy pa din ang usapan nila tungkol sa amin ni Marui.
"Pero, impossible 'yon. Boyish si Reiko-san at hindi ganun ang mga tipong babae ni Marui-kun." Makapag-sabi ng boyish ah? Paki-alam ba nila? Tss. Lumabas ako sa cubicle ng CR at napatingin sila sa akin.
"Kung wala kayong mapag-usapan, wag niyong pag-tsismisan ang ibang tao." Nagulat sila ng makita nila ako sa likuran nila, hindi kasi nila alam na andoon pala ako sa CR.
"G-gomen, R—" Hindi na niya natuloy yung sasabihin niya kasi nilayasan ko na sila. Binalikan ko si Marui sa room.
"Oi, sugrafreak." Tumingin siya sa akin, from head to toe.
"Problema mo?" Tanong ko.
"Mas ok yung suot mo kanina."
"Gusto mo ikaw na lang magsuot nun?"
"Pwede din." O_O
"Bakla!" Tinawanan lang niya ako.
"Tara na nga." Lumabas siya ng room at sumunod ako. Nilibot lang namin yung mga booth sa field tapos bumili ng pagkain.
"Puro ka na lang pagkain." Sabi sa akin ng sugarfreak.
"Makapag-sabi ka. Mas marami ka kayang hawak na pagkain sa akin!" Sagot ko. Napatingin ako sa booth sa kanan ko, may nakita kasi akong kulay yellow na malaking teddy bear. "Marui…" Tumingin ito sa akin.
"Bakit?"
"Marunong ka mag darts?"
"Hindi, bakit?" Pft.
"Walang kwenta. Gusto ko nun oh." Tinuro ko yung malaking teddy bear. Kumuha ako ng pera sa bulsa ko tapos binigay doon sa nagbabantay nung booth.
"tatlong try lang. Pagtumama sa gitna makukuha mo yung malaking teddy bear."
"Ok." Sagot ko sa nagbabantay. Nakakadalawang try na ko pero hindi pa din tumatama sa gitna.
"Kaya mo yan, Reiko." Nakangiting cheer naman sa akin ng sugarfreak. Pero, wala pa din, hindi pa din siya tumama sa gitna.
"Ano ba yan! Gusto ko nun eh!"
"Gusto mo ba talaga?" Tanong ng sugar freak.
"Hindi ba halata?"
"Eto oh." Nagbigay ng pera si Marui tapos tumira na. Sayang! Muntik ng tumama sa gitna! _
"Patamain mo sa gitna!"
"Gusto mong tumama sa gitna?"
"Oo."
"Kiss muna?" Blush.
"Manahimik ka nga!" Tumawa lang siya at pinalobo ulit ang bubblegum niya, tapos tumira ulit siya.
o_o
O_o
o_O
O_O
Bullseye!
"Eto po." Inabot kay Marui yung teddy bear.
"sankyuu." Tumingin siya sa akin. "Kanino ko kaya ibibigay 'to?" Ay? Kinuha pa niya, hindi din pala niya sa akin ibibigay. =_= Mamatay ka na, pre. Pft~
"Ewan ko sayo." Iniwan ko siya pero bigla niyang hinawakan yung braso ko. Napaharap ako sa kanya.
"Kinuha ko yan para sayo, kaya hindi ko ibibigay sa iba yan." Binigay niya sa akin yung teddy bear.
"A-arigatou." Kinuha ko sa kanya yung teddy bear at tumalikod.
"Tara na." Hinawakan niya yung ulo ko at naglakad.
"Marui-senpai!"
"Marui-kun!"
"Marui-sama!" Dinumog siya nung mga fangirls niya at binigyan siya ng kung ano-ano. Samantalang ako, nagigitgit nila. Nakakainis ah! Habang nagkakagulo sila ay nasagi ako ng isang fangirl ni Marui.
"Araay!" Nabitawan ko yung teddy bear at natapak-tapakan nila.
"Reiko!" Lumapit sa akin si Marui, kinuha niya yung bear at hinila ako palayo dun sa mga fagirls niya. Nang makalayo kami sa mga 'yon ay huminto na kami sa pag-takbo. Hingal na hingal ako at halos masuka na.
"Sorry kanina," Tumingin lang ako sa sugarfreak. "Ok ka lang ba?"
"Sa tingin mo magiging ok ako sa ginawa ng mga fangirls mo?! Bwisit. Bakit kasi kailangang ikaw pa yung ka-date ko eh. Tss."
"Ayaw mo ba na ako ang ka-date mo?" Tanong nito sa akin.
"h—hindi naman… Pero…"
"So, gusto mo akong ka-date?" Napatingin ako sa kanya.
"W-wala akong sinasabing gusto kitang ka-date!" Tinanggal ko yung pagkaka-hawak niya sa kamay ko. Ang bilis nanaman ng heartbeat ko, pakiramdam ko pa ay namumula nanaman ako. _ Agggh!
"Dito ka lang, bibili lang ako ng inumin." He patted my head.
"Mabuti pa nga. Baka dumugin ka nanaman ng mga fangirls mo." Sumandal ako sa puno at isinuot ang earphones ko habang akap-akap yung teddy bear na galing kay Marui.
Flashback:
"And you?" Tinuro ko ang isang lalaki na nasa tabi ni Jackal, yung kanina pa nagpapalobo ng bubble gum na may pulang buhok.
"Mr. Bubble gum?"
"Marui Bunta, the tensai."
"Bakit Marui? Nag-seselos ka?" Hah? Nagblush ako sa sinabi ni Sea urchin kay Marui.
"At anong dahilan?"
"Gusto mo siya." Nag-smirk siya habang nakatingin dito. Pinalobo niya ang bubble gum niya at hindi sumasagot. Nakakapagtaka na tuloy, sumagot ka at sabihin mong hindi!
"Ne, andito na tayo." Nag-smirk ulit si Niou ng baguhin ni Marui ang topic.
"Anong kailangan mo?"
"Pinilit nila akong sundan ka habang nag-aaway ang dalawang Kohai." Sagot niya sa akin habang pinapalobo niya ang kanyang bubblegum.
"Nagpapilit ka naman." Tumalikod ako at naglakad ulit.
"Kasalanan ko pa kapag may nangyari sayo." Wow ah? Bakit naman niya magiging kasalanan, aber?
"Dahil pinasamahan ka sa akin ni Mura-buchou." Nagulat ako sa sinabi niya. Nababasa ba niya kung ano ang nasa isip ko?
"Hindi ka pa din pala matapang." Napatingin si Reiko sa self-proclaimed tensai, lumpait siya dito at…
"Rei-chan!"
"Reiko-senpai!"
"Tarundoru!" Sinuntok ni Reiko si Marui sa mukha dahil nainis siya sa sinabi nito. Takot lang talaga si Reiko sa hanging bridge, feeling niya kasi mapuputol ito anytime at pwede silang mahulog sa bangin. Isa pang reason ay hindi siya maruonong lumangoy kaya kung mahuhulog sila e, lugi siya.
"Araaaaaay!" Sigaw nito. Nagmadaling bumaba ang ibang regulars sa mga kwarto nila ng narinig ang sigaw ni Reiko.
"Rei-chan?!"
"Reiko?!" Binuksan ni Sanada ang ilaw ng kusina, nakita ni Reiko ang sugar freak sa harapan niya at namumula ang pisngi.
"Baliw ka ba?! Papatayin mo ba ko sa takot?!" Sigaw nito sa Sugar freak. Napansin ni Marui na namumutla si Reiko sa sobrang takot.
"Oh." Inabot sa akin ng Sugar Freak ang isang bar ng chocolate at umupo sa tabi ko.
"Cheer up, girl." Sinuntok niya ng mahina ang braso ko. Nakikita ko sa kanya si… Nevermind.
"Shut up."
"T-tulong!"
"M-marui…" Mahinang sabi nito ng makita niya ang Sugar freak na lumalangoy papunta sa kanya. "T-tulong!"
"Kyyaaaaah!" Nabato ko ng unan si Marui.
"Ano bang problema mo?!"
"Anong nakita mo?!" Sigaw ko sa kanya. Pano pag gising ko, iba na yung suot kong damit. Sino nag palit sa akin?! Eh, lahat ng kasama ko lalaki. _
"Nakita?" Pagtataka niya sa sinabi ko.
"Wag ka ng magkunwari! Manyak!"
"A-ano?! Anong manyak pinag-sasasabi mo?!"
"Bakit iba na ang suot kong damit?!"
"So, ayun ang inirereklamo mo dyan? Para sabihin ko sayo, si Kia ang nagpalit ng damit mo!" Si Kia?!
Napahinto ako sa paghahanap ng pagkain ng biglang may kumuha ng tubig sa ref, napaharap ako sa kanya. At sobrang lapit namin sa isa't-isa, napatitig na lang ako sa kanya. Sumagi ulit sa isip ko yung binulong ni Kia tapos nagblush ako.
"E-excuse me." Tinulak ko siya tapos kumuha na lang ako ng kahit anong pagkain sa ref at umalis.
"Oy, kamusta ka na?"
"Kasalanan mo kaya 'to!" Lumapit siya sa akin tapos may binulong.
"Masarap ba ang kiss ni Marui?" Nag-blush ako.
"Niou!"
"Kyaaaaa!" Napa-upo ako ng Makita ko si Marui na nakahiga sa tabi ko.
"Bakit ba ang ingay mo?" Nagising ito at humikab pero nakahiga pa din siya sa kama ko.
"Anong ginagawa mo dito sa kama ko?!"
"Ako?" Umupo siya sabay turo sa sarili niya.
"Hindi ako! Kama mo 'to eh!"
"Ah… Inayos ko kasi yung kumot mo kagabi, tapos bigla mo kong hinila at inakap." Hinila? Inakap? Ko?! O_O
"Sinungaling!" Sabay bato ko sa kanya ng unan, na out of balance ito kaya nahulog siya sa kama.
"Aray…" Kinamot niya yung ulo niya at ako…
"O-oiiii!" Sigaw niya sa akin habang naka-tingin sa cake na kinakain ko.
"Bakit?"
"Bakit mo kinain yang cake ko?!"
"Eh? Iyo ba 'to? Wala namang nakalagay na pangalan eh!" kinuha niya sa akin yung cake.
"Akin 'to! May pangalan man o wala!"
"Ang kapal mo! Akin na nga yan, nagugutom na ko!" Kinuha ko ulit sa kanya yung cake tapos kinain.
"Wo-" Napahinto siya ng Makita niyang ubos ko na yung cake niya.
"Woi! Sugar freak!" Nakakainis. At dahil sa matatakutin ako, sumunod ako sa kanya sa labas.
"Anong ginagawa mo dyan?" Naka-upo siya malapit sa mga malalaking bato tapos may kinakalikot.
"Ahh… Ito oh." Hinarap niya sa akin yung maliit na ahas.
"Kyaaaaaaaaaaaaaa!" Napa-upo ako sa sobrang takot. Ayoko ng ahas! Kahit maliit pa yan! _
"HAHA! Takot ka dito?" Hindi ba halata?! Lokohan ba 'to?! _
"Mukha kang babae sa suot mo, Reiko." Bati naman sa akin ng Sugarfreak.
"Reiko." Lumapit sa akin si Marui.
"Bakit?"
"Ok ka lang?" Tanong nito, tapos yung mga mata niya parang nag-aalala.
"Oo."
"Reiko, ako na dyan." Kinuha ni Marui yung bitbit kong tray.
"Salamat."
"Ok ka lang ba talaga?"
"Ja, Reiko-senpai." Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko ng makaalis si Zaizen… Pero, nagulat ako ng biglang may humawak sa ulo ko… Napatingin ako sa taong 'yun.
"Za-…. Marui?" Nakatingin lang siya sa pinto ng rooftop, nasa bulsa ng pants niya yung kaliwang kamay niya, yung kanang kamay niya naman na nakahawak sa ulo ko ay itinakip niya sa mga mata ko tapos idinikit niya yung mukha ko sa dibdib niya. Yung pag-pop lang ng bubble gum niya ang tanging naririnig ko.
"Siguradong walang sasali sa event." Sabay palobo ng bubblegum niya.
"Agggh! Ayoko na!"
"Ayaw mo ba talagang makipag-date sa kanila?" Tanong ng sugarfreak sa akin. At nag-nod ako.
"Pag ako ang nanalo, sa akin ka makikipag-date." Nag-smirk ito at pinalobo ulit ang bubble gum niya.
"Hindi mangyayari yun. I will never fall in love again."
"Kahit sa akin?" Blush.
"k—kahit sayo!" Tumingin ulit ako sa baba. Bakit niya biglang natanong 'yun? _ Tyaka… Kaibigan lang talaga yung turing ko sa kanya…
"Sa susunod, wag ka ng papayag na maging prize sa mga contest."
"Di naman ako pumayag eh. Tyaka, ano naman kung pumayag ako?"
"Baka kasi matalo ako at iba na yung maka-date mo sa susunod." Ipinatong niya sa balikat ko yung coat niya at pinalobo ulit ang bubble gum niya.
Tumingin siya sa akin. "Kanino ko kaya ibibigay 'to?" Ay? Kinuha pa niya, hindi din pala niya sa akin ibibigay. =_= Mamatay ka na, pre. Pft~
"Ewan ko sayo." Iniwan ko siya pero bigla niyang hinawakan yung braso ko. Napaharap ako sa kanya.
"Kinuha ko yan para sayo, kaya hindi ko ibibigay sa iba yan." Binigay niya sa akin yung teddy bear.
End of flashback
Marui, bakit ba ang bait mo sa akin? Bakit andyan ka sa tuwing kailangan kita? Bakit kailangan kitang maging kaibigan? Bakit kinakailangang sayo ko pa maramdaman 'yon? Bakit sa isang tensai ng tennis team pa? Mauulit na lang ba ang nangyari sa akin dati?
Inakap ko ng mahigpit yung teddy bear na hawak ko at biglang may nagtanggal ng earphone ko sa kanang tenga ko.
"Ba—" Napahinto ako ng lumapat yung mga labi ko sa labi ni Marui. O/O Lumayo ako agad sa kanya at tumalikod.
"G—gomen!" Tumakbo ako palayo sa kanya.
Pagkatapos ng nangyaring 'yon ay hindi ko magawang makipag-usap kay Marui o kahit na tumingin pa sa kanya. Hanggang sa dumating ang last day ng School festival. Nagstart na yung party at tumugtog si Kamiru ng Piano, tinugtog niya yung kantang Why did I Fall in love with you/ Doushite Kimi wo Suki ni Natte Shimattan Darou By DSBK. Pagkatapos niyang tumugtog ay pumunta siya sa akin kaso ng makita ko na papalit si Marui ay umalis ako sa kinapu-pwestohan ko. Lumabas ako ng gym kung saan ginaganap yung event.
"Reiko!" Hinawakan ni Marui yung braso ko.
"Bakit ka umiiwas?" Tanong nito sa akin.
"W-wala…"
"Dahil ba sa kiss?" Tanong niya ulit.
"Bakit naman kita iiwasan ng dahil dun?"
"Kung hindi dahil dun, anong dahilan?"
"Wala nga! Pwede ba tigilan mo muna ko! Naiirita na ko eh!" Binitiwan niya yung braso ko at tinapik ang ulo ko.
"Sorry." Pinalobo niya yung bubblegum niya at pumasok ulit sa loob.
