Part Twelve

Dumating na rin ang araw ng kaarawan ni Aya kaya pansamantala itinigil ang nasabing paghahanap upang paghandaan naman ang okasyon para sa ama ni Kai. Sa kabilang dako naman, tagumpay na nakontrol na ni Chiaki ang buong kaisipan at sistema ni Nataku, tulad ng inaasahan sa isang cyborg madali itong paamuhin at pasunurin dahil ginamit ni Chiaki ang lahat ng mga masasakit na alaala ni Nataku noon nakaraan sampung taon.

" Tapos na… Humanda kayo mga Hamazaki sa aming pinagsamang lakas namin ni Nataku. Matitikman nyo ang pait ng amin paghihiganti!! Ha! Ha! Ha! Ha! ", sambit ni Chiaki habang humahalakhak ng malakas.

" Handa na po ang lahat, Boss! ", sabi ng assistant nya.

" Salamat, bumangon at gumising ka, pinalakas na Nataku!! ", utos ni Chiaki habang unti-unting bumubukas ang isang lugar na pinaglagyan ni Nataku. " Ikaw na ngayon ang pinaka-perpekto at pinakamalakas na cyborg… iparamdam mo sa lahat na nagkamali sila sa iniisip nila sa iyo… Nataku!", nangingiting tugon ni Chiaki sa bagong gising na cyborg.

Malaki ang naging pagbabago ni Naru. Hindi na ito ang dating maamo at mahiyaing si Naru na nakilala ng lahat kundi sya na ngayon ang may mga matatalim na mata na halata sa buong katauhan nya ang uhaw sa paghihiganti at poot. Maliban dun ay binago rin ni Chiaki ang battle suit ni Nataku na kung noon una ay kulay pula ito na gawa ni Natsumi upang makapagprotekta ng tao ngayon ay kulay itim na sumisimbolo sa kamatayan ng lahat.

" Ano ang plano mo ngayon mahal kong Nataku? Anong ang misyon mo? ", tanong ni Chiaki sa bata.

" Ang patayin ang lahat ng mga may kasalanan sa akin… patitikimin ko sila ng aking lakas... ", mapait na tonong sagot ni Nataku sa kanya.

" Magaling, Nataku! Ngayon pinahihintulutan kitang gawin ang lahat ng mga nais mo... dahil malaya ka na... ", masayang tugon ni Chiaki sa kanya na agad naman din sumunod si Nataku sa kanya at iniwan na ang laboratoryo. Pagkaalis ni Nataku nag-usap ang dalawa.

" Tagumpay po kayo, Boss! ", ani ng assistant nya.

" Tama ka, sa mga gagawin ni Nataku kasama na dun ang paghihiganti ko… hindi ko na sya dapat pang utusan na lusubin ang mga Hamazaki dahil sya na mismo ang gagawa nun... yan ang isa sa pinagkaiba ni Nataku sa ibang cyborg… kaya nyang makapag-isip sa sarili nya sapagkat kalahating tao at makina sya... ", pagpaliwanag ni Chiaki sa katabi.

" Kaarawan ngayon ng kanyang ama , tama po ba? Hindi po ba kayo pupunta dun? ", tanong ng assistant nya.

" Pupunta ako mamaya dahil kami ang dapat magtuos ni Aya ", tugon nya dito.

Samantala, sa mansyon abala ang lahat sa paghahanda sa pagtitipon para sa kaarawan ni Aya. Hindi sinasadyang naitanong ni Kai sa ama kung ano ba ang okasyon at bakit halos lahat ng tao ay abala.

" Para saan po ba ang paghahanda na ito, ama ? May importanteng tao po bang darating? ", tanong ni Kai.

" Kai nalimutan mo na ba? Na may nagcecelebrate ng kanyang kaarawan ngayon... ",nakangiting sambit ni Aya sa anak na tila nakalimot ata ng bahagya.

" Sino po? Si Tita Skuld po ba o si Lolo Takeshi? Hindi ba malayo pa yun? ", takang tanong ulit ni Kai.

" Hay… talagang nalimutan mo na, nasa tabi mo lang , anak ", nagtatampong sagot ni Aya. Lumingon pa muna nun si Kai at nang mapansin na ang tanging katabi nya sa oras na yun ay ang ama lamang nya.

" Kayo pala ang may kaarawan Papa! Sorry po… nalimutan ko yun mahalagang araw ng kaarawan nyo… Sorry po ", nahihiyang pagpapasensya ni Kai.

" Okey lang yun, anak… naiintindihan naman kita… maraming gumugulo sa isip mo nitong nakaraan mga araw… tama ba ako? Si Naru ba? ", tanong ni Aya sa anak na halatang malaki ang pinagbago nito simula nang mahiwalay si Naru kay Kai.

" Opo, nasanay kasi ako na lagi ko syang kasama at nasa tabi ko. Nang mawala si Nataku, puro beyblade na lang inaatupag ko, pero nagbago ang lahat ng makilala ko si Naru, ama… nagkaroon ako ng ibang interest bukod sa beyblade… malaki ang nagawa nya sa pagkatao ko ama...", malungkot na paglalahad ni Kai.

" Napansin ko nga yan… malaki ang naging bahagi ni Naru sa iyong buhay na halos ay katulad ni Nataku na ginagawa nya sa iyo dati..", pansin ni Aya.

" Hmm… alam nyo po ama, tinuturing ko na syang kapatid. Mula kasi sa buhok, mata, ugali at buong katangian ni Nazru ay kahawig nya talaga si Nataku pwera lang sa braso… indi ako sigurado kung ano ba talaga ang nasa likod ng wrist band na yun.. ayaw ko man isipin na isang birth mark yun na katulad ng sa kakambal ko ", ani ni Kai.

" Naalala ko tuloy yun mga araw na dumating kayo ni Nataku sa buhay namin ng Mama mo… ", pagbabalik tanaw ni Aya sa nakaraan.

-- Flashback--

Sa ospital, walang ginawa si Aya kundi ang maglakad ng maglakad dahil sa di sya mapakali na kinapansin naman ni Duke Takeshi.

" Kinakabahan ako... ", tanging nasabi ni Aya sa ama.

" Hwag kang kabahan, magtiwala ka kay Urd alam kong matapang syang babae... ", pagpapakalmante ni Duke Takeshi sa anak. Paglipas ng ilang sandali, lumabas na mula sa silid ang doktor.

" Dok, kumusta ang asawa ko? Nakaraos na ba? ", alalang-alalang tanong ni Aya dito.

" Don't worry, Sir! You're wife is fine and she delivered two healthy baby boys. Congratulations!! You can now visit her ", ani ng doktor sa kanila.

" Salamat… sabi ko naman sa'yo magiging maayos lang ang lahat ", ani ng duke habang inakbayan ang anak paloob sa kwarto. Pagkapasok sa loob, gising na si Urd at nasa tabi lang nya ang mga sanggol.

" Papa, Aya… tingnan nyo ", masayang anyaya ni Urd sa mag-ama upang makita ang dalawang sanggol.

" Oo, Urd… Sinabi ng doktor na kambal ang anak nyo… Congrat's ", ani naman ng duke. Kinuha naman ni Aya ang sanggol na may pulang buhok at dahan-dahan nyang kinarga ito sa kanyang bisig.

" Ang cute naman ng baby ko… tiyak magugustuhan nyo ang ipapangalan ko sa kanya… mula sa isang pantas… Nataku ", tugon ni Aya sa dalawa.

" Magandang pangalan, mahal ko.. Alam mo mana sa'yo ang isang yan di ba po Papa? ", nakangiting sambit ni Urd.

" Tama ka, at ang isa naman ay mana sa'yo Urd… Ano pala ang ipapangalan mo sa isa ", taong ni Duke Takeshi.

" Kai, ang naisip kong pangalan… isang pangalan na nagbibigay lakas at tibay ng kalooban…", pagpaliwanag ni Urd.

" Mahusay talaga kayo magbigay ng pangalan,sandali lang… kailangan mabinyagan agad sila… ", payo ng duke.

" Plano ko po makalipas ang dalawang buwan… nais kong isabay sa inyo kaarawan Papa ", nakangiting sambit ni Aya sa ama.

" Ikararangal ko na makasabay sa pagdiriwang ng kaarawan ko ang binyag ng aking mga apo..", natutuwang sambit ng duke sa dalawa.

Tulad ng napagpasyahan, makalipas ang dalawang buwan sa mismong kaarawan ng duke ginanap ang binyag ng mga anak nina Urd at Aya. Malaking pagdiriwang ang naganap sa mansyon ng mga Hamazaki at lubos ang kasiyahan ng lahat. Mabilis lumipas ang mga araw, pagkalipas ng limang taon lumaki naman ng malusog at masigla ang dalawa- sina Kai at Nataku.

" Kai! Nataku! Pumarito kayo sandali... ", hiling ni Duke Takeshi sa dalawang apo nya.

" Opo, Lolo! Andyan na po kami! ", sabay na pagkasabi ng dalwa at parehong tumatakbo patungo sa kanya.

" Ano ba ang mga pinagkakaabalahan ng mga cute kong mga apo ? ", tanong ng duke sa dalawa. " Naglalaro po kami Lolo sa may hardin, di ba Nataku? ", pagkwekwento ni Kai.

" Yup, bakit nyo nga po pala kami pinatawag Lolo? ", nagtatakang tanong ni Nataku. Mula sa may kabinet kinuha ni Duke Takeshi ang dalawang nakabalot na kahon at ibinigay sa dalawa.

" Para ibigay ito sa inyo sa inyong nalalapit na kaarawan... ", masayang ani ni Duke Takeshi.

" Oo nga pala, malapit na ang kaarawan natin Kai, Salamat po Lolo ", masayang sabi ni Nataku habang tinanggap ang regalo mula sa duke.

" Salamat po! Ano kaya laman nito? Pwede na po ba namin buksan ", paalam ni Kai habang inalog-alog ang hawak na regalo.

" Hindi pa pwede, di na exciting kung bubuksan nyo na yan ngayon… sa kaarawan nyo na lang... ", payo ng nangingiting duke sa dalawa.

" Ay! Ang daya naman… hmmm… curious talaga ako sa laman nito… ", tugon ni Kai.

" Oo nga eh… gusto ko na talaga dumating yun araw ng birthday natin... ", masayang sambit ni Nataku.

Natutuwang pinagmasdan ng duke ang dalawang apo nya na talagang excited nang buksan ang mga binigay nyang regalo. Sa mismong kaarawan ng dalawa, agad na tumungo sina Kai at Nataku sa kwarto nila at agad na pinagkukuha ang mga regalo lalo na dun sa binigay ng lolo nila.

" Sa wakas, mabubuksan ko na!! He-he-he ", masayang sambit ni Kai.

" Tama ka, sabay tayo magbukas ah...1! 2! 3! Bukas!! ", sabi ni Nataku sabay bukas ng kani-kanilang mga regalo.

Mga damit na terno pala ang laman ng regalo at tulad ng inaasahan nagustuhan ng dalawa ang munting regalo na yun mula sa duke. Madalas na isinisuot ng magkapatid ang damit na yun dahil talagang nagustuhan nila ang yari at kulay . Masaya sila sa naging kaarawan nila.