Chapter 14.

Breakup


Alas-kwatro ng hapon noon, at kadadaan lang ng dalawang sweet na sweet na estudyante.

-

"Ang sweet nila oh. Look, they're holding hands pa!"

-

"oo nga eh. nakakainggit talaga tong si Sakura!"

-

"Tama ka dyan girl, ang swerte niya!"

-

"Bagay na bagay nga sila e!"

-

"Tama ka nanaman sis! apir tayo!"

-

Tinignan ng dalawang kadadaan lang ang mga baklang nagbubulungan.

-

"May sinasabi ba kayo?", malamig na sabi ng lalaki.

-

"W-wala naman Sasuke-kun, ang sabi lang namin, swerteng-swerte si Sakura sa'yo! Tsaka bagay na bagay kayo!"

-

Napa-smirk ang binata, "Oo. bagay talaga kami." at inakbayan ang 'girlfriend' niyang may kulay rosas na buhok na kilala bilang si Haruno Sakura.

-

Ngumiti si Sakura. "Sige ha, mauna na kami." at umalis na ang dalawa.


Sakura's POV

Eto na ang huling araw. Huling araw ng pagiging girlfriend ni Sasuke. Mukha namang kumbinsido na si Karin na kami nga ni Uchiha. At mamayang madaling araw, susunduin na namin si Gaara.

-

Ah. Oo nga pala. alam na ng school yung tungkol sa 'amin' ni Sasuke.. hindi naman namin mapigilan ang pagkalat ng chismis sa campus.. si Karin naman kasi.. hindi mapagkatiwalaan e. Pero napag-usapan na namin ni Sasuke to.. magpapanggap nalang kaming "magbe-break up".]

-

Sa totoo lang, naging masaya naman ako. Masarap palang maging boyfriend si Sasuke, sweet siya, napaka-gentle man, pero hindi pa rin nawawala yung sense of humor niya. Ang swerte pala ng magiging totoong gf niya.

-

"Sakura. Last day na oh.", bulong niya. Tinignan ko si Sasuke.. nakatingin siya sa kin.. seryoso.. ano ba to.

-

"Oo nga e. At sa wakas, iiwasan ka na ni Karin. Hindi ka ba masaya?", nginitian ko siya... pero hindi man lang siya kumurap.. ganun pa rin yung mukha niya.. blanko.

-

"Masaya din naman.", o masaya din naman pala siya eh, ba't ganyan siya makatingin?

-

"May problema ba Sasuke?", tanong ko sa kanya, ngumiti siya ng kaunti.

-

"Wala naman. iniisip ko lang na mamimiss ko yung ganito.", ano daw?

-

"Ano?", tanong ko uli.

-

Dinaan niya ang kanang kamay niya sa buhok niya at yumuko sandali.

-

"Wala. Ang sabi ko, uwi na tayo. Uulan yata o.", bulong niya at nauna na sa paglalakad.

-

Pagdating namin sa dorm, diretso sa kwarto niya si Sasuke, malay ko ba kung anong ginagawa nun doon.. ako naman, naiwan dito sa baba, naupo ako sa sofa at nanood sandali ng tv.

-

Namali ba ko ng rinig, o yun talaga yun? Mamimiss daw ni Sasuke ang pagiging mag-boyfriend-kuno namin. Sabagay, ako rin naman, mamimiss ko yung ganito.. Pano ba naman, ang saya-saya kaya namin.

-

Flash Back. No POV.

-

Tuesday ng umaga. 2nd day ng pagiging boyfriend-girlfriend nila Sasuke at Sakura.

-

Naupo ang dalawa sa usual table nila sa canteen, mag tig-isang ice cream cup. Magsisimula na sana sila sa pagkain nang biglang dumaan si Karin..

-

"Ganyan ba talaga kumain ang mag-boyfriend?", tanong ng dalaga habang inaayos ang salamin niya.

-

Nagpanic ang dalawa.. hindi na alam ang gagawin e, malapit na silang mabuko. Lumingon-lingon sandali si Sasuke, sa likod nila ay isang may dalawang estudyanteng nagsusubuan..

-

"Hn. Sakura, eto o.", bulong ni Sasuke at nilapit kay Sakura ang isang kutsarang puno ng strawberry ice cream. Tinignan siya ni Sakura with a confused look.

-

"Sweetie pie.. kainin mo na to bago matunaw.", bulong uli ni Sasuke habang nilalapit pa lalo ang kutsara sa 'girlfriend' niya. Sa wakas, nagets din ni Sakura ang gagawin niya at sinubo na ang kutsara.

-

"Honey bunch, ikaw naman o!", at nilapit naman ni Sakura kay Sasuke ang isang kutsara ng chocolate ice cream. Kinain naman agad ni Sasuke.

-

"Hmp.", papadyak-padyak na umalis si Karin.

-

Sa table naman, nagkatinginan sina Sakura at Sasuke.

-

"Sweetie pie? Ano ba naman yun?", natatawang tanong ni Sakura kay Sasuke.

-

"Eh diba ganun naman dapat tawagan ng mag-syota?", natatawang sagot naman ng Uchiha.

-

"O, sige na, Honey bunch, kainin mo na yan, nang makabalik na tayo sa dorm.", pabirong sabi ni Sakura at itulak ng kaunti ang cup ng ice cream papalapit kay Sasuke.

-

Napa-smirk ang Uchiha. "Ikaw, sweetie pie, lagi kang nagmamadali.", at nagtawanan ang dalawa.

-

Huwebes, 4th day na.

-

Sabay na naglalakad sina Sasuke at Sakura papuntang library kagaya ng dati, nang biglang dumaan si Karin kasama ang mga alipores niya.

-

"SASUKE-KUN!!", matinis na tili ng redhead.

-

Lumingon sina Sasuke at Sakura sa direksyon ng tili.

-

"Hn. Karin. Ano nanaman?", naiiritang tanong ng Uchiha.

-

"Wala naman, napansin ko lang na papunta kayo ng library.. magde-date kayo dun?!", natatawang sabi ni Karin.

-

"Sa restaurant kami papunta. Napadaan lang kasi may ibabalik kaming libro.", nakangiting sagot ni Sakura. "Diba Honeybunch?"

-

Napa-smirk si Sasuke. "Oo. Sige, mauna na kami, baka mapagalitan pa ng librarian tong si sweetie pie ko."

-

At naglakad na uli yung dalawa papuntang library. Pagpasok nila sa building na yun.. hindi nila napigilang tumawa.

-

"Kundi ka ba naman sira. Pamatay talaga yang 'sweetie pie' mo e!", tawa parin ng tawa si Sakura..

-

"Sus, ng alam mo lang, tawang-tawa na ko diyan sa 'honey bunch' mo!", pilit namang pinipigil ni Sasuke ang tawa niya...

-

"HARUNO! UCHIHA! TAHIMIK!", sigaw ng librarian. Nagkatinginan uli ang dalawa.

-

"Kaw kasi sweetie pie.. ang ingay mo.", nakangiting bulong ni Sasuke. At ayun, natawa uli si Sakura at napagalitan uli ang dalawa.

-

Sabado, 6th day.

-

"Psst.. nandyan siya sa labas..", bulong ni Sasuke sa room mate niyang kabababa lang galing sa kwarto niya.

-

"Anong gagawin natin?", pabulong na sagot din naman ni Sakura.

-

"Sundan mo lang ako a.", kinuha ni Sasuke ang mga libro ni Sasuke mula sa center table.

-

"Teka, anong gagawin mo sa mga libro ko?", nagtatakang tanong ni Sakura habang sinusundan si Sasuke palabas ng bahay.

-

"Hahatid kita.", bulong ng Uchiha.

-

Binuksan ni Sasuke ang pinto at kagaya nga ng nakita nila kanina, nandun nga si Karin.

-

"Good morning Sasuke-kun!!", sigaw ng bwisita nila.

-

"Paalis na kami. Hahatid ko pa si Sakura.", malamig na sagot ni Sasuke at agad pinuntahan ang itim niyang sportscar na naka-park sa tabi ng bahay. Sa likod naman niya, nakasunod si Sakura.

-

"Sweetie pie, sakay na o.", binuksan ni Sasuke ang pinto. Napangiti naman si Sakura at pumasok na sa sasakyan.

-

Umupo na rin si Sasuke sa driver's seat at isinara ang pinto. Pagkatapos ng ilang segundo, umandar na ang kotse.

-

"Teka! Sasuke-kun!!!", sigaw ni Karin habang hinahabol ang kotse.

-

Sa loob naman..

-

"Tangina, ano ba yang sweetie pie na yan.. hindi talaga ako matahimik.. HAHAHAHAHA.", tawa nanaman ng tawa si Sakura.

-

"Hn. Wag kang magmura. Mahiya ka naman.", naka-smirk na sagot naman ni Sasuke.

-

"Loko. Ikaw din naman a.", sabi ni Sakura sabay belat.

-

"Hn. Tama na nga. Pano nga pala yung bukas?", tanong ni Sasuke habang nakatingin pa rin sa daan.

-

"Oo nga pala no. 6th day na ngayon.. bukas na yung bonggang break-up natin.", bulong ni Sakura habang nilalabas ang isang pocket book mula sa handbag niya.

-

"O, anong tinitignan mo dyan?", tanong uli ni Sasuke.

-

"Eto o. Basahin mo.", nakangiting sabi ng dalaga at inabot ang libro kay Sasuke.

-

"Mamaya na.", sagot ng binata. Hindi nagtagal, nakarating na rin sila sa school. Iniabot ni Sakura kay Sasuke ang libro.

-

Binasa agad ni Sasuke ang page.. "Sige ba. pwede na yan.", sagot ni Sasuke at binalik kay Sakura ang pocket book.

-

"SASUKE-KUN!! NANDITO NA KO!!", lumingon ang dalawa sa likod at nakita nila ang isang humahangos na redhead.. hinabol nga yata sila ni Karin hanggang school..kundi ba naman loka-loka.

-

Inakbayan ni Sasuke si Sakura. "Hn.", at naglakad yung dalawa papasok ng building nila.

-

END OF FLASHBACK. SAKURA's POV NANAMAN.=)

-

O diba, ansaya. =)) A. Mamayang gabi na pala yung break-up namin.. galing sa pocket book yung script nun, kaya kahit papano naman siguro, kapani-paniwala yun diba? Sana nga, kasi kapag hindi naniwala ang mga tao dun, baka iskandalo abutin ko sa school.

-

"Magbihis ka na, punta na tayong park.", aba, nandito na pala si Sasuke. Tinignan ko ang relo, 5 na pala. masyado akong na-carried away sa panonood kay Michael Jackson.

-

"Ok. Let's go!", nakangiting sigaw ko, at nagpunta na kaming dalawa sa park gaya ng plano.

-

SASUKE's POV

-

Tapos na. Huling araw na. Diba nga, nothing lasts forever?

-

Tangina Sasuke, ba't nag-e-english ka?

-

Binuksan ko ang pinto at sabay kaming lumabas ni Sakura at naglakad papuntang naglalakad kami.. walang nagsasalita.. tahimik.

-

Hn. Tapusin na natin to habang maaga.. baka hindi ako makapag-drive mamaya sa sobrang lungkot e.

-

Isa pa yan, nagiging madrama ka na Sasuke. Ano ba.

-

Oo na, sige na, nalulungkot ako kasi tapos na. Tapos na ang palabas. Tch. Kung tutuusin, dapat hindi ako malungkot kasi hindi naman totoo yung mga ka-sweetan na pinaggagagawa namin nitong mga nakaraang araw.

-

Ewan ko ba. Nababaliw na ko.

-

Hindi ko napansin, nasa park na pala kami. Eto na.

-

"Sasuke, bakit mo ko dinala dito?", tanong ni Sakura gaya ng scripted naming plano.

-

"May sasabihin kasi ako sa'yo e.", sagot ko naman.

-

"Ano yun?"

-

"Sa tingin ko, mas mabuti kung babalik nalang tayo sa pagiging mag-bestfriend."

-

"Ha? Bakit?"

-

"Nakikita ko namang si Gaara ang mahal mo.. at mas mabuti na rin yung ganun.. kung sa kanya ka ba naman sasaya e."

-

"S-Sasuke.. Seryoso ka ba?"

-

"Oo. Sorry talaga.. pero this is what's best for us.."

-

Right-on cue, nagsimulang umiyak si Sakura.. ang galing nitong babaeng to.. artista ang dating.. "S-salamat.", sabi niya at niyakap ako.

-

Niyakap ko rin siya.. lumingon-lingon ako at napansin kong halos lahat ng nandun, nakatingin sa amin. Eto na. Tapos na nga.

-

"Bumalik na tayo sa dorm, madilim na o.", sabi ko at inakbayan siya.

-

"Oo.", at naglakad na kami pabalik ng dorm... ewan ko ba kung bakit pero nagpalakpakan ang mga tao sa likod..


"Bakit ba hindi pwedeng ganyan nalang lagi tuwing makikipagbreak?! Yung magiging friends uli! Yan ang POWER OF YOUTH!!!!", sigaw ng isang binatang may bunot na buhok at makakapal na kilay.

-

"Oo nga e. Bakit hindi nalang pwedeng ganyan..", bulong naman ng katabi niyang naka-buns ang buhok.

-

"Tenten, wag mo na kasing damdamin yung nangyari sa inyo ni Neji."

-

Natawa ang kausap niya. "Hindi naman naging kami e."


Kanila Sasuke at Sakura...

-

Ini-lock ni Sakura ang pinto at dumiretso sa kotse ni Sasuke.

-

"Ano, tara na?", sabi ni Sasuke at kinabit ang seat belt niya.

-

"Oo. tara.", nakangiting sagot ni Sakura at umandar na ang kotse nila papuntang airport.

-

Pagdating nila doon, malayo palang, natanaw na nila si Gaara na naglalakad habang hinihila ang bag niya.

-

Sasalubungin sana siya ni Sakura nang makita niyang may babaeng lumapit at yumakap kay Gaara.

-

"Si Karin yun diba?", tanong ni Sasuke habang nakatingin sa direksyon ni Gaara.

-

Natulala si Sakura.. lalo pa nung ibinalik ni Gaara ang embrace. "A-ano to?"


Very very late update. busy sa school e. :D R/R po.