Lagot Tayo kay Bryan
Ang Pulong
Nauna sa meeting room si Chairman Daitenji at itinabi at stroller sa dulo ng kuwarto, nagmamakaawa sa Diyos na di mapansin.
Sumunod si Boris, na ubod ng laki ang suot na trenchcoat. Yun pala nasa ilalim nun si Sofya. Sinabihan siyang magtago sa ilalim ng la mesa.
Ang huling dumating ay si Mr. Hiwatari, na walang takot na ipinakita na nagpapakain ng isang sanggol, kaunti ang tanda kay Nanomono (anak ni Kenny).
"Pamangkin ko, si Nikolay..." ang sabi niya. Wala sa kanilang naniwala, ngunit umoo sila.
"So gentlemen, ang agenda ng pulong..." ang panimula ni Mr.D ngunit nasingitan siya ng tatlong magkakasabay na iyak ng bata.
Natigilan ang tatlo. "Ahem...sandali..." ang sabi nila sa isa't isa sabay inusisa ang kanikanilang mga anak.
Muli silang nagkaitnginan sa isa't isa.
"Mayroong malaking problema ang aking mga BBA members (aka, buong tropa) ...ukol ito sa isang magaling na blader na si Rei Kon..."
Namutla ang dalawang matanda. "Kami din..." ang sabay nilang sagot.
"Ang Demolition Boys ko..." panimula ni Boris "Pati na rin ako..." Yumuko siya sa ilalim ng mesa. "Sofya..." At tumayo ang isang batang babae na apat na gulang.
Napangiti si Mr. Hiwatari. "Ipagpaumanhin mo ako Boris kung nailihim ko si Nikolay. Kanina kasi ay nakita ko ang pangangailangang maatenan siya ng walang iba kungi ako. Ayun pala ay parepareho ang problema natin..."
Dumighay si Nikolay.
Huminga ng malalim si Mr. Daitenji. "Kailangan natin to masolusyonan..."
At naiba tuloy ang payak ng pulong...
TBC
A/N: dalawa nalang chaps at tapos na to...
