Disclaimer: i do not own gs or gsd

Special thanks to: Kkornelia,rynne marge and lie

Konting tiis ka na lang malapit ng matapos ito.

Pinalitan ko na din pala yung chapter14. . ginawa kong 'dalagita' at 'binatilyo' si kira at lacus,okies? Pati na rin yung chapter 9. . ginawa kong apat na taong gulang si Lacus.

So since mawawala ako ng matagal i uupload ko na ito. WEW ready for the blow?

. . . . . . . . . .

"Kamahalan!" ang sigaw ng mga batang nagsipag takbuhan sa dumadating na hari ng Plants.

Di mag kamayaw ang mga bata kung paano ang salubong na gagawin nila sa may ari ng bahay na pansamantala nilang tinitirahan.

Maging ang mga tauhan sa loob ng tahanan ni Athrun ay di magkaintindihan kung paano mag hahanda ng isang salo-salo para sa mga sundalo ng Plants

Agad namang bumaba si Meer sa opisina i Athrun ng matanaw niyang paparating na ang kanyang dating kasintahan. Habang bumababa siya sa hagdan ay patuloy pa din niyang iniisip ang kanyang sasabihin, ito na siguro ang tamang oras para sabihin niya ang buong katotohanan.

Tama

Dapat lang malaman ni Athrun ang buong katotohanan, tungkol sa kanyang pagkatao, sa kanyang ama, sa kadahilanan ng kanyang pagkamatay na ngayon lang din niya nalaman. Handa na niyang ibuka ang kanyang bibig para sabihin ang mga sikreto ang lihim na bumabalot sa pang yayari ng nakaraan.

Inangat na ni Meer ang laylayan ng kanyang paboritong kulay dilaw na damit habang tumatakabo patungo sa labas ng pintuan.

Bumukas ang malaking takangkahan ng palasyo, agad namang bumungad ang kanilang hari na sakay ni Justice kasunod ng makikisig na sundalo ng Plants.

Nakita ni Athrun ang mga bata sa kanyang hardin na tila tuwang-tuwa sa kanyang pag dating, kaya bumaba siya kay Justice at naglakad sa kung saan naroroon ang mga bata.

Bigla namang tumalon ang isang bata sa kanyang mga braso na halos maiyak-iyak pa habang sinasabi kung gaano sila nag alala

"Natutuwa talaga kami mahal na hari na ayos lang kayo"

"Nagdasal po talaga kami ng maigi para lang sa kaligtasan niyo"

"Nagpakabait pa nga po kami para lang matupad yung dasal namin"

"Nag-alala po talaga kami, mahal na hari"

"Pero alam namin na magaling kayo, kaya alam din namin na mkakabalik kayo agad!"

Ang sunod-sunod na sabi ng mga bata.

Tuwang-tuwa si Athrun sa mga kwinento sa kanya ng mga bata, nilibot niya ang kanyang paningin at napansin niya na wala si Lacus.

Kaya tinanong niya ang batang lalaki na ngayon ay nakaupo sa kanyang mga balikat.

"Nasan si Lacus?"

Agad na tumingin sa kanya ang batang nasa balikat niya at kailangan pa ni Athrun na hawakan ng mabuti ang bata para di ito mahulog.

"Si Lacus? Pumunta po siya sa bahay ng isang doktor! sabi po niya ay may kailangan lang siyang itanong, at baka di na daw po siya makabalik" ang paliwanag ng bata.

"Parang nag iba nga po si Lacus"

"Parang ang tanda na niya mag salita"

"Parang lagi din pong sumasakit ang ulo niya"

"Tapos po parang lagi na lang siyang nanghihina"

Ang sagot ng mga batang nasa paligid niya.

Agad namang kumunot ang noo ni Athrun

Kaya agad niyang binaba ang batang nasa balikat niya at hinayaan niya na maglaro ang mga bata bago siya mag tungo kay Caridad na tumutulong sa paghahanda ng makakain ng mga sundalo.

Pinatawag niya si Caridad sa kanyang opisina para doon ito pribadong kausapin.

Nakita niya na pumasok ito na may dala-dalang tsaa.

"Mahal na hari, inumin niyo po muna ito." Ang sabi ni Caridad habang nilalatag ang tsaa sa mesa ni Athrun.

"Maraming salamat, maupo ka" ang sabi ni Athrun habang kinukuha ang tsaa sa kanyang mesa

Marahang umupo si Caridad sa upuan ni Athrun at tila handa na sa mga katanungan ng hari.

Ngunit bago pa man makapagsalita si Athrun ay inunahan na siya ni Caridad.

"Alam ko po kung bakit niyo ako pinatawag, marahil ay hinahanap niyo po ngayon si Lacus, mahirap pong paniwalaan ang sasabihin ko pero, sana po ay pakinggan niyo ng mabuti ang sasabihin ko." ang sabi ni Caridad na maiging tumitig sa haring nasa harapan niya.

"Sige, makikinig ako" ang sabi ni Athrun

Huminga ng malalim ang mas nakatatandang babae bago ito nag simula sa kanyang kwento.

(balik tanaw)

Naghahanda si Caridad ng hapunan para sa mga bata sa bahay ampunan, matagal na niyang ginagawa ito, ito na ang nakagisnan niyang buhay, ang buhay na pag aalaga ng mga ulila, marahil ay nag simula ito ng una niyang mapulot si Lacus sa isang daan, nahabag siya sa bata kaya kinupkop niya ito.

Di niya alam kung anong nangyari pero, parang halos buwan-buwan ay may mga bata siyang nasusumpungan sa kung saang dako ng bayan, agad na lumambot ang puso ni Caridad sa mga bata kaya buong puso niya itong kinupkop.

May-ari si Caridad ng isang tinapayan, alam niyang sapat ang kinikita niya galing dito para masustentuhan ang mahigit limang bata, pero di nag tagal ay lumaki ang bilang ng batang nangangailangan ng tulong, kaya humingi na din siya ng tulong sa mahal na hari para tulungan siyang masustentuhan ang mga bata at di naman siya nabigo ,halos buwan-buwan ay may dumadating na pag-kain, damit at pera sa kanya para sa mga bata.

At sa isang iglap, naging isang bahay ampunan ang kanyang tahanan. Di naman siya nag rereklamo, sa katunayan ay tinuturing niyang isang biyaya ang mga batang nasa piling niya.

Natigil ang kanyang paghahanda ng pagkain ng biglang may kumatok sa pintuan. Dali-dali niya itong binuksan para malaman kung sino ang taong nasa labas ng kanyang tahanan.

"Kira! Bakit ngayon ka lang? nasaan na si Lacus?" ang tanong ni Caridad sa binatilyong nasa harap niya.

Nagsimula ng kabahan si Caridad ng malaman niyang wala ang dalagitang hinahanap niya. At napansin na lang niya ang telang hawak ng binata malapit sa dibdib nito.

"Ina, pumasok po muna tayo sa loob" ang sabi ng binatilyong si Kira.

Pumasok silang dalawa sa loob ng silid ni Caridad, umupo si Caridad sa kanyang kama at laking gulat na lang niya ng ilapag ni Kira ang isang sanggol na may kulay rosas na buhok at asul na mga mata na halos isa at kalahating taong gulang na.

"Sanggol?" ang nalilitong tanong ni Caridad.

"Ina, yan po si Lacus" ang sagot ni Kira habang umuupo din sa tabi ng babaeng umampon sa kanya.

"Paanong nangyari iyon? Eh dalagita na si Lacus?" ang tanong ni Caridad.

"Ina hayaan niyo po akong magpaliwanag." Ang sabi ni Kira.

Pinaliwanag ni Kira ang lahat, simula sa kapangyarihan ni Lacus, hanggang sa nangyaring trahedya kay Kira, kung paano naligtas ang buhay ni Kira at kung paano naging sanggol ulit si Lacus.

Pikit matang sinalubong ni Caridad ang kanyang mga nalaman, di niya alam kung paniniwalaan ba niya ang sinasabi ng lalaking nasa harapan niya o pinaglalaruan lang siya ni Kira

Pero kilala niya si Kira alam niyang di nito magagawang lokohin siya.

Ano pa bang magagawa niya? Nangyari na ang lahat. Ang kailangan na lang nilang intayin ay ang pag balik ng ala-ala ni Lacus, ng sa ganon ay maging maayos na ulit ang lahat.

(wakas)

Napa hawak naman sa ulo si Athrun. . alam niya na totoo ang sinasabi ni Caridad, dahil maging ang pinsan niya na si Flay, ay may kapangyarihan din.

Di niya alam kung paano lulunukin ang mga nangyayari sa kanya ngayon, lahat ata ng nangyayari ay nagiging magulo na. Kelan ba matatapos ang di matapos na lihim na lumalabas ngayon?

"Mahal na hari? Nais ko lang po na malaman niyo na wala pong bahid ng pagsisinungaling ang sinabi ko sa inyo, walang bahagi ng siyensya ngayon ang makapagpapaliwanag ng nangyari kay Lacus, pero sana po ay manatiling lihim ang sinabi ko sa inyo, alang-alang sa kaligtasan ni Lacus" ang sabi ni Caridad.

Ngumiti si Athrun sa kanyang kausap.

"Makaka asa ka, Caridad." Ang sabi ni Athrun.

"Kung wala na po kayong katanungan ay aalis na ako, marahil ay hinahanap na ako ng mga bata" ang sabi ni Caridad habang tumatayo sa kanyang kinauupuan.

"Sige, maraming salamat." Ang tanging nasabi ni Athrun.

Nanatili siya sa kanyang opisina para mag-isip.. . litong-lito na siya sa kanyang buhay, kung sana nandito lang si Flay o kaya si

Cagalli. .

Marahil ay gumaan pa ng husto ang kanyang nararamdaman.

Si Flay na kayang makita ang kahapon at bukas, si Lacus na kayang magpagaling ng sugat at sa isang iglap ay naging bata dahil sa labis na pag gamit ng kanyang kapangyarihan.

Ano na bang nangyayari sa mundo? Di ba niya alam kung nananaginip lang ba siya o talagang nasisiraan na siya ng bait.

Tumayo si Athrun mula sa kanyang kinauupuan at nag tungo ito sa kanyang bintana, upang silayan ang pag lubog ng araw.

Kumusta na kaya si Cagalli, naaalala niya ang mga ngiti ng dalaga, ang matalas nitong dila, ang kanyang magandang mukha maging ang mga kilos nito, kay tagal, ilang araw na ba ang lumipas? Ilang linggo? Nasasabik na siya sa kanilang muling pag kikita, di niya akalain na makakaramdam siya ng ganitong pangungulila sa isang babae. Maging sa kanya ay parang ang bilis ng pangyayari, ang bilis na nanakaw ng dalaga ang kanyang puso. Kakaiba talaga siya sa lahat maging si . .

"Kamahalan?" ang tanong ni Meer habang sumisilip sa loob ng kanyang opisina.

Humarap si Athrun sa dalagang nasa bukana ng kanyang pintuan.

"Ano iyon Meer? May kailangan ka ba?" ang tanong ni Athrun na nanatiling naka tayo.

Lumapit si Meer kay Athrun at walang pasabing niyakap ang binata.

Nagulat na lang si Athrun sa ginawa ng dalaga, ngunit mas pinili na rin niyang wag gumalaw at hayaan na lang niyang yakapin siya ni Meer.

"Nag-alala ako sayo Athrun, akala ko ay mawawala ka ulit sa akin, di ko na ata kakayanin kung magkakawalay pa tayong muli." Ang sabi ni Meer na nananatiling nakapulupot ang kamay sa bewang ni Athrun.

Tinanggal ni Athrun ang mga kamay ni Meer sa kanyang bewang at marahan niyang pinaupo ang dalaga sa upuan.

"Meer, di talaga kita naiintindihan, ano ba ang nais mong iparating sa akin?" ang mahinahong tanong ni Athrun habang nakatayo sa harapan ni Meer na ngayon ay naka upo sa isang upuan.

"Athrun! Ako si Mia! Ako si Mia! Di pa ba sapat ang mga sinabi ko sayo? Yung pangyayari sa may puno? Yung lugar na malapit sa bangin kung saan madalas nating puntahan, at maging ang lawa sa gitng ng kagubatan! Di ba't tayong dalawa lang ang nakaka alam ng mga lugar na iyon?" ang sabi ni Meer na nagsisimula ng tumulo ang luha sa kanyang mga mata.

"Paanong mangyayari iyon kung patay ka na?" ang sabi ni Athrun

"Athrun! Nabuhay akong muli! May bumuhay sa akin! Ipapaliwanag ko sayo ang lahat! Lahat-lahat kung gusto mo! Para lang maniwala ka na ako nga si Mia! Tingnan mo nga! Bawat angulo ng aking buong pagkatao ay kawangis talaga ni Mia." Ang sabi ni Meer.

Umupo si Athrun sa katapat na upuan ng inuupuan ni Meer.

"Meer, pagod na ako, tama na. Maaari bang ipagpabukas na lang natin ang lahat?" ang tanong ni Athrun

"Athrun! Ang sasabihin ko ay ang magpapaliwanag sa buong pagkatao mo!" ang sabi ni Meer na bigla na lang napatayo sa kanyang kinauupuan.

Bigla namang tumingin si Athrun sa kanyang kausap at tila hindi nagustuhan ang sinabi ng dalaga

"Wala na akong dapat pang malaman sa buo kong pagkatao Meer! Bukas na lang natin ito pag usapan." Ang sabi ni Athrun

"Athrun. . di mo na iintindihan! Kailangan mo na itong malaman ngayon" ang sabi ni Meer.

"Meer! Bukas na lang!" ang sabi ni Athrun na nagsimula ng mag lakad patungo sa kanyang silid.

Naiwang luhaan si Meer sa loob ng silid ni Athrun

"Athrun. . naliligo ka sa mundong puno ng lihim"

. . . . . . . . . . . . . . . . .

Nag lalakad si Murrue, papunta ng kanyang silid ng maramdaman niyang mag biglang yumakap sa kanyang bewang mula sa kanyang likuran.

Kilala ni Murrue kung kaninong braso ang mga iyon, alam niya kung sino ang taong yumakap sa kanya kahit nakatalikod pa siya.

"Paano ba yan? mabilis ata akong nakabalik, malalaman ko na ba ang gusto mong sabihin?" ang sabi ni Mwu habang inaamoy ang buhok ni Murrue.

Agad namang sumimangot si Murrue bago siya humarap kay Mwu.

"Halika sumama ka sa akin" ang sabi ni Murrue habang hawak-hawak niya ang kamay ni Mwu at sabay silang pumasok sa loob ng silid ni Murrue(A/N: okay lang yun!)

Agad namang napasipol si Mwu nang makapasok siya sa loob ng silid ni Murrue

Nahahati ang silid ni Murrue sa apat na parte

May pinto sa kanan at kaliwa, ang pinto sa kanan ay pinto patungo sa silid tulugan ni Murrue, sa kaliwa naman ay ang palikuran, may isang pader na naghahati sa silid tanggapan ni Murrue at sariling silid kainan.

Walang palamuti sa loob ng kwarto ni Murrue tanging, ang kulay berdeng pader lang nito ang nag bibigay buhay sa silid ni Murrue, umupo si Murrue sa isang upuan sa kanyang silid tanggapan, habang naglalakad si Mwu upang libutin ang kabuoan ng malaking silid ni Murrue.

Napatigil na lang siya ng may matanaw siyang isang maliit na larawan na nakalaay sa ibabaw ng isang tukador sa silid tanggapan ni Murrue.

Hinawakan niya ito at tinitigan ng maayos at naulat na lang siya sa kanyang nakita.

Ito ay larawan ni Murrue katabi ng isang lalaki na nakasuot pa ng damit pangkasal

At ang lalaki ay walang iba kundi

Siya. . .

Naramdaman niya ang kamay ni Murrue sa kanyang mga balikat.

"Mwu, hayaan mo akong magpaliwanag" ang sabi ni Murrue

Humarap si Mwu kay Murrue, laking gulat na lang niya ng wala siyang maramdaman na galit para sa babae.

Niyakap ni Mwu si Murrue ng mahigpit na mahigpit

"Makikinig ako, wag kang mag alala hindi ako galit, natutuwa lang ako at kasama na kita ngayon Murrue, natutuwa ako at nasa tabi kita, wala na akong mahihiling pa,pero sana 'y wag mo ng uulitin ang ginagawa mo." ang sabi ni Mwu.

Nanatili sa ganong posisyon ang dalawa sa loob ng mahabang oras bago nila maisipang maupo at para maikwento na ni Murrue ang lahat ng nangyari.

(Balik tanaw)

Naglalakad si Murrue sa loob ng palasyo ng kanyang kuya, ugali na niya na gawin ito, tuwing sabado, gusto din niya kasing alalayan ang asawa ng kapatid niya na ngayon ay malapit ng manganak.

Sa kanyang paglalakad ay napadaan siya sa silid kung saan madalas nagpapahinga ang reyna ng Orb.

Nitong mga nakaraang buwan ay madalas niyang nakikita na kasama ni Cera si Gibson, ah, si Gibson, ang lalaking nanggaling pa sa Plants, sabi nila ay dating dugong bughaw ang binatang iyon pero pinatapon ng kanyang kapatid, di niya maalala kung siya nga ba ang kapatid ng hari ng Plants, pero di na iyon mahalaga sa kanya.

Madalas din niyang napapansin ang kakaibang tingin ni Gibson sa asawa ng kuya niya. Sino ba namang hindi? Napaka ganda ni Cera, lalo na sa kulay ginto nitong buhok at kulay apoy nitong mga mata. Napaka palad ng kuya niya at napaibig nito ang magandang babae.

Papasok na sana si Murrue sa silid, ng makita niya na hinahalikan ni Gibson ang noo ng natutulog na reyna, at napansin din niya ang paraan ng pag titig ni Gibson kay Cera. . alam niya ang mga titig na ganon

Titig iyon ng isang taong labis na nag mamahal

Sa halip na tumuloy si Murrue sa pag pasok sa silid ay mas minabuti niyang sabihin ito sa kanyang kapatid. Sa una'y di siya pinaniwalaan ng kanyang kuya, pero di nag laon, matapos manganak ni Cera, ay nahuli ng hari ng Orb, na bigla na lang hinalikan ni Gibson ang nagpupumiglas na reyna.

Nagpupuyos sa galit ang hari sa kanyang nakita kaya, pinatapon niya si Gibson sa isang malayong lugar at tinatakan ito ng markang X simbolo na isang kriminal si Gibson.

Sino ba naman di magagalit sa ginawa ni Gibson? Matapos siyang bihisan ng hari ng Orb ay ganon na lang ang pangbabastos na gagawin nito? Dapat nga ay kamatayan ang ihahatol ng hari kay Gibson, pero masyadong malambot ang puso ng kanyang kuya, masyado itong sentimental. Kaya pinatapon na lang niya si Gibson sa isang malayong lugar.

Akala niya ay ayos na ang lahat. Pero nag kakamali pala siya.

Sa ika limang buwan mula ng pagsilang ng mga hiyas ng Orb ay nag simula na siyang guluhin ni Gibson. Halos parang isang bangungot ang nangyari.

Wala siyang magawa kundi sundin ang pinapagawa ni Gibson, nagulat na lang siya ng bigla itong lumakas ng todo, kailangan niyang sumunod sa bawat pinag uutos nito dahil kundi ay mas lalong kakalat ang lason sa katawan ng kanyang kuya at maging si Mwu ay maari ding mamatay.

Isa-isa niyang tinakas ang mga bata, usapan nila ay ibibigay niya ang mga sanggol kay Gibson, pero pinamigay niya ito sa mga taong katiwa-tiwala.

Di niya sukat akalain na, mahuhuli siya ng kanyang kapatid pinilit niyang sabihin sa hari ang lahat ng katotohanan, pero sa tuwing tatangkain niyang ibuka ang kanyang bibig ay bigla na lang may namamatay na malapit sa kanyang puso at ayaw naman niyang maging ang kuya niya at Mwu ang magiging sunod.

Umabot na ito sa puntong pinatapon siya ng kanyang kuya, dahil sa ginawa niya sa kanyang mga pamangkin.

"Ahas ka Murrue! Saan mo dinala ang mga anak ko?" ang tanong ng hari ng Orb na nanggagalaiti sa galit

"Kuya, mag papaliwanag ako!" ang sabi ni Murrue. Kanina lang ay nag lilinis siya nang kanyang bahay ng biglang siyang sinugod ng kanyang kapatid.

"Taksil ka! Paano mo nagawa sa akin ito? Paano mo ito nagawa sa akin at sa sarili mong kadugo? Wala ka ng dapat pang ipagpaliwanag, kitang-kita ko ng dalawa kong mata, na nakikipag kita ka pa rin sa lalaking iyon!" ang sabi ng hari ng
Orb, habang inutusan niyang pumasok ang kanyang mga alagad na may dala-dalang apoy.

"Kuya, buhay ni Mwu ang nakataya! Isa pang pagkakataon, kuya, ibabalik ko din ang mga bata!" ang sabi ni Murrue na ngayon ay nakaluhod na sa kanyang kuya.

"Tama na Murrue! Sawang-sawa na ako sa mga kasinungalingan mo! Binigyan na kita ng isa pang pagkakataon para hanapin ang isa ko pang anak! Pero anong ginawa mo? Kinuha mo pa yung dalawang natitira!" ang sabi ng kanyang kapatid.

"Kuya maawa ka." Ang sabi ni Murrue.

"Bakit? Ikaw ba Murrue, nag karoon ka ba ng awa sa akin? At sa mga pamangkin mo? Kinahihiya kita! Simula ngayon ay tinatapon na kita sa aking kaharian! Tinatakwil na kita bilang kapatid! Inaalis na kita sa pagiging maharlika at dugong bughaw." Ang sabi ng kanyang kuya.

"Dakipin siya, at ipatapon sa kabilang kaharian, sunugin niyo ang bahay na ito, para wala na siyang balikan." Ang sabi ng hari ng Orb habang lumalabas ng tahanan ni Murrue.

"KUYA!MAAWA KA SA AKIN" ang sigaw ni Murrue habang dinadakip ng mga sundalo.

"Yan na ang ginagawa ko sayo Murrue, binibigyan kita ng awa, dahil dapat pinatay na kita! Marahil ay kinakahiya ka na din ng asawa mo na kapitan pa naman ng sandatahan ng Plants." Ang sabi kanyang kuya bago ito tuluyang umalis.

Walang nagawa si Murrue kundi panooring nasusunog ang kanyang tahanan habang dinadakip siya ng mga sundalo. Ang kanyang tahanan, tahanan na binuo nila ni Mwu.

Iniwan na lang siya ng mga sundalo sa labas ng kaharian at doon ay nag pakita ang lalaking pinaka ayaw niyang makita.

"Murrue, sabi ko naman sa iyo, wag kang mag papahuli!" ang sabi ng lalaking naka kapa.

"IKAW! Kagagwan mo lahat ng ito." Ang sabi i Murrue habgn umiiyak

"Ako?, bakit ako? Kung tutuusin nga, ay malaki pa ang utang na loob mo sa akin, dahil di ko pa pinatay si Mwu sa kabila ng katangahan mo, ang sabi ko ibigay mo sa akin ang mga bata, pero anong ginawa mo? Akala mo ba ay di ko sila kayang hanapin?" Ang sabi ng lalaki

"Anong ginawa mo sa kanya? Anong ginawa mo kay Mwu?" ang tanong ni Murrue, na natatakot na sa kung ano man ang nangyari sa kanyang asawa.

"Sabihin na lang natin na, di na niya maaalala ang kanyang mahal na asawa!" ang sabi ng lalaking naka kapa.

"Ano bang ginawa ko sayo, bakit mo ako pinahihirapan?" ang tanong ni Murrue.

Agad siyang hinawakan ng lalaki sa leeg at bumulong sa kanyang tenga.

"Kung di dahil diyan sa makati mong dila, edi sana ayos pa ang lahat. Dapat nga ay pinutol ko na yan, pero gusto pa kitang makitang mag dusa at mahirapan. Tama lang yon bago kita patayin." Ang sabi ng lalaki bago ito nawala na parang bula.

Nag pagala-gala si Murrue sa kaharian ng Plants, sa pag-asang mahahanap niya muli ang kanyang asawa, di naman niya lubusang akalain na maaawa sa kanya ang hari ng Plants, kaya pinatuloy niya ito sa kanyang tahanan bilang tagapamahala ng mga katulong

Halos tumagal na doon si Murrue ng ilang taon at di niya sukat akalain na makikita pa niya doon ang kanyang asawa.

Gusto niyang sabihin ang lahat, pero naunahan siya ng takot. Natatakot siya na baka itaboy siya ng kanyang asawa dahil sa kanyang ginawa sa kanyang sariling pamilya, kaya na kuntento na lang siya na itago ang kanyang sarili para lang makasama ang lalaking pinakamamahal niya.

(wakas)

Niyakap ni Mwu ang nanginginig na katawan ng kanyang asawa.

Di niya alam kung anong mga tamang salita ba ang dapat niyang sabihin sa babaeng nasa mga braso niya, maging siya ay gulat na gulat pa rin sa mga nangyari.

Mas makabubuti muna sa ngayon na pakalmahin ang kanyang asawa bago sila mag-isip ng kanilang mga gagawin.

. . . . . . . . . . . . .

Katatapos lang ni Cagalli na isulat ang liham niya para sa kanyang kaibigan.

Madalas niyang sinusulatan si Milly, bilang pag tupad sa kanyang pangako, konting linggo na lang ay malapit na siyang bumalik sa palasyo. . ilang buwan na ba ang nakalipas? Di na niya nabilang, basta ang sabi sa kanya ni doktor Antonio ay malapit na siyang bumalik, natutunan na niya ang karamihan sa mga dapat niyan malaman.

Madalas din sumanggi sa isip niya si Lacus at si Flay, di niya alam kung bakit at hanggang ngayon ay misteryo pa rin sa kanya ang biglang pag labas ng kanyang mga kapangyarihan.

Nais niyang ikonsulta ito kay doktor Antonio, ngunit sa tuwing sinisimulan pa lang niya ang kanyang sasabihin ay binabago agad ng matanda ang kanilang usapan, basta ang lagi na lang niyang sinasabi ay

"Malalaman mo din ang lahat, malapit na Cagalli, maging handa ka"

Maging siya ay kinikilabutan sa tuwing naaalala o naririnig niya ang mga katagang iyon, parang may di magandang mangyayari, parang may mamamatay.

Natatakot siya, ayaw niyang makita ang mga mahal niya sa buhay na mawala sa piling niya, baka di na niya kayanin.

Kailangan na niyang mag madali. . konting-konti na lang. . .

Matatapos na niya ang gamot

Gamot na mag liligtas sa kaharian ng Plants

Plants

Plants

Si Athrun. . . . .

Kumusta na kaya si Athrun?

.. . . . . . .

"Ang mundo ay punong-puno ng misteryo"

. . . . . . . .

And now. . the end is near. . and so i face. . the final curtain. .. .

Ano daw? hahahahah