Chapter 21
"Wag kang kabahan masyado Hanamichi...relax lang...isipin mo lang na ikaw mismo ang nasa sitwasyon..." Payo nito sa kaibigan habang hawak ang script na kaylangan niyang pag aralan bago siya sumalang sa audition.
"Nyahaha...sinong may sabing kinakabahan ako Youhei! Relax na relax ako oh...kita mo..." Masayang sagot nito habang nag uunat.
"Medyo komplikado lang ang script...dapat madali kang maka adopt sa sitwasyon..gaya nang nauna...comedy...dapat magaling ka sa timing sa pagsabi ng script...tapos biglang horror...dapAt kahit boses mo lang ang gamit ng tauhan...dapat ramdam nila na takot na takot ka..."
"Teka bakit ganun Youhei? Comedy...tapos horror...tapos drama...sa huli biglang kakanta..."
"Ahh ganun talaga Hanamichi...dun makikita kung gaano ka kahusay magbigay ng emosyon sa tauhan ng anime. Kahit boses mo lang ang maririnig, dapat maramdaman din ng audience ang emosyon sa pagsasalita.."
"Ganun pala naintindihan ko na...teka bakit kaylangan kong kumanta..."
"Minsan kasi...may eksena na kaylangan kumanta nung character...naaalala mo yung paborito kong anime na na inlove yung babae sa lalaki kasi magaling siyang kumanta...nakalimutan ko title..."
"Ahhh oo natandaan ko na...pero hindi naman singer inaplayan ko dito.."
"Alam ko...parte lang yan ng voice acting..."
Naputol ang kanilang pag uusap ng tinawag na ng crew si Sakuragi para sa screening. Pinatuloy siya nito sa recording room kasama si Youhei.
"Mito-kun...paalala ko lang...kahit na ikaw ang nag rekomenda sa kanya...depende sa kakayahan niya kung masasali siya sa casting ...okey?"
"Naintindihan ko Hikari-san...pero tiwala ako sa kaibigan ko na kaya niyan."
Bago nagsimula ang audition, ipinaliwanag muna ng namumuno kung ano ang mga dapat at di dapat gawin ni Sakuragi.
Maayos naman nitong nagampanan ang comedy at horror na ikinatuwa ng mga taong naroroon. Nag break muna silang sandali iupang isalang ang susunod na eksena. Sumenyas ang crew kay Sakuragi na tanggalin ang headset upang marinig ang kanyang sasabihin.
"Sakuragi-san...ang susunod na eksena ay drama...this time...ikaw mismo ang mag iisip ng script...kung napapansin mo sa papel na binigay namin sanyo kanina...yung sitwasyon lang ang nakasulat...ikaw mismo ang iisip ng script at kaylangan mong gumanap na dalawang tao...bale dalawang boses ang gagamitin mo...kaya mo ba?"
Nang marinig ni Sakuragi ang sumenyas lamang ito na kaya niya at nag 'thumbs-up' sa mga ito. Muli niyang binasa ang papel na ibinagay sa kanya at muling sumenyas na handa na siya.
(Eksena: nag uusap ang dalawang magkaibigan. Nakaupo ang unang tauhan sa damuhan habang umiiyak habang ang isa ay nakatayo sa kanyang likuran.) ang nakasulat sapapel ay tungkol sa pagtataksil ng kasintahan ng unang tauhan at umiiyak itong nagsusumbong sa ikalawang tauhan.
C1: bakit? Masama ba akong tao Youhei? Bakit nila nagawa sakin to..."
Nagulat si Youhei nang biglang banggitin ni Hanamichi ang kanyang pangalan. Nakiusap siya sa crew na kung maari niyang hiramin ang papel kung saan nakasulat ang ilang script at eksena.
C2: (bahagya niyang binago ang kanyang boses)
Mabuti kang tao Hanamichi... Sila ang masama ...hindi ikaw...
C1: di ba nila alam kung gaano kasakit sakin ang ginawa nila? Ang sakit sakit Youhei! Di ko na kaya!" (At maririnig ang pag iyak sa boses ni Sakuragi)
Sa eksena lumapit si 'Youhei' upang yakapin ang kaibigan.
C2: shhh. Tahan na Hanamichi... Makakalimutan mo din sila...siya...kaylangan mo lang ng panahon at oras...makakalimot ka rin..." (Mabilis na nagbago ang boses ni Sakuragi, na mula sa pag iyak ay naging mahinahon ito.)
Maikli lamang ang eksena para sa drama. Nangilid ng luha ang mga mata ng mga nanonood sa kaniyang pagsasa boses sa naturang eksena. Mangilan-ngilan ay nagpalakpakan sa husay na ipinakita ni Sakuragi.
Hindi alam ni Youhei ang kanyang gagawin ng mga oras na iyon. Paano nga ba niya makakalimutan ang eksenang kanya lamang nakita. Halos isang taon na ang nakalipas nang mangyari iyon. Takot siya na baka makaapekto kay Sakuragi ang eksenang iyon. Nais niya itong hilahin palabas ng recording room uupang paupahin sa sakit na nararamdaman nito ngunit di niya magawa.
"Magaling magaling Sakuragi-san. Napakahusay, napaiyak mo ko dun ah" papuri ng isa sa mga nanonood.
"Ang susunod Sakuragi-san, kakanta ka. Hindi naman kaylangan na maging maganda ang boses mo. Minsan kasi may eksena na kaylangang kumanta ng tauhan...sigurado kong kaya mo yan." Nakangiting paliwanag ng lider kay Sakuragi.
Agad naman nitong isinuot ang headset upang marinig ang tugtog. Sa monitor, makikita ang lyrics ng kanta. Bigla niyang naisip na para lang itong videoke kaya naman nakahinga siya nag maluwag. Binigyan muna siya ng ilang minuto upang pag aralin ang musika at liriko. Nang magsimula ang intro, huminga siya ng malalim at ngumiti.
"Yasashii hidamari ni chaimu ga direi suru
Hoho wo naderu kaze ibuki wa fukakunatteku
Toomawari no namida namae tsuketa ashita
Kasanaru miraiiro no rain
Adokenai konna kimochi mo
Hajiketobu hodo waraiaeta hi mo
Taisetsu ni sodateteikeru youni
Togiretogire no toki wo koete
Takusan no hajimete wo kureta
Tsunagatteyuke todoke
Sa kalagitnaan, nais na sanang putuling ng operator ang kanta ngunit pinigilan ito ng lider. Natutuwa siya sa naririnig. Ang kantang iyon ay bagong compose lamang, at ginamit nila ang screening na ito upang makapili ng kakanta nito. Nais niyang marinig na kantanin ni Sakuragi ang buong kanta upang malaman kung bagay nga ba ang kanta sa kanyang boses.
Nakita niya ang ngiti sa labi ni Sakuragi at saya nito habang umaawit. Kita niya na nag e enjoy ito sa pagkanta. Malumanay lamang ang saliw ng musika kaya naman malumanay din ang pagkanta nito.
Sa labas ng recording room, may ilan ang pumapalakpak at napapapitik sa tugtog.
Houkago no yuuyami warau kimi no senaka
Hisokana sasayaki fureta koto no nai omoi no naka
Boku no naka no kimi to kimi no naka no boku de
Karamaru miraiiro no rain
Ameagari no machi no nioi to
Yumemitaina himitsu wo mune ni daite
Nandomo nakisou ni natte mata warau
Kangaeru yori zutto hayaku
Sono mune ni tobikometara ii
Tsunagatteyuke todoke
Nani yori mo daijina kimi no mae de
Kizutsukanai youni daiji ni shiteta no wa sou jibun
Sono hitogoto ga moshimo sayonara no kawari ni natteshimattemo
Ari no mama subete
Adokenai konna kimochi mo
Hajiketobu hodo waraiaeta hi mo
Taisetsu ni sodateteikeru youni
Honno sukoshi otona ni natteku
Kimi ni naritai boku wo koete
Tsunagatteyuke
Ima sugu kimi ni Todoke
Masigabong palakpakan ang maririnig sa loob ng studio nang matapos sa pagkanta si Sakuragi. Nang lumabas ito ng booth, agad siyang sinalubong ng mga crew at kinamayan. Maging si Youhei ay mahigpit na yumakap sa kaibigan. Nawala ang kanyang pag aalala matapos nitong kumanta.
"Magaling Sakuragi-kun!"
"Maraming salamat Hikari-san."
"Omedetou Sakuragi-kun. Isa ka sa napili kong pagpipiliin na maging lead voice actor at gusto na ikaw ang kumanta ng opening song!"
"Eh...maraming salamat sensei...pero di naman singer inaplayan ko... Saka ayaw kong kumanta sa harap ng maraming tao..."
"Ahhh hindi yun Sakuragi-kung, wag kang mag-alala. Di mo kaylangan kumanta sa harap ng maraming tao. Boses mo lang ang gagamitin natin sa kanta...tapos maririnig nila yun sa tuwing panonoorin nila ang bagong anime na ipalalabas natin."
"Naintindihan ko sensei...pero di naman ako ganun kagaling kumanta..."
"May talent ka Sakuragi-kun, kaylangan mo lang ng konting practice...mahahasa din ang boses mo... "
"Maraming salamat Hikari-san..."
"Antay lang kayo ng tawag ko kung kaylan natin sisimulan ang story conference...ang totoo tapos na ang editing ng anime...boses na lang ang inaayos namin...yung dati kasi nating mga voice actor na dapat sa anime busy...kaya mahirap pag nakiki hiram lang ng actors..."
"Ah, kaya pala kayo biglaang nagpa auditon Hikari-san" sabat ni Youhei nang marinig ang paliwang nito.
"Ang totoo kasi may ibang company tayong pinapadalahan ng mga anime at sila ang bahala sa voice acting...simula nang magpalit ng president ang Asahi...gusto niya na magkaroon tayo ng sariling voice actors...at nag suggest siya na mag hire ng mga part-timers lalo na na mga college student para din daw makatulong...hindi naman kasi lahat ng voice actor full time job." Mahabang paliwanag nito.
"Nakuha na namin, kaya pala minsan iisa ang boses ng mga character sa anime."
"Tama...o siya pahinga na kayo...antayin nyo tawag ko...malamang this sunday mag story conference na tayo...may ilang pang natitira para sa audition."
Nagpaalam na ang dalawa sa lider ng department. Binati nila ang iba pang natitirang aplikante bago sila tuluyang umalis.
"Omedetou Hanamichi...sabi na nga ba kaya mo ya. Di ka ba masaya Hanamichi, dati ang pangarap mo maging singer at ka boses ni Son Goku, hahahaha"
"Natutuwa ako Youhei, kaso ang inaalala ko, paano kung gusto nila akong pakantahin sa TV..."
"Hanamichi, wag kang matakot...di ikaw yan...at kung sakaling mangayri man yun...ano kinakatakot mo ..."
"Baka kasi makita at mahanap nila ako..."
"Di ka pwedeng magtago habang buhay Hanamichi, maliit lang ang Japan. Minsan ka nang nakita ni Rukawa...kaylangang patunayan mo na nakarekober ka na at nakalimuta mo na siya."
"Alam ko Youhei...kaso di ko maiawasang mag-isip..."
"Ayos lang yan...first step lang to Hanamichi...alam ko mahalaga sayo ang basketball...pero hindi ba magandang kung ang dati mo ring pangarap ay tuparin mo rin."
"Dati pa yun Youhei, ikaw lang naman at si Otoosan ang palaging nagsasabi na may talento ako sa pagkanta."
"Totoo yun Hanamichi, hindi mo lang kasi pansin. Tama si Hikari-san, konting practice lang, mahahasa lalo ang boses mo. Tama! Bakita kaya di tayo kumain ng sushi ngayon! Dapat tayong mag celebrate...hehehe!"
"Hmmm, parang gusto ko rin ng sushi..."
Napalingon sila nang marinig iyon. Nagulat sila na makita si Shinohara habang sa tabi nito ay si Asami na may hawak hawak na folder.
"Sensei! Kamusta anong ginagawa nyo dito?"
"Ayos lang Sakuragi-kun...may inaasikaso ako dito. Kayo, anong ginagawa nyo dito?"
"Nag audition si Hanamichi, Shinohara-san. Masuwerte namang nakapasa siya kaya gusto sana naming kumain ng sushi..." Paliwanag naman ni Youhei.
Sabay silang naglakad patungo sa labas ng building at nagpatuloy sa pag-uusap.
"Mag a artista ka?" Tanong naman ni Asami.
"Hindi Asami-san, nag audition siya bilang voice actor. Di mo naitatanong may talent si Hanamichi sa voice acting."
"Teka Sakuragi-kun, bakit di ka mag audition bilang singer o kaya sumali sa mga singing contest? Sayang ang boses mo kung di mo hahasain."
"Yan din ang sabi ko sa kanya Shinohara-san, kaso kulang siya sa self confidence."
"Bakit mo subukan Sakuragi-kun? At di mo na kaylangan magpuyat pa para kumita. Isang kanta lang kikita ka nang mas malaki."
"Di ba sensei, ikaw may ari ng bar. Parang ayaw mo sakin, hehehe."
"Di naman sa ganun, Sakuragi-kun. Alam kong mahirap sayo ang mag-aral at magtrabaho sa gabi. Kahit pa walang pasok sa sunod na araw, iba pa rin yung may tulog ka sa gabi. At saka, di ka ba natatakot sa iba kong customer?"
"Sanay na ko sa kanila sensei. Isang headbutt lang nyahahaha..."
"Di mo pwedeng gawin yun sa lahat, nag aalala ako sayo sa tuwing nilalapitan ka nila. Ayaw long may ibang tao ang hahawak at lalapit sayo." Seryosong sagot ni Asami.
"Bakit di mo na tayo sumakay sa kotse at maghanap nang makainan ng sushi...hehehe" paanyaya ni Shinohara sa kanila bago mangbola ang kaibigan.
Sa kotse, si Shinohara ang nagmamaneho at sa kanyang tabi ay si Youhei. Habang sa likuran ay magkatabi namang nakaupo sina Sakuragi at Asami.
Nagtulug-tulugan si Sakuragi upang iwasam ang anumang bagay na sasabihin ni Asami tungkol sa pagtatarabaho niya sa bar nito.
