Sa bahay ng ASEAN
Chapter 25
ASEAN – Eto na talaga, SE Asia, ikaw na talaga
"Tahimik, malamig at madilim ang gabi, tanging mga ilaw ng bawat tahanan ang iyong maaaninag ngunit sa kabila ng kapayapaan ng gabi hindi ka pa rin dapat magpabaya lalo na't sa pagsapit ng hating gabi bigla na lang…" biglang kumulog.
"AAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!" sigaw nila Hadyiri at Ahnan nagkayakapan ang dalawa sa sobrang gulat.
"TAHIMIK!" sigaw ni Kim "pambihira" nagkamot ng ulo "gumaganda na ang kwento ni Pili sinira nyo." Inis ng dagdag ni Kim dahil matama itong nakikinig sa kwento.
Magkakasama ang SEA noong gabing iyon, nagkayayaan mag camping, gusto sana sumama nila Yao kaso ang reklamo nila lagi na lang daw sila ang may mahabang exposure at screen time, paano naman daw sila, kaya kailangan nilang ipuslit si Pili para makumpleto ang SEA family ang bunso nilang si Khin (Timor Leste) pinatulog nila ng maaga sa kabila ng reklamo nito.
Flashback
"Eeeh… ang daya naman" reklamo ni Khin dahil gusto sana niyang makisalo sa kwentuhan ng mga nakatatandang kapatid pero lumalalim na ang gabi at kailangan niyang matulog.
"Alam mo kaya ka hindi lumalaki dahil nag papagabi ka ng tulog" pang-aasar ni Hadyiri na sinang-ayunan ni Ahnan "Kaya sige na matulog ka na para hindi ka forever bulilit" sabi ni Ahnan sabay tawa at sinabayan ni Hadyiri ng pagkanta ng theme song ng going bulilit.
"Oy! Kayo talagang dalawa, tantanan niyo na iyang bata" pananaway ni Unei
"Bakit ganun gusto ko rin makasama si Ate Pili, kasi kung wala siya sa Europe nasa East Asia kasama nila Kuya Yao" nakasimangot na sabi ni Khin.
"Kung gusto mo samahan muna kita hanggang sa makatulog ka." Sabi ni Pili habang karga ang bunso.
"Tawalisi, malaki na iyan at kaya na niyang matulog mag-isa" saway muli ni Unei.
"Kuya, hayaan mo na lang akong maging Ate habang nandito ako, nakakasawa na lang kasi na araw-araw ako ang bunso" ngumiti kay Khin "Di ba?"
"Hunh…" sagot ni Khin
End flashback
"Pasensya naman, nagulat lang kasi si Hadyiri kaya nadala ako."
"Weh di nga, ikaw itong kung makasigaw wagas"
"At aba't itatanggi mo pa"
"Bakit totoo naman"
At nagtuloy-tuloy sa rambulan ang dalawa sipa, suntok, sabunot, kurot at kung anu-ano pa para lang makaganti.
"Ano itutuloy ko pa ba ang kwento o manonood na lang tayo ng rambulan nung dalawang kumag?" tanong ni Pili habang nililipat sa kabilang page ang 'Diary ng panget 3 by HaveYouSeenThisGirl'
"Hay ano ba ito, SEA version ni England at France? Oy baka kayo magkatuluyan niyan ha" puna at pang-aasar na sabi ni Mari.
"Um… kuya FrUk shipper ka ba?" tanong ni Unei na sinusubukang unawain ang nilalaman ng librong 'bakit di ka crush ng crush mo?' ni Ramon Bautista ngunit wala siyang choice kung hindi itanong sa kapatid na may dala ng nasabing libro kung anong ibig sabihin ng mga salita.
Namumula "uy… hehe… hindi ah… hehe.." sagot ni Mari.
Makalipas ang 3 oras, 6 na minuto at 9 na segundo
"O, ano? Pagod na? pwede na ba nating ituloy ang kwentuhan?" tanong muli ni Mari.
"Huwag na lang siguro" sagot ni Tai
"Bakit?"
"Kasi…" may itinuro sa likod ni Kim. Naglingunan ang iba pang naroroon at nakitang mahimbing nang natutulog sila Rangsey (Cambodia), Aung (Myanmar) at Noi (Laos) katabi si Khin (Timor Leste).
~kinaumagahan~
"Rice and shine mga kapatid!" sigaw ni Mari habang hawak ang isang kalderong kanin.
"Huh? Baka rise and shine" puna ni Aung.
"Hindi rice and shine, kasi handa na ang kanin at ulam kaya magsibangon na kayo at kakain na" paliwanag ni Tai habang inilalagay sa maliliit na mangkok ang mga ulam.
Inaantok pa habang tinatapik ang katabi "paki gising na nga yang bulilit sa tabi mo" utos ni Kim.
Inuuyog "Khin, gising na at maga-almusal na tayo" sabi ni Pili.
"5 minutes pa ate" reklamo ni Khin.
Tinapik ng malakas "gising na at nagsisimula ng kumain sila Hadyiri at Ahnan" sabi ni Pili. Agad-agad na bumangon si Khin at agad tinungo ang hapag.
"Oy! Tingin mo sa'kin masiba" reklamo ni Ahnan.
"Bakit totoo naman di ba?" sagot ni Hadyiri.
"Oi! Tama na iyan ang aga-aga magsisimula nanaman kayo." Saway ni Noi. Kaya tahimik na lang na nagasaran ang dalawa. Patapos na sila sa pagkain ng biglang tumunog ang cellphone ni Tai.
"ana~"
"TAI, Kailan mo ibabalik si Pili!" sa sobrang lakas ng boses ni Yao hindi na kailangan pang i-loud speaker ang phone kaya dinig ng lahat.
"O ayan, hinahanap ka na ng nanay mo" sabi ni Aung.
Kunwari na bigla "kung si Spain ang tatay mo…" simula ni Rangsey "at si China ang nanay mo…" tapos ni Noi at nagkatinginan ang dalawa "Patay tayo dyan!" sabay na sabi ng dalawa kasunod ang malakas ng hagik-hikan.
"Mga sira!" at kinuha ang phone "at ikaw naman pwede mag-hintay kayo ay aba… sobra-sobra na ang screen time ninyo kami naman, kaya nga title ng fanfic na ito ay sa bahay ng ASEAN narinig mo ASEAN ibig sabihin kami iyon, kami, hindi kayo dahil EAST Asia kayo" sabi ni Kim sa isang hingahan.
"Uh… Ate Kim ayos ka lang ba?" sabi ni Pili habang hinimas-himas ang likod ni Kim.
"At tsaka Ate huwag mo namang sirain ang ika-apat na pader." Dugtong ni Noi.
"Ika-apat na pader?" tanong ni Hadyri.
"O… ignorante ka nanaman, ika-apat as in fourth wall, get it?" sagot ni Ahnan.
"Wow, English yun, marunong ka pala nun" pang-asar ni Hadyiri. Magkakaroon na sana ng continuation ng rambulan nila kahapon ng may sumigaw.
"WITITIT ko siya ibabalik sa inyo at waley akong pake kung warla ang mangyayari ah… basta!" sigaw ni Tai.
Nag-facepalm "ano ba iyan, nagdududa na talaga ako dyan, saan ba niya nakuha yang mga salitang iyan?" Hindi makapaniwalang sabi ni Hadyiri.
Nagtaas ng kamay "um… ako ata may kasalanan, kasi pinanood ko siya ng mga videos sa YouTube ni Bekimon, you know mudak and junakis." Sabi ni Pili. Wala na silang magawa kundi ang panoorin na lang ang nakatatandang SEA na makipag dialogo sa nakatatanda ng EA gamit ang beki language na natutunan.
SEA – South East Asia
EA – East Asia.
Shurah: Ayun naman pala umamin din ang may kasalanan kung bakit nagkaganoon si Tai, maging national language na kaya ng Thailand ang beki language na natututnan mula kay bekimon? Abangan ang susunod chapter.
Next chapters:
*ASEAN – Annual Hetalia Street Games (Patintero)
**ASEAN – Sasara ang bulaklak, bubuka ang bulaklak, papasok ang Nordics pakembot-kembot pa…
Habang ang ASEAN – Truth or dare ay maitutuloy lamang po kung ay sapat ng suggestion kaya mapapansin nyong hindi sunod-sunod ang chapters sa portion na ito. Kaya kung meron kayong character na gustong isama o kaya dare na gustong ipagawa sa character na included sa chapter, i-send nyo lang thru reviews.
Preview:
*Ang higpit po ng bantay ni China kay Thailand, naku luluso-lulusot ay sayang hindi nakalusot, buti na lang at hindi pa siya na taya kung hindi game over para sa mga taga-SEA. Thailand sinusubukan muli ay nako ingat kay China at baka biglang lumagatok ang buto niyan…
**"Kuuuuuuuuyaaaaaaaaaaaa!"
"Ayoko!"
"Kuuuuuuuuyaaaaaaaaaaaa!"
"Hindi ko sasabihin!"
"Sige na… alam kong gusto mo"
"Ayoko sabihin, hindi ko sasabihin at wala akong balak sabihin" dipensa ni Emil. Nagsimula nanaman kasi si Lukas sa pangungulit.
