Disclaimer: di ko pag aari ang gundam seed o gundam seed destiny!

Special thanks to:Kkornelia,rynne marge at lie.

Lei: kumusta bakasyon sis? Hahaha miss kita ha!.

. . . . . . . . . .

Mabilis na lumipas ang araw, narinig na agad ni Cagalli ang tilaok ng manok sa labas ng palasyo.

Tumayo siya sa kanyang kama para mag unat-unat, marahan siyang nag lakad papunta sa palikuran ng kanilang silid.

Di masyadong nakatulog si Cagalli, palibhasa ay maya't-maya ang mga taong kumakatok sa kanilang pintuan para lang alamin kung anong nangyari sa kanya habang nasa pamamahay siya ng doktor. Maging si Milly ay di rin tumigil sa katatanong sa kanya ng kung ano-ano

Laking gulat din niya ng makita niya si Lacus at Kira. Tuwang-tuwa siyang makita ang dalaga, laging napapalagay ang loob niya sa tuwing nakikita niya si Lacus, magaan ang loob niya sa dalaga, at pakiramdam niya ay may isang matibay na lubid na naglalapit sa kanilang dalawa.

Matapos niyang mag bihis ay nagpaalam na siya sa kanyang mga kasama sa bahay. Ito na ang simula ng kanyang buhay bilang isang mediko. Tutuparin niya ang pangako sa sarili na tutulungan niyang gumaling ang mga mamamayan ng Plants, mabilis siyang nag pahatid sa laboratoryo ng Plants, ayaw niya kasing makasalubong si Athrun.

Naiilang pa rin siya sa tuwing nakikita niya ang binatang hari ng Plants.

Bumaba si Cagalli sa isang estruktura, mukha lang siyang isang normal na bahay sa labas na umaabot sa dalawang palapag, napapaligiran ng mga halamang gamot ang bahay, may maliit na tarangkahan at mga gwardiyang rumoronda, halos kapareho nito ang mga materyales na ginamit sa palasyo ni Athrun, may dalawang pintuan sa magkabilang gilid.

Pumasok siya sa pintuan sa bandang kanan.

Manghang-mangha siya sa kanyang nakita, tahimik ang lugar kahit na napaka daming taong nasa loob ng silid, may mga parapernalyas sa buong paligid, may ibang nag papakulo ng dahon, meron din namang sumusuri ng gamot, merong isang nagmamasid sa paligid, may nag lilinis, tumitingin sa mga hayop na pinag eeksperimentuhan, merong gumagamit ng lente at marami pang iba.

Nakita ni Cagalli na may papalapit sa kanyang isang lalaking may kulay berdeng buhok. Nakita na niya ang lalaking ito noong koronasyon ni Athrun.

"Magandang umaga sa iyo, Cagalli, ako nga pala si Nicole." Ang sabi ng binata.

"Magandang umaga din sa iyo." Ang sabi ni Cagalli ng may ngiti.

"Alam mo ba na ikaw ngayon ang bagong bayani ng medisina?" ang sabi ni Nicole habang pinapatuloy si Cagalli sa loob ng laboratoryo.. . .(A/N: to help you imagine the place, search niyo na lang kay pareng google yung medieval laboratory)

Tumigil ang mga tao sa kanilang ginagawa at pinaulanan si Cagalli ng masigabong palakpakan.

Agad na namula si Cagalli.

"Sa totoo lang ay, di naman talaga ako ang gumawa ng lahat ng iyan, humingi din ako ng tulong sa Maestro ko." Ang sabi ni Cagalli.

"Kahit na Cagalli, malaking tulong ang ginawa mo, maaari mo bang ituro sa amin kung paano mo ginawa ang gamot? " ang tanong ni Nicole habang inuupo niya si Cagalli sa isang upuan sa may mahabang mesang kahoy kung saan nakalagay ang iba pang mga parapernalyas sa pag gawa ng gamot.

. . . . . . . . . . . . .

"Ilang doktor na ang nailigpit mo?" ang tanong ni Gibson kay Gilbert.

Di talaga gustong makita ni Gilbert ang pag mumukha ni Gibson sa sarili niyang pamamahay.

"Sa ngayon ay umaabot na sa dalampu." Ang sagot ni Gilbert habang umuupo sa kanyang silid tanggapan.

Di na niya inabala ang sarili na mag timpla ng kape para kanyang bisita.

"Magaling, kailangan ko na ang iyong hukbo sa susunod na linggo, ihanda mo na sila." Ang sabi ni Gibson.

Lihim na napapangiti si Gilbert, makakaganti na siya sa Plants at kay Gibson.

"O sige ba, alam mo naman ako." ang sabi ni Gilbert sa kanyang kausap.

. . . . . . . . . . . . . . .

"Alam mo Yzak, ilang araw na tayong bumalik sa lugar na ito." Ang sabi ni Shiho habang bumababa sa kanyang kabayo.

"Kailangan." Ang maikling sagot ni Yzak na tinatabas ang mga halamang humaharang sa kanilang daraanan.

"Pag wala pa tayong nakita sa lugar na ito, hihingi na talaga ako ng tulong." Ang kalmadong sabi ni Shiho sa binatang nasa harapan niya na abalang-abala sa pag tabas ng mga halaman habang bumubulong-bulong.

Narinig ni Shiho na may kumakaluskos sa paligid. Tinapik niya ang balikat ni Yzak, pareho nilang hinanda ang kanilang mga espada.

Tinalasan ni Yzak ang kanyang paningin.

"Lumabas ka na, alam kong nag-iisa ka lang." ang sigaw ni Yzak.

Maya-maya pa ay, sumulpot sa harapan nila ang binatang may kulay itim na buhok at pulang mga mata.

"Shin Asuka!" ang pagulat na sabi ni Shiho.

"Di ako pumunta dito para makipag away, gusto ko sanang malaman niyo na malapit lang dito ang kinaroroonan ni Lady Allster." Ang sabi ni Shinn habang nakataas ang kanyang parehong kanan at kaliwang kamay.

Walang ka ano-ano'y sinunggaban agad ni Yzak si Shinn at pininid niya ang binata sa lupa habang nakaturo ang espada niya sa leeg ni Shinn.

"ANONG GINAWA MO KAY FLAY!" ang sabi ni Yzak, alam niyang matagal ng hinahanap ng Plants si Shinn dahil sa krimeng ginawa nito.

Walang takot na namutawi sa mga mata ni Shinn.

"Di ka ba nakikinig? Sabi ko alam ko kung nasan si Lady Allster, nandito ako para tumulong." Ang sabi ni Shinn habang tinititigan sa mata ang binatang nakaupo sa dibdib niya.
"Paano ka namin paniniwalaan kung isa kang kriminal, paano kung hinuhulog mo lang kami sa isang patibong?" ang tanong ni Shiho na nasa likuran ni Yzak.

"Nasa sa inyo na yan kung ayaw niyo ako paniwalaan." Ang sabi ni Shinn.

"Mag dasal ka na." ang sabi ni Yzak na gustong-gusto ng wakasan ang buhay ng binatang nasa ilalim niya.

"Dapat na din palang magdasal si Lady Allster." Ang pahabol na sabi ni Shinn.

Hinawakan ni Yzak sa leeg ang binata at unti-unti niya itong tinaas.

"Paano kami makasisiguradong, wala kang gagawing masama?" ang tanong ni Yzak.

"Kasama ni Lady Allster ang kapatid ko, sa bandang hilaga ng kagubatang ito ay may kweba o yungib, may isang maliit na butas doon na natatakpan ng mga bato, pasukin niyo iyon at may makikita kayong silid, sa bandang kanan ng silid ay may mesa at upuan, may makikita kayong malaking bato na animoy pader, iusog niyo iyon, dadalhin kayo ng daan sa likod ng bato sa isang silid na may rehas, kung ayaw niyong maniwala sa sinasabi ko, maaari niyo nang wakasan ang buhay ko ngayon, pero nag mamakaawa ako, iligtas niyo ang kapatid ko." Bakas sa mukha ni Shinn ang labis na kalungkutan.

"Wag mong pinapaikot ang ulo ko dahil wawakasan ko talaga ang buhay mo!" ang pagalit na sabi ni Yzak.

Inawat siya ni Shiho.

"Yzak,subukan natin, mas maganda na ito kesa nangangapa tayo sa dilim, kailagan din natin ng buhay si Asuka para maiharap natin siya sa kamahalan." Ang sabi ni Shiho.

"Tumigil ka!" ang sabi ni Yzak.

"Ayos lang, gawin mo na ang gusto mong gawin, basta iligtas niyo lang ang kapatid ko" ang sabi ni Shinn na punong-puno ng senseridad ang mga mata.

Tinulak ni Yzak si Shinn sa lupa.

"LECHE!, Shiho talian mo yan! sasama yan sa atin!" ang sabi ni Yzak na nananatili pa rin na nakatutok ang espada kay Shinn.

. . . . . . . . . . . . . .

Mahimbing na natutulog si Flay ng maramdaman niyang may biglang humila sa paa niya.

Dinilat niya ang kanyang mata at nakita niya ang nakangiting mukha ni Gibson

"Kamahalan, kailangan ko ang kalahati ang kapangyarihan mo, Tsk! Masyadong madami yan para sa iyo, tingnan mo umaapaw pa!" ang sabi ni Gibson na tuwang-tuwa habang tinitingnan ang umaapaw na kulay dilaw na apoy sa katawan ni Flay.

Di na nakapagsalita si Flay dahil naramdaman niya na unti-unti siyang nanghihina habang hinihigop ni Gibson ang kapangyarihan niya.

Parang binibiyak ang ulo niya, parang binubuhusan ng asido ang kanyang mga laman, bigla na lang umiinit ang katawan niya, gusto niyang mag pumiglas pero limitado ang kanyang mga galaw.

Di na niya kayang pigilan na tumulo ang luha sa kanyang mga mata

"Tulong. . . ."

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

"Nakita mo ba si Cagalli?" ang tanong ni Murrue kay Milly na ngayon ay pinapakawalan ang itim na kabayong sinakyan ng kaibigan niya kahapon.

"Opo nasa silid namin siya ngayon, sa tingin ko po ay may pinag-aaralan siya doon eh, kanina pa siyang may binabasang libro at tila di mawaglit ang kanyang atensyon." Ang sabi ni Milly habang tinatapik ang pisngi ni Manes.

"Ah ganun ba, sige salamat, pupuntahan ko lang siya ng saglit." Ang sabi ni Murrue.

Kinakabahan siya. Kagabi pa niya hinanda ang kanyang sarili sa kung anong magiging reaksyon ni Cagalli, alam niyang ipagtatabuyan siya ng kanyang pamangkin, naka usap na niya si Lacus kaninang umaga.

Napangiti na lang siya sa kanyang pag kaka-alala, napaka bait ni Lacus, niyakap lang siya ng dalaga at nag simula itong umiyak sa kanyang balikat, pero ramdam pa rin niya na may hinanakit pa rin sa kanya ang kanyang pamangkin di naman niya masisisi si Lacus.

Paano kaya siya haharap kay Cagalli?

Anong magiging reaksyon ng kanyang pamangkin.

Nandito na siya sa harap ng pintuan ng silid ni Cagalli walang atrasan na ito.

. . . . . . . . . . . . .

Umuwi muna si Cagalli ng sandali para mag paalam kay Milly na baka sa susunod na linggo na siya makakabalik sa palasyo, igugugol na muna niya ang kanyang atensyon sa pag gawa ng gamot.

Nakita niya muli ang supot na nadala niya mula sa tahanan ni doktor antonio.

Natatakot siyang buksan ang libro, natatakot siya sa kung ano man ang nilalaman nito.

Pero di pa rin siya pinapatahimik ng kanyang isip kung paano nga ba nag kakakonekta ang mga bagay na sinabi sa kanya ng matanda. Binuklat ni Cagalli ang libro sa unang pahina at napagtanto niyang ito pala ay isang talaarawan. O isang libro na hango sa naranasan ni doktor Antonio.

Napaka sayang panoorin lumaki ni Uzumi at Murrue, di mapunit ang ngiti sa kanilang mga labi, masaya ako't namalagi ako sa magadang bayan na ito.

Napaka bait ng mga tao, matagal ng walang hari ang kahariang ito at walang sino mang nakaka alam kung anong nangyari dito. Naiwan na lang ang kanyang mga supling sa matataas na barikada ng palasyong ito. Ako nga pala ang natalagang sumubaybay sa mga bata, nag aaral ako ng medisina habang binabantayan ko sila.

Si Uzumi? Paano ko nga ba ipapaliwanag si Uzumi? Isa siyang masiyahing bata na may bukal na puso at malinis na kaluluwa kaya siguro biniyayaan siya ng kapangyarihan.

Sabi nila, inabot daw ng may kapal ang kapangyarihang ito kay Uzumi para ipagtanggol ang mga tao.


Sa pag lipas ng panahon ay naging saksi ako sa mga nangyari sa mga batang ito. Nasilayan ko silang umibig at magpakasal.

Nakoronahang hari si Uzumi at nakapangasawa siya ng isang magandang dilag, si Cera. Ang babaeng animo'y diyosa, maging ang sinag ng araw ay mahihiya sa kanyang kagandahan,mula sa kanyang gintong buhok hanggang sa kanyang gintong mata. Di na nakapagtataka kung bakit labis na nahumaling sa kanya ang salamangkero at hari ng Orb.

Talagang tinadhana silang dalawa para sa isa't-isa, kapwa nilang hilig na tumulong sa mga taong nasa paligid. Pinamumodmod nila ang kanilang nakakayanan sa mga mahihirap at may sakit.

Ilang taon na din silang nagsasama bilang mag asawa ngunit di pa sila binibiyayaan ng anak, hindi linggid sa kaalaman ng lahat na baog si Cera, ngunit umaasa pa din siya na bibigyan sila ng anak kahit di gamitin ni Uzumi ang kanyang kapangyarihan.


Sa kalaliman ng gabi ay may kumatok sa palasyo ng mahal na hari, isang binata, kulay pilak ang kanyang buhok at pares ng berdeng mata. Mukhang pagod na pagod ang lalaking ito mula sa isang malayong biyahe.

Nagpalitan kami ng tingin ng hari, kapwa naming kilala ang binatang ito. Siya ang kapatid ng hari ng Plants, si Gibson Zala. Nabalitaan ko na pinatapon siya sa kaharian dahil sa paglapastangan sa kasintahan ng hari at paninirang puri na rin sa kanyang sariling kapatid.

Agad kong binigyan ng babala si Uzumi tungkol sa lalaking ito. Pero di ako pinansin ng hari sapagkat naniniwala siyang sa loob-looban ni Gibson ay nag tatago ang isang mabuting kalooban.

Giniit niya sa akin na marahil ay namuhay si Gibson sa inggit kaya ito nakagawa ng kasalanan. Tinuring ni Uzumi na kapatid si Gibson, tinuruan niya ito ng mahika. Kasama niya ito sa bawat lugar na puntahan nilang mag-asawa.


Kahit nakikita ko na nagbabago na nga si Gibson ay di pa rin mapalagay ang aking loob, hanggang sa matukoy ko ang pinanggagalingan noon, nakikita ko na may lihim na pag tingin ang binata sa aming mahal na reyna. Nakikita ko sa bawat tingin at kilos na ginagawa ni Gibson.

Pero isinang tabi ko iyon, marahil ay nagkakamali lang ako. . .kinasal na si Murrue, sa isang kapitan ng sandatahan ng Plants. Masaya ako para sa kanya. Kitang-kita ang ligaya sa mga mata ni Murrue. Kaligayahang makumpleto ang kanyang mundo.


Di na nakapghintay ang mag-asawa, gumamit na si Uzumi ng kapangyarihan para magkaroon sila ng supling.

Ang buong kaharian ng Orb ay nag diwang maliban lang sa isang tao.

Si Gibson, nakikita ko sa mga mata niya ang sakit at pighati na dala ng balitang iyon. Dapat ko na bang ibuka ang aking bibig?


Isang araw ay pinatawag ako ng mahal na hari mula sa aking laboratoryo.

At tinanong niya ako tungkol sa isang bagay.

Napansin ko ba daw ang mga kakaibang kilos ni Gibson.

Di na ako nag sinungaling at nag sabi ng ako ng totoo.

Doon ko lang nakita na mag puyos sa galit ang leyon ng Orb.

Pinatawag niya si Gibson para ipatapon sa malayong lugar, saksi ako,si Murrue at maging ang sarili niyang mata sa lihim na pag tingin niya kay Cera.

Dapat ay kamatayan ang ipapataw ng mahal na hari ngunit naging matimbang pa rin sa kanya ang kanilang pinagsamahan ni Gibson, tinatakan niya ito ng markang X simbolo na isang kriminal si Gibson.


Mula ng araw na iyon, alam kong labis na naghirap si Gibson, nabalitaan kong naging palaboy daw ito sa daan, walang tumanggap dito sa takot na baka sila patayin ng isang kriminal.

Sa tingin ko ay labis na natuwa ang mahal na hari sa pag gamit niya ng kanyang mahika, pagkat nagkaroon ang kaharian ng tatlong hiyas.

Isang sanggol na merong rosas na buhok, kapareha ng paboritong bulaklak ni Cera, at pares ng nakaka akit na asul na mga mata. Tulad ng kalinisan ng langit. Siya ay si Lacus.

Sumisimbolo naman sa matinding pag-ibig ni Uzumi para kay Cera ng pulang buhok ni Flay. Napaka gandang bata, mapupungay ang kanyang abuhing mga mata, kakulay ng isang matibay na bato, na pundasyon ng bawat kaharian.

At ang huli ay winangis ni Uzumi sa kanyang pinakamamahal na asawa, nakuha nito ang gintong kulay na buhok ng kanyang ina at ganon din ang kanyang gintong mata. Simbolo ang sanggol na ito sa liwanag. Ito ay si Cagalli.

Hinati ni Uzumi ang kanyang kapangyarihan at sinalin niya ito sa kanyang mga supling. Nakatatak ang kanilang mga pangalan sa kanilang mga palad gamit ang isang lihim na liwanag. Tanda na anak sila ng salamangkero at hari ng Orb, mawawala lang ang tatak na iyon pag naputol na ang hininga nilang mag-asawa.


Nitong mga nakaraang araw ay napapansin ko ang mga kakaibang kinikilos ni Murrue, lagi siyang tensyonado, mabilis siyang nagugulat at lagi na lang siyang tulala. Maaring dala na rin ito ng labis na kalungkutan dala ng pagkakasunod-sunod na pagkamatay ng kanyang mga malalapit na kaibigan.

Nakapagtataka din ang pagkakasakit ni Uzumi, ngayon lang nagkaroon ang karamdaman ang hari , maging ang natitira nitong kapangyarihan ay di kayang gamutin ang sarili niyang karamdaman


Labis na kinalungkot ng kaharian ang unti-unting pagkawala ng mga hiyas

ng Orb. Kinagulat din ng lahat na si Murrue pala ang nasa likod ng mga pang yayaring ito.

Sa tingin ko ay kailangan ko ng mag imbistiga. Tinuring ko ng sariling anak sina Murrue at Uzumi, ayaw kong makita na unti-unting masira ang kanilang pagiging magkapatid.


Sinagawa ko ang aking pag iimbistiga, tinago ko muna ang lahat sa aking sarili, ayaw kong mapahamak pa ng lubusan si Murrue.

Nasa Plants ngayon si Murrue at nag tratrabaho bilang kasambahay ng hari. Napag alaman ko din na nawala ang ala-ala ng kanyang asawa.

Nakita ko si Flay sa piling ng isang panginoong may lupa, si George Allster, ang kapatid sa labas nila Patrick.

Si Lacus naman ay napunta sa isang bahay ampunan, sa pangangalaga ni Caridad.

Ngunit nasan na si Cagalli? Lagi kong minamatyagan ang mga bata. Kinausap ko si Murrue at sinabi nito ang lahat-lahat sa kanya. Marahil mas maganda na din na di niya muna ipaalam kay Uzumi kung saan ang kanyang mga supling, maaaring mapahamak ang mga bata at isa pa wala sa kundisyon si Uzumi para maprotektahan ang kanyang sariling mga anak.

Nasan na si Cagalli?tinanong ko si Murrue at hinanap ko ang taong pinagbigyan niya kay Cagalli, ngunit matagal na pala daw itong patay.


Di nag tagal at lalong lumala ang karamdaman ni Uzumi, pinilit kong humanap ng gamot na makakatalo sa lason na kumakalat sa katawan ng hari, ngunit kahit ang kanyang galing sa larangan ng medisina ay hindi tumalab sa kapangyarihan ng lason ni Gibson.

Ipinagtapat ko ang lahat kay Uzumi, mula sa kanyang mga supling, hanggang sa mga pinagtapat ni Murrue. Gustong-gustong patayin ni Uzumi si Gibson pero di niya ito mahagilap, labis na nagiging marupok ang pangangatawan ni Uzumi.

Inubos niya ang kanyang kapangyarihan para lang mapatawan ng sumpa si Gibson, tinaningan niya ang buhay nito dahil ito na lang ang makakaya niyang gawin bago siya maputulan ng hininga. Nangako ako na aalagaan ko ang kanyang mga anak,ganun na din si Murrue.

Si Uzumi ay parang anak na din sa akin, kaya gagawin ko ang lahat para sa kanya.


Nabanggit sa akin ni Uzumi bago pa man siya pumanaw na magiging hinog ang mga hiyas oras na makalampas sila sa edad na labingwalo. Kailangan ko itong selyohan gamit ang pinasang kapangyarihan sa akin ni Uzumi hanggang sa dumating ang kamatayan ni Gibson para di niya magamit ang kapangyarihan ng mga bata.

Malakas na kapangyarihan ang pwedeng makuha sa mga hiyas lalo na't pag nahinog ito. Kusang lalabas ito sa katawan ng mga bata, mapanganib ang mga hiyas pag napunta ito sa maling mga kamay.


Di kalaunan ay nagka sakit at namatay din si Cera, sabay ng pag guho ng dating matatag na kaharian ng Orb, masakit sa akin na mawala ang bayang kinalakihan ko na, ang tanging makapagpapanumbalik nito ay ang tatlong hiyas.

Si Lacus, na nag bibigay ng ligaya sa kapaligiran, kapangyarihang gumamot ng ano mang sugat. Oras na matutunan ni Lacus na gamitin niya ang kanyang kapangyarihan ay maari niyang gamutin ang kahit anong sugat at karamdaman.

Si Flay na magpapatakbo ng hinaharap, kapangyarihang makita ang kahapon,bukas at ngayon, matutunan lang niyang kontrolin ang kanyang kakayahan ay maari niyang makita ang hinaharap at ang nakaraan.

Si Cagalli ang liwanag ng sanlibutan, kapangyarihang humiling ng kahit ano, ngunit tila may nabanggit sa akin si Uzumi, na may lihim na kakayahan si Cagalli na liwanagan ang itim na kaluluwa, makontrol lang niya ito ay kaya niyang salain ang isang maitim na buhdi.

Pero lahat iyon ay may limitasyon. Nababawasan ang kanilang buhay sa tuwing gagamit sila ng mahika. Inaamin ni Uzumi na di lahat ay perpekto, di na ito saklaw ng kanyang kapangyarihan.


Nakausap ko at nakilala ko na si Lacus, nasabi ko na din ang lahat tungkol sa kanyang kapangyarihan. Ngunit may isang trahedyang nangyari at siya'y naging sangol muli, marahil ay dulot ito ng pagpasa niya ng kanyang kapangyarihan kay Kira, ngunit di rin mag tatagal at hahanapin din ng kanyang katawan ang sarili niyang kapangyarihan. Ang kailangan lang ay manumballik muli ang kanyang ala-ala.

Nabigyan ko na ng babala si Flay, ngunit di ko alam kung kaya ko na bang isalaysay sa kanya ang lahat, mukhang masaya na siya sa kanyang kinatatayuan ngayon at ayaw kong basagin ito sa pamamagitan ng pagsabi sa kanya ng buong katotohanan.

Si Cagalli na lang ang kailangan kong hanapin.


Di ko akalaing makikita ko si Cagalli sa ganitong pagkakataon.

May kumakalat na lason sa Plants, alam kong kagagawan ito ni Gibson.

Nakita kong pursigido si Cagalli na magawan ng gamot ang mamamayan ngPlants. Nakuha din pala niya ang ginintuang puso ng kanilang mga magulang.

Nararamdaman ko na may masamang kaganapan ang mangyayari. Hiling ko lang,gayong nasa ganitong edad na ako, nawa'y magabayan ang mga hiyas ng Orb, dahil sila na lang ang pag-asa.


Isinara ni Cagalli ang librong kanyang binabasa.

Di siya makahinga, masyadong mabigat ang mga nalaman niya ngayon.

Anak siya ng salamangkero ng Orb, kapatid niya sila Flay at Lacus, sila ang nawawalang hiyas ng Orb, kamag-anak niya si binibining Murrue.

Ngunit bakit di ito sinabi sa kanya ni binibining Murrue?

Pinanganak siyang may kapangyarihan? Ngunit akala niya'y binigay sa kanya iyon ng kanyang yumaong Master?

Teka! Pilak na buhok at berdeng mata?

Nagkataon lang kaya?

Nakakakilabot naman ang mga bagay na bumungad sa kanyang harapan, parang isang malakas na sampal.

Tulala siyang nag iisip ng bigla siyang nakarinig ng katok sa pintuan.

Ayaw niyang humarap sa kanino man sa oras na ito,ngunit kusang bumukas ang pinto at tumambad sa kanyang harapan si Murrue.

Maluha-luha niyang niyakap ang kanyang tiyahin na nagulat na lang sa inasal ng dalaga.

"Bakit? Bakit ka nag sinungaling?! Ito ba yung gusto mong ipagtapat sa akin?" ang tanong ni Cagalli kay Murrue habang patuloy na umiiyak sa balikat ng kanyang tiyahin.

Alam na ni Cagalli ang lahat.

"Di ko alam kung anong magiging reaksyon mo iha, kaya noong nakita kitang kasama mo si
Milly sa isang baryo malapit sa Orb, ay di na akong nag atubiling lapitan ang kaibigan mo para alukin ng trabaho." ang sabi ni Murrue habang niyayakap ng mahigpit ang dalaga.

Matagal na nananatili silang dalawa sa ganong posisyon.

. . . . . . . . . . . .

Im so sorry! Sabi ko araw-araw ang update ko, pero may pinuntahan kasi ako, tapos inedit ko pa ang chappie na ito so,. . ayun 2:00 am ko na napost ito. Wish ko lang, na sumakto lahat ng clues na kinalat ko sa bawat chapters. . . . .ayan na! sana nagkonek lahat ng kalat-kalat na eksena at flashbacks. Well. . kung may nakalimutan ako. . please paki bato na lang s akin. . . . .pwede kayong mag request ng kahit ano bago ko tapusin ang story na ito. OKIES?