Disclaimer: i do not own gs or gsd.
Special thanks to:Kkornelia, rynne marge and lie.
Sis lie: uh-oh! Nope hindi siya warrior. . pero. . . MAYBE. . sa sequel nito. . hahahahah, naghintay ka pala sis . bad ko talaga! Hahahah may request ka ba? Kasi matatapos na ito last 2 chaps na lang.
Teka nakalimutan ko yung intro nung chapter na ito!
PEOPLE! YAN CAPS LOCK PARA MABASA NG LAHAT, PERO Di PO AKO GALIT, DI KO LANG PO MAPOPOST YUNG CHAPTER 27 TODAY KASI PO MAY EMERGENCY NA KAILANGAN NG FULL TIME KO, YES TAPOS KO NA YUNG STORY PERO DI KO PA NAEEDIT NG MAAYOS YUNG NEXT CHAP KAYA BAKA PO SA FRIDAY KO NA MAPOST OR BAKA BUKAS DIN, HOPE YOU UNDERSTAND. di po ako galit ah!
. . . . . . . . . . . . .
Lumipas agad ang isang araw sa buhay ni Cagalli, matapos ang kanilang pag-uusap ni Murrue ay agad niyang nakaharap ang kanyang kapatid. . walang ibang salita ang makakapag paliwanag ng kanilang nararamdaman, kumpleto na sana ang lahat kung nandoon lang si Flay, pinabasa din ni Cagalli ang libro kay Murrue at kay Lacus.
Di pa rin sila makapaniwala sa mga nangyayari, parang isang panaginip, napaka hirap paniwalaan.
Sabay na natulog sila Milly,Cagalli at Lacus, iyon ang unang gabi na natulog na magkatabi ang dalawa.
Binulong din ni Lacus na may di siya magandang naramdaman, pakiramdam niya ay may humuhigop sa kanyang enerhiya, naramdaman din ni Cagalli na parang may kakaibang nangyayari. Kaya nag kasundo silang dalawa na dalawin si Flay para sabihin ang buong katotohanan.
Di na sila makapaghintay na mabuo ulit.
. . . . . . . . . . . . . . . .
Pumutok na ang bukang liwayway sa kalangitan, inaayos ni Lacus ang kabayong gagamitin ni Cagalli sa pag punta sa laboratoryo, masaya siya sa mga nangyayari sa buhay niya at tila ayaw na niyang mawalay pa sa kanyang mga mahal sa buhay.
Nalulungkot siya na mawawala ng isang linggo si Cagalli, kakakita pa lang nila ay aalis na agad ito. Pero kailangan, para ito sa mamamayan ng Plants, tutal naman ay di na sila mawawaglit sa isa't-isa.
Tinatapik niya ang kabayong sasakyan ni Cagalli ng may biglang nagpakitang lalaki sa kanya.
Pilak na kulay ng buhok at berdeng mata?
Parang katulad ng lalaki sa libro na pinabasa sa kanya ni Cagalli kahapon.
Ngumiti si Lacus at binati ang lalaki.
"Magandang umaga sa inyo, may kailangan po ba kayo?" alam ni Lacus na mapanganib ang lalaking ito pero kailangan pa din niyang maging kalmado.
Unti-unting lumapit sa kanya ang lalaki, inabot nito ang kanyang kanang kamay, nakita ni Lacus ang isang itim na apoy.
Mahika
"Gibson." Ang maikling sabi ni Lacus, di siya magpapatinag sa lalaking ito.
Ngumisi si Gibson.
"Tama kamahalan, ako nga si Gibson." Ang sabi ni Gibson habang patuloy na lumalapit kay Lacus.
"Anong kailangan mo?" ang tanong ni Lacus, nakita niya na lumalabas ang pulang apoy sa katawan niya papunta kay Gibson, parang pinupukol ng maso ang ulo niya, parang nilalaga ang kanyang laman-laman, di na niya kayang tumayo pa. napapikit na lang siya sa sobrang sakit.
Nanghihina siya at di na makagalaw. Gusto niyang sumigaw pero wala ng lumalabas sa kanyang mga labi.
"LACUSS!" ang huling katagang narinig niya bago siya nawalan ng malay.
Nagmamadaling tumakbo sila Murrue at Cagalli ng makita nilang natumba si Lacus sa lupa.
Napatigil si Murrue ng makita niya si Gibson samantalang dumiretso si Cagalli sa tabi ni Lacus.
"Lacus! Gumising ka!" ang sabi ni Cagalli habang tinatapik ang pisngi ni Lacus.
"Gibson" ang pangalang namutawi sa mga labi ni Murrue
Napatingin si Cagalli sa taong tinitingnan ng kanyang tiyahin.
Nakasuot ang lalaking ito ng kapa, ngunit kitang-kita ang kanyang kulay pilak na buhok at berdeng mga mata.
Parang bumara ata ang hangin sa lalamunan ni Cagalli. Ang lalaking nasa harapan niya ay walang iba kundi ang taong kumupkop sa kanya, nag-alaga, tumayong magulang niya, nag turo sa kanya ng pang-gagamot, ang taong iyon ay matagal ng patay, pero anong ginagawa ngayon ng Master niya sa kanyang harapan.
Biglang lumambot ang mata ni Gibson ng makita niya si Cagalli.
"Cagalli." Ang tanging salitang nabanggit ni Gibson.
Gusto niyang lapitan ang dalaga at hawakan nito ang kanyang pisngi, napakatagal na panahon na noong huli silang nag kita.
"Cagalli, kilala mo siya?" ang tanong ni Murrue na mabilis na tumakbo sa tabi ng nakaupong dalaga.
Tumayo si Cagalli at lumapit sa kanyang Master.
"Master?" ang sabi ni Cagalli pilit niyang inaabot ang kanyang kamay para hawakan ang kamay ng kanyang Master. Ngunit kusang lumayo ang kanyang master at tila hindi makatingin sa kanyang mga mata.
"Master ikaw nga ba iyan? Ikaw si Gibson? Paanong nabuhay kang muli.?" Ang tanong ni Cagalli habang pinipilit na sundan ang mga mata ni Gibson. Kailan man ay di nalaman ni Cagalli ang tunay na pangalan ng Master niya, di naman siya nagkaroon ng lakas ng loob na tanungin ito, nakita naman niya na kuntento na ang nag ampon sa kanya sa pagtawag niya dito ng 'Master'.
Naguguluhan tuloy si Cagalli, paanong naging masama ang isang taong naging mabait sa kanya sa loob ng mga taong nangangailangan siya ng kalinga?
Humarap ulit si Gibson kay Cagalli, napansin din ng dalaga na nag bago na ulit ang tingin ni Gibson, nakikita niya ang puot at galit sa mga berdeng mga matang ito.
"Oo Cagalli ako nga! Ako nga ang Master mo at ako din si Gibson, halika, sumama kang muli sa akin." Ang sabi ni Gibson habang inaalok niya ang kanyang mga kamay kay Cagalli.
Alam ni Cagalli na niloloko lang siya ng taong nasa harapan niya.
"Pero, ikaw ang may pakana ng pag kalat ng lason sa buong Plants? Bakit? Bakit mo ito ginagawa? Ikaw ang pumatay sa mga magulang ko, ikaw din ang nagtulak kay binibining Murrue na paghiwalayin kaming mag kakapatid." Ang sabi ni Cagalli, kailangan niyang maging matatag para makakuha siya ng mga kasagutan.
"Ako nga lahat ang may pakana noon Cagalli, tanda mo pa ba noong namatay ako? di naman talaga ako namatay, sa tingin mo ganon lang iyon kadali? Naaalala mo pa ba nung akala mo'y pinapasa ko sayo ang aking kapangyarihan? Ang totoo noon ay hinihigop ko ang kapangyarihan mo, kaya ka nawalan ng malay, ginamit ko ang kapangyarihan mo para gumaling ako habang nag papatuloy ako sa pag papanggap na patay na ako, para makawala ako, para maisagawa ko na ang mga balak ko gamit ang kapangyariahang nakuha ko sa iyo." Ang sabi ni Gibson na patuloy pa din ang pag ngisi kay Cagalli.
Nanggagalaiti si Cagalli sa galit. Binuka at sinara niya ang kanyang mga palad. Ginamit lang siya ni Gibson? Siya pala ang nag bigay katuparan sa mga masamang mithiin ng lalaking ito. Gusto niyang saktan si Gibson. Akala niya ay nakahanap na siya ng taong matatawag niyang magulang, pero binilog lang pala ang kanyang ulo.
Lumapit si Cagalli kay Gibson, tamang tama lang para maibigay niya ang halik ng kanyang kamao, pero nagulat na lang siya ng bigla siyang sinakal ng tinuring niyang Master.
Kitang-kita ni Cagalli ang tuwa at saya sa mga mata ni Gibson.
Inangat niya sa lupa si Cagalli habang nakahawak pa rin sa leeg nito.
"Alam mo, pasalamat ka at kamukha ka ni Cera, kailangan kita ng buhay, kung dahil sa inyong mag tiya ay nahigop ko na ang lahat ng kapangyarihan ni Lacus, wag kang mag-alala gagawin ko rin iyon sayo, mag hintay ka lang" ang sabi ni Gibson habang nilalapit niya ang kanyang mga labi sa pisngi ng dalaga.
"Paki bitawan naman ng babaeng hawak mo, pakiramdam ko kasi'y nais na kitang ibaon sa lupa." Ang sabi ni Athrun habang hawak-hawak ang kanyang espada ilang hakbang lang ang layo nito sa kinatatayuan nila Cagalli.
"Athrun! ganyan mo ba baitiin ang iyong ama?" ang tanong ni Gibson na humarap sa binata ngunit nanatiling hawak pa rin si Cagalli sa leeg.
Humakbang pang muli si Athrun papalapit kay Gibson.
"Bitawan mo si Cagalli" nakakikilabot ang tono ng boses ni Athrun. Nakamamatay, may lihim na talim ang bawat buka ng kanyang mga labi.
Binaba ni Gibson ang dalaga sa lupa.
"Tsk! Di ko akalaing pareho pala tayo ng tipo sa babae, anak nga talaga kita." Ang sabi ni Gibson na patuloy pa din sa pag ngisi.
"Di kita kilala." Ang sabi ni Athrun na biglang tumakbo papalapit kay Gibson. Gusto niyang patayin si Gibson, para sa kanyang ina, para sa mga mamamayan ng Plants at para kay Cagalli.
Winasiwas niya ang kanyang espada kay Gibson,pero bigla na lang nawala si Gibson sa kanyang paningin.
"ATHRUN SA LIKOD MO!" ang pasigaw na sabi ni Cagalli.
Mabilis na yumuko si Athrun para maiwasan ang papalapit na suntok sa kanya.
Hinawakan niya ng mabuti ang kanyang espada, winasiwas niyang muli ang kanyang espada malapit sa tagiliran ni Gibson, agad na humakbang papalayo ang lalaki.
Ngumiti si Gibson at nilabas niya ang itim na apoy sa kanyang mga kamay.
"Alam mo Athrun, ayaw sana kitang saktan,kaya lang masyado kang pasaway!" ang sabi ni Gibson habang tinatapon ang itim na apoy sa direksyon ni Athrun, mabilis na dumapa ang binata at nagpagulong-gulong bago ito tuluyang tumayo.
Kumuha siya ng buhangin at sinaboy niya ito sa kanyang kalaban bago siya tumakbo para sipain si Gibson.
Tumama ang kanyang mga paa sa dibdib ni Gibson, pero napaubo lang ang lalaking kalaban niya.
"Tsk! Madumi ka palang lumaban" ang sabi ni Gibson habang nag lalabas ulit ng itim na apoy sa kanyang mga kamay.
Humakbang ng konti si Athrun para makabwelo para sa kanyang susunod na atake.
Nakita niya na papalapit na sa direksyon niya ang apat na itim na apoy, tumalon siya na mataas at winasiwas niya ang kanyang espada sa bawat itim na apoy na lumalapit sa kanya, nagulat siya ng biglang naputol ang kanyang espada.
Umuusok na ang buong paligid nila Athrun pinaghalong, alikabok at usok ang pumapaligid sa kanilang mag ama.
Tinapon ni Athrun ang kanyang espada.
Pinalagutok niya ang bawat daliri ng kanyang kamao.
Tsk! Magiging matagal ito.
Tumakbo si Athrun papalapit kay Gibson mabilis at mabigat ang kanyang bawat hakbang.
Tumakbo siya papunta sa kaliwa at kanan sinisigurado niya na maiiwasan niya ang mga itim na apoy, sumipa siya ng alikabok para matakpan ang paningin ni Gibson.
Umupo siya ng konti at saka bumwelo ng suntok, saktong-sakto ang kanyang kamao sa ibaba ng baba ni Gibson.
Agad na natumba si Gibson sa lupa.
Sinipa ni Athrun ang tagiliran ng lalaki.
Hinawakan ni Gibson ang paa ni Athrun , mahigpit ang pagkakawahak ni Gibson.
Di na rin napigilan ni Athrun na mapasigaw ng lumapat sa kanyang paa ang itim na apoy.
Kitang-kita niya na kumukulo ang kanyang balat, mula sa kanyang paa hanggang sa kanyang tuhod.
Napahiga si Athrun sa lupa, tumayo si Gibson at sumuka ng dugo.
Nginitian niya ang namimilipit na katawan ni Athrun sa lupa, hindi mahawakan ni Athrun ang kanyang mga paa dahil didikit ang balat ng kanyang binti sa kanyang mga palad.
"ATHRUN!" ang sigaw ni Cagalli, tatakbo na sana siya papunta sa tabi ni Athrun ng bigla siyang hinawakan ni Murrue sa braso.
Ngumiting muli si Gibson, at nilabas niya ang pinaka malaking apoy na kaya niyang gawin gamit ang kanyang dalawang kamay.
"Tsk! Hihigupin ko na lang uli ang kapangyariah ni Lacus at Flay"
"Alam mo mahal kong anak, malaki sana ang pakinabang ko sa iyo, kaya lang, masyadong matigas ang ulo mo, nakakairita na! wawakasan ko na lang ang buhay mo para magkasama na tayo sa impyerno." Ang sabi ni Gibson habang tinatapakan ang leeg ni Athrun.
"Mag dasal ka na!" ang sabi ni Gibson.
Tinapon niya ang malaking itim na apoy sa mukha ni Athrun. Nabalot ng itim na liwanag ang buong paligid, umalingasaw ang mabahong amoy ng nasusunog na kandila.
Pinikit ni Cagalli at Murrue ang kanilang mga mata.
Sumigaw muli si Cagalli ngunit wala atang lumabas sa kanyang labi, di niya naririnig maging ang sarili niyang boses ngunit ramdam niya ang pag sakit ng kanyang lalamunan.
Tumulo ang luha ni Cagalli.
Matatapos na ba ang lahat sa ganito?
Lumayo si Gibson mula kay Athrun.
Abot tenga ang ngiti niya ngayon. Sayang lang at di niya muna napakinabangan si Athrun ng husto.
Mabilis din na nawala ang itim na liwanag kasabay ng isang nakakabinging sigaw.
"MIA!"
Malakas na sumigaw si Athrun, kita niya kung paano siyang niyakap ni Mia ng may ngiti sa kanyang mga labi.
Sa isang iglap ay tanging abo na lang ang humalik sa kanyang pisngi, ngunit basa pa din ang kanyang labi ng luha ni Mia.
(A/N: naawa tuloy ako kay Mia)
"ANAK NG!" napasigaw na lang si Gibson. Wala na siyang natitirang lakas, naubos ng lahat, sapat lang ang natitira para makaalis siya sa lugar na ito.
Sa isang iglap ay nawala siya sa paligid.
. . . . . . . . . . . . . . . . . .
Ako si Gibson, makasalanan at masama, pinatay ko ang mag asawang tumangay kay Cagalli.
Dapat ay ibibigay sa akin ni Murrue ang tatlong bata, ngunit di ko alam kung saan niya ito dinala, buti na lang at nakita ko si Cagalli.
Napaka gandang sanggol kawangis na kawangis ng kanyang ina.
Hihigupin ko na sana ang kanyang kapangyarihan kasabay ng pagputol sa hininga ng bata.
Kaya lang, nakaramdam ako ng init sa aking dibidb, parang nalulusaw ang aking galit.
Ang sarap sa pakiramdam, nararamdaman ko na tao ako.
Kinupkop ko ang bata, pinalaki at sinubaybayan, masaya ako sa tuwing nakikita ko siya, pakiramdam ko ay kasama ko din si Cera, lumiliwanag ang bawat araw ko sa tuwing nakikita ko ang ngiti ng batang ito.
Namuhay muna ako ng tahimik, kasama si Cagalli at ang batang napulot din namin, si Milly. Tumulong ako sa mga tao, dahil pakiramdam ko'y obligasyon kong tumulong sa kanila.
Ngunit isang araw ay nakainom ako ng isang lason. Unti-unti nitong pinapatay ang aking katawan.
Dahil din sa lason na ito ay parang luminaw ulit ang mithiin ko sa buhay.
Bakit nga ba ako gumagawa ng tama? Kakarampot na lang ang buhay na natitira sa akin dahil sa sumpa ni Uzumi at heto ako pinalaki ko pa ang kanyang anak.
Ngayon ay mamamatay na lang ba ako ng di ko napaghihiganti ang aking sarili sa makasalanang mundong ito?
Hindi ako papayag!.
Pinatawag ko si Cagalli, sinabi ko'y ipapasa ko sa kanya ang aking kapangyarihan, pero sa totoo lang ay kukunin ko ang kanya. Di pa niya nalalaman ang kanyang kakayahan, maganda ng makinabang muna ako dito, panimulang ganti muna.
Nagpanggap ako na mamamatay na ako, gumawa akong sumpa para mapaniwala kong nalusaw na ang aking katawan
Kanina lang ay nakita ko nanaman si Cagalli, nakaramdam nanaman ako ng init sa dibdib, di ko kayang tumingin sa kanyang mga mata, dahil pakiramdam ko ay nasasala ang aking kaluluwa.
Makailang beses kong pinaalala ang aking sarili ang misyon ko sa mundong ito,marami na akong nagawa, isang hakbang na lang at sisiguraduhin kong di ako madadapa.
Nahigop ko lang ang kalahati ng kapangyarihan ni Lacus at nasayang lang ito sa pakikipaglaban kay Athrun.
Ang aking anak, kelan man ay di ako naging ama sa kanya, pero siya ang gusto kong magtuloy ng aking nasimulan, anak ko siya kaya sigurado akong may itim na buto din siya sa kanyang katawan.
Pero mali ako, di ko alam pero masaya ako at kinamumuhian ako ni Athrun, kahawig niya nag kanyang ina, wala siyang nakuha sa akin maliban lang siguro sa dugong dumadaloy sa ugat niya.
Inubos ko ang nahigop kong kapangyarihan kay Lacus sa pag tapos sa buhay niya, kahit papaano ay mag kikita kami sa impyerno, marami na ring napatay ang batang ito, kaya imposible siyang maging santo.
Pero nakielam naman itong si Mia at hinarangan pa si Athrun, siya tuloy ang nasawi, pero sa tingin ko'y ayos lang iyon, dahil malalim ang iniwan kong sunog sa binti ni Athrun, sinigurado kong naluto din ang buto ni Athrun.
Di ko na alam kung anong nangyari dahil nawalan na ako ng malay ng marating ko ang aking kweba.
. . . . . . . . . . . . . . .
Nagising si Athrun dahil sa malamig na hagod sa kanyang katawan.
Napanaginipan niya ang kanilang masasayang ala-ala ni Mia, pero hindi siya nakaramdam ng ligaya habang kasama niya sa panaginip si Mia. Parang tumawid siya sa kabilang buhay, ngunit parang may kakaibang enerhiya na humuhugot sa kanya pabalik.
Bigla na lang may lumiwanag sa kanyang paligid at nakita niya ang mukha ni Cagalli.
"Cagalli. . " ang sabi ni Athrun, ramdam niya ang sakit sa kanyang lalamunan at hirap siyang mag salita. Pero nagtataka siya dahil wala siyang maramdamang sakit mula sa paa niya.
"Shhhh" ang sabi ni Cagalli habang nilalagay niya ang kanyang kamay sa pisngi ng binata. Tumayo si Cagalli mula sa gilid ng upuan ni Athrun piniga niya ang bimpo na nasa palanggana at pinatong niya ito sa paa ni Athrun.
Paano niya ipapaliwanag na ginamitan niya ng mahika ang pag galing ng binata?
"Cagalli" tinawag siyang muli ni Athrun
"Hmmm?" ang sagot ni Cagalli habang pinipunasan pa din ng bimpo si Athrun.
"Maupo ka sa aking tabi." Ang sabi ni Athrun habang umuupo siya sa kanyang kama, nakita niya na tila parang walang nangyari sa kanyang paa. Isa lang ang ibig sabihin noon.
Umupo si Cagalli sa upuan malapit sa kama ni Athrun.
Umiling si Athrun at tinapik niya ang pwesto sa tabi niya.
Tumayo ulit si Cagalli at umupo sa gilid ng kama ni Athrun.
Kinuha ni Athrun ang kamay ni Cagalli at nilagay niya ito sa kanyang mga labi.
"Salamat" ang sabi ni Athrun.
Niyakap siya ng dalaga.
"Akala ko talaga ay mawawala ka na kanina" ang sabi ni Cagalli, halos nahugot ang hininga niya sa kaba.
Napangiti na lang si Athrun at niyakap din niya si Cagalli.
"Di mangyayari iyon" ang sabi ni Athrun, nilayo niya ng konti si Cagalli, para makatingin siya ng maayos sa mga mata nito.
"Gumagamit ka din ng mahika?" ang mahinahong tanong ni Athrun.
Nagulat si Cagalli, ngunit tumango na lang din siya.
"Mahal kita alam mo yon di ba?" ang tanong ni Athrun habang pinapadaan niya ang kanyang mga daliri sa mga labi ni Cagalli.
Napayuko at napailing si Cagalli.
Hinawakan ni Athrun ang kamay ni Cagalli na naka lagay sa binti ng dalaga.
"Anong ibig mong sabihin?" ang mahinahong tanong ni Athrun.
Tumulo ang luha ni Cagalli sa kamay ni Athrun na nakaibabaw sa kamay ng dalaga.
"Patawad Athrun" ang sabi ni Cagalli na biglang lumuhod sa sahig, lumuhod siya sa harapan ni Athrun.
"Cagalli!" ang sabi ni Athrun na nagulat sa ginawa ni Cagalli, lumuhod din siya sa sahig at niyakap si Cagalli, ngunit nagpumiglas ito.
"Athrun, dapat mo akong kamuhian, dapat mo akong pandirian." Ang sabi ni Cagalli na pilit na kumakawala sa yakap ni Athrun.
"Di ko magagawa iyon" ang sabi ni Athrun.
"Athrun! di mo ako mahal! Di mo ako mahal!" ang sabi ni Cagalli na gumagamit na ng malakas na pwersa para makawala sa yakap ni Athrun
Binitawan ni Athrun si Cagalli at tiningnan niya ang luhaang dalagang nasa harap niya.
"Paano mong nasabi yan? ano bang gusto mong patunay na mahal kita?" ang tanong ni Athrun.
"Athrun! GINAYUMA KITA! Aksidente ang lahat, noon akala ko ay may nararamdaman akong malalim kay Shinn, tapos bigla ka na lang sumulpot sa kung saan at sinabi mong mahal mo ako, di kinaya ng konsyensya ko na nakikita kitang nasasaktan kaya gumawa ako ng inumin para makalimutan mo ang nararamdaman mo sa akin,pero di ko napansin na gayuma pala ang nagawa ko, Athrun di ko sinasadya! Wala akong kaalam-alam na gayuma pala iyon, bago ako umalis ay pinainom kita ng pampaalis ng gayuma, pero sa tingin ko'y di mo ata nainom, patawad Athrun, niloko kita, binilog ko ang ulo mo, pero di ko iyon sinasadya! " ang sabi ni Cagalli habang tumatayo, tumakbo siya papalapit sa pintuan ni Athrun.
Napalunok na lang ng laway si Athrun.
"Saan ka pupunta?" ang tanong ni Athrun habang tumatayo para lumapit kay Cagalli na ngayon ay hawak-hawak na ang bukasan ng pinto.
"Athrun, di ko na kayang iharap ang mukha ko sayo, dapat mo akong kamuhian." Ang sabi ni Cagalli na handa ng buksan ang pintuan. Naramdaman niya ang malalakas na braso ni Athrun sa kanyang bewang. Makailang kurap pa ay nasa kama na siya ni Athrun.
Nasa ibabaw niya ang binata, pinaling niya sa bandang kanan ang kanyang mukha, di niya kayang harapin si Athrun.
Pero nanatiling naka tingin sa kanya si Athrun, di makagalaw si Cagalli dahil nakaipit siya sa katawan ni Athrun.
"Tingnan mo ako." ang mahinahong utos ni Athrun.
Patuloy lang na umiyak si Cagalli.
"Wala na akong mukhang maihaharap sa iyo." Ang sabi ni Cagalli.
"Meron, ayaw mo lang humarap sa akin." Ang sabi ni Athrun.
Humarap sa kanya si Cagalli.
"Bakit mo ito ginagawa sa akin? Ginayuma kita Athrun." ang sabi ni Cagalli.
"Cagalli, nainom ko ang gamot na ginawa mo, alam mo, walang nag bago sa nararamdaman ko sayo Cagalli, alam mo kung anong ginawa mo sa akin? Pinasakit mo lang ang ulo ko noong binigyan mo ako ng gayuma at pampatanggal ng gayuma." Ang sabi ni Athrun.
Nabaliw ata si Athrun dahil, nakikita ni Cagalli ang naka ngiting mukha ng binata.
"Ath—"
"Cagalli, ginayuma mo man ako o hindi, wala na akong pakielam, marahil dapat nga ay mag pasalamat pa ako sa iyo, dahil mas pinatindi mo lang ang pagmamahal na nararamdaman ko, ikaw lang naman ang babaeng nais kong makasama habang buhay" ang sabi ni Athrun habang hinahawakan ang pisngi ng dalaga.
"Kahit na, dapat kang magalit sa akin!" ang giit ni Cagalli.
Lalo lang lumaki ang ngiti ni Athrun sa labi.
"Cagalli, akala ko ba'y mahilig kang magbasa ng libro? May nakita akong libro, bata pa ako noong huli ko iyong nabasa, alam mo kung anong nakalagay doon?" ang tanong ni Athrun.
Umiling lang si Cagalli.
"Isang libro iyon tungkol sa pag-ibig, sabi sa librong iyon na walang sumpa ang kayang makapagligaw ng nararamdaman ng isang tao, marahil kung ginayuma man ako ng ibang babae ay mararamdaman ko pa rin ang pagmamahal ko sa iyo, hindi tumatalab ang gayuma sa isang taong may iniibig na, Cagalli, mas malakas pa rin ang sinisigaw ng puso kesa sa kahit na anong gamot. Naiintindihan mo ba?" ang tanong ni Athrun habang nilalapit niya ang buhok ni Cagalli sa ilong niya.
"Athrun, dapat mo akong kamuhian." Ang sabi ni Cagalli.
"Alam mong di ko magagawa iyon. Bakit?" ang sabi ni Athrun.
"Bakit?" ang tanong ni Cagalli habang nakatingin sa mata ng binata.
"Kasi. .mahal. . " hinalikan ni Athrun ang noo ni Cagalli
". . .na mahal. . " hinalikan ni Athrun ang ilong ng dalaga.
Nanlaki ang mata ni Cagalli dahil alam na niya kung saan susunod na pupunta ang labi ni Athrun, kaya mabilis niyang tinakpan ang kanyang bibig gamit ang kanyang mga kamay.
Tumawa si Athrun, at marahan niyang tinanggal ang kamay ni Cagalli.
"Kita..." at tinakpan na ni Athrun ng kanyang mga labi ang labi ni Cagalli.
malambot ang halik ni Athrun, magaan at nakakahaling.
Lumalim ang kanilang halikan, di namamalayan ni Cagalli na nailagay na pala niya ang kanyang mga kamay sa batok ni Athrun.
Pinapadaan niya ang kanyang mga daliri sa anit ni Athrun.
Pinadaan naman ni Athrun ang kanyang kanang kamay sa kurba ng katawan ni Cagalli.
Hinalikan niya ang baba ni Cagalli, pababa sa leeg ng dalaga.
Biglang bumilis ang pagtibok ng kanilang puso, bumibigat ang kanilang hininga at biglang nagiinit ang paligid.
Binaba ni Athrun ang kanang manggas ni Cagalli, kinagat niya ng konti ang balat sa leeg ni Cagalli, bago niya paulanan ng halik ang kanang braso ng dalaga.
Di mapigilan ni Cagalli ang mapaungol at mapahigpit ang kapit niya sa buhok ni Athrun.
Bumalik si Athrun sa paghalik sa labi ni Cagalli, pinagapang niya ang kanyang kanang kamay sa hita ni Cagalli. Tinaas naman ni Cagalli ang kanyang hita para maabot ito ng maayos ni Athrun.
Pinadaan niya ang kanyang mga kamay sa ilalim ng damit ni Athrun, dinama niya ang matigas na tiyan ni Athrun papunta sa dibdib ng binata.
Di mapigilan ni Athrun na mapaungol sa ginagawa ni Cagalli sa kanyang katawan.
Dahan-dahan niyang kinagat ang ilalim ng labi ng dalaga.
Parehong sabik na mahawakan ang isa't-isa.
"AYANGMALAKINGKALABASANANAHULOGSAPWETNGKALABAW!" ang mabilis na sabi ni Myrna habang tinatakpan ang kanyang mga mata.
Nagulat naman sila Athrun at Cagalli, mabilis na tumayo silang dalawa.
"Naku! Kamahalan! Pasensya na, makailang beses po kasi akong kumatok, pero walang sumasagot, tapos narinig ko po ang ungol niyo kaya akala ko'y binabangungot kayo, kaya di na ako nag dalawang isip na pumasok, mali pala ako, sige po ituloy niyo na yan, kunwari'y wala akong nakita" ang sabi ni Myrna na mabilis na sinarahan ang pintuan.
Namumulang humarap si Athrun kay Cagalli.
"Ahhh.." walang ibang masabi si Athrun.
"Aalis na muna ako" ang sabi ni Cagalli na namumula habang naglalakad papunta sa pintuan.
"Teka Cagalli, nabastos ba kita?" ang tanong ni Athrun.
Umiling si Cagalli.
Binuksan niya ang pintuan sabay sabi ng. .
"Baka di ko lang mapigilan ang sarili ko ulit, masunggaban na kita" kumaripas ng takbo si Cagalli papalayo ng silid ni Athrun.
Tinuon naman ni Athrun ang kanyang noo sa pader.
May biglang umangat kasi sa loob ng pantalon niya. .
. . . . . . . . . .
Ayan, para di naman masyadong mabigat ung chappy na ito. . . ikay time check! 3:30 am. . waaaaaa guys late nanaman akong nag update! Napa kanta kasi ako di ko napansin yung oras tapos nag edit pa ako hahaha
Warning next chappie. . . heavy na yun, malungkot, magulo, labanan, at sobrang haba.
Baka more or less umabot ng 10k words ang next chapter, pero i'll try my best na paikliin pa yun.
Yun na kasi ang second to the last.
. . . . . .
Anong nangyari kay Lacus at Flay?
Kay gibson?
Kay gilbert
Sa lahat ng characters. . .
And #$! $ I SWEAR! MAG TATAGO NA AKO SA MALAYONG LUGAR AFTER NG NEXT CHAPPIE!
