Disclaimer: i do not own gs or gsd

Ladycagalli's corner.

Well this is the FINAL chap. . . okay tagalugin natin. . . dapat talaga ay english ito pero si makulit kong friend na itatago sa pangalang 'annie' ay di mahilig mag basa ng english fic. . mas nadadama daw niya ang bawat eksena pag tagalog. . but yeah. .di rin naman ako magaling sa english.

Super duper thank you sa nagtsagang magbasa nito! Grabe! Alam kong kalat-kalat at di malinaw yung character development at OOC yung ibang char . . well first fic ko eh. . .aayusin ko next time

May nag pm sa akin, nag request siya na mag lagay daw ako ng kahit konting english summary per chap. . well sige after this chap i'll try my best na gawin yun.

Naniniwala ako sa sinasabi ni Midnightsun na. . kung ang mga indonesian nga todo ang support sa story na nakalagay sa native language nila tayo pa kaya na halos bumuhos na sa fanfic,. . though maybe may ilan ng alang sa atin na di sanay mag basa ng tagalog fic. . at isa pa second language kasi natin ang english. . hahah.

Special thanks to:

Kkornelia: sobrang thank you sis! Ikaw ang kauna unahang tao na pumansin sa story ko. . ikaw ang kauna unahang tao na nag tsaga sa story ko all the way. . .pinansin mo yung mga mali ko kahit medyo pinasakit ko ang ulo mo. . hahahah kung di dahil ata sayo in the first place baka mag lalo pang nalugaw ang story ko. . kaya sa lahat ng chap ko pangalan mo ang una sa thank you list ko.

Rynne marge: SIS! Super hug! Gusto ko din mag thank you sayo at sa mga over over mong mga panghuhula. . dahil sayo napansin ko yung mga maliliiit na detalye ng story na ito. . nag enjoy ako sa mga pag uusap natin. . ikaw ang nag push sa akin na palalimin ko pa ang story na ito kasi naman. . . lagi mo na lang nahuhulaan yung susunod na mangyayari . thank you so much sis kasi di ka nag sawa sa akin kahit sobrang busy ka.

Lie: sis bakit nga pala wala kang account? Di tuloy kita maka chikahan! Super than you sis. . dahil kahit tagalog itong fic na to' binasa mo pa rin. . natutuwa akong isipin na nagustuhan mo yung possessive character ni Athrun. . kahit na di ko napagbigyan yung request mo. . .masay ako na kahit papaano ay nag abala ka mag leave ng review sa akin para mainspire ko. Thank you soo much. Nag enjoy din akong basahin yung mga reviews mo kung paano ka nainis at natuwa. . hahaha

Midnightsun: sis wala ka pa ding account? Hahaha talagang winagayway mo pa ang story ko sa fb ah! Hahaha. . thank you sis sa support at sa pag flag ng kwento ko. . lalong lalo na sa paghikayat sa mga sambayanang pilipino na basahin ang kwentong hango sa ating sariling wika. . hahah di ako naniniwala na di ka magaling sa words! Hmmmft galing mo nga mag comment eh. . thank you so much.

Silent readers: salamat din sa inyo *bow* sana nag enjoy kayo sa pag bisita dto sa nakakalokang kwento ko. Maraming salamat talaga. Pero mas maganda kung nakausap ko kayo hahaha.

Well. . .kung may nakalimutan pa ako.. isisingit ko na lang okay?

. . . . . . . . . . . . . . .

FINAL CHAPTER

. . . . . . . . . . . . . .

Gayuma., sabi nila isa itong sumpa, sumpa na kayang makapgpaligaya ng isang tao.

Sino ba namang hindi natutuwa pag inibig ka ng taong mahal mo?

Pero may mas malakas pa pala sa gayuma

Ano ito?

Syempre pag-ibig. Di kayang sakluban ng isang sumpa ang tunay na nararamdaman ng isang tao, di nito kayang takpan ang tunay na sinisigaw ng puso. Walang mas tatalo pa sa lakas ng kapangyarihan ng pag-ibig.

. . . . . . . . . . . . . . .

(makaraan ang isang taon)

Parang kelan lang ay nabalot sa isang malagim na panganib ang Plants. Ngunit heto sila ngayon, bumabangon muli. Handang sumalubong sa isang bagong bukas. Di nila alam kung anong nangyari sa labanan. Nagulat na lang sila ng may biglang sumabog na gintong liwanag sa buong paligid.

At isang iglap ay nakaramdam sila ng init, saya at parang hinugasan ng liwanag na iyon ang mga galit na tinatago nila sa loob ng kanilang puso.

Ano na nga ba ang nangyari sa kanila?

Bumalik na ang mga bata sa kanilang bagong tahanan. Bagong bahay ampunan, bagong ala-ala, bagong simula.

Nagpakasal na si Lacus at Kira, sa kasalukuyan ay inaalalayan nila si Caridad sa pagpapatakbo ng bahay ampunan. Bumalik na din ang dating lakas ni Lacus at ang kanyang kapangyarihan, ngayon ay natuto na niyang buksan ang totoong potensyal ng kanyang hiyas, ngunit ingat na ingat pa rin siya sa pag gamit nito.

Si Flay?

Ano pa nga ba ang masasabi ko? Sinusuyo siya ng mga dating taong nakatira sa Orb na muli ay pamunuan ng prinsesa ang matagal ng natutulog na kaharian.

Pero pinag iisipan pa rin niya ito. Sa tingin niya kasi'y di pa sapat ang kanyang karanansan para mapatakbo at pabangunin ang isang kaharian.

Kumalat sa buong mundo ang balita na buhay pa ang mga hiyas ng Orb.

Maging ang tiyahin nila na si Murrue ay sang ayon sa muling pag bangon ng Orb

Pero para kay Flay ay may mga bagay lang talaga na kailangang manatili na lang sa kanilang maayos na kalagyan.

Lalong-lalo na kung halos buwan-buwan ay may binatang natutulog sa labas ng kanyang tahanan para suyuin siya.

Paano nga ba niya ulit nakilala si Yzak? Napaka tigas ng ulo ng lalaking iyon, di ata ito nauubusan ng determinasyon. Mag kaganon pa man ay maligaya si Flay dahil sa atensyon na binibigay sa kanya ni Yzak.

Konting oras na lang at bibigay na rin siya sa binata.

Si Murrue? Kasal na sila ulit ni Mwu, konti palang ang ala-alang bumabalik kay Mwu pero kapwa pa rin silang masaya sa piling ng isa't-isa kasama ang bagong dagdag sa kanilang pamilya limang buwan na lang at isisilang na ni Murrue ang kanilang munting sanggol.

Si Shiho at Mayu? Labis na nagkakasundo ang dalawang iyon, napagdesisyonan ni Shiho na kupkupin ang batang babae, sa ngayon ay pinag aaral niya si Mayu para maging isang magaling na imbestigador tulad ng kanyng kuya.

Di na rin nila pinag uusapan ang tungkol sa nakaraan, lalong-lalo na't nakikita ni Shiho na nalulungkot si
Mayu sa tuwing nababanggit niya ang pangalan ng kapatid nito.

Si Nicole naman sa ngayon ay maligaya na, bakit? Kasi may bagong babae na sa buhay niya! Sino? Sa una'y di niyo akalain ang mga nangyari pero, sino ba namang may hawak ng tadhana? Marahil siguro ilang taon na lang mula ngayon ay aayain na niyang magpakasal si Shiho.

si Milly at Dearka? namamahala na ngayon si Milly ng kanyang klinika sa bayan, nag pakasal na rin sila ni Dearka at nag sasama na sila ng payapa. sa ngayon din ay sabay silang nag aaral ng medisina para ma dagdagan ang kanilang kaalaman sa paggagamot.

Naging pala isipan sa bayan ng Plants ang nangyari sa babaeng nakapagbigay sa kanila ng gamot. Sabi ng ilan ay namatay ito dahil sa mga sumugod na rebelde.

Ah oo nga pala anong nangyari sa mga rebelde? Dahil siguro sa sumabog na liwanag ay natigil ang labanan. Nag simulang sumuko ang mga rebelde at kusang sumama sa kulungan. Kakaiba di ba? Parang biglang nawala ang itim na buto nila. Napaka misteryoso talaga ng liwanag na sumabog noong araw na iyon.

Sa ngayon ay tumutulong ang mga rebelde sa pag gawa at pag papatibay ng tarangkahan. Nag sisimula na din silang mag bagong buhay.

Lahat ata ay masaya maliban lang sa isang tao.

. . . . . . . . . .

"Kamahalan, mag pahinga po muna kayo" ang sabi ni Myrna sa lalaking naka upo sa opisina.

Nalungkot sila sa pag panaw ni Cagalli, napaka bait na bata, marami pa sanang magagawa si Cagalli kung di nga lang siya napaslang ng mga rebelde.

Tumingn si Athrun sa kanyang katulong at ngumiti.

"Kailangan kong tapusin ito Myrna" lagi na lang nag mumokmok si Athrun sa isang tabi, kadalasan mo siyang makikitang nag tratrabaho, rumuronda, nag pipinta o di naman kaya'y nakatulala lang.

Buti na lang at di na siya bumalik sa dating Athrun na halos di na ngumiti.

Pero kahit na ngumingiti ang Athrun ngayon ay makikita mo pa rin ang kalungkutan sa mga mata niya.

Madalas din ay dumadalaw si Athrun sa bahay ampunan halos umaga na siyang nakakuwi galing sa punong palasyo, sabi nila ay lagi daw nakaupo ang kamahalan sa isang bato sa labas ng tarangkahan ng kaharian.

"Ihahatid ko na lang po ang hapunan niyo dito kamahalan" matapos iyon ang yumuko si Myrna.

Tumigil si Athrun sa pag susulat at tinitigan niya ang lumulubog na araw sa kanyang bintana.

Ilang beses niyang inisip mag pakamatay para sumunod kay Cagalli pero laging kumakatok sa isipan niya ang sinabi sa kanya ng dalaga.

"Kung mawawala man ako Athrun. Gusto ko'y ipagpatuloy mo ang mabuhay ng masaya."

"Paano pa ako mabubuhay ng masaya Cagalli kung wala ka na? parang sinabi mo na din na wag na akong huminga" ang bulong ni Athrun sa sarili.

(balik tanaw)

Napilitang takpan ni Athrun ang kanyang mga mata dahil sa liwanag na bumalot sa paligid.

Ayaw niya sanang kumurap, ayaw niya pumikit natatakot siya na baka pag dilat niya ng kanyang mga mata ay wala na si Cagalli.

Naramdaman niya ang init sa kanyang puso, gusto niyang magalit kay Shinn, kay Gibson. . bakit kailangan nilang agawin sa kanya si Cagalli? Di pa ba sapat ang oras na binigay sa kanila ni Cagalli? Gusto niyang magalit sa sarili niya dahil, di niya natupad sa sarili niya na di na niya pakakawalan si Cagalli.

Pero kung di ba iyon ginawa ni Cagalli, may kasiguraduhan bang maililigtas ang buong mundo?

Sinakripisyo ni Cagalli ang sarili niyang buhay para sa kaligtasan ng buong mundo.

Dinilat ni Athrun ang kanyang mga mata. naiinis siyang isipin na walang galit ang namutawi sa dibdib niya. Pero di ibig sabihin noon ay di na siya nakaramdam ng lungkot.

Sumigaw siya, malakas, paulit-ulit, lumuhod siya sa lupa at umiyak.

Wala na si Cagalli, wala na din si Shinn, naglaho na sila. . nag laho si Cagalli kasama ang puso niya.

Matagal siyang umiyak doon bago siya natagpuan nila Mwu.

(wakas)

Di na natiis nila Lacus at Flay ang sitwasyon ni Athrun kaya pinuntahan nila ang batang hari ng Plants.

"Maupo kayo" ang sabi ni Athrun ng may ngiti sa mga bagong dating niyang mga bisita.

"Wag kang ngumiti ng ganyan Athrun nakakatakot" ang sabi ni Flay habang umuupo sa upuan katapat si Lacus.

"Gabi na, anong pakay niyo? Kumain na ba kayo ng hapunan?" di pa rin nawawala sa mukha ni athrun ang ngiti.

"Nawalan na kami ng gana." Ang maikling sagot ni Flay.

"Athrun, di matutuwa si Cagalli pag nakita ka niyang ganyan. . ." ang paliwanag ni Lacus.

"Anong ibig mong sabihin? Masaya naman ako Lacus" ang paliwanag ni athrun habang umuupo siya sa sarili niyang upuan.

"Tss! Laki mong sinungaling!" inirapan ni Flay ang binatang nasa harapan niya.

"Ano bang nararamdaman mo Athrun? may gusto ka ba?" ang tanong ni Lacus.

Bigla na lang nawala ang ngiti ni Athrun.

"Alam mo kung sino ang gusto ko Lacus"

"Athrun. . "

"Gusto kong ibalik ang nakaraan."

Nagtinginan ang magkapatid at isa iglap ay nakabuo sila ng plano sa kanilang isip.

"Paano kung may kilala kaming kayang mag balik ng nakaraan?" ang tanong ni Lacus.

Tinitigan ni Athrun ang mag kapatid..

"Athrun. . kung gusto mong bumalik sa nakaraan madali lang yon, pero bibigyan kita ng babala, pag may kamatayan, may kamatayan. Di mo mababago ang mga magaganap tulad ng pagka matay ng isang tao. Babalik ka sa nakaraan kung saan buhay pa si Cagalli, buhay pa si Mia, ang ama mo, si Gibson at kung sino-sino pa, pero maaring sa ibang sitwasyon, maaring hindi na ikaw ang hari ng Plants, maaaring isa ka lang pulubi, maaring nakatayo pa rin ang kaharian ng Orb.. . maraming posibilidad, sa pag balik mo sa nakaraan maari ding, bumalik sa puso mo ang dati mong nararamdaman kay Mia, paano mong panghahawakan iyon?" ang tanong ni Lacus.

"Gusto ko lang naman, makasama ulit si Cagalli at sisiguraduhin kong di ko na siya papakawalan, marahil siguro'y pag naayos ko na ang kaharian ay susunod na ako kay Cagalli" naramdaman ni Athrun ang mainit na sampal ni Flay sa kanyang pisngi.

Nakatayo ni Flay at labis ng nagpupuyos sa galit.

"Sa tingin mo ba'y di rin namin gustong makasama ang sarili namin kapatid?! Tingnan mo nga ang sarili mo! Alam mo pa ba ang mga sinasabi mo? Ha Athrun? maging kami ni Lacus ay nais bumalik sa nakaraan! Pero naisip ko lang na may mga bagay na dapat na lang nating iwanan! Hayaan na lang nating mag desisyon ang kapalaran sa buhay natin!" marami pang gustong sabihin si Flay pero natigilan siya ng biglang tumayo si Athrun.

"Yon na nga ang mali, hinayaan ko ang tadhana kaya nawala sa akin si Cagalli! Sabihin mo na ang babaw kong tao, wala akong pakielam, ngayon ko lang nalaman ang gusto ko, matagal na akong naging alipin para sa kaligayahan ng iba, gusto ko namang sundan ang kaligayahan ko".

Tumayo si Lacus at hinawakan niya ang kamay ng kanyang kapatid.

"Aalis na kami Athrun, sa tingin ko'y kailangan mo lang ng pahinga, magandang gabi sa iyo, nawa'y salubungin ka ng isang magandang umaga sa pag gising mo" matapos iyon ay umalis na ang dalawa sa opisina ni Athrun...

"Sana'y salubungin na ako ng kamatayan sa pag gising ko. . "

. . . . . . . . .

"Lacus! Alam mong may mga bagay na di na tayo pwedeng makielam. . isipin mo, pag ginawa natin ito, maging ang buhay ng mga tao sa paligid natin ay magugulo din!" ang sabi ni Flay sa kanyang kapatid, nasa labas lang sila ng pintuan ng opisina ni Athrun.

"Alam ko Flay, pero di mo ba gustong makasama si Cagalli? Si Ina at si Ama? Isipin mo, makakapiling muli ng mga taong namatayan ang kanilang pamilya, di mo rin masasabi kung anong mangyayari sa atin pag bumalik tayo sa nakaraan, baka mag simula tayo ulit sa umpisa, pero sa bandang huli ay matutuklasan pa din natin na mag kapatid tayo." Ang mahinahon na paliwanag ni Lacus. Napabuntong hininga si Flay.

"Lacus, ikaw na rin ang nag sabi, pag may kamatayan, may kamatayan! Mamamatay din si Cagalli kahit na bumalik tayo sa nakaraan."

"Isipin mo Flay baka sa pagkakataon na ito'y di natayo magkakahiwalay pa, kokonti lang ang oras na nakasama ko si Cagalli,baka sa nakaraan kung saan iba na ang sitwasyon baka mabuo ulit ang pamilya natin"

"Hay! Maryosep! Di mo ba naisip na marami tayong masasakripisyo! Isipin mo, pag bumalik tayo sa nakaraan . . maaring mag kaibigan na lang kayo ni Kira! Gusto mo ba iyon?" ang hirap talagang makipagdebate sa sarili niyang kapatid

Ngumiti si Lacus

"Handa ako sa ano mang sakripisyo, Flay, ang mangyayari ay mangyayari. Kailangan lang nating tumaya at mag dasal, kailangan lang nating umasa na magiging tama ang lahat oras na bumalik tayo sa nakaraan" ang paliwanag ni Lacus.

"Di pa ako handa Lacus, paano ang buhay ng ibang tao"

"Maaayos din ang lahat" ngumiti na lang si Lacus.

Sinabi sa alamat na may mga malinis na hiyas ang makapagbabago ng mundo, ang makapgpapasaya ng mga tao. Sana'y totoo nga iyon.

"Wala namang masama kung susubukan di ba?" ang tanong ulit ni Lacus habang hinahawakan ang kamay ni Flay.

Huminga ng malalim si Flay at pinisil niya ang kamay ng kanyang kapatid.

Nag ngitian silang dalawa.

"Hanggang sa muli?" ang tanong ni Flay.

Tumango si Lacus.

"Hanggang sa muli"

Nabalot ng liwanag ang buong mundo, lahat ay gigising sa isang bagong umaga. Umagang kailangan nilang harapin, namnamin at pagyamanin.

. . . . . . . . . . . . . .

End

. . . . . . . .

Huwa! Huwa! Huwa!

Thank you guys!

Di ko alam kung kelan ko i popost yung sequel! Pero kung tingin niyo ay masisira lang yung story pag gumawa ako ng sequel paki sabi lang ha!

Love you guys!