Disclaimer: i do not own gs or gsd! Kaloka! Sana akin na nga lang ang gsd! For sure di ko tatanggalin yung kissing scene nila athrun. . .kaloka talaga itong mag asawang ito di pa nakuntento sa pag torture sa aming mga asucaga fans
special thanks to: rynne marge *for the final touch*
ALTERNATE ENDING!
. . . . . . . . . . . . . . . . . .
Sa bayan ng Orb, sa isang liblib na lugar, malapit sa templo ng Humea, may isang bato, batong nagtataglay ng isang propesiya.
Nakaukit dito ang lahat ng mangyayari sa hinaharap.
Sinasabing namataan lang ito kasabay ng pagbigay ng mga diyos kay Uzumi ng kapangyarihan.
Wala talagang nakakaalam sa kung anong, nakukit sa batong ito.
Sa paglipas ng panahon ay nakalimutan na ang tungkol sa propesiyang ito kasabay ng pag guho ng kaharian ng Orb.
Ano nga ba ang nilalaman ng propesiya?
Sa araw na mag tagpo ang itim at gintong liwanag
Kakalat sa mundo ang nakasisilaw na sinag
Hiyas ay di maaaring mag kulang
Pagkat' maraming tao ang malilinlang
Mag sasanib sila at magkakagulo
Mapupunta ang lahat sa isang bagong mundo
Bagong mundo na walang ibang nakaka alam
Sa nakaraan at kinabukasang inaasam-asam
. . . . . . . . . . . . . . . .
Sumabog ang gintong liwanag sa buong paligid, a sobrang liwanag ay napilitang takpan ni Athrun ang kanyang mga mata.
Ayaw niya sanang takpan ang kanyang mga, natatakot siya na baka sa pag dilat niya ng mga ito ay baka mawala na sa kanya si Cagalli, mag laho na parang liwanag.
Gusto niyang tumakbo, para hilahin pabalik ang tanging yamang iniingatan niya.
Nagagalit siya sa sarili niya kung bakit ang hina-hina niya, nandoon lang siya, naiwang nakatayo at tulala, pinapanood na yakapin ni Cagalli ang lalaking kinamumuhian niya.
Dahil lang sa isang pangako kaya sumama si Cagalli sa lalaking iyon?
Pero kung di ba iyon ginawa ni Cagalli, may sasalba ba ng mundo?
Kaya ba talaga ng kapangyarihan ni Gibson na wasakin ang mundo gamit ang kanyang kapangyarihan?
Bakit si Cagalli pa?
. . . . . . . . . . . . . .
Tinititigan ni Kira si Lacus, ilang araw ng natutulog ang dalaga. Nag sisimula na siyang mag alala. Di pwedeng sumalalay ang katawan ni Lacus sa bastang swero lang.
Hinahawi ni Kira ang buhok sa mukha ni Lacus ng bigla niyang makita ang pulang apoy na lumalabas sa katawaan ng dalaga.
Nanlaki ang kanyang mga mata.
Nag simula niyang gisingin si Lacus, pero ayaw pa rin dumilat ang dalaga.
Nagangamba na si Kira.
Anong nangyayari kay Lacus?.
Sa araw na lumabas ang gintong sinag
Lalabas din ang pula at dilaw na liwanag
Ang sakripisyo ng isa ay sakripisyo ng lahat
Sa kapangyarihan ng itim na liwanag ito ang tatapat
. . . . . . . . . . . . .
Tahimik na pumasok si Yzak sa loob ng silid ni Flay.
Nandoon lang siya nakatayo at nakatitig.
Gusto niyang hawakan ang dalaga.
Pero ano nga bang karapatan niya? Di siya nag tagumpay na protektahan si Flay.
Nagagalit siya sa sarili niya.
Bakas sa mukha niya ang pagsasalubong ng kanyang kilay.
Akala niya noong una ay madali lang ang lahat.
Paano pa niya susuyuin si Flay kung ang maprotektahan lang ang dalaga ay di pa niya nagawa?
Bumilis ang tibok ng puso niya ng makita niyang umungol si Flay kasabay ng paglabas ng dilaw na apoy sa kanyang katawan
Di na nagdalawang isip pa si Yzak na tapikin si Flay.
"Flay! Flay!" ang sabi ni Yzak habang ginigising ang dalaga.
Pero walang nangyari.
Iikot ang mundo pabalik
Mababago ang lahat sa isang tapik
Babangon ang patay
At magbabago ang ikot ng buhay
.. . . . . . . . . . . . . . . .
Halos lahat ng tao sa mundo ay tumigil ang galaw at kilos.
Bumalot ang pinagsamang ginto, dilaw at pulang liwanag, kasabay nito ang pagkawasak ng bato ng natupad na propesiya.
Walang may alam kung anong mangyayari, walang makakapagdikta kung anong susunod na kaganapan.
Lahat ay ipapanganak muli
Ito ang ibibigay na sukli
Isang sambit ng paalam
At isang bugso ng bagwis na pinakaaasam
. . . . . . . . . . . . .
Sa oras na maghalo ang gintong liwanag at ang dilim
Sasama din ang pula at dilaw.
Di sapat ang isang hiyas laban sa itim na liwanag.
Itim na liwanag na nakuha at nabuo dahil sa pag higop ng ginto, dilaw at pulang hiyas.
Kung saan ito nanggalling, doon din ito babalik.
Kaya lang sa pagsasama ng mga hiyas ay may isang pangyayaring magaganap.
Babalik ang nakaraan dahil sa kapangyarihan ni Flay.
Maghihilom ang sugat sa puso ng bawat isa at haharap sa panibagong bukas dahil sa kapangyarihan ni Lacus.
Makakalimot ang lahat at isisilang muli, sa isang bagong mundo, sasalain ng kapangyarihan ni Cagalli ang lahat ng masasama.
Ngunit sapat na nga ba iyon para mapuksa lahat ng masasamang mithiin na sasalubong sa kanila sa isang bagong mundo? Kung saan babalik sila sa nakaraan? Walang kasiguruhan kung anong naghihintay sa kanila.
Walang pangakong maiiwan.
Walang taong kilala
Lahat ay bago
Lahat ay mag sisimulang muli
Pero isa lang ang maiiwan
Kung may kamatayan
Ay mananatiling may kamatayan.
. . . . . . . . . ..
Hanggang sa muli!
Hahahahahahahaha kayo mag decide kung alin sa dalawang ending ang trip niyo okies?
