Sa bahay ng ASEAN
Chapter 29
ASEAN – Sasara ang bulaklak, bubuka ang bulaklak, papasok ang Nordics pakembot-kembot pa…
"Kuuuuuuuuyaaaaaaaaaaaa!"
"Ayoko!"
"Kuuuuuuuuyaaaaaaaaaaaa!"
"Hindi ko sasabihin!"
"Sige na… alam kong gusto mo"
"Ayoko sabihin, hindi ko sasabihin at wala akong balak sabihin" dipensa ni Emil. Nagsimula nanaman kasi si Lukas sa pangungulit.
Nag-pout na lang si Lukas dahil alam niyang matigas ang ulo ng kapatid, kaya inabala na lang ang sarili sa pagmamasid sa mga nangyayari sa labas ng sasakyan.
"Hay naku Lukas, huwag mo na kulitin iyang kapatid mo at wala kang mapapala" payo ni Tino.
"Tama" pagsang-ayon ni Berwald na hindi inaalis ang tingin sa kalye dahil siya ang nagmamaneho.
"Pffft… tigas kasi ng ulo, haaay naku magkapatid nga kay—ACK!" kawawang Mathias hindi na natapos dahil sinakal nanaman ni Lukas gamit ang kurbata.
"Hn… manahimik ka nga siraulong Dane." At tsaka binitawan ang kurbata.
Habang hinihimas ang leeg "ikaw naman, nagsasabi lang naman ako ng totoo, magkapatid naman talaga kayo di ba? Masyado kang sensitive."
"Pwede ba? Tantanan ninyo na ako, change topic, walang aangal!" sabay sumimangot ang kanina pang iritableng si Emil.
"Di kita, tatantanan!" sabi ni Lukas mala Mike Enriquez.
"Kulit muh" sagot ni Emil.
"Gaya ng ano? Yung status ninyo ni Lili?" at ngumisi ng malaki si Mathias.
Nangamatis sa pula "U-uy… hin-hindi ah, b-bakit naman iyan ang naisip mong topic, change topic ulit."
"Eeeemiiilllllllllll…" panimula ni Lukas.
"B-ba-bakit?"
"Bakit wala si kuyang alam tungkol diyan?" tanong ni Lukas.
"Uh… malapit na ba tayo?" tanong ni Emil kay Berwald at pag-iwas na rin sa tanong.
"Dito na." sagot nito. Kalalabas pa lang nila ng sasakyan ng may marinig silang nagsisigawan.
"Anu yun?" tanong ni Tino.
"Huwag kang matakot asawa ko." Sabi ni Berwald.
"Hindi mo ako asawa!"
"ANG GULO-GULO NINYO"
"TAMA NA IYAN"
"BUMABA KA DIYAN ~ANA"
"KHIN UPO"
"BITAWAN NINYO IYAN BAKA MABASAG"
"ANO BA… ISUOT MO IYANG DAMIT MO"
"PILI HUWAG KANG MANUNUNTOK"
"Uh… akala ko ba naman si Lukas at Emil lang ang magkapatid na magulo, eh… mas matindi pala itong mga SEA siblings" wika ni Mathias.
Nanahimik bigla ang kabahayan at bumukas ang pinto para bigyang daan si Tai, agad itong sumalubong ng makita ang mga bisita.
Pinagdikit ang mga palad at yumuko ng bahagya "pasensya na kayo at ganito kagulo ang nadatnan ninyo, huwag kayong mag-alala at solve na ang problema, tuloy kayo." Paanyaya ni Tai.
Nang makapasok ay tinungo nila ang bakuran kung saan naroroon ang iba pang SEA, nagtaka ang mga Nordics ng makita ang mga ito.
"Mukhang may activity kayo o baka parusa nila iyan?" Puna ni Emil habang papalapit sa magkakapatid na sa kasalukuyang naka-ikot habang magkakahawak ang kamay at ang isa sa kanila ay nasa labas ng bilog.
"Ah… hindi, family bonding naming ito, mga hyper kasi kaya kailangan ng pang-ubos ng energy, kaya eto maglalaro kami." Paliwanag ni Tai.
"Laro? Anong tawag diyan?" tanong ni Lukas sabay kaway kay Pili na ngumiti ng malaki.
"Ang haba kasi ng pangalan kaya tawagin na lang nating flower game" sagot ni Noi. Matapos nito ay ipinaliwanag ang paraan ng paglalaro.
"Ah… pwede sumali?" tanong ni Tino.
"Oo ba walang problema, the more the many" masayang sabi ni Rangsey.
"Baka the more the merrier, tanga!" pagtatama ni Noi.
"May tama ka!" sabi ni Mari.
"Tara game!" sambit ni Ahnan. At magsisimula na sana ng mapansing may nawawala.
"Uh… Emil nasaan ang kuya mo? At bakit pati si Pili nawawala?" tanong ni Mathias kay Emil.
"Aba malay ko, baka may lihim na balak itanan si Pili. Malay ko ba" sagot ni Emil.
"HINDIIIIIIIIIIIII ang baby sister ni aketch ~ana" sigaw ni Tai sabay luhod kasunod nito ang pasabunot kay Hadyiri. (a/n: Aba hindi niya syempre sasaktan ang kanyang spiky hair na walong oras niyang inayos)
Bumulong kay Kim "anong nangyayari sa kanya at bakit ganyan magsalita iyan? Ginamitan ba siya ng mahika ni Pili?" tanong ni Tino.
"Hindi, napanood kasi niya yung YouTube video ni Mudak at Junakis, ayun nahawa na." sagot ni Kim, bigla itong naglabas ng malaking sagwan. "Hanapin ninyo yung dalawa, madali kayo at baka itinanan nga ng Norwegian si Pili. Dali!" utos pa nito.
Sumaludo "Yes ma'am!" at nagsipagtakbuhan sa iba't-ibang direksyon.
Sa ibang dako ng kabahayan a.k.a basement
A-ACHOO!
"Oh, okay ka lang?" tanong ni Pili habang hinihimas ang likod ni Lukas.
"Ayos lang" sagot nito habang kinakamot ang ilong matapos nito ay inabala ang sarili sa pagkuha ng ilang boteng may laman na… uh… wag ninyo na itanong kung ano dahil… uh… kakaiba ah basta kakaiba ang laman.
"Ano ba kasi ang spell na hinahanap mo at nagpunta ka pa sa akin, may sariling spell book ka naman di ba?" tanong nito habang binubuklat ang isang napakalumang libro matapos nito ay ibinalik at kinuha ang librong iniabot ng troll na kasakasama ni Lukas.
Ngumiti "salamat Bjarte" sabi ni Pili sa troll.
"Hmm… spell para sa…" lumingon sa paligid na waring may hinahanap bago bumulong "… para sa kapatid ko, gusto kong i-chibify para sanayin na tawagin akong kuya at pagkatapos tsaka ko siya ibabalik sa dati."
"Oh… may nakita akong ganoong spell sa libro mo, bakit dito ka pa pumunta? At bakit ka namumula?" tanong ulit ni Pili.
Namumula "w-wala sige na tulungan mo na lang ako" 'just think, like kapag bata na ulit si Emil like he's so totally cute!' sabi sa sarili.
Matapos ang ilang minutong pag-hahanap
"Eto! Nahanap ko na kaso, tricky ang mga kailangan mo."
"Ano?"
"buhok ng taong gagamitan mo ng mahika pero dipende sa dami kung anong edad mo siya paliliitin kung 5 years old limang buhok kung 3 tatlong buhok etc. pero kailangan bagong pitas, hindi pwede yung galing sa suklay."
"Hmm… Ano pa?"
"Mga gamit na pambata ni Emil mas maganda kung mga suot-suot niya"
"Walang problema diyan may mga nakatabi akong damit at sapatos niya."
"Tapos usok mula sa apoy na may halong insenso at kamanyang"
"Meroon ka ba nun?"
"Mayroon, ayun katabi ng dinurog na kuko ng komodo dragon" at tumuro gamit ang labi sa garapong katabi ng nasabing sangkap. Nagblush si Lukas sa ginawa ni Pili. "Wow! Kissable" isip nito.
"Ano pa?"
"At tatlong beses na pagsambit nitong dasal" at ipinakita ang libro. Nagkunot ng noo si Lukas at nagtanong.
"Walang bang English or Norwegian translation iyan?"
"Wala eh, sorry, hindi pa uso ang translation noon sa ibang wika."
"Hmm… paki turo naman sa akin kung paano ang pagbigkas niyan."
"Sige, sundan mo ako."
Mula sa katandaan;
Hanggang sa kabataan;
Muling ibalik, sa pagiging paslit.
Sa aking pagsamo
Taong aking nais
Kamusmusa'y ibalik
"Medyo may accent pero pwede na" naglagay ng tanda sa libro at binigay kay Lukas "kailan mo naman balak gawin iyan."
"Sa darating na kabilugan ng buwan." Sagot nito.
"Kabilugan ng buwan?" nagbilang "sa Sabado na iyon, mayroon ka pang tatlong araw para kunin yung buhok ni Emil, dahil iyon ang pinaka mahirap kunin"
"Kaya nga… medyo mailap si bunso pero" nagtaas ng kamao "kaya ko ito."
"May tama ka!"
Makailang saglit pa at muling nagpakita si Bjarte at may dala itong tsaa at mga biskwit.
"Ang bait naman ni Bjarte" papuri ni Pili habang hinihimas ang ulo nito at sumagot ito ng isang ngiti.
Bumulong "mabait din naman ako"
"Hmm… may sinasabi ka?" tanong ni Pili.
"W-wala" sagot ni Lukas at uminom ng tsaa.
"Sweet naman ni Bjarte" papuri muli ni Pili ng abutan siya nito ng pamunas matapos abutan si Lukas.
"hmp… mas sweet pa ako diyan" bulong muli ni Lukas.
"Hmm…?" tanong ni Pili.
"Wa–" pero hindi na nakatapos dahil…
"NORGE!" sigaw ni Mathias matapos pwersahing buksan ang pinto.
"Hay! Nagpakita ang pasaway na Dane" bulong ni Lukas.
"NORGE, KUNG ANO MAN ANG BALAK MO WAG MO ITULOY!"
"Huh?" takang sagot ni Pili at Lukas. Biglang pumasok ang iba pang Nordics.
"KUYA HUWAG PO!" sigaw ni Emil na hindi namalayan ang sinabi. Pumasok na rin ang iba pang SEA ng marining ang sigaw ni Emil.
Nabigla at nangingilid ang luhang tumingin kay Pili "narinig mo iyon?" suminghot "kuya…" bulong pa nito.
"Congrats! Mukhang hindi mo na kailangan gumamit ng mahika" pagbati ni Pili.
Hindi pa rin makapaniwala "Tinawag niya akong kuya" tumulo na ang luha at niyakap si Pili.
"MAGPAPAINOM AKO!" sigaw ni Lukas.
"INUMAN NA!" sigaw ng SEA + Denmark at inilabas ang mga inumin sponsored by Lukas using magic at iba pang pagkaing mula pa sa iba't-iba dako ng Southeast Asia at Scandinavia at sinimulan na ang inuman.
Maya-maya…
"Kuuuuuuuuyaaaaaaaaaaaa!"
"Ayoko!"
"Kuuuuuuuuyaaaaaaaaaaaa!"
"Hindi ko sasabihin!"
"Sige na… nasabi mo na eh!"
"Ayoko sabihin, hindi ko sasabihin at wala akong balak sabihin ulit" dipensa ni Emil. Nagsimula nanaman kasi si Lukas sa pangungulit.
Shurah: So far ang pinaka mahabang chapter na ginawa ko at 1 month in the making but finally natapos na rin. Sa wakas narinig na rin ni Lukas ang pinaka-aasam na salita mula sa kanyang bunsong kapatid at hindi na niya kailangan pang gumamit ng mahika pero ano ito? I smell someone with kindava… crush. Marami pang susunod kaya huwag kayong aalis babalik pa ang… Sa Bahay ng ASEAN.
Habang ang ASEAN – Truth or dare ay maitutuloy lamang po kung ay sapat ng suggestion kaya mapapansin nyong hindi sunod-sunod ang chapters sa portion na ito. Kaya kung meron kayong character na gustong isama o kaya dare na gustong ipagawa sa character na included sa chapter, i-send nyo lang thru reviews.
