Chapter 29
"Kiyaaaa! Ayako-chan! Nabasa mo na ba 'to?!" Tili ng isa sa nga kaklase ni Ayako.
Kasalukuyang silang nasa gym nang hapong iyon dahil sa practice. Naroon din sina Haruko at and dalawang kaibigan
Nagulat sila sa biglaang pagsulpot ng isa sa mga kaklase ni Ayako.
"Tungkol saan, Susumi-chan? Bakit parang excited na excited ka?"
"Ayako-chan! Di mo ba alam mamaya na ang premier ng "Yuki'!?"
"Waaaa, talaga! Wala akong balita...pambihira! Mabuti na lang sinabi mo sakin!"
"Wow! Talaga...mabuti naman at ginawan nila ng anime ang Yuki...sigurado kong maganda ko yun!" Sabat naman ni Haruko.
"Teka, teka sinong Yuki naman yan?" Sabat naman ni Miyagi na nakisali sa usapn ng mga babae.
"Ay naku Ryo-chan, wala ka talagang alam sa mga paborito ko. Di mo ba alam na si Yuki ang pinaka cool at hot na manga character sa balat ng lupa. Mabuti na lang at may anime na siya... Kogure, pwede ba kaming makinood sa inyo mamaya?"
"Walang problema Ayako." Nakangiting pagsang ayon ni Kogure dito.
"Oi, oi teka, Ayako bakit samin...may tv naman kayo sa dorm nyo..." Pagtanggi ni Mitsui.
Sina Mitsui at Kogure ay magka 'roommate'.Pagdating ng college ay huminto na sa paglalaro ng basketball si Kogure ngunit patuloy pa rin itong sumusuporta at tumutulong sa team.
"Malaki kasi ang tv nyo at flat screen pa hihihih, wala ka nang magagawa pumayag na si Kogure." Sabay kindat nito sa kausap.
Okey, pero ngayon lang ha. Saka magdala kayo ng snack." Pahayag ni Mitsui habang napakamot sa ulo.
"Teka Aya-chan, yun ba yung madalas mong binabasa. Yung sabi romance comedy, tapos red hair yung bida."
"Oo, siya na nga yun. Nakita mo naman di ba kung gaano kagwapo."
"Gwapo ba yun? Parang gunggong naman...Eh di ba singer sya sa manga. Sa tingin mo kaya yung gaganap na boses nun gwapo rin. Baka madismaya lang kayo pag matanda na yung voice actor nun."
"Aya-chan! Di mo pa ba narinig sa radyo yung theme song ng Yuki?! Ano ka ba naman, di ka updated?!"
"Waaaaa...talaga?! Puro boring na basketball player kasi mga kasama ko..kaya pati ako nahahawa."
"Ang ganda kaya ng boses niya! Ang sabi college student din siya tulad natin. Kaso di pa nila pwede sabihin kung sino."
"Wow talaga! Sana kasing gwapo rinni Yuki!" Gilalas ni Haruko pati ng kanyang mga kaibigan.
"Teka, ipaparinig ko sayo, may record ako." Matapos ay dumukot ito sa bag niya upang kunin ang kanyang iPod.
Naupo sila sa gilid upang pakinggan ang kanta. Napailing na lamang ang ilan sa mga member ng team sa mga babaeng andun. Kita nila kung gaano ito ka obssess sa sinasabi nilang si Yuki.
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
"Nagkausap na ba kayo ni Hana-kun? Tumawag siya sakin, tinatanong kung kamusta ka na. Di mo daw sinasagot ang tawag niya." Tanong ni Fujima sa kaibigan. Kasalukyan siyang nasa kusina habang hinihiwa ang cake na kanyang ginawa.
"Hindi pa...hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Pagkatapos ng mga sinabi ko, wala na kong mukhang ihaharap sa kanya." Malungkot na paliwanag ni Maki dito.
"Nag-aalala siya sayo Maki. Di magagawang magalit sayo ni Sakuragi. Oo nga't may nasabi kang di maganda, peros a tingin ko naintindihan ka niya." Wika ni Hanagata habang inilalapag ang dalang tray na may lamang maiinom.
"Teka, bakit nyo nga pala ako pinapunta dito sa bahay nyo? Nabanggit nyo na may panonoorin tayo."
"Hehehe, yan na nga ba ang sinasabi ko. Dahil ayaw mong sagutin ang tawag ni Hana-kun, wala ka nang balita tungkol sa kanya. Di mo ba alam ngayon ipapalabas ang anime drama na ginanapan niya."
"Anime drama? Ano yun?"
"Ang alam ko Yuki ang title. Si Sakuragi ang voice actor ng main character...at bukod pa dun siya rin ang kumanta ng opening at closing theme song."
"Ta..talaga?! Kaylan pa? Wala akong balita!"
"Pinairal mo kasi ang selos! Hehehe...tumawag siya sakin para sabihin ko din sayo. Nagsimula lang sila nung bakasyon natin. Minadali kasi ang recording nila para maipalabas agad. Special premiere ngayon kaya two episodes ang ipapalabas."
"Hindi ko alam na may talent pala sa voice acting si Sakuragi at pati sa pagkanta."
"Narinig ko na yung kanta. Maganda siya. Di ko akalain may talento talaga siya sa pagkanta.
Pagbukas ng tv, hinanap agad nila ang channel kung saan ito ipapalabas. Habang nag aantay, salo-salo nilang kinain ang cake na ginawa ni Fujima.
Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Masayang nagtatawanan sina Youhei at Shinohara sa sala nang hapong iyon. Tuwang-tuwa sila sa pinapanood nila. Habang si Asami ay nakaupo lamang at walang ekspresyon ang mukha sa pinapanood.
"Ok Youhei, anong pinapanood mo...parang tuwang-tuwa ka?" Tanong ni Sakuragi na nooy ay katatapos lang maligo.
Nakatapis lamang ito ng tuwalya habang ang tinutuyo niya ang kaniyang buhok. Napangiti ito nang makita ang kaniyang mga bisita sa kanilang sala na nanonood ng tv.
"Konbanwa, Asami-san, Shinohara-san. Kanina pa ba kayo?" Masayang bati sa dalawa.
Dahil sa kainosentihan, di niya alintana ang malagkit na tingin na ipinupukol sa kanya ni Asami.
"Ehem, ehem... Ano... Hanamichi, baka gusto mong magbihis muna bago ka magpakita samin."
"Eh, hehehe...oo nga pala. Pasensya na, muntik ko nang makalimutan." Nakangising wika nito habang kumakamot sa ulo.
"Di ko alam na mas maganda kang tignan pag nakatapis lang." Komento ni Asami dito na muling ikinapula ng mukha nito. Pinagpawisan lang ang dalawa sa komento nito.
Pagpasok ni Sakuragi sa kanilang kwarto, agad naman siyang sinundan nito. Pagsara ng pinto agad niya itong inialak. Nais mang awatin ni Youhei ay di na niya naisip gawin iyo dahil sa bilis ng pangyayari. Nakiramdam na lang silang dalawa sa magiging reaskyon ni Sakuragi.
"Waaaaa! Asami-san! Anong ginagawa mo dito?!" Narinig nilang sigaw ni Sakuragi. Napakamot na lang sila sa reaksyon nito at kakatukin na sana niya ito nang bigla itong tumawa nang malakas.
"Nyahahaha...okey okey! Sige...sandaliang." Nang marinig iyon ay bumalik siya sa kanyang kinauupuan at nakiramdam.
Makalipas ang mahigit kalahating oras ng kanilang pakikiramdam sa dalawang nasa loob ng kwarto, lumabas na ang ito. Halata sa mukha ni Sakuragi na iniiwasan nito na tumingin sa kanyang kaibigan.
Magkatabi silang naupo sa sofa habang sina Shinohara at Youhei ay naupo sa upuang mula sa kusina.
Sa sofa, masuyong inihilig ni Asami ang kanyang ulo sa balikat ni Sakuragi habang ang isa niyang kamay ay nakapulupot sa beywang nito.
Dahil dito, muling namula ang binata at pilit na ibinabaling ang kanyang atensyon sa telebisyon at iniiwasan ang nga tinging ipinupukol sa kanya ng dalawa.
