Sa bahay ng ASEAN
Chapter 37
ASEAN – Ano ba? Hindi ako makatulog!
[insert intro ng Hetalia Counting sheep]
Buntong hininga, matapos nito ang pagbago ng pusisyon, tumagilid, dumapa, humiga at ilang beses na pagpapaikot ng unan para lang mahigaan ang malamig na parte nito, (a/n: hilig kong gawin iyan.) hanggang sa bumukas ang pinto at pumasok si Kim. Umupo ito sa tabi ni Pili upang hatakin ang kumot na tumatakip sa mukha nito at gaya nga ng kanyang hinala dilat na dilat pa ito.
"Pasado alas onse na, bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ni Kim.
"Hindi po kasi ako makatulog Ate Kim" sagot ni Pili habang nilalaro ang unan sa tabi.
"Bakit naman?" umiling lang ang kapatid. Nagisip si Kim ng sumandali at humiga sa tabi ni Pili. "Laro na lang tayo." Suhestiyon nito.
"Anong laro?" tumagilid ito upang humarap sa kausap.
"20 questions, gusto mo ba?" tumungo si Pili at unang nagtanong si Viet.
Kim: Paboritong kulay?
Pili: Pula, Asul, Puti at Dilaw
Pili: Pinakamatigas ang ulo?
Kim: Hadyiri at Ahnan
Tumawa ang dalawa at putuloy na nagtanungan.
Kim: Paboritong pagkain?
Sasagot na sana si Pili ng dali-daling sinabi ni Kim na
"Isa lang, dahil alam kong marami kang gustong pagkain" at tsaka tinapik ng daliri ang ilong ng kapatid,.
Pili: Balut!
Pili: Paboritong hatawin ng sagwan?
Kim: si Kuya Yao
Magtatanong pa ulit sana siya ng mapansing walang epekto ang ginagawa nilang laro.
"Ate Kim?"
"Huh? Uh… mukhang kabaliktaran ang nangyayari, gising ka pa rin" nag-isip muli "Ah alam ko na, magbilang na lang tayo ng tupa" wika nito.
Umupo "Tupa? Ah… narinig ko na iyan sabi epektibo daw na pampatulog… hn, duda ako" ani ni Pili at sumimangot ito.
"Bakit hindi natin subukan" at hinatak pa higa si Pili "ipikit mo na ang mga mata mo at magbibilang na ako." At ipinikit nga ng kapatid ang mga mata, tumihaya si Kim at nagsimula magbilang.
"Isang tupa… dalawang tupa… tatlong tupa… apat na tupa… limang tupa… anim na tupa… pitong tupa… walong tupa… siyam na tupa… sampung tupa…" sinilip ang kapatid at nakitang inaantok at ito kaya itinuloy ang pagbibilang.
"Ate Kim"
"Hm?"
"Mukhang mabisa ang pagbibiling ng—" naghikab "—tupa, ah…"
Tumawa ng mahina "mukha nga, sige na pikit na ulit" at nagpatuloy muli.
"Labingisang tupa… labingdalawang tupa… labingtatlong tupa… labingapat na tupa… labinglimang tupa… labinganim na tupa… labingpitong tupa… labingwalong tupa… labingsiyam na tupa… dalawampung tupa…" naghikab dahil maging siya ay inaantok na rin.
"Kakagutom ah… pahingi naman ng diormhifuapoi…" bubulong-bulong sa sabi ni Pili, mukhang nananaginip na ito.
"Pfft…" tinakpan ang bibig para pigilin ang pagtawa at upang hindi magising ang kapatid at bumulong "pati sa panaginip pagkain ang nasa isip" at muli siyang nagbilang.
"Dalawampu't-isang tupa… dalawampu't-dalawang tupa… dalawampu't-tatlong tupa… dalawampu't-apat na tupa… dalawampu't-limang tupa… dalawampu't-anim na tupa… dalawampu't-pitong tupa… dalawampu't-walong tupa… dalawampu't-siyam na tupa… tatlongpung… tupa…" hanggang pati siya ay nakatulog na rin.
Tanging mga kuliglig lang ang naririnig at ilang koro ng mga palaka; sa higaan mahimbing ng natutulog ang dalawa, sa labas isang lagabog ng mga paang waring nagmamadali, tumigil ito sa labas ng pinto ni Pili at…
BAM!
"Gising pa ba kayo? Naririnig ko kayong nag-uusap, hindi pa ba kayo matutu… log" puna ni Yao at isang sagwan ang bumati sa kanya.
"PUNYETA KA NAPATULOG KO NA RIN SA WAKAS SI PILI PERO GINAMBALA MO, KAHIT ANG TULOG KO INISTORBO MO; PATAY KA SA AKIN MATANDA KA!"
Matapos na buksan ni Yao ang pinto gulat na bumangon ang dalawa at nilingat ang paligid akala mo may sunog at ng mapansin si Yao sa pintuan agad na inilabas si Kim ang kanyang sagwan at mabilis na sumugod kay Yao; habang si Pili tumulong na paghabol ng makatakas ang tsino bitbit ang kanyang arnis.
Nang matapos ang habulan at bugbugan bumalik ang dalawa sa silid upang ituloy ang pagtulog.
"Balik nanaman tayo sa umpisa" sabi ni Kim ng makahiga.
"Hay!" nag facepalm tsaka nilingon ang kapatid "ako naman ang magbibilang ate" sabi ni Pili.
"Sigurado ka?" tumungo si Pili "O sige" at muli nag-umpisa ang pagbibilang.
Shurah: ayan kasi… pasok ng pasok sa kuwarto ng mga natutulog na ayan tuloy ang napala mo, hay! Tsk… tsk… tsk…
Note: dis-oras na ng gabi ng gawin ko ito, paano kasi hindi ako makatulog at habang nasa parte na ako ng pagbibilang ng tupa medyo na pipikit na rin ako, kaya magandang gabi sa inyo… tulog na ko… bye bye! Maligayang pagtulog, huwag pakakagat sa lamok at…
Kim: matulog ka na nga!
Ako: ok, ok, sige matutulog na po. Peace.
