Chapter 35

"Pasensya na late na ko! Kamusta na kayo? Saan si Hanamichi?" Tanong niya nang lapitan ang kaniyang mga kaibigan. Napag-usapan nilang magkita-kita sa Danny's ng gabing iyon. "Dinalaw ko si Anzai-sensei, si Akagi na lang ang andun" muli siyang tumingin sa paligid at nagtanong. "Nasaan na si Hanamichi?"

Matama munang nagtinginan ang tatlo bago sumagot si Takamiya. "Di rin namin alam." Bakas sa kanyang tinig ang panginginig at halos pabulong itong nagsalita. "Si Rukawa...nakiusap siya kay Hanamichi na mag-usap sila kaya hinayaan namin sila. " at napabuntung hininga. "Kaso nang sundan namin sila...si Rukawa na lang ang naiwan mag-isa."

"Ano?! Di ba sinabi ko na sa inyo na wag ninyong hayaan lapitan siya ni Rukawa!"

"Pero Youhei...siya ang..."putol na sagot ni Noma. Lahat sila ay nag-alala at ngayon ay nagulat sa naging reaksyon ni Youhei.

Napasuntok si Youhei sa lamesa, sinipa ang upuan at mabilis na tumayo upang lumabas, ngunit may isang kamay ang humawak sa kanyang balikat upang pigilan siya sa pag-alis. "Shinohara-san? Anong ginagawa mo dito?"Tanong niya sa abogado nang makita niya ito.

"Wag kang mag-alala sa kanya Mito-kun, kasama siya ngayon ni Ryuichi." Sagot ni Shinohara, hinila niya ang bangko at naupo kasama ng iiba pa.

Biglang huminahon si Youhei bagamat masama ang tingin sa kanyang mga kaibigan, ay nagbalik siya sa kanyang kinauupuan. "Okey...pasensya na..nabigla lang ako."

"Okey lang, naintidihanan ka namin. Pero may utang ka samin. Sa tingin namin di kayo nagsasabi ng totoo sa amin.

"Anong pinagsasabi mo Yuji?"

"Alam mo ibig naming sabihin. Oras na para sabihin mo samin. Parehas kayong nagsinungaling samin...at alam namin yun. May tinatago si Hanamichi...para ba pagtakpan yung dalawang yun?"

Sa simula pa lamang ramdam nila na may di magandang nangyayari. Di man nila pinuwersa si Sakuragi para alamin ang totoo, tahimik lamang silang naghintay dito na magsabi ng totoo sa kanila.

Nasaksihan nila ang pagbabago ng kaibigan sa umpisa pa lamang ng relasyon nito kay Rukawa. Nakita nila kung paano ito nagsumikap na mag-aral at magtrabaho upang makaipon at balang araw ay makapag-aral kasama ni Rukawa sa kolehiyo. Nakita nila kung gaano kamahal ni Sakuragi si Rukawa.

Isang araw, lahat sila ay nagulat nang sabihin ni Sakuragi na nakipagkalas na siya sa kasintahan. Ang katwiran nito ay pagod na siya at hindi na niya ito mahal. Bagamat tinanggap nila ang rason nito, hindi sila lubos na naniwala. Pinagmasdan nila itong mabuti ngunit napansin nila na tila wala naman masyadong nagbago sa naging pakikitungo nito kay Rukawa. Gaya nang dati, madalas pa rin itong nakikipag usap at nakikipag kooperasyon lalao na sa mahahalagang laro.

At mas lalo silang nagulat at nasopresa na matapos lamang ang Winter Cup, mabilis na kumalat ang balitang sina Rukawa at Sendoh ay mayroong relasyon sa isat-isa. Nang tanungin nila si Sakuragi ngumiti lamang ito at sinabing masaya siya para sa dalawa. Sinabi rin nito sa kanila ang plano nitong pag-aaral sa Tokyo upang makaiwas at di na makagulo pa sa dalawa. At doon naramdaman nila na mayroon pangyayaring lingid sa kanilang kaalaman.

Seryoso munang tumingin si Youhei sa tatlo, matapos ay tumingin sa labas bago nagsalita. "Sige...basta ipangako ninyo muna sa akin na di kayo gagawa ng kalokohan..."

"Pangako..." Sabay-saby na wika ng tatlo.

Xxxxxx

Palihim siyang sumunod at nakinig sa naging pag-uusap nang dalawa. Ramdam niya ang sakit nang kalooban ng mga ito.

Di niya maiwasan na sisihin ang sarili sa mga pangyayari. Na kung bakit ito nasasaktan ng labis...maging ang itinuring niyang kaibigang si Sakuragi. Ramdam niya na magpa hanggang ngayon, mahal pa rin ng dalawa ang isa't-isa, ngunit pinili pa rin ni Sakuragi na magpalaya para sa kanya. Doon niya napagtanto, na tunay ngang nakapabuti nang kalooban nito sa kabila ng kaniyang naging kasalanan dito.

Mabilis siyang bumalik ng kanilang dormitoryo nang makitang paalis na si Sakuragi upang hindi siya mapansin ng mga ito. Pasapo sa kanyang ulo, marahan siyang naupo sa sahig at hinayaang tumulo ang mga luha sa kanyang mga asul na mata, dala ng mga pagsisisi sa mga nagawang kasalanan.

Mahigpit na hinawakan ni Koshino ang magkabila niyang balikat at tinanong. "Ayos ka lang ba Akira?"

Malungkot siyang tumitig dito. "Hiro-kun...anong nagawa ko sa kanilang dalawa...napalaki ng kasalanan ko ..."at yumakap ito sa kaibigan...umiiyak.

"Akira...huli na para sisihin mo ang sarili...una pa lang pinagsabihan na kita...di ba't ito na rin ang pagkakataon mo para magtapat at humingi ng tawad sa kanya...kay Sakuragi.."

"Hindi ko alam ...Hiro-kun...di ko siya kayang harapin...tama ka...makasarili ako...wala akong kwentang tao..."

"Wag mong sabihin yan...mahalaga ka pa rin kay Sakuragi kaya siya nagpalaya ... Para sayo at kay Rukawa..."

Gulat na napatingin si Sendoh sa kanya. "Nagpalaya? Sa akin at kay Kaede? Anong...ibig sabihin..."

"Oo ...alam niya...alam na alam niya Akira..."

"Paano..."

"Nakita ko...tandaan mo yung araw na sinuntok kita...bago yon...nakita ko siya...umiiyak tumatakbo...tinignan ko kung saan siya nanggaling...at nakita ko kayong dalawa ni Rukawa sa likod ng lumang gusali ng training camp..."malungkot na pag amin nito sa kaibigan.

"Bakit?! Bakit di mo sinabi agad Hiro-kun..."sigaw nito at hinablot ang damit.

Nakangisi itong sumagot sa kanya. "Bakit...kung sasabihin ko ba may magbabago...gagaling ba ang sugat na nilikha nyo ni Rukawa sa kanya. Minsan nagtataka ako kung paano kita naging kaibigan...kung paano mo nagawa sa kanya yun..."

Agad na napabitaw si Sendoh sa pagkakahawak sa damit nito. "Pero bakit...anong dahilan niya kung bakit wala siyang sinabi...bakit hindi siya nagalit saming dalawa...at ang gundam niya...alam ba nila?"

"Alam mo ang dahilan Sendoh...mahalaga kayong dalawa ni Rukawa sa kanya...kaya siya nagpaubaya" at ngumisi ito sa kanya." Tanga ka ba? Sa tingin mo ba magtatanim sila ng galit sa inyo kung hindi. Syempre alam nila, pero wag kang mag-alala...taliwas sa katotohanan ang alam nila. Ang alam lang nila na di na mahal ni Sakuragi si Rukawa at gusto niyang lumayo sa kanya. Pero hindi sila ganun katanga para maniwala sa rason ni Sakuragi...alam nilang may ibang dahilan...at may duda silang ikaw ang dahilan kaya galit sila lingid rin sa kanila na nagsisiping kayong dalawa sa sariling kama ni Sakuragi. Minsan nagagalit na ako sa kanya. naiisip ko kung gaano ba siya katanga...kung bakit di man lang siya pumapalag sa ginagawa ninyo sa kanya." Yumuko ito at muling nagsalita. "Pero ngayon...alam ko na dahilan niya kung bakit..."

Matapos ay agad siyang lumabas sa kwarto nito. Nang buksan ang pinto, nakita niyang nakatayo sa labas ng pinto ang gulat at namumutlang si Rukawa...na narinig ang lahat nang kanilang naging pag-uusap. " Isang bagay pa...pagkatapos nyong humingi ng tawad sa kanya...mabuting layuan nyo siya...sobrang pasakit na ang ibinigay nyo sa kanya...kay Sakuragi..."

Xxxxxxxxxx

"Sa tingin mo ba Min-kun...maayos na nakapag-usap ang dalawa?" Tanong ni Mitsui kay Kogure habang kasalukuyang silang nasa kanilang silid.

"Di ko rin alam ...Hisashi-kun..."

"Malakas ang kutob...tama ang hinala ni Miyagi kina Rukawa at Sendoh...kitang-kita sa mga mukha nila...may takot sila kay Sakuragi." Nakangising sagot nito habang nakahiga sa kama.

Alanganin si Kogure kung tama ba ang desisyon niyang magtapat sa kaibigan. "Hisashi-kun...siguro ay dapat ko nang sabihin sayo..." Seryosong sagot nito.

"Ang alin?" Taas kilay niyang tanong sa kaibigan.

Isang mahabang buntung hininga at seryosong tingin muna ang ipinukol niya dito bago magsalita. "Totoo...totoo ang hinala ni Miyagi...nagtaksil si Rukawa kay Sakuragi..."

Mabilis na tumayo si Mitsui at lumapit sa kinauupuan ni Kogure. "Min-kun...paanong?"

"Patawad...naging sakim ako...pero nagselos ako nung malaman ko ng naging sina Rukawa ay Sakuragi...alam mong sa umpisa pa lang hinahangaan ko na siya at higit pa sa kapataid ang turing ko kay Sakuragi...kaya naghanap ako ng ikakasira nilang dalawa..." Yukong pag-amin nito. "Sinundan ko bawat galaw ni Sakuragi at Rukawa...kahit nasa college na tayo...kaya hindi ako nagpatuloy sa paglalaro ng basketball...pero hindi ko inaasahan na...na may planong di maganda si Sendoh..."

Mahigpit na hinawakan ni Mitsui ang balikat ang galit na tinanong ito. "Min-kun...bakit...bakit di mo agad sinabi..."

"Patawad ...kasalanan ko...naglihim ako. Pero ang totoo gusto kong sabihin kay Sakuragi lahat-lahat nang nalalaman ko...kaso siya mismo...siya mismo ang nakakita sa dalawa...hindi lang isang beses...maraming beses...niyang nakita ang dalawa..."at malayang pumatak ang mga luha nito sa kanyang mga mata. Inalis niya ang kanyang salamin at nagpatuloy sa pagsasalaysay. "Wala kang ideya...Hisashi-kun kung gaano kasakit sa akin na makita si Sakuragi na nagdurusa nang sobra...ilang beses kong ginusto lapitan at yakapin ka siya...pero hindi ko magawa...natatakot ako na baka iwasan niya ako. Si Maki...maging si Maki...nakita rin niya ang dalawa...nasaksihan niya rin ang pagdurusa ni Sakuragi..."

"Si Maki? Ng Kainan?"

"Oo...at pareho silang nag-aaral sa Tokyo ngayon...nakiusap ako kay Maki na alalayan at alagaan niya si Sakuragi. Na tulungan siyang makabangon ulit."

Wala sa sariling nasuntok ni Mitsui ang lamesa. "Anong mga kasinungalingan to Min-kun? Bakit walang sinabi si Maki...bakit?!"

"Wala siyang kasalanan...gusto niya lang din protektahan si Sakuragi...pakiusap...wag mo munang sabihin sa iba ang tungkol dito...kaya pinayuhan ko rin siya na mag-aral sa Tokyo..." yumakap siya sa kaibigan ahabang umiiyak. "Pakiusap Hisashi-kun...alang-alang kay Sakuragi..."

Gumanti ito ng yakap sa kaibigan at marahan yinapos ang buhok nito. "Okey...Min-kun...ibig sabihin nasa Tokyo Uni rin si Sakuragi...pero paanong..."

"Oo...kasama niya sina Mito at Maki...maging sina Fujima at Hanagata alam ang lahat,..."

"Bakit ngayon lang...Min-kun..."

"Pasensya na Hisashi-kun...iniiwasan talaga namin na magkita at magkausap sina Sakuragi at Rukawa...pero sa tingin ko napapanahon na para magharap sila..."

"Sa tingin...napapanahon na nga...wag kang mag-alala wala akong ibang pagsasabihan nito..."

"Salamat Hisashi-kun..."nakangiting wika ni kay Mitsui habang pinapahiram ang mga luha sa kanyang mga mata.

Xxxxxx

Natagpuan ni Asami si Sakuragi sa parke, nakaupo at umiiyak. Matapos niya itong kausapin, ipinasya niya itong isama sa isang hotel.

Tahimik silang nakaupo sa balkonahe ng hotel nang gabing iyon. Napagpasyahan nilang tumuloy sa isang hotel na malapit sa hospital upang maaga nilang madalaw si Anzai-sensei bago sila bumalik sa Tokyo.

"Hana, maari mo bang sabihin sa akin kung anong nangyari sa pagitan ninyong dalawa?" Tanong ni Asami.

Malungkot siyang tumingin bago tumango at sumagot. "Napalungkot...at nakapasakit, Asa...Ryu... Pinagkatiwalaan ko silang pareho. Nagpanggap akong walang nakita...na wala silang ginawang di maganda sakin...pero..." Naupo si Asami sa kanyang tabi at niyakap ito nang mahigpit.

"Wag mong pilitin ang sarili mo Hana... Sa tingin ko ay mali ako. Hindi pa ito ang tamang panahon para pag-usapan ang lahat..."

"Mahal ko siya...sobra." Pagpapatuloy niya na may luha na malayang umaagos sa kanyang mga mata. "Minahal ko siya ng sobra...at si Akira...tinuring ko siyang kapatid maliban kina Youhei at sa iba pa... Pero hindi ko maintindihan kung bakit nila nagawa sakin ito..."

Ramdam ni Asami ang hirap at sakit na patulog na dinadala nito. At gaya nang una nilang pagkikita, mas hinigpitan niya ang kanyang yakap dito at nakinig. Alam niya na magpa hanggang ngayon...di pa rin ito nakakawala sa sakit ng kahapon...

At mula sa di kalayuan..isang pares ng mga mata na puno ng galit ang tahimik na nagmamasid sa kanila. Bahagya siyang napangiti at bumulong sa sarili 'dumating na ang araw ng aking paghihiganti....'

A/N: Pasensya na lahat...up next flashback chapter...base po sa kanilang mga POV's kaya wag po kayong malilito...hehehe. Salamat sa patuloy na pagbabasa sa aking fanfic ^_^