Sa bahay ng ASEAN

Chapter 38

ASEAN – Hong Kong in wonderland


Mainit ang panahon at masarap magpahinga sa ilalim ng punong kahoy, lalo na kung makararamdam ka ng pag-ihip ng hanging papawi sa init na nararamdaman mo.

Ito ang lagay ni Hong ngayon habang nakaupo at nakasandal sa ilalim ng puno, nasaloob ng bahay ang iba pang mga kapatid at abala sa pagtanggal sa kamay ni Yong Soo sa dibdib ng kanyang kuya Yao, ewan ba niya kung bakit ganito ang kapatid, agad siyang lumalabas para hindi madamay sa kaguluhan kapag nagsisimula nanaman sa panggugulo si Yong soo.

Isang buntong hininga ang pinakawalan, ipipikit na sana niya ang kanyang mga mata ng may mapansin sa hindi kalayuan

Kumunot ang noo "ano iyon?" at kanya itong tinitigan ng husto at nanlaki ang mga mata sa nakita "Ang cuuuute naman niya, aru!" ito ang hindi alam ng mga kapatid kapag nakakita siya ng cute, kahalintulad ni Yao kung siya ay mag-react.

Agad niya sinundan ang panda ng makitang papalayo na ito.

"Teka sandali, huwag kang matakot hindi ako nangangain ng cute!" ngunit patuloy pa rin sa pagtakbo ang panda, abala sa paghabol si Hong at hindi niya napansin ang isang mababaw na bangin at nahulog ito.

Nang magbalik ang kanyang malay ang una niyang napansin ang tatlong kweba sa harap, nagtaka ito dahil alam niyang walang bangin at kweba malapit sa bahay nila. Susubukan sana niyang umakyat pero ng lumingon hindi pader ng lupa nag nakaharap kung hindi malawak na kaparangan at dahil wala na siyang pagpipilian at mangyari'y nakita niyang pumasok ang panda sa gitnang kweba ay sinundan niya ito.

Nang siya ay makalabas, isang gubat naman at kanyang nadaanan, patuloy pa rin siya sa paglalakad at pagmamasid ng sa hindi kalayuaan isang pagtatalo ang kanyang nakita at ng lapitan niya ang mga ito.

"Yong Soo?" lumingon sa kaliwa "Hyung Soo"

"Sino?" sagot ng dalawa.

"Kayo, si Yong Soo at Hyung Soo, anong ginagawa ninyo dito?"

"Pasensya na pero hindi naming kilala ang mga sinasabi mo" at nagpakilala isa-isa

"Ako si Yong-yong" sagot ng nasa kanang nakasuot ng puti at orange na hanbok.

"Ako si Hyung-hyung" pakilala ng nasa kaliwang nakasuot ng puti at red na hanbok.

"Teka, ginogoyo nyo ba ako?" tanong ni Hong.

"Hindi… hindi" sabay nilang sagot.

"Kung ganoon, nasaan ako?"

"Hmm…" naglingunan ang dalawa "nandito ka" umikot ang dalawa, lumuhod at nilahad ang mga braso "sa gubat ng wonderland"

"Huh?" at nagtaas ito ng kilay. Nakangiti lang ang kambal ng malaki.

"Ah… ok, sige alis na ako" ngunit piniglan siya ng kambal.

"Teka, maari bang husgahan mo kung alin ang mas masarap" naglabas ang mga ito ng dalawang platong magkaiba ng laman. "Ito bang bulgogi o chapchae"

"Bulgogi" at dali-daling umalis si Hong at tanging pagtatalo ang naririnig sa dalawa. Muli niyang tinahak ang gubat at ng marating ang dulo nakita niya muli ang panda.

"Teka, hintay" lumingon ang panda at kumaripas ito ng takbo "teka sandali!" sigaw ni Hong. Muli nanaman niyang narating ang isang lugar isang malawak na parang at sa gitna nito isa ginoo na naroroon, nakaupo ito sa harap ng isang mahabang kotatsung puno ng pagkain at inumin, humihigop ng mainit na tsaa, hindi niya maiwasang makaramdam ng gutom.


"Napakagandang panahon, hindi ba?" sabi ng lalaki habang nakatingin sa kalangitan.

"Kiku?"

"Ah paumanhin, nasaan ang aking asal, ako nga pala si Kukay, tagagawa ako ng mga parasol" pakilala nito at tinuro ang mga parasol na ginagawa "halika, maupo ka at samahan mo akong magtsaa" paanyaya nito habang inihahanda ang tsaa at pagkain para sa bisita.

"Sabihin mo ano ang pakay mo at narito ka sa wonderland" tanong ni Kukay at ikinuwento ni Hong ang mga pangyayari habang sila ay nagme-meriyenda.

"Mag-iingat ka sa mga makakasalamuha mo, hindi mo alam kung sino ang kakampi at sino at kaaway." Panukala ni Kukay. Yumuko si Hong upang humigop muli ng tsaa ng biglang manlabo ang kanyang paningin.

"Anong nangyayari?" kasunod nito ang mabilis na pagtakas ng kanyang kamalayan ngunit bago pa siya nawalan ng malay narinig niya si Kukay ng nag-sabing "sinabi ko na sa iyo mag-iingat ka sa mga makakasalamuha mo."


"Gising, hoy gumising ka" wika ng isang tinig, nagmulat si Hong ng mga mata.

"Mari?" may pagkabiglang tanong ni Hong.

"Hindi ako si Rima" sabi nito habang inaakay siya paupo. Napansin nito ang buntot at tenga ng pusa sa kaharap ngunit hindi na lang ito pinansin; nilingon ang paligid ngunit wala na siya sa parang, nasa bukana na siya ng gubat "nanaman?" isip ni Hong.

"Eto" nag-alok ng isang platong tinapay, tumingin ng may pagdududa si Hong. "Huwag kang mag-alala ligtas iyan, ibabalik nito ang lakas mo." Kumuha si Rima ng isa at kumagat.

Tinitigan ng may pagdududa ang hawak na tinapay "wheeh… sigurado kang ligtas ito?" tanong ni Hong.

"Sigurado ako, may duda ka pa ba?" sagot ni Rima

"Since mas marami kang namanang katangian kay Arthur, Oo" sabi sa isip ni Hong at kumagat ito. Totoo nga nagbalik ang dating lakas niya.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?"

"Maayos na, salamat"

"Saan ka naman papunta at napadpad ka sa dakong ito?"

"Hinahanap ko ang daan pauwi"

"Hmm…"

"Alam mo?" tanong muli ni Hong.

"Hmm…"

"Alam mo ba kung saan?"

"Maaring oo, maaring hindi"

"Ginogoyo mo ba ako?"

"Maaring oo, maaring hindi"

"Adik ka ba?"

"Maaring oo, maaring hindi"

"Iyan lang ba ang alam mong isagot?"

"Maaring oo, maaring hindi"

"Hay, salamat na lang sa tinapay, ako na lang ang maghahanap ng daan palabas at kailangan kong bilisan baka mawala yung cute na panda" sabi ni Hong at naglakad ito palayo.

"Sandali" sabi ni Rima, tumigil si Hong ang nilingon at kausap "kung mapapadpad ka sa isang hardin… mag-ingat ka"

"Anong ibig mong—" natigilan ito ng makitang paunti-unting naglalaho si Rima hanggang sa ulo na lang nito ang nakikita, ngumiti ito at nagpahabol "tandaan mo, mag-iingat ka sa sasabihin o gagawin mo" at tska ito tuluyang naglaho.


Naglakad si Hong ng naglakad hanggang sa sapitin niya ang tarangkahan ng isang hardin, sa loob nito ay makikita ang mga naglalakihan at naggagandahang mga peonies.

"Tao po, may tao pa ba riyan" sigaw at tanong ni Hong.

"Ikaw" sabi ng isang nilalang at sa gayak nito ay masasabing hardinero ang trabaho niya kasunod iya ang dalawa pang nakasuot din ng parehong damit.

"Mao, Hadyiri, Ahnan?" nagtinginan ang tatlo.

"Nagkakamali ka ginoo ako si Moa"

"Moa as in Mall of Asia?" sabi ni Hong.

"Uh… whatever dude" sagot ni Moa.

"Ako si Hadji at hindi mo kailangan pang malaman ang pangalan ng katabi ko, ang pangit kasi" kasunod nito ang malakas na pagbatok ng katabi.

"Huwang mong intindihin ang epal na ito, ako nga pala si Ah"

"Sabi ko na sa iyo ang pangit, pati mukha pangit din."

Umalingawngaw ang tunog ng gong

Hinatak paluhod "lumuhod ka at yumuko, ipinagbabawal na tingnan sa mukha ang mahal na reyna" sabi ni Moa.

"Huh, bakit?" tanong ni Hong habang naka yuko.

Nagkibit balikat lang ang hardinero "Ewan ko, camera shy siguro" sagot ni Hadji.

Nagnakaw ng tingin si Hong at nang masulyapan ang Reyna bigla itong napatayo at sumigaw.


Shurah: Hmm... ano kaya ang mangyayari kay Hong ngayong na isang kakaibang lugar siya? At sino ang reynang kanyang nakita?