HINDI KO PAG-AARI ang Slam Dunk, ilang Tauhan sa Finder Series, Skip Beat at Prince of Tennis.

"Taos Puso po Akong NAGPAPASALAMAT Sa Lahat, lalo na kina cousin, mitch04box,OnlyDarknessAwaits1369 at sa lahat ng GUESTS nang matiyagang nagbasa at sumubaybay sa aking Kwento"


Epilogue

Banayad kong hinaplos ang kanyang mahaba at itim na buhok bago ako marahang yumuko upang masuyong dampian ng halik ang kanyang noo. Bagamat sa napakabatang edad, masasabing kong napakaganda ng aking anak na panganay, ang aking prinsesa, si Sakura-chan. Matapos ay dahan-dahan ko siyang kinumutan at tumayo.

Marahang akong naglakad patungo sa katabing kama at tahimik na naupo. Masuyo kong hinaplos ang kanyang pulang buhok at marahang pinisil ng kanyang mabilog na pisngi.

Masaya at tahimik kong pinagmamasdan ang aking bunsong anak na lalaki, si Akihito-chan habang mahimbing na natutulog. Walang duda na sa akin niya nakuha ang kanyang pulang buhok at mala-kapeng kulay ng mga mata, ngunit ang kanyang malamig at tahimik na pag-uugali ay nahahambing sa 'kanya'.

Bahagya akong ngumisi habang pinagmamasdan ko siya. Malalim akong bumuntong hininga at dumako ang aking tingin sa katabing kama at aking pinagmasdan ang natutulog kong anak na panganay.

Bagamat napakalaki ng kanilang pagkakahawig, masasabi kong sa akin niya nakuha ang kanyang masayahing at buhay na buhay na personalidad.

Anim na taon na ang nakalipas mula nang isilang ang anak kong babae, habang ang bunso kong anak na lalaki naman ay ipinanganak sa kasunod na taon.

Matapos ko siyang kumutan, dahan-dahan akong tumayo, naglakad at lumabas ng kwarto. Muli ko silang tinapunan ng isang mapagmahal na tingin bago ako tuluyang lumabas at marahan isinara ang pinto.

"Heiko-san, maari bang bantayan mo muna sila. Magpapahangin lamang ako sa labas..." Paalam ko sa aking pinagkakatiwalaang kasambahay. Matapos ay aking isinuot ang aking jacket at lumabas ng aming bahay-bakasyunan, dito sa Kanagawa.


Tulad nang madalas ng aking nakagawian, mula sa nakaraan. Muli akong dinala ng aking mga paa sa naturang parke. Banayad kong hinaplos ang lumang bench ng parkeng iyon bago tuluyang naupo.

Pagkasandal, tumingala ako sa langit at malalim na bumuntong hininga. Napaka tahimik ng gabi sa Kanagawa na di tulad ng abala at maingay na mga gabi sa siyudad ng Tokyo.

Dalawang araw na ang nakaraan simula nang magbakasyon ako dito kasama ang aking dalawang anak sa aking lugar na kinalakihan, ang Kanagawa.

Nagsilang ng isang babaeng sanggol si Haruko-chan at dahil isa siya sa malapit kong kaibigan, napagpasyahan ko na isama ang aking mga anak upang makita at makilala nila ang aking mga kaibigan dito sa Kanagawa.

Sampung taon...sampung taon na ang mabilis na lumipas nang mangyari ang insidenteng bumago sa aming mga buhay. Sampung taon...kung saan ang aming mga buhay ay nagawi sa kaniya-kaniyang landas.

Sina Haruko-chan at Yuji na wala saming mga isip ay nagkatuluyan at ngayon ay may dalawa nang anak. Habang sina Ayako at Miyagi ay may tatlong anak.

Sina Akagi-senpai, Mitsui at Kogure na may kani-kanila na ring pamilya ay kabilang sa mga coach at guro ng aking Sport Clinic na aming itinatag sa Tokyo, na naglalayong paglinangin ang mga kakayahan at talento ng mga atleta, hindi lamang sa basketball kundi maging sa iba pang isport.

Masaya ako na pagkatapos namin ng kolehiyo, muling nagbalik si Kiyota sa Kanagawa upang makapiling at magtrabaho sa kompanya ni Shin-chan. Sina Ken-san at Hanagata-san naman ay tuluyan nang nanirahan sa Hong Kong at doon nagtayo ng kanilang sikat na pastry shop.

Si Akira ay kasalukyang assistant chef ni Ouzumi-san sa isang five-star hotel sa Tokyo, habang si Kaede naman ay isa nang propesyunal at tanyag na basketball player sa buong Japan. Nung una ay nais niyang tuparin ang kanyang pangarap sa Amerika, ngunit dahil ayaw niyang mawalay kay Akira kaya't dito niya tinupad ang kanyang pangarap dito na maging propesyunal na manlalaro ng basketball.

Ang aking matalik na kaibigan na si Youhei ay kasalukyang Station Manager ng Asahi TV Network habang si Shinohara-sensei ay nanatiling pribadong abogado at tagapayo ng kompanya.

Nung una ay hindi ako makapaniwala, pero totoo ang lahat nang ipagtapat sakin ni Youhei na bago pa man kami nagtapos nang kolehiyo ay lihim na silang ikinasal ni Shinohara-sensei sa San Franscisco sa Amerika nang minsan silang nagkaayayang magbakasyon doon.

Para akong nawala sa sarili nang malaman ko iyon. Ang totoo hindi ko inisip na 'ganun' din pala si Youhei. 'Hahaha...' Nakakatawang isipin na siya ang pinaka malapit kong kaibigan at di ko man lang namalayan ang mga nagaganap sa kanilang dalawa.

At ako...si Hanamichi Sakuragi ay naging isa sa mga kilala at tanyag na aktor at mang-aawit dito sa Japan. Hindi ko man natupad ang pangarap kong maging isang coach tulad ng aking iniidolong si Coach Anzai, nakamit ko naman ang pangarap ng aking Otoo-san na maging isang sikat na mang-aawit. At mula sa aking mga kinita sa pag-awit at pag-arte ay nakapagpatayo ako ng isang Sport Clinic sa Tokyo kung saan lahat nang nais na linangin ang kanilang mga talento ay maaring mag-enrol o kumuha ng personal na trainor sa mga araw at oras na sila ay libre.

Sampung taon...Ang insidente kung saan dalawang buhay ang nawala dahil sa mga nabigong pag-ibig. Kung saan din na ang pag-ibig na akala ko'y walang hanggan ay hinayaan kong makawala sa aking mga kamay, na magpa hanggang ngayon ay aking pinagsisihihan.

Isang mainit na luha ang malayang dumaloy sa aking pisngi at impit na hikbi ang kumawala sa aking nakatikom na bibig. Ramdam ko pa rin ang kirot at pagsisisi sa aking mga nagawa sa nakaraan. Ngunit magkagayon man, ang dalawa kong anak ang nagsilbing ligaya at bagong pag-asa sa aking buhay.

Simula noon at magpa hanggang ngayon, pilit kong itinatago sa aking sarili ang sakit at kirot sa aking puso dahil sa pag-ibig na aking hinayaan kumawala sa aking mga palad.

Marahan kong pinahiran ang luha sa aking mata Nang makarinig ko ang mahinang yabag na papalapit at pinilit kong ikalma ang akin sarili.

"Okey ka lang ba?" Narinig kong tanong ng isang lalaki na tumayo sa akin harapan. Marahil ay narinig niya ang aking mga mahinang paghikbi.

Gabi, at ang sinag ng ilaw sa poste ay di sapat upang makita ko nang malinaw ang anyo ng lalaking nakatayo sa aking harapan. Imbes na sagutin ang kanyang tanong, isang tanong ang aking ibinalik sa kanya. "Kung ang taong mahal mo ay iniwanan mo nang di nasasabi ang iyong dahilan...sa tingin mo ba na pagkatapos nang maraming taon ay may dahilan pa para magpaliwanag sa kanya?" Tanong ko sa kanya, bagamat di ako tumitingin sa kanya.

Naramdaman ko na umupo ang lalaki sa aking tabi at bumuntong hininga. "Depende. Kung ang dahilan iyon ang makakapagpalaya sa inyong dalawa mula sa nakaraan. "

"Maaring oo...maaring hindi. Kung may isa pa akong pagkakataon sa buhay na pwede kong gawin ulit...iyon ay ang makapagpaliwanag nang maayos at hilingin na hintayin niya ako sa panahong handa na ako para sa lahat..."

"May dahilan ba para hintayin ka niya?" Balik na tanong niya na may kalamigan ang boses.

"Meron...marami..." Muli akong tumingala sa langit bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Hehe..." Mapait kong pgtawa. "sabihin na nating isa akong mangmang...isang isip-bata at mababaw ang paninindigan ng mga panahong iyon...sobra akong nabigla nang natuklasan kong siya ang may-ari ng isa sa pinakamayamang kompanya dito sa Japan...at dahil nanliit ako sa aking sarili, pinili kong tapusin ang anumang namamagitan saming dalawa. Ipinasok ko sa aking utak na di pa iyon ang tamang panahon para samin. Nais kong patunayan sa kanya na kayang kong magsumikap at abutin ang anumang naabot ko ngayon para lang mapatunyan ko sa kanya ang pagmamahal ko..."

"At sa tingin mo ba ay naging masaya siya sa naging desisyon mo?"

"Hindi ko alam..pero nasisiguro kong hindi...kahit sa iisang kompanya kami...pinilit ko siyang iniwasan. Itinuon ko ang akong sarili sa pag-aaral...sa basketball at pagtatrabaho. Gusto ko na balang-araw ay maipagmalaki niya ako. Pero ang totoo, naging makasarili ako. Hindi ko man lang siya tinanong kung ano ang nararamdaman niya sa pag-iwas ko at sa pagtatapos sa aming relasyon...hindi ko namalayan na imbes na maabot ko siya...ay itinulak ko siya papalayo sa akin..." Ang malungkot kong pahayag. Muli, ang mga luha na aking pinipigilan ay pumatak sa aking mga pisngi at ako ay nagpatuloy sa aking pagsasalaysay.

"Hindi ko namalayan na mabilis na lumipas ang taon...narating ko ang pedestal ng kasikatan...pero lahat nang iyon ay balewala dahil wala siya sa tabi. Hindi ko namalayan na unti-unti akong nalunod sa yaman na aking kinita...sa bawat liwanang ng mga ilaw and kislap kamera sa tuwing ako ay lalabas sa telebisyon, at ang mga tilian at sigawan ng mga taon habang ako ay nagdaraan. Hindi ko napansin at naalala na ang taong dahilan kung bakit nais kong marating ang tagumpay ay unti-unti nang nawawala sa buhay ko...at dahil sa kasikatan nakalimutan ko ang importanteng tao sa buhay ko." Napansin ko na tahimik lamang na nakikinig ang lalaki sa aking tabi. Marahan siyang gumalaw at narinig ang isang mahinang tunog at maya-maya pa ay ang usok mula sa sigarilyo ang aking naamoy.

Napagpasyahan kong magpatuloy sa pagsasalaysay nang mapuna ko ang kaniyang patuloy na pananahimik. "Hanggang isang araw, may nakilala akong babae na kamukhang-kamukha niya. Iyon marahil ang dahilan kung bakit napalapit ang loob ko sa kanya. At pagkatapos ng aming graduation sa kolehiyo, nagkayaan ang lahat sa isang party. At doon nangyari ang di ko inaasahan. Nalasing ako kasama ng babaeng itinuring kong malapit na kaibigan, at nakalimot kami sa aming mga sarili. Makalipas ang ilang buwan, ibinalita niya sakin na buntis siya at ako ang ama ng kaniyang dinadala. Isa akong ulila...at ayaw kong danasin ng aking magiging anak ang lumaki nang walang ama...kaya inaya ko siyang pakasal. Ang totoo naging masaya ako nang malaman ko na magiging ama ako. Inakala ko na simula iyon ng normal at maayos na buhay ...at makatapos ang isa pang taon...muli kaming biniyayaan ng isa pang anak. Ngunit ang masakit, di pa naman niya tuluyan iniluluwal ang aming ikalawang anak ay binawian na siya ng hininga. At doon ko lamang muling naramdaman ang mag-isa. Nang mamatay ang aking asawa...ninais ko na muling makita Ang taong iyon. Pero huli na ang lahat. Matagal na pala siyang umalis ng Japan at nanirahan sa Amerika. At ang kanyang kompanya ay isinalin niya sa akin pangalan nang lingid sa aking kaalaman, bago pa man siya umalis. Nais ko mang tanggihan ay huli na kaya naman ipinasya kong ingatan ang kanyang iniwanan sa akin...nalaman ko ang tunay na dahilan kung bakit hindi na niya ako hinabol pa...sapagkat ayaw niyang mawala ako sa kanya tulad ng nauna niyang minahal..."

At muli akong humikbi sapagkat ang pamilya na minsan kong pinangarap ay mabilis na nawala sa halos magda dalawang taon pa lamang ng aming pagsasama. Naging huli na para sa akin na muling maalala na may isang tao pa akong iniwanan. Ninais ko man siyang balikan...ngunit huli na para sa lahat.

"Minahal mo ba siya? Ang babaeng pinakasalan mo?" Tanong ng lalaki.

Bahagya akong natigilan sa kanyang tanong. Ni minsan sa sarili ko ay hindi ko naisip kong minahal ko nga ba si Fujiko, ang ina ng aking mga anak...at ang babaeng aking pinakasalan. Pero oo...alam ko na sa kabila nang lahat ay minahal ko siya. "Oo, minahal ko siya. Pero hindi iyon tulad ng pagmamahal sa taong iniwanan ko..."

"May dahilan ka ba para balikan ang taong iniwanan mo?"

"Marami. May dahilan ako kung bakit siya iniwanan at ang mga dahilang din iyong ang dahilan ko para siya balikan."

"Sa tingin mo ba ay may dahilan siya para muli ka niyang tanggapin?"

Bigla akong natigilan sa kanyang tanong. Hindi sumagi man lang sa isipan ko kung karapat-dapat ba niyang akong tanggapin kung sakaling makiusap akong bumalik sa kanya. Itinikom ko ang aking kamao at itinapat sa aking dibdib. "May dahilan...dahil hindi man siya ang una kong minahal...siya naman ang huli at tunay kong minahal sa buhay ko..."

"At sa tingin mo ba na ang dahilang iyon ay sapat para tanggapin ka niya?"

"Sana...dahil siya lang dahilan ko para ngumiti at lumuha...at siya ang dahilan ko kung bakit ako patuloy na nagmamahal at umaasa na isang araw...darating ang panahon na muli kaming magkikita at magkakasama..habang-buhay..."

"Sa tingin mo kung muli ka niyang tatanggapin ay makasisiguro siyang hindi mo na siya iiwanan tulad nang una mong ginawa?"

Tila patalim ang tanong niyang iyon. Bagamat malumanay ang kanyang pagsasalita. Tagos sa puso ang hiwa ng matalim na salitang iyon. Tama siya. Walang kasiguraduhan ang aking mga pananalita.

Muli akong yumuko at tahimik na humikbi. Nakapanlulumong isipin na sa kabila ng lahat, ilang taon man ang lumipas, ako pa rin ang Hanamichi Sakuragi na hindi kayang maninindigan at ipaglaban ang aking tunay na nararamdaman.

"Ipinangapangako ko sa sarili ko...na kahit anong mangyari sa pagkakataong ito, hindi ko na hahayaan pang mawala sa akin ang taong mahal ko..." Aking winika sa gitna ng pag-iyak. Buo na ang aking pasya...na maging buhay ko man ang maging kapalit ay hindi na ako papayag na mawala pa siya sa akin.

Naramdaman ko ang mainit at malambot na palad ng lalaki na humawak sa aking pisngi. Bagamat amoy sigarilyo siya, nananaig pa rin ang isang pamilyar na amoy na matagal ko nang inaasam-asam na muling malanghap at ang init na matagal ko nang hinihiling na muling madama.

Aking ipinikit ang aking mata. Ramdam ko ang banayad at malambot na labi na dumampi sa aking nanunuyong mga labi. Naramdaman ko ang kanyang matipunong braso na kumulong sa aking nanlalamig na katawan.

Wala sa sarili ay gumanti ako ng halik at yakap sa lalaking kaharap ko. Hindi na kinakailangan pa ng anumang liwanag upang makita ko ang kanyang mukha.

Ang matamis niyang halik at mainit niyang yakap ay sapat na upang makilala siya.

Matapos ay marahan siyang umusog upang magkaroon ng kaunting pagitan sa aming dalawa. Nagulat ako nang sindihan niya ang lighter, na may sapat na liwanag upang makita ko ang kanyang mukha.

Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa aming mga mukha at aking inilapat ang aking noo sa kanya ring noo. "Mahal na maha kita Hana..." Winika niya.

"Mahal na mahal din kita..." At isang maliit na kahon na may naglalaman ng magkapares na singsing ang kanyang inilahad sa akin.

"Hana..." Tawag niya sa akin. Bagamat di gaano kaliwanag ang sindi ng lighter, kita ko sa kanyang mga mata ang paghingi ng isang bagay na handa akong ibigay sa kanya.

"Oo...gusto rin kitang makasama pang habang-buhay..." Sagot ko.

At muli, naglapat ang aming mga labi kasabay ng pagpatay ng sindi ng lighter.

Bahagya aking napahawak sa bench, ipinikit ang aking mga mata at bahagyang napangiti sapagkat ang bench na ito ang isa rin sa mga naging saksi ng mga dahilan kung bakit ako lumuha at naging masaya nang dahil sa pag-ibig...at muling natagpuan ang pag-ibig na minsan nang nawala sa akin...ang aking mahal na si Ryu...

-WAKAS-


A/N: binabawi ko na sinabi ko...may pagka cheesy din ako paminsan-minsan...beerday ko...kaya dapat Happy Ending hehehe

Pasensya na po sa mga RuHana fans...crossover po ito at intensyon ko talaga na magkatuluyan sina Hana at Ryu sa umpisa pa lamang ^_^

Maraming Salamat po ulit!