Chapter 17 - - adoyeneva mo-re - -

"narito na sila", nakangiti at nakatawang saad ng isang dalagang diwani, ang huwad na lira na ngayon ay dalagang dalaga na, nakaupo siya sa tabi ng truno ng kanyang yna ynahang si amihan habang nakikita niyang sabay sabay na pumasok ng punong bulwagan ang tatlong sanggre at naglakad patungo sa kinauupuan nila, "masaya ako't nakabalik kayo ng ligtas, kumusta ang paglalakbay mga ashti", saad niya sa mga ito,

Agad namang ngumiti si pirena at sinagot ang tunay na anak, "katulad parin ng dati lira, tahimik, walang kaganapan",

"na ating ipinagpapasalamat", dugtong ni alena sa sinaad ng panganay na kapatid,

Bumutong hininga naman si danaya, "masyado ng matagal na wala ng ginagawa ang mga hathor, kung ako ang tatanungin nyo dapat na tayong mabahala", saad niya sa mga kapatid,

Lumawak naman ang ngiti ng huwad na lira at binalingan ang kanyang ashti, "kayo talaga ashti danaya lage nalang masama ang iniisip nyo", pabirong saad niya dito na ikinakunot ng noo nito.

Nakita ito ng reyna kung kaya't agad itong Bumaling sa diwani, "lira anak, sumama ka muna kay ades may paguusapan lang kami ng iyong mga ashti", saad niya dito, tahimik namang tumango ang huwad na lira at tumayo mula sa kanyang upuan tyaka nagpatiunang naglakad palabas ng punong bulwagan kasunod ng dalawang dama nito.

ng makalabas ang diwani ay tumayo rin si amihan at binalingan ang mga kapatid, "sumama kayo saakin magpupulong tayo sa maliit na konseho", saad niya sa mga ito.

At sa pangunguna ni amihan sunod ni pirena, ni alena, at panghuli ni danaya ay naglakad ang mga ito palabas ng punong bulwagan at dumiretso sa silid na pagpupulungan nila, ng handa na ang lahat ay umupo na ang reyna at sinimulan ang pagpupulong na iyon,

"dumarami na ang natatanggap nating ulat tungkol sa mga nawawalang mga engkantado", simula ni amihan.

"hindi kaya ang mga hathor ang may kagagawan nito", saad naman ni danaya na hindi parin matanggal ang pagkabahala sa pananahimik ng kanilang mga kaaway.

Inis namang napabutong hininga si pirena at taas ang kilay na binalingan si danaya, "matagal ng nanahimik ang mga hathor, danaya, at kung sila man ang nasa likod ng mga nawawalang mga engkantado malamang may nahanap na tayong mga bangkay", saad niya dito.

"tama si sanggre pirena", pagsang ayun ni aquil dito na ikinalingon ng reyna sa kanya at ikinairap ng lihim ni danaya sa matipunong mashna.

"at hindi na dapat nating pinag aaksayahan ng panahon ang mga nilalang na malamang ayaw namang magpahanap", dagdag naman ni pirena, "nagsasayang lang tayo ng lakas sa walang saysay na paghahanap naito", tyaka siya bahagyang tumawa.

May galit naman sa mukha na agarang napatayo si alena at hinarap ang nakatatandang kapatid, "hindi pagsasayang ang paghahanap ng mga nawawalang mga nilalang pirena, lalo na't hindi natin alam kung gusto nilang maglaho o...", saad niya na agarang napatigil ng malala na naman ang yumao niyang irog na hanggang ngayon ay hinahanap niya parin sa pag asang makikita pa ito, o kahit manlang ang bangkay nito,

Tumaas naman lalo ang kilay ni pirena, "O?", saad niya dito ng hindi na maituloy ni alena ang ibig nitong sabihin,

Samantala ay napabutong hininga nalamang sa inis sa nakakatandang kapatid si alena at binalingan nalamang ang kapatid na hara,"mahal na reyna amihan, kung inyong mamarapatin nais kung mamuno sa paghahanap sa mga nawawalang engkantado", saad niya dito na malugod nitong tinanguan.

Tumango rin si alena at nagmadaling tumalikod upang maghanda sa gagawing misyon, ngunit napatigil agad siya ng harangan siya ni hitano, "sanggre alena sasamahan kita", saad nito sa kanya,

Lalo namang nainis si alena, isa paitong ashtadi sa buhay niya, "wag na hitano", saad niya at nilampasan ito at Ng makaalis si alena, ay tumayo naman si pirena at hinarap ang lahat, "sinasabe ko sa inyo ngayon palang, wala tayong dapat ikabahala walang nangyayaring masama sa encantadia", saad niya na pilit kinukumbinsi ang mga ito.


Kinagabihan sa palasyo ng lireo habang binibigyan ng utos ni amihan ang mga kawal ay mataman namang nakamasid sa kanya ang huwad na lira mula sa di kalayuan kung saan naririnig niya at nakikita ang reyna, samantalang tinitignan naman niya ang mga kilos at galaw nito kapag siya ay nagsasalita at mataman niya itong ginagaya at inaaral.

Natigil lang siya ng mapasulyap sa kanya ang reyna at nginitian siya, gumanti din siya ng ngiti dito tyaka nahihiyang naglakad paalis nakita kasi nito ang kanyang ginagawang panggagaya sa mga kilos nito,

Nadaanan naman niya sa pasilyo ang naglalarong sina banak at nakba agad naman niyang nilapitan ang dalawa, napangiti naman siya ng maisip na magandang pagkakataon ito upang gayahin ang kanyang yna ynahan, tumayo siya ng tuwid tyaka pinaseryoso niya ang kanyang mukha, "banak, nakba", tawag niya sa dalawa na nilagyan niya ng maowtoridad na tinig.

Tila gumana ang kanyang ginawa dahil nakayukong lumapit ang dalawa sa kanya tila natakot ata, "hindi ba nasabihan na kayo ni aquil tungkol sa paglalaro dito sa palasyo, alam niyo naman siguro ang mangyayari kapag sinumbong ko kayo sa punong kawal", saad pa niya sa mga ito, nabahala naman ang dalawang adamyan ngunit lumapit sa kanya ang mga ito at sabay siyang niyakap na tila nagmamakaawang huwag silang isumbong sa mashna, napatawa naman ang huwad na lira at hinimas sila sa ulo, "sige nanga, hindi kona kayo isusumbong", nakangiti niyang saad sa mga ito.

Samantala, Galit namang lumapit si pirena na kanina pa nakamasid sa kanila, at hinarap ang anak, "kung nais mong maging magaling na reyna ng buong lireo at ng buong encantadia ay hindi ka dapat nagpapadala sa mga nilalang naiyan", saad nito sa kanya.

"ashti pirena nariyan naho pala kayo", gulat na saad ng huwad na lira, habang naglakad palayo ang dalawang adamyan dahil sa presensya ng masungit na sanggre.

Lumambot naman ang ekpresyon ng mukha ni pirena ng makitang tila natakot niya ito at tyaka hinagud ang buhok nito, "hindi kana bata lira, malaki kana hindi magtatagal ay hahalili kana sa mahal na reyna", saad niya at hinawakan naman ang balikat ng anak, "kailangan mong ihanda ang iyong sarili", tyaka nginitian ito.

Ngumiti rin ito at marahang tumango sa kanya bilang tugon.

Noon naman dumating ang reyna at nakangiting tinawag ang huwad na anak, "lira!",

"yna", sagot nito at sinilip ang reyna.

"anak halika", tawag pa ni amihan sa kanya na agad niyang nilapitan bago sinulyapan ang dismayadong mukha ng tunay na yna.

"kumusta kana", saad ni amihan ng makalapit ang diwani, nagkwentuhan ang dalawa sa pasilyong iyon habang masakit sa loob ni pirena na nakikita ang anak na masaya sa piling nito, mga pasakit na ilang taon naniyang tinitiis alang alang sa kanyang mga pinaplano.


Matapos ng mga kaganapan ng gabing iyon ay sumapit na ang madaling araw sa lireo at halos papasikat palamang ang araw ay ginising nani danaya ang hadia at isinama niya ito sa kanyang pagsasanay sa labas ng palasyo at habang nagsasanay ay napansin naman ni danaya na tila wala paitong gana at humihikab pa,

Tumigil naman si danaya sa pageensayo at nameywaang na hinarap ang diwani, "anong ibig sabihin nito, lira wag mong sabihin na habang wala kami dito ay hindi mo ipinagpapatuloy ang iyong pageensayo", galit na saad niya dito.

ngumiti naman ang diwani sa kanya, "nagkakamali ka ashti danaya, araw araw akong nagsasanay ngunit masyado lang pong maaga at kulang ako sa tulog", sagot nito.

Ngunit lalong lang nagalit si danaya dito, "at sa tingin moba ay iisipin yan ng iyong mga kalaban bago sila sumugud... sa ipinapakita mong iyan sa ating pagsasanay natatakot ako na Kayla man ay hindi kana magiging handa na maging reyna balang araw", saad niya dito.

Napanganga naman ang hadia sa kanyang mga sinambit, "ashti", hindi makapaniwalang saad ng diwani sa kanya, tinitigan siya nito bago pagalit na ibinagsak sa lupa ang hawak na patpat na ginamit nito sa pagsasanay nilang iyon at nagmamadaling umalis sa lugar naiyon, halatang nasaktan ito sa sinambit ng nakakatandang sanggre dito,

ngunit hinarangan agad ito ni aquil, "mahal na prinsessa wag mo sanang mamasamain ang sinabe ng iyong ashti", saad ng mashna na hindi pinansin ng huli at tuluyang lumisan roon, susunda pa sana ito ni aquil ng pigilan siya ni danaya.

"hayaan mo siya", saad ni danaya sa gwapong mashna na agad namang napatigil, "kailangan niyang maging matapang kailangan niyang pakapalin ang kanyang balat, at hindi niya magagawa iyon kung lage natin siyang pagbibigyan at inaamo", saad niya dito na tinanguan naman siya.


Samantala ay sa kakahuyan naman nakarating ang diwani inabutan nasiya ng umaga doon habang nagtatanggal ng inis papadyak padyak pa siya habang naroon, ngunit natigilan siya bigla ng may maramdamang ibang presensya sa paligid niya agad agad siyang lumingon sa kanyang likuran ay nakita niya ang sinaunang diwata... Ngunit hindi ito kilala ng diwani kung kaya ay inakala niya itong isang vidalje, at tyaka siya naghanap ng patpat sa paligid at ng makakuha ay itinutok niya ito rito.

"sino ka?", tanung niya rito.

"avisala sanggre lira, mata ang tawag nila saakin at matagal na kitang hinihintay", saad nito sa kanya.

"anong kailangan mo saakin diwata?", tanung pa ng diwani rito.

ngumiti lang si cassiopea dito, "hindi ako ang may kailangan sa'yo, ikaw ang may kailangan saakin", saad nito at dahan dahang humakbang papalapit sa diwani habang napapaatras naman ang huli.

"at ano naman ang kakailanganin ko sayo?", matapang paring saad ng diwani.

"kapayapaan, kasagutan, ang iyong kinabukasan", sagot ni cassiopea, "gusto mong malaman ang iyong kapalaran, sumunod ka saakin", tyaka ito tumalikod at nagsimulang maglakad sa kasukalang bahagi ng gubat,

May pagdadalawang isip naman ang diwani kung susundan niya ito o hindi, ihahakbang niya ba ang mga paa o hindi, kung pagtitiwalaan niya ito gayung ngayon lang niya ito nakita sa tanang buhay niya ngunit namayani ang kyuryusidad nito kung kaya't tumakbo siya pasunod sa sinaunang diwata.

Sa pusod ng kagubatan ng lireo dinala ni Cassiopea ang diwani sa bahaging kung saan halos natatakpan na ng mga matatayug, mayayabong, at matataas na puno ang sinag ng araw, doon ay nakita ng diwani ang tirahan nito habang inililibot ang paningin sa paligid,

Tumayo naman sa harap ng isang maliit na bukal si cassiopea sumunod naman doon ang diwani at tumayo rin sa harap nito,

"isang babala hindi lahat ng maKikita ay katotohanan at hindi lahat ng katotohanan ay Libre", saad ng sinaunang diwata.

Napatawa naman ang huwad na lira, "pagbabayarin mo ako, ako na isang diwani ng lireo", mayabang niyang saad.

"hindi kita pinilit na pumunta, sanggre lira", sagot naman ni cassiopea.

Natahimik naman ang diwani at dumukot nalamang ng isang pirasong ginto sa kanyang bulsa, at itinaas katapat ng kanyang mukha, "nais kung malaman kung handa naba akong maging reyna, at magiging mabuting reyna din ba ako katulad ng aking yna", saad niya tyaka niya ito inihulog sa bukal.

Ikinumpas naman ni cassiopea ang palad sa bukal at nagliwanag ito ng bahagya, ipinikit niya ang kanyang mga mata at tila may nakikita sa kanyang balintataw, minuto ang lumipas bago muling nagmulat ang sinaunang diwata, ngunit hindi parin ito nagsasalita.

"mata", tawag ng diwani rito.

Lumingon naman sa kanya ang sinaunang diwata, "hindi ka magiging reyna", tahasang saad nito sa nagulat na diwani,

"papaano ako hindi magiging reyna mata, ako lamang ang natatanging tagapagmana ng truno", may inis sa tinig na saad ng diwani.

"kakalimutam mo ang encantadia dahil sa isang nilalang na nagmula sa ibang mundo", dagdag pa nito.

"detrumvia, hindi ko gagawin iyon", giit ng diwani.

"ang tubig mula sa batis ng katotohanan ay hindi nagsisinungaling!", malakas na saad ni cassiopea.

Natigilan naman ang diwani at Bumutong hininga, "kung ganuon, sino... Kanino ko ipagpapalit ang encantadia?", tanung niya rito.

Hindi sumagot si cassiopea bagkus ay ikinumpas niya muli ang mga kamay sa bukal at maya maya ay may lumitaw doon ang imahe ng isang gwapong lalaki na taga ibang mundo, minasdan ito ng walang interes ng diwani tyaka Bumutong hininga.

"ipagpapalit ko ang pamumuno sa encantadia dahil lang sa lalaking iyan, hindi ko gagawin iyon mata, at sinasayang mulang ang oras ko", saad niya tyaka walang pasabing tumalikod at naglakad paalis ng gubat naiyon.


Habang sa palasyo naman ay naghahanda nasi alena sa kanyang pag alis mamaya at habang abala ay hindi niya napansing pumasok na pala ang reyna sa kanya silid,

"alena", tawag ni amihan dito.

Napatayo naman agad si alena ng makita ito at tila alam na niya kung ano ang isinadya nito sa kanya kaya uunahan na niya ito, "hindi na magbabago ang aking isip, mahal na reyna", saad niya dito.

"at hindi ko gagawin iyon bilang iyong reyna", sagot naman ni amihan, "naniniwala ako na kailangan nating alamin ang dahilan kung bakit maraming nawawalang mga engkantado, pero bilang kapatid mo...",

"wala kang dapat ipagalala saakin, amihan, kaya kung ipagtanggol ang aking sarili, kaya kung lumaban", saad naman ni alena.

"kaya ako kinakabahan alena, sa ating magkakapatid ni minsan hindi ikaw ang naging mapusok", saad ni amihan.

"matagal ng wala ang alenang iyon", tugon pa nito habang napapalunok.

"kung buo na ang iyong loob alena, hayaan mong pasamahin ko sayo ang ilang mga kawal", mungkahi ni amihan dito.

Ngunit hindi sumagot si alena dahilan kung bakit namayani ang sandaling katahimikan sa kanilang dalawa, ngunit nabasag agad ito ng humahangos na dumating ang panganay na sanggre,

"amihan nakita moba si lira?", balisang tanung nito sa reyna.

Agaran namang nabaling sa kanya ang atensyon ng dalawang kapatid.

"hindi ba't kasama niya sina danaya at aquil upang magensayo?", kinakabahang sagot ng reyna.

"nakita kuna ang punong kawal at ang bunso nating kapatid hindi nila kasama si lira", saad naman ni pirena.

Lalo naman kinabahan si amihan sa sagot ng kapatid kaya nag madali siyang lumabas ng silid kasunod ng dalawang niyang kapatid, sa pasilyo ay sakto namang nadaanan ng reyna ang iilang grupo ng mga lambana, nilapitan niya ang mga ito na agarang yumukod sa kanilang tatlo.

"ningning sabihan mo ang ilang mga lambana na nawawala si lira, hanapin nyo siya", utos niya sa pinakamalapit na lambana,

Tyaka siya Nagpatuloy sa paglalakad sa pasilyo kasunod parin ng kanyang mga kapatid, noon naman humahangos na sumalubong sa kanila ang punong dama,

"mahal na reyna", nakayukong tawag nito sa kanya.

"ades, isama mo ang ilang mga dama at hanapin ninyo si lira", utos ng reyna rito.

"agad agad mahal na reyna", saad ni ades at nagmadaling nagtungo sa kabilang direksyon ng pasilyo.

"banak,nakba tumulong narin kayo sa paghahanap kay lira", saad ni alena sa dalawang adamyan na naroon at naglalaro pa ngunit napahinto ng marinig ang utos ng sanggre tumango naman ang mga ito na agad na lumisan.

Dumating rin doon si hitano kasama ng iilang mga kawal, "mahal na reyna nawawala raw si lira", tanung nito sa kanya.

"hanapin ninyo si sanggre lira", puno ng pagaalalang utos ni pirena kay hitano.

"pirena wala akong nararamdamang pilegro para saaking anak", saad ni amihan sa kapatid.

"at doon tayo magtitiwala amihan, sa iyong nararamdaman?", inis na saad ni pirena rito.

"pirena, hindi na yagit si lira, hindi kaya gusto lang niyang mapagisa", saad naman ni alena sa balisang kapatid.

"mabuti na iyong nakakasiguro tayo", saad ni pirena at binalingan ang kawal, "bilisan mo hitano!", utos niya rito na agad ring yumukod at lumisan kasama ng mga kawal nito, samantala ay napabaling naman ang paningin niya sa dalawang kawal na bantay ng reyna, "anu pang hinihintay nyo tumulong kayo sa paghahanap!", singhal niya sa mga ito, Tila natakot naman ang dalawa at dali daling umalis papalayo sa galit na sanggre.

Samantalang nangunot naman ang noo ni amihan habang minamasdan niya ang kapatid na puno ng pagaalala at balisang balisa, tila ito ay isang yna na nawawalan ng anak... At maski si alena ay hindi maiwasang magtaka narin.


Samantala gabi na ng makalabas ng gubat ang diwani dumiretso agad siya sa kanyang silid at nag ayos, nakaupo siya sa dulo ng kanyang higaan noon ng pumasok naman sina pirena at amihan.

"lira! Kanina kapa namin hinahanap!", galit na saad ni pirena sa nagulantang na diwani.

Ngunit hindi siya pinansin nito bagkus ay niyakap nito ang reyna, "yna", saad niya dito,

Natahimik naman si pirena at lalong nainis sa nakikita niya sa kanyang harapan, dapat siya ang niyayakap ng anak hindi ang amihan naito, ngunit alang alang sa kanyang pinaplano ay titiisin niya ito kahit masakit na,

Bumitaw naman ang diwani sa pagkakayakap ng reyna tyaka umupo ulit sa dulo ng kanyang higaan,

Kinuha naman itong pagkakataon ni pirena upang pagalitan ito ulit, "dapat nagsasabi ka kung saan-",

"pirena", putol ng reyna sa kanyang sinasabe, napatingin naman ang kapatid sa kanya.

"bakit?!", tanung nito.

"hayaan mo na ako ang mangaral sa kanya, ako ang kanyang yna, kaya't sana kung maaari ay iwan mo muna kami... Pakiusap ediya pirena", malumanay na saad ng reyna sa kapatid.

"oo nga ikaw nga ang kanyang yna... masne sera", saad ni pirena at walang pasabing tumalikod habang nagpupuyos ang loob sa galit, napabutong hininga naman ang reyna ng makaalis ang kapatid at tyaka binalingan ang huwad na anak.

"anak sa susunod kung gusto mong lumabas ng lireo ay magsasabi ka saakin", malumanay na saad niya dito

"patawad ho yna, nagdamdam lang ako sa sinabe ni ashti danaya", katwiran ng diwani

Umupo naman si amihan sa tabi ng anak, "mabuti ang pakay ng iyong ashti, iba lang siguro ang paraan niya para ipakita niya sayo", saad ni amihan.

"opo yna", sagot ng diwani.

Ngumiti naman si amihan dito, "matulog kana ha, masne sera... E corrie diu", saad niya tyaka niya hinalikan sa pisngi ang huwad na lira.

Tyaka siya tumayo at aktong aalis ng tawagin uli siya ng diwani, "yna",

"anak", baling niya uli rito.

"nagkaroon naho ba ng hari ang lireo?", tanung ng diwani sa kanya. "ibig kung sabihin ay nagkaroon naho ba ng reyna ang lireo na may asawang hari?",

Nangunot naman ang noo ni amihan habang nakatingin dito, at tyaka maya maya ay ngumiti uli, "asawa ng isang reyna ang kanyang nasasakupan... ang lireo", sagot niya sa tanung nito at umupo uli sa tabi ng diwani, "pero anak, nagkaroon na ng reyna noon na nagmahal, ng isang prinsepe ng sapiro...",

"naging masaya po ba sila yna?", nakangiting tanung ng diwani.

"oo naman anak ngunit kinailangan din nilang maghiwalay, dahil hindi sila pinayagang ikasal pero sa sandaling panahon ay naging masaya din sila", puno ng sayang saad ni amihan ng dagliang maalala ang pagmamahalan ng kanyang mga magulang.

"ano pong pangalan niya?", tanung ng diwani.

"minea at raquim", sagot ni amihan,

"sina i-la at i-lo?", hindi makapaniwalang saad ng diwani.

"oo anak, at alam mo naman ang nangyari sa kanila Diba, saiyong i-lo raquim", saad ng reyna. Nalungkot naman ang mukha ng diwani, "anak hindi masamang magmahal ngunit kailangan mong I handa ang sarili mo sa kapahamakan na ganito", dagdag paniya.


Ng gabi ding iyon matapos makaalis ni amihan sa silid ng diwani ay noon naman pumasok si pirena nakangiti naito at tila nawala na ang galit na kanina ay ipinakita niya sa anak, "may bumabagabag parin ba saaking pinakamamahal na hadia?", saad niya habang naglalakad papalapit dito tinabihan niya itong umupo sa dulo ng higaan nito.

Ngumiti naman ang diwani ng makitang humupa na ang galit nito sa kanya, "ashti pirena, ako lang naman ho ang iyong pamangkin", saad niya.

Napatawa naman si pirena, "ano't ano man ikaw parin ang aking pinakamamahal", saad niya dito tyaka sumeryoso ang mukha, "narinig ko ang usapan ninyo ni amihan kanina, sino ba ang nagpasok sa iyong isipan tungkol sa pag ibig naiyan?", tanung niya dito.

"may nakilala ho akong Adoyeneva mo-re (manghuhula) ashti, at ayun sa kanya ay ipagpapalit ko ho ang encantadia para sa lalaking hindi ko naman kilala", pagtatapat ng anak dito.

"at sa tingin mo ay ingon nga ang mangyayari?", tanung niya dito na ikinailing ng diwani bilang sagot, "kung ganun ay wala kang dapat ipangamba lira, ikaw mismo ang gumagawa ng sarili mong kapalaran nasaiyo ang kapangyarihan upang gumawa ng kinabukasan na iyong nais", saad pa niya.

Natigilan naman ang diwani tyaka tumayo at tumalikod sa yna habang napapaisip,"papaano kung magkatotoo ang hula, at makilala ko iyong lalaki at ibigin ko siya", nangangambang saad nito.

Napangiti naman si pirena tyaka tumayo rin at bumulong sa tenga nito, "kung ayaw mong mangyari iyon ay alam muna ang gagawin mo, hanapin mo ang lalaking iyon at patayin mo siya", saad niya dito.

Natigilan naman ang diwani at tila nagimbal sa saad ng yna, nanlalaki ang matang napatitig siya dito.